

Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Presentation
•
History
•
8th Grade
•
Hard
Johnnel Cabajar
FREE Resource
20 Slides • 0 Questions
1
Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
By Johnnel Cabajar
2
Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay nag-iwan ng pamana sa sangkatauhan. Sa tingin mo ba ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan ay nakatulong sa kasalukuyan? Alin kaya ang tumatak sa buhay ng tao?
Some text here about the topic of discussion
3
Ito ang ilan lamang sa Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig.
Ang Ziggurat ay isang estruktura na naging sentro ng pamayanan sa Mesopotamia. Dito ginaganap ang pagpaparangal at pagsamba sa diyos o patron ng mga sinaunang tao
Ziggurat
4
Code of Hammurabi Ang Code of Hammurabi ay naglalaman ng 282 na mga batas na pumapaksa sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga sinaunang tao o sinaunang Babylonia.
Code of Hammurabi
5
Ang Cuneiform ay isang sistema ng pagsulat na nilinang ng mga Sumerians na unang nakatira sa Mesopotamia.
Cuneiform
6
Ang Epic of Gilgamesh ay itinuturing na kaunaunahang akdang pampanitikan sa larangang ng literatura sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring Gilgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo BCE na kahalintulad sa kuwento ng The Great Flood ng Bibliya.
Epic of Gilgamesh
7
Iba pang kontribusyon Ang ibang kontribusyon na nakatulong sa mga Sumerian ay ang water clock, paggawa ng unang mapa, sexagesimal system o pagbilang na nakabatay sa 60 at astronomiya.
8
Kabihasnang Indus
Ang sewerage system ay unang naimbento ng mga Dravidian na nakatira sa Mohenjo-Daro na nagtaguyod ng Kabihasnang Indus. Ipinapakita nito ang kakayahan ng mga sinaunang tao sa larangan ng urban city planning kung saan nakaayos na parang nagsasalubong na guhit o grid pattern ang mga kalsada dito.
Sewerage system
9
Ang Arthasastra ay kauna-unahang akda o treatise tungkol sa pamahalaan at ekonomiya. Isinulat ito ni Kautilya, noong ikatlong siglo B.C.E. na siyang tagapayo sa tagapagtatag ng imperyong Maurya na si Chandragupta Maurya.
Arthasastra
10
Ang Ayurveda o “Agham" ay binibigyang diin ang mahalagang kaisipang pangmedisina sa India. Ito ang nagpanatili ng kalusugan at kaligtasan ng mga tao.
Ayurveda o “Agham"
11
Ang Ramayana at Mahabharata ay epikong pamana sa larangan ng panitikan sa India. Ang salaysay ng Mahabharata ay umiikot sa dalawang magkakamag-anak na pamilyang Pandava na kumakatawan sa kasamaan at kaguluhan. Samantala ang Ramayana ay umiikot sa buhay pagibig nina Prinsipe Rama at Prinsesa Sita.
Ramayana at Mahabharata
12
Ilan pa sa mga kontribusyon na tumatak:
Decimal System
Halaga ng pi (3.1416)
Pamantayan ng bigat at sukat
Paggamot at pagbubunot ng ngipin
Pinagmulan ng mga relihiyon (Buddhism, Jainism, Hinduism at Sikhism)
Taj Mahal Kab
Iba Pang Kontribusyon
13
Kabihasnang Tsino
Ang Great Wall of China ay naitayo sa panahon ni Shih Huang Ti ng dinastiyang Qin o Ch’in bilang proteksyon sa pag-atake ng mga kalaban.
14
Ang I Ching at Bing Fa ay isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 B.C.E. Inilalahad sa I Ching ang perspektiba at pamamaraan ng prediksyon sa buhay ng tao ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon. Samantala, ang Bing Fa ay itinuturing na kauna-unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar. Ang dalawang aklat na ito ay ilan sa mga mahalagang ambag ng Tsina sa aspekto ng panitikan at literatura.
15
Ang iba pang tumatak na mga kontribusyon ng Tsina sa daigdig:
Abacus
Chopsticks
Magnetic compass
Seismograph
Star map
Sundial
Water clock
Wheel barrow Kalendaryo Paggamit ng silk o seda Pamaypay at Payong
Iba pang kontribusyon
16
Kabihasnang Egypt
Ang pyramid o piramide ay libingan ng mga Pharaoh na hitik sa mga simbolismong relihiyoso at kapangyarihan ng mga namumuno. Makikita sa piramide ang lahat ng kayamanan, karangyaan, paghahanda sa kabilang buhay, paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan.
17
Ang Hieroglyphics ay isang sistema ng pagsusulat ng mga Egyptian na naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamin o paper scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag na papyrus. Nakaguhit ang isang larawan na sumasagisag ng isang kaisipan, nakasulat sa mga papel, nakaukit sa mga pampublikong gusali at nakapinta sa luwad o kahoy.
Hieroglyphics
18
Ang Mummification ay unang isinagawa ng mga Egyptian kung saan ang katawan ng isang yumao ay isinasailalim sa isang preserbasyon na gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay bago tuluyang ilibing. Pagkatapos pinipintahan, binabalutan ng telang linen, pinapalamutian ng alahas ang isang mummy o embalsamadong bangkay.
Mummification
19
Iba Pang Kontribusyon
Ang iba pang tumatak na mga kontribusyon: Geometry Kalendaryo na may 365 na araw Medisina sa pagsasaayos ng nabaling buto Pagdiriwang na sagrado
Ang iba pang tumatak na mga kontribusyon:
Geometry
Kalendaryo na may 365 na araw
Medisina sa pagsasaayos ng nabaling buto
Pagdiriwang na sagrado
20
TAPOS NA PO
SALAMAT PO SA PAKIKINIG :-)
Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
By Johnnel Cabajar
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 20
SLIDE
Similar Resources on Wayground
18 questions
ILUMINISMO
Presentation
•
8th Grade
17 questions
Pierwiastki - klasa 7
Presentation
•
7th - 8th Grade
18 questions
Kultura i zmiany społeczne w okresie międzywojennym.
Presentation
•
7th Grade
14 questions
UNSUR BASA TEKS ASIL OBSERVASI
Presentation
•
9th Grade
16 questions
Lewis Electron Dot Structure
Presentation
•
9th Grade
14 questions
Second Conditional
Presentation
•
7th Grade
15 questions
Paghahambing
Presentation
•
8th Grade
17 questions
Aulas 146 a 149: Antítese e paradoxo
Presentation
•
8th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Identify Fractions, Mixed Numbers & Improper Fractions
Quiz
•
3rd - 4th Grade
Discover more resources for History
20 questions
Unit 9: Civil War
Quiz
•
8th Grade
21 questions
The Cold War
Quiz
•
8th - 11th Grade
50 questions
50 States and Capitals
Quiz
•
8th Grade
27 questions
4th Quarter Benchmark
Quiz
•
8th Grade
10 questions
Exploring the Byzantine Empire: Key Events and Milestones
Interactive video
•
6th - 10th Grade
20 questions
Civil Rights Movement
Quiz
•
8th Grade
10 questions
Exploring the American Civil War: Key Events and Figures
Interactive video
•
6th - 10th Grade
25 questions
US HISTORY REVIEW
Quiz
•
6th - 8th Grade