
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Presentation
•
Social Studies
•
9th Grade
•
Medium
Cyril Bahian
Used 4+ times
FREE Resource
14 Slides • 21 Questions
1
2
WATAWAT-SURI! 6 Suriin ang larawan at uriin kung anong bansa ang sinasagisag ng mga ito. Hanapin sa loob ng kahon ang uri ng sistemang pang-ekonomiya mayroon ang bawat bansa.
3
Multiple Choice
Anong sistemang pang-ekonomiya ang ginagamit ng bansang U.S.A?
Traditional Economy
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
4
Multiple Choice
Anong sistemang pang-ekonomiya ang ginagamit ng bansang Pilipinas?
TRADITIONAL ECONOMY
MARKET ECONOMY
COMMAND ECONOMY
MIXED ECONOMY
5
Multiple Choice
Anong sistemang pang-ekonomiya ang ginagamit ng bansang CHINA?
TRADITIONAL ECONOMY
MARKET ECONOMY
COMMAND ECONOMY
MIXED ECONOMY
6
Multiple Choice
Anong sistemang pang-ekonomiya ang ginagamit ng bansang HAITI?
TRADITIONAL ECONOMY
MARKET ECONOMY
COMMAND ECONOMY
MIXED ECONOMY
7
Ano ang iyong masasabi sa uri o sistemang pang-ekonomiya ng mga bansang ito?
8
Ang sistemang pang-ekonomiya ay paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang makatugon sa suliraning nakapaloob sa produksiyon, distribusyon, alokasyon ng mga produkto at serbisyo
9
Open Ended
ANO ANG APAT NA MAHAHALAGANG KATANUNGAN NA DAPAT SAGUTIN UPANG MAGAMIT NG WASTO ANG LIMITADONG PINAGKUKUNANG-YAMAN?
10
Ano ang alokasyon?
Ang alokasyon ay ang tamang paggamit at pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman o mekanismo ng paglalaan ng takdang-dami ng pinagkukunang-yaman
11
Open Ended
Mula sa kahulugan ng alokasyon, bakit kailangan takdaan ang paggamit ng pinagkukunang-yaman?
12
Dahilan nito ay:
Isinasagawa ang alokasyon upang hindi humantong sa pagkaubos ang mga limitadong pinagkukunang yaman. Tinutukoy din sa alokasyon kung paano at sino ang mag- bibigay-halaga sa mga pinagkukunang-yaman
13
APAT NA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
TRADITIONAL ECONOMY
Nakabatay sa pangangailangan ng pamayanan ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
Nakaayon sa mga sinaunang pamamaraan at tradisyon ang pruduksiyon.
Para sa mga madla ang ginagawang produkto at serbisyo. Kinakalakal naman ang mga sobrang produkto.
14
2. MARKET ECONOMY
Nakabatay sa kagustuhan ng mga mamimili ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
Mga pribadong tao o pribadong kompanya ang komokontrol ng produksiyon at nasa kamay nila ang paggawa ng mga produkto.
Tinatawag na free enterprise dahil malaya ang lahat na pumasok o lumabas sa negosyong nais niya.
Para sa mga mamimili ang mga produkto at serbisyo.
Presyo ng mamimili at nagbibili ang umiiral sa pamilihan.
15
3. COMMAND ECONOMY
Nakabatay sa kautusan ng pamahalaan ang paggawa ng produkto at serbisyo.
Ang pamahalaan ang magdedesisyon kung paano gagawin ang mga produkto at serbisyo na nakaayon sa pangunahing pangangailangan ng mga tao. Ang nagmamay-ari ng yaman ay ang pamahalaan.
Para sa lahat at sa kaunlaran ng estado ang ginagawang produkto at serbisyo.
16
4. MIXED ECONOMY
Nakabatay sa pamahalaan at pribadong mga nagmamay-ari ang paggawa ng desisyon sa pamilihan.
Maaaring pinagsama ang pamahalaan at pribadong tao para matugunan ang mga pangangailangan sa kasanayan, teknolohiya, at puhunan.
Ang mga produkto at serbisyo ay pagmamay-ari ng pama- halaan at pwede rin ang pribadong tao na magmamay-ari ng yaman.
17
Open Ended
1. Ano ang katangian ng traditional economy? Magbigay ng isa.
18
Open Ended
Paano mo ilalarawan ang market economy?
19
Multiple Choice
Sa command economy, sino ang nagpaplano ng ekonomiya?
KONSYUMER
PRODYUSER
PAMILIHAN
PAMAHALAAN
20
Open Ended
Ano ang mixed economy? Mainam bang gamitin ang mixed economy? Bakit?
21
Multiple Choice
1. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kagustuhan ng mga mamimili ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
A. Command economy
B. Mixed economy
C. Market economy
D. Traditional economy
22
Multiple Choice
2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan?
A. Alokasyon
B. Sistemang Pang-ekonomiya
C. Distribusyon
D. Produksiyon
23
Multiple Choice
3. Sa ilalim ng mixed economy, kaninong desisyon nakasalalay kung anong produkto at serbisyo ang lilikhain?
A. Pamahalaan
B. Konsyumer
C. Prodyuser
D. Pamilihan
24
Multiple Choice
4. Sa loob ng pamilihan, kailangan ng instrumento sa pagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at gaano karami ang malilikhang mga produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing instrumento ng konsyumer at prodyuser?
A. Presyo
B. Produkto
C. Pamilihan
D. Pagpapalitan
25
Multiple Choice
5. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging tradisyunal na ekonomiya?
A. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay kumikilos alinsunod sa kanyang personal na interes.
B. Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso at kababaihang nagtatanim.
C.Ang bawat pamilya ay may kalayaang makabili ng produkto batay sa salapi nito.
D.Ang mga kalalakihan ay maaaring makapamili ng kanilang nais na pasukang trabaho
26
Multiple Choice
6. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang market economy, alin sa sumusunod ang iyong gampanin bilang kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng pamahalaan.
C.Sama-samang ninyong isasagawa ang mga gawain at pakinabang sa pinagkukunang-yaman.
D.Mayroon kayong economic freedom ngunit may control pa rin ang pamahalaan sa iilang gawain.
27
Multiple Choice
7. Ang bawat lipunan ay may sistemang pang-ekonomiya na sinusunod. Bakit mahalagang magkaroon ng sistemang pang-ekonomiya ang isang lipunan?
A. Upang mapakinabangan ng ilang tao ang mga malilikhang kalakal o serbisyo
B. Upang makapamili ng mga bagay na mahalaga lamang sa paglikha ng kalakal at serbisyo.
C. Upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon, distribusyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo.
D. Upang magamit ang iba pang mga pamamaraang panteknolohiya sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo.
28
Multiple Choice
8. Napakaraming desisyon ang nagaganap sa market economy. Paano napapanatili ang kaayusan sa loob nito?
A. Ang iba’t ibang uri ng transaksiyon sa pagitan ng nagtitinda at mamimili, naitatakda ang halaga o presyo ng isang kalakal o serbisyo.
B. Ang presyo ang nagsisilbing pambalanse ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.
C. Mas maraming malilikhang produkto ang konsyumer kung kaaya-aya ang presyo.
D. Pinipili lamang ng mga prodyuser ang mga produktong dinadala nila sa pamilihan.
29
Multiple Choice
9. Bawat sistemang pang-ekonomiya ay may ginagawang pagpapasya sa produksyon. Paano natutukoy ng pamahalaan ang inaasahang produksiyon sa command economy?
A. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiyak ng plano.
B. Tamang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng desentralisadong desisyon o plano.
D. Pagkakaroon ng maayos na pangangasiwa ng mga produkto at serbisyo.
30
Multiple Choice
10. Paano nakatutulong ang sistemang pang-ekonomiya sa pamamahagi ng mga pangangailangan ng bawat mamamayan ng isang bansa?
A. Tinitiyak nito ang prayoridad na mabigyan ang lahat ng tao sa kanilang mga pangangailangan.
B. Tinitiyak nito na magkaroon ng maayos na alokasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
C. Tinitiyak nito na makamit na mga mamamayan ng bansa ang kasaganahan sa buhay.
D. Tinitiyak nito na maipamahagi ang mga pinagkukunang-yaman sa mga tunay na nangangailangan.
31
Open Ended
WALL OF TRAITS! Magtala ng mga katangian ng sistemang pang-ekonomiya gamit ang graphic organizer sa ibaba. I
32
33
34
35
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 35
SLIDE
Similar Resources on Wayground
30 questions
6.9: Napoleon and the French Empire
Presentation
•
9th Grade
34 questions
Consumption and the Responsible Consumer
Presentation
•
9th Grade
34 questions
Europe International Organizations
Presentation
•
9th Grade
27 questions
AP 8 1st Week 3rd Quarter
Presentation
•
8th Grade
26 questions
Unit 1 Vocab Preview- Preamble Week
Presentation
•
8th Grade
29 questions
MATERI HAJI DAN UMROH
Presentation
•
9th Grade
29 questions
John Locke and Montesquieu
Presentation
•
8th Grade
25 questions
Industrial Revolution Intro and Inventions
Presentation
•
9th Grade
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
12 questions
2026 TAP Technology in the Classroom
Presentation
•
Professional Development
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 2 Review
Quiz
•
5th Grade
15 questions
HCS SCI 04 Summer School Review 2
Quiz
•
4th Grade
59 questions
Geometry Unit 3 Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
FAST ELA READING SMAPLE TEST MATERIALS
Passage
•
3rd Grade