Search Header Logo
Mga Isyung Pangkapaligiran

Mga Isyung Pangkapaligiran

Assessment

Presentation

Social Studies

10th Grade

Hard

Created by

Cyril Bahian

FREE Resource

41 Slides • 38 Questions

1

Mga Isyung Pangkapaligiran

media

2

Suliranin sa Solid Waste

3

media

SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

media

4

Ano ang solid waste o solidong basura?​

​​

5

Solid Waste -basura na nanggagaling sa mga kabahayan at komersyal na establisyemento, mga hindi mapanganib na basurang institusyonal at industriyal, mga basura na galing sa lansangan at konstruksyon, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura, at iba pang basurang hindi nakalalason (Solid Waste Management Act of 2000).

6

Open Ended

SAAN NAGMUMULA ANG MGA BASURA?

MAGBIGAY NG MGA HALIMBAWA NG BASURA.

7

E- WASTE O ELECTRONIC WASTE

media

8

​"mga produktong elektroniko na tinapon ng mga mamimili."

9

Open Ended

ANO ANG ELECTRONIC WASTE O E-WASTE?

10

​Sanhi ng pagkakaroon natin ng problema sa BASURA:

1. kawalan ng disiplina ng marami na itapon nang maayos ang kanilang basura

11

Open Ended

Bakit naging sanhi ang kawalan ng disiplina ng mga tao ang di-tamang pagtatapon nang maayos ang kanilang basura? Papaano ba nila itinatapon ang kanilang basura?

12

​2. Kawalan ng mahusay na pamamaraan sa koleksyon ng basura at ang kakulangan ng mga dumpsites

Subject | Subject

13

Open Ended

Bakit naging sanhi sa problema sa basura ang kawalan ng mahusay na pamamaraan sa koleksyon ng basura at ang kakulangan ng mga dumpsites?

14

  1. NAGKAKASAKIT ANG MGA TAO LALO NA ANG MGA TAO MALAPIT SA DUMPSITE.

EPEKTO:

​2. NAKONTAMINA ANG PAGKUKUNAN NG TUBIG DAHIL SA LEACHATE O KATAS NG BASURA

​3. Nagdudulot din ito ng polusyon sa hangin

​4. Naging dahilan ng pagbara ng mga daluyan ng tubig na siyang nagpapalala sa mga pagbaha.

15

EPEKTO:

5. Nagkakaroon din ng polusyon sa tubig na naging dahilan ng pagkalason at pagkamatay ng mga isda at ibang buhay-dagat.

​6. Nakababahala ang mga kaso ng mga hayop sa lupa at dagat na namamatay dahil sa mga nakakain nilang mga microplastics.

​7. Ang pagsusunog ng basura ay nakadadagdag din sa problema sa global warming o ang pagtaas ng temperatura ng mundo.

16

Leachate - katas ng basura na mapanganib sa kalusugan

media

17

Pagtugon sa Suliranin sa Solid Waste

RA 9003, 2015) - nagsasaad ng mga alintuntunin sa wastong pamamahala ng basura, pagpapalaganap ng tamang kaalaman sa wastong paggamit ng likasyaman at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang agad lamang tinatapon

  • pagtatatag ng MRF ( Materials Recovery Facility)​

18

​Katuwang din ng pamahalaan ang mga Non-Government Organization (NGO) sa pagharap sa suliranin sa solid waste.

Halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod:

19

media

​Mother Earth Foundation - Isang non-profit organization na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura na nagsusulong ng zero waste sa pamamagitan ng pagbabawas at wastong pamamahala ng basura

20

​Bantay Kalikasan - Itinataguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang matamo ang likas-kayang pag-unlad​

media
media

21

Greenpeace Philippines - Tumutulong upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa balanse at malusog na kapaligiran.

media

22

Multiple Choice

Itinataguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang matamo ang likas-kayang pag-unlad​.

1

MOTHER EARTH FOUNDATION

2

BANTAY KALIKASAN

3

GREENPEACE PHILIPPINES

4

MATERIALS RECOVERY FACILITY

23

Multiple Choice

Tumutulong upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa balanse at malusog na kapaligiran.

1

MOTHER EARTH FOUNDATION

2

BANTAY KALIKASAN

3

GREENPEACE PHILIPPINES

4

MATERIALS RECOVERY FACILITY

24

Multiple Choice

Isang non-profit organization na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura na nagsusulong ng zero waste sa pamamagitan ng pagbabawas at wastong pamamahala ng basura.

1

MATERIALS RECOVERY FACILITY

2

BANTAY KALIKASAN

3

GREENPEACE PHILIPPINES

4

MOTHER EARTH FOUNDATION

25

Multiple Choice

Ang pinaglalagakan ng mga nabubulok na basura para magawang compost o pataba at mga basurang recyclable o magagamit pa.

1

MOTHER EARTH FOUNDATION

2

GREENPEACE PHILIPPINES

3

BANTAY KALIKASAN

4

MATERIALS RECOVERY FACILITY

26

Open Ended

Question image

Gawain 3 – Larawan-Suri

Pangprosesong tanong:

1. Ano ang mga nakikita mo sa larawan?

2. Ano kaya ang sanhi ng kaganapang ito?

3. Saan nanggagaling ang mga basurang ito?

4. Ano ano ang mga idudulot nito kung ito ay magpapatuloy? 5. Paano ka makatutulong sa paglutas ng problemang ito?

27

Fill in the Blank

Type answer...

28

Fill in the Blank

Type answer...

29

Fill in the Blank

Type answer...

30

Fill in the Blank

Type answer...

31

Fill in the Blank

Type answer...

32

Fill in the Blank

Type answer...

33

Fill in the Blank

Type answer...

34

Pagkasira ng Likas na Yaman

media

35

​LIKAS NA YAMAN - KALIKASAN

URI:

  1. YAMANG TUBIG

  2. YAMANG LUPA

  3. YAMANG MINERAL​

  4. YAMANG GUBAT​

36

KAHALAGAHAN:

  1. maraming mamamayan ang umaasa rito para sa kanilang pangangailangan

  2. ​nanggagaling ang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa produksyon at mga produktong iniluluwas sa ibang bansa

37

Pagkasira ng Likas na Yaman

1. Deforestation - walang habas na pamumutol ng mga puno na nagreresulta sa pagkakalbo ng mga kagubatan

SANHI: land conversion o ang pagpapalit-gamit sa lupa, ilegal na pagtotroso, pagmimina, pagkakaingin, forest fire, fuel wood harvesting at ang mabilis na paglaki ng populasyon

38

Open Ended

Bakit patuloy na nakakalbo ang kagubatan?

39

Open Ended

BAKIT ISINASAGAWA ANG LAND CONVERSION?

40

​PINAGGAGAMITAN NG LUPA

*sakahan, plantasyon at pastulan ng mga hayop ang mga nahahawang kagubatan o di kaya’y pinagtayuan ng mga bahay, dam o daan.

41

​epekto:

​*pagkawala ng ilang species ng flora at fauna, pagbaha, pagguho ng lupa, at nakadagdag sa problema sa global warming

42

2. Polusyon sa Tubig

SANHI:

  • dumi ng tao, maruruming tubig na may halong kemikal mula sa mga kabahayan, pabrika, sakahan at plantasyon, minahan at sa mga landfills o dumpsites

  • tagas ng langis at ibang kemikal at at ang direktang pagtatapon ng maruming tubig mula sa mga barko

  • mga basurang plastik

43

​facts:

Idagdag pa rito ang mga basurang plastik na napupunta sa ating mga dagat. Noong 2015, ang Pilipinas ay pumapangatlo sa buong mundo (kasama ang Indonesia at China) sa may pinakamaraming basurang plastik sa mga dagat (Ramos, 2020). Sa 2020 Brand Audit Report ng bansa, lumalabas na sa 38,580 basurang plastik kada araw, 46% nito ay mula sa tatlong mga kompanya ng Universal Robina Corporation, Nestle, at Colgate-Philippines (Greenpeace Phils, 2021). Ang malala pa, sa 38,580, 91% nito ay mga sachet na hindi pwedeng i-recyle at karamihan ay makikitang palutang lutang sa dagat.

44

EPEKTO:

  1. Hirap sa pagkuha ng malinis na suplay ng inuming tubig

  2. Pagkakasakit dahil sa pag-inom at paggamit sa mga kontaminadong tubig na maaaring ikamatay kung hindi agad maagapan.

  3. Nagiging sanhi rin ng pagkamatay ng mga hayop, isda at ibang marine life ang mga nakakaing microplastics at kontaminadong tubig.

45

​3. Pagmimina - pagkuha ng mineral deposits sa lupa at sa ilalim ng lupa

Nangangasiwa:

  1. Department of Environment and Natural Resources (DENR)

  2. Mines and Geosciences Bureau (MGB)

  3. Environmental Management Bureau (EMB)

46

Open Ended

Ano ang pagmimina? Bakit ito isinasagawa?

47

​DAHILAN:

  1. Maraming buhay ang umaasenso

  2. Napundohan ang ilang ​programa ng pamahalaan dahil sa napakalaking buwis na nakokolekta

​EPEKTO:

  1. Panganib sa buhay ng mga minero

  2. ​Paggamit nila ng nakalalasong kemikal na cyanide at mercury ay nagdudulot ng polusyon sa lupa at sa tubig na nagiging sanhi ng sakit o pagkamatay ng mga tao, hayop, isda at ibang buhay-dagat.

  3. Naging sanhi rin ito ng deforestation, pagguho ng lupa at pagkasira ng eco-system na nakapaligid sa minahan (Belonio, n.d.)

48

​4. Climate Change - pagbabago sa pattern ng klima o sa karaniwang kondisyon nito tulad ng temperatura, presipitasyon at hangin sa isang malawak na rehiyon sa loob ng napakahabang panahon nang dahil sa aktibdad ng mga tao (Climate Change: Meaning,2020).

49

​SANHI:

  1. usok mula sa mga pabrika, sasakyan, forest fire, agrikultura, pagkakaingin at pagsusunog ng basura.

  2. walang tigil na pamumutol sa mga puno

50

​EPEKTO:

  1. ​nagiging matindi ang mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, pagguho ng lupa, forest fires, tagtuyot, at heat wave o sobrang init ng panahon

  2. Pinangangambahan din na malulubog sa tubig ang ilang mabababang lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga yelo sa mga kabundukan, sa Arctic at Antarctica.

  3. ​Nagkakaroon din ng pagkalat ng iba’t ibang nakamamatay na sakit dulot ng polusyon sa tubig at hangin, dengue at malaria mula sa mga lamok, leptospirosis na mula sa ihi ng mga nahawahan na hayop o nahalo sa tubig-baha.

51

  1. Apektado rin ang produksyon ng agrikultura dahil sa pagbabago ng klima.

  2. Ang mga isda at marine life ay apektado rin dahil sa pagtaas ng temperatura sa mga karagatan. Dahil dito nagkakaroon tayo ng problema sa food security.​

52

53

Republic Act 6969 (Toxic Substances, Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990)

Idineklara ang ilang pook bilang national park kung saan ipinagbawal dito ang panghuhuli ng hayop, pagtotroso, at iba pang komersyal na gawain ng tao.

Republic Act 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992)

Layunin nito ang ayusin at ipagbawal ang pag-import, pagbenta, paggawa, paggamit ng mga kemikal na mapanganib sa kalusugan ng mga mamamayan kasama ang pagpasok sa bansa ng mga hazardous at nuclear waste.

54

Republic Act 7942 (Philippine Mining Act of 1995)

Para makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito at upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.

​Republic Act 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999)

​Itinataguyod nito ang pagtugon sa suliranin sa polusyon sa hangin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan at mga industriya.

55

Republic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act Of 2000

Magkaroon ng isang maayos, komprehensibo at tamang pamamahala sa basura para masiguro ang pangangalaga sa publikong kalusugan at sa kapaligiran

Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001)

Binibigyang proteksyon ng batas na ito ang pangangalaga sa mga wildlife resources at sa kanilang tirahan upang mapanatili ang timbang na kalagayang ekolohikal ng bansa.

56

Republic Act 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004)

Layunin nitong protektahan ang mga katubigan ng bansa sa polusyong dala ng solid waste

Republic Act 9729 (Climate Change Act of 2009)

Layunin nito na isama ang disaster risk reduction measures sa climate change adaptation plans at poverty reduction programs

57

E.O. No. 23

Ipinag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III noong 2011 ang implementasyon ng National Greening Program bilang pangunahing estratehiya ng pamahalaan sa reforestation.

E.O. No. 193

Expanded National Greening Program, nilagdaan ni Pres. Benigno Aquino noong 2015 para ipagpatuloy ang rehabilitasyon sa mga nalalabing kalbong kagubatan mula 2016-2028

58

Maliban sa mga batas na ito, bilang mga indibidwal, marami tayong magagawa upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.

Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Ugaliin ang segregasyon ng ating mga basura

  • Mag-recycle, mag-reuse at mag-reduce ng ating mga basura

  • Kung maaari, iwasan ang pagbili ng mga produkto na gumagamit ng single

-used plastics

  • Ugaliin ang paggamit ng mga eco-bag sa pamimili

  • Ugaliin ang paglilinis sa paligid at magtanim ng mga puno at halaman

  • Makiisa at tumulong sa mga community clean-up drive

  • Huwag mag-aksaya, gamitin nang maayos ang ating mga likas na yaman

59

Gawain 3 – Larawan Ko, Kilalanin Mo! Panuto:

Alamin kung anong gawain o isyu ang ipinapakita sa larawan. Sa ikalawa at ikatlong kolum, isulat ang dahilan at epekto nito sa tao at sa kapaligiran/kalikasan.

60

Open Ended

Question image

Anong gawain o isyu ang ipinakita sa larawan? Ilahad ang dahilan at epekto nito.

61

Open Ended

Question image

Anong gawain o isyu ang ipinakita sa larawan? Ilahad ang dahilan at epekto nito.

62

Open Ended

Question image

Anong gawain o isyu ang ipinakita sa larawan? Ilahad ang dahilan at epekto nito.

63

Open Ended

Question image

Anong gawain o isyu ang ipinakita sa larawan? Ilahad ang dahilan at epekto nito.

64

Open Ended

Question image

Anong gawain o isyu ang ipinakita sa larawan? Ilahad ang dahilan at epekto nito.

65

Gawain 5 – Apektado Ka Ba? Isulat sa graphic organizer ang mga epekto ng climate change at sagutan ang kasunod na mga tanong.

66

Open Ended

ANO ANG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA

A. KALUSUGAN

B. KAPALIGIRAN

C. EKONOMIYA ?

67

Open Ended

1. Ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga yamang-likas ng bansa?

68

Open Ended

2. Bakit tayo nagkakaroon ng mga isyu o suliranin sa ating kapaligiran/kalikasan?

69

Open Ended

3. Sapat ba ang mga pagtugon ng ginagawa ng ating pamahalaan? Bigyang katwiran ang iyong sagot?

70

Multiple Choice

1. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status Report noong 2015.

1

A. Solid waste

2

B. Nuclear waste

3

C. Toxic waste

4

D. Electronic waste

71

Multiple Choice

2. Alin sa mga ito ang pinakamalalang problemang nararanasan ng ating yamang gubat?

1

A. Deforestation

2

B. Pagkakaingin

3

C. Ilegal na pagmimina

4

D. Pagkawala ng wildlife

72

Multiple Choice

3. Ang mga ito ay mga dahilan ng deforestation MALIBAN sa isa

1

A. Pagkakaingin

2

B. Illegal logging

3

C. IIlegal na pagmimina

4

D. Pagsusunog ng basura

73

Multiple Choice

4. Alin sa mga ito ang kasalukuyang kalagayan ng ating mga kagubatan?

1

A. Mabilis na pagliit ng ating forest cover

2

B. Pagkasira ng mga matatabang lupa nito

3

C. Pagyabong muli ng marami nating kagubatan

4

D. Pagliit ng bilang ng mga napuputol na mga puno

74

Multiple Choice

5. Alin sa sumusunod ang HINDI manipestasyon sa patuloy na pag-aabuso at pagpapabaya sa kalikasan?

1

A. Bagyo

2

B. Digmaan

3

C. Pagguho ng lupa

4

D. Malawakang Pagbabaha

75

Multiple Choice

6. Alin sa mga pahayag na ito ang tama?

1

A. Mayroon pa ring nabubuhay na mga isda sa mga ilog na “biologically dead”.

2

B. Ang mga basura sa katubigan ay mapanganib lamang para sa mga flora at fauna.

3

C. Ang mga sachet at lalagyan ng mga produktong retail ay hindi panganib sa ating kalikasan.

4

D. Nakasisira sa kagandahan at kalinisan ng ating mga katubigan ang mga basurang matatagpuan rito.

76

Multiple Choice

7. Aling pahayag ang nagpapakita ng mabuting epekto ng pagmimina sa bansa?

1

A. Naapektuhan ang produksyon ng agrikultura dahil sa pagkalason ng mga sakahan.

2

B. Kumikita ng maraming dolyares ang pamahalaan mula sa industriya ng pagmimina.

3

C. Maraming mga hayop ang nagambala at lumikas sa ibang lugar dahil sa pagkasira ng kanilang tahanan.

4

D. Ang mga kemikal na ginagamit rito ay nagiging dahilan ng kontaminasyon ng tubig na nagdudulot ng sakit at kamatayan.

77

Multiple Choice

8. Alin sa mga ito ang hindi epekto ng climate change?

1

A. Paglaganap ng sakit

2

B. Pagtaas ng tubig dagat

3

C. Pagsusunog ng uling at langis

4

D. Kakulangan ng pagkain at tubig

78

Multiple Choice

9. Ang pag-init ng temperatura ng daigdig ay nagiging dahilan ng pagkatunaw ng mga yelo sa polar regions. Ano ang naging direktang epekto nito sa ating kalikasan?

1

A. Tataas ang lebel ng tubig dagat

2

B. Magreresulta sa coral bleaching

3

C. Mamamatay ang mga yamang-dagat

4

D. Pagkalat ng mga nakakahawang sakit

79

Multiple Choice

10. Bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya, ano ang isang simpleng bagay na inyong magagawa na makatutulong nang malaki sa problema sa climate change?

1

A. Gumamit ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya.

2

B. Hindi gagamit ng mga sasakyang bumubuga ng maiitim na usok.

3

C. Mag-segregate ng mga basura at itapon sa mga maaayos na lalagyan

4

D. Iwasang magtrabaho sa mga pabrika na nagdudulot ng polusyon sa tubig at hangin.

Mga Isyung Pangkapaligiran

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 79

SLIDE