

KONTRIBUSYON NG SINAUNANG KABIHASNAN
Presentation
•
Social Studies
•
1st Grade
•
Hard
Riza Posadas
FREE Resource
28 Slides • 0 Questions
1
Modyul 6
Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
2
Pamantayan sa Pagkatuto
Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. MELC 6, Q1 Week 8/AP8HSK-Ij-10
3
1. Anong mahalagang estruktura ang nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan dito idinadaos ang pagsamba sa kanilang diyos?
A. Templo ni Babel
B. Templo ni Hammurabi
C. Templong Ziggurat
D. Templo ng mega Paraon
4
2. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Kodigo ni Moses
B. Kodigo ni Hammurabi
C. Kodigo ni Kalantiyaw
D. Kodigo ng mga Paraon
5
3. Ano ang gamit ng cuneiform na unang naimbento ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Umunlad ang sistema ng kanilang kalakalan sa mga karatig pook.
B. Natutunan rito ang paggawa ng kauna-unahang mapa sa buong daigdig.
C. Ito ang nagsilbing paraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pagsusulat.
D. Natutunan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia ang pagsunod sa batas.
6
4. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system at iba pang uri ng estruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
A. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura
B. Ang lungsod ay itinayo ng isang may kapangyarihang nilalang C. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning
D. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang
7
5. Ang tanyag na Taj Mahal ay naging pamana ng alin sa mga nabanggit na kabihasnan?
A. Egypt
B. Indus
C. Mesopotamia
D. Tsino
8
Ang Ziggurat ay isang estruktura na naging sentro ng pamayanan sa Mesopotamia. Dito ginaganap ang pagpaparangal at pagsamba sa diyos o patron ng mga sinaunang tao.
9
Ang Code of Hammurabi ay naglalaman ng 282 na mga batas na pumapaksa sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga sinaunang tao o sinaunang Babylonia.
10
Ang Cuneiform ay isang sistema ng pagsulat na nilinang ng mga Sumerians na unang nakatira sa Mesopotamia.
11
Ang Epic of Gilgamesh ay itinuturing na kaunaunahang akdang pampanitikan sa larangang ng literatura sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring Gilgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo BCE na kahalintulad sa kuwento ng The Great Flood ng Bibliya.
12
Iba pang kontribusyon Ang ibang kontribusyon na nakatulong sa mga Sumerian ay ang water clock, paggawa ng unang mapa, sexagesimal system o pagbilang na nakabatay sa 60 at astronomiya.
13
KABIHASNANG INDUS
Sewerage System Ang sewerage system ay unang naimbento ng mga Dravidian na nakatira sa Mohenjo-Daro na nagtaguyod ng Kabihasnang Indus. Ipinapakita nito ang kakayahan ng mga sinaunang tao sa larangan ng urban city planning kung saan nakaayos na parang nagsasalubong na guhit o grid pattern ang mga kalsada dito.
14
Ang Arthasastra ay kauna-unahang akda o treatise tungkol sa pamahalaan at ekonomiya. Isinulat ito ni Kautilya, noong ikatlong siglo B.C.E. na siyang tagapayo sa tagapagtatag ng imperyong Maurya na si Chandragupta Maurya.
15
Ang Ramayana at Mahabharata ay epikong pamana sa larangan ng panitikan sa India. Ang salaysay ng Mahabharata ay umiikot sa dalawang magkakamag-anak na pamilyang Pandava na kumakatawan sa kasamaan at kaguluhan. Samantala ang Ramayana ay umiikot sa buhay pagibig nina Prinsipe Rama at Prinsesa Sita.
16
Iba Pang Kontribusyon Ilan pa sa mga kontribusyon na tumatak:
Decimal System Halaga ng pi (3.1416)
Pamantayan ng bigat at sukat
Paggamot at pagbubunot ng ngipin
Pinagmulan ng mga relihiyon (Buddhism, Jainism, Hinduism at Sikhism)
Taj Maha
17
KABIHASNANG TSINO
Ang Great Wall of China ay naitayo sa panahon ni Shih Huang Ti ng dinastiyang Qin o Ch’in bilang proteksyon sa pag-atake ng mga kalaban.
18
Ang I Ching at Bing Fa ay isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 B.C.E. Inilalahad sa I Ching ang perspektiba at pamamaraan ng prediksyon sa buhay ng tao ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon. Samantala, ang Bing Fa ay itinuturing na kauna-unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar. Ang dalawang aklat na ito ay ilan sa mga mahalagang ambag ng Tsina sa aspekto ng panitikan at literatura.
19
Nagmula sa China ang Feng Shui o geomancy. Nakapaloob dito ang paniniwala ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa buhay.
Yin – malambot at kalmado sumisimbolo sa kababaihan.
Yang – matigas at masigla sumisimbolo sa kalalakihan.
20
Iba pang kontribusyon Ang iba pang tumatak na mga kontribusyon ng Tsina sa daigdig:
Abacus
Chopsticks
Magnetic compass
Seismograph
Star map
Sundial
Water clock
Wheel barrow Kalendaryo Paggamit ng silk o seda Pamaypay at Payong
21
KABIHASNANG EGYPT
Ang pyramid o piramide ay libingan ng mga Pharaoh na hitik sa mga simbolismong relihiyoso at kapangyarihan ng mga namumuno. Makikita sa piramide ang lahat ng kayamanan, karangyaan, paghahanda sa kabilang buhay, paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan.
22
Ang Mummification ay unang isinagawa ng mga Egyptian kung saan ang katawan ng isang yumao ay isinasailalim sa isang preserbasyon na gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay bago tuluyang ilibing. Pagkatapos pinipintahan, binabalutan ng telang linen, pinapalamutian ng alahas ang isang mummy o embalsamadong bangkay.
23
Ang Hieroglyphics ay isang sistema ng pagsusulat ng mga Egyptian na naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamin o paper scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag na papyrus. Nakaguhit ang isang larawan na sumasagisag ng isang kaisipan, nakasulat sa mga papel, nakaukit sa mga pampublikong gusali at nakapinta sa luwad o kahoy.
24
Iba Pang Kontribusyon Ang iba pang tumatak na mga kontribusyon:
Geometry
Kalendaryo na may 365 na araw
Medisina sa pagsasaayos ng nabaling buto
Pagdiriwang na sagrado
25
Gawain: Maglista ka! Batay sa talaan ng mga iba pang kontribusyon ng sinaunang kabihasnan, magbigay ng limang (5) bagay na ginagamit ng tao sa kasalukuyang anahon. Isulat sa sagutang papel.
______________
_____________
___________
_____________
____________
26
Gawain: Kwento-Kwenta! Pumili ng isang kabihasnan. Kailangan nakapokus ang iyong atensiyon sa iba pang kontribusyon ng sinaunang kabihasnan. Gamit ang mga paunang salita gumawa ng isang kuwento sa kahalagahan ng mga bagay nito na naging pamana sa daigdig. Isang araw ________________________________________________________ Nang biglang ______________________________________________________ Mabuti na lang _____________________________________________________ Dahil d’yan ________________________________________________________ Mula noon ________________________________________________________ at diyan nagtatapos ang ating kuwento.
27
Isagawa
Itala sa ibaba ang mga pamanang natanggap ng inyong pamilya mula sa inyong mga ninuno o mula sa mga sinaunang henerasyon. Halimbawa mga bagay, kaugalian, tradisyon, alahas, lupa, bahay o kahit anuman ang inyong maiisip. Isulat ang hinihingi sa sagutang papel.
28
1. Saang mga pook sumibol ang kabihasnang Indus?
A. Mohenjo-Daro at India
B. Mohenjo-Daro at Harappa
C. India at Harappa
D. Indiana at Harappa
Modyul 6
Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 28
SLIDE
Similar Resources on Wayground
20 questions
Estequiometria. Conceptualización
Presentation
•
1st Grade
17 questions
Toys - Unit 2
Presentation
•
1st Grade
19 questions
Dzień Ziemi
Presentation
•
KG
23 questions
szyfrowanie Cezar
Presentation
•
KG
21 questions
j. niemiecki - meble/przyimki/pomieszczenia
Presentation
•
1st Grade
20 questions
Compuestos binarios
Presentation
•
1st Grade
22 questions
DESAFIO FILOSÓFICO: POLÍTICA
Presentation
•
2nd Grade
20 questions
Biernik l.mn
Presentation
•
1st Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Fire Safety Quiz
Quiz
•
12th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
36 questions
6th Grade Math STAAR Review
Quiz
•
6th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
12 questions
What makes Nebraska's government unique?
Quiz
•
4th - 5th Grade
Discover more resources for Social Studies
5 questions
Community Services/ Roles
Quiz
•
1st - 5th Grade
10 questions
Seasons SOL 1.7: Spring
Quiz
•
1st Grade
15 questions
goods and services
Quiz
•
1st Grade
24 questions
VS 9: 20th Century and Beyond
Quiz
•
1st - 5th Grade
16 questions
VS 8 Reconstruction Review
Quiz
•
1st - 5th Grade
15 questions
Supply & Demand
Quiz
•
1st - 3rd Grade
8 questions
spending and saving
Quiz
•
1st Grade