
Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon sa Implasyon
Presentation
•
Professional Development
•
Professional Development
•
Easy
Regina Ramos
Used 10+ times
FREE Resource
26 Slides • 5 Questions
1
Aralin 3
Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon sa Implasyon
2
Balik-aral:
• Sa Pagsukat ng Pambansang Kita ay napag-aralan ang mga paraan ng pagsukat sa Gross National Income (GNI).
• Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita upang mabuo
ang mga paraaan sa pagsukat ng Gross
National Income (GNI).
3
Open Ended
Paraan ng Pagsukat sa Pambasang Kita
1. X P E N E D U T I E R P P A R O H A C
4
Open Ended
Paraan ng Pagsukat sa Pambasang Kita
2. N I S U D L A I R T R I O N I G A P R P O A C H
5
Open Ended
Paraan ng Pagsukat sa Pambasang Kita
3. E M N O C I A R P P O C H A
6
Open Ended
1. Anu-ano ang mga paraan sa pagsukat ng Gross National Income (GNI)?
7
Open Ended
2. akit mahalagang masukat ang pambansang kita?
8
Balik-aral:
• Ang ekonomic performance ay tumutukoy sa
pangkalahatang kalagayan ng mga gawaing
pang-ekonomiya ng bansa.
• Nasusukat ito gamit ang GNP at GDP.
• Magandang makita na papataas ang GNP at
GDP. Ibig sabihin nito, tumataas ang
produksyon ng bansa. Dumarami ang
kumikita sa ekonomiya.
9
Panimula:
• Ibigay ang kasalukuyang presyo ng mga sumusunod na
kalakal at serbisyo:
Kalakal
Presyo
Pamasahe sa Jeep (Minimum)
Pepsi (8 oz.)
Bayad sa Sine
Isang Kilong Bigas
10
Sandaling Isipin:
• Ganito rin kaya ang
presyo nito sa nagdaang 5
taon?
• Ganito parin kaya ng
presyo nito makalipas ang
5 taon?
• Bakit kaya nagbabago ang
presyo ng mga bilihin?
11
Ano ang pinapahiwatig ng larawan sa ibaba?
12
Ano ang Implasyon (Inflation)?
• Ito ang pagkalahatang pagtaas ng presyo ng isang kalakal o serbisyo.
• Tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of
goods.
• Ito ay may negatibong epekto sa PPP (peso purchasing power ) o ang
kakayahan ng piso na bumili ng kalakal.
13
Ano ang pinapahiwatig ng larawan sa ibaba?
14
Ano ang Deplasyon at Hyperinflation?
• Deplasyon ang tawag kung may pagbaba sa halaga ng presyo ng mga bilihin
• Hyperinflation ay ang patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo ang presyo ng mga bilihin.
15
Mga Konsepto sa Implasyon
Boom- mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalan trabaho at may maayos na antas ng pamumuhay.
Depression- kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang antas ng ekonomiya kung saan mataas ang antas ng kawalang trabaho sa loob ng isang taon.
Slump- kasabay ng pagbagal ng ekonomiya ay may pagbaba sa mga presyo ng mga bilihin.
Recession- pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng ilang buwan.
Stagflation- may paghinto ng ekonomiya kasabay ng implasyon.
Reflation- ekonomiyang may bahagyang implasyon.
Disimplasyon- proseso ng pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin.
Inflationary gap- ang pangkalahatang demand ay higit na mas malaki kaysa sa suplay.
Phillip’s Curve- Ayon kay A.W Phillips, mayroong trade-off, ito ang pagitan ng kawalan ng trabaho at implasyon.
16
Mga Uri ng Inflation
• Stag inflation – ang mabagal na pagtaas ng
presyo ng mga bilihin.
• Galloping Inflation – ang pabago-bagong
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
• Hyper inflation – pagkakaroon ng lubhang
pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
17
Mga dahilan ng Implasyon (Inflation)
• Demand-Pull Inflation. Nagaganap ito kapag nagkakaroon ng paglaki sa pagkonsumo ng isang kalakal ngunit walang katumbas na paglaki sa produksyon.
• Cost-Push Inflation. Nagaganap ito kapag lumalaki ang gastos sa produksyon ngunit walang paglaki sa kabuuang suplay.
• Import-induced Inflation- kapag ang produksiyon ay nakadepende sa mga imported na produkto at nagkaroon sa pagtaas sa mga presyo nito,tumataas ang bilihin na magiging sanhi ng implasyon.
18
Mga dahilan ng Implasyon (Inflation)
• Profit-Push Inflation- Dahil sa mga negosyanteng ang ibig ay malaking kita, itinatago ang mga produkto na nagiging sanhi ng kakulangan at nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
• Currency Inflation- ang pagdami ng suplay ng salapi ay nagdudulot ng paggastos ng malaking halaga upang makabili sa kakaunting produkto.
• Petrodollars Inflation-Ang labis na pagtaas ng petrolyo ay nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
19
20
Epekto ng Inflation sa
Ekonomiya
21
•
Ano ang pinapahiwatig ng larawan sa ibaba?
•
Sino-sino ang mas naaapektuhan ng inflation?
22
Epekto ng Inflation
23
Epekto ng Inflation
24
Basahin at unawain ang balita at sagutan ang mga hinihingi sa kahon. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa iyo upang mas maunawaan ang ating aralin.
Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin
By dzmm.com.ph | 09:37 PM 06/18/2014
Kasunod ng pagtaas ng pamasahe sa jeepney, sunod-sunod na rin ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Bukod sa una nang napabalitang pagtaas ng presyo ng bawang, luya, bigas at asukal, tumaas na rin ang presyo ng manok at baboy habang nagbabadya naman ang pagtaas ng ilang brand ng gatas at produktong de lata. Dahil dito, nagpulong ngayong Miyerkules ang National Price Coordinating Council (NPCC) para talakayin ang sunod-sunod na pagtaas na ito ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa kaso ng bawang, sinabi ni NPCC Chairman at Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa panayam ng DZMM na nagkaroon lang ng temporary shortage. Aniya, 30% lang ng suplay ng bawang ang nagmumula sa lokal na supplier habang ang nalalabing 70% ay nagmumula na sa importasyon. Naipit lang aniya ang ibang suplay sa mga port at inaasahang babalik na sa normal ang presyo sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan. Matatandaang naglunsad na rin ng caravan ang gobyerno na nagbebenta ng mga murang bawang. Sa pagtaas naman ng commercial na bigas, tutugunan ito ng National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ng pagdodoble ng inilalabas nilang bulto ng bigas. Sa kaso naman ng pagtaas ng presyo ng manok, ipinaliwanag ng broiler groups na bumagal ang paglaki ng mga manok dahil sa labis na init na panahon na naranasan nitong mga nakalipas na buwan. Tiniyak naman ng mga ito na babalik din sa normal ang presyo sa mga susunod na linggo. Pinayagan naman ng DTI ang pagtaas ng presyo ng gatas dahil sa pagtaas ng world price nito. May hiling na rin para naman itaas ang presyo ng de lata at bagama’t hindi pa ito inaaprubahan, sinabi ni Domingo na karaniwan naman nilang pinapayagan ang pagtaas basta’t malapit sa antas ng inflation. “Kailangan talaga every year may ine-expect ka na pag-akyat kahit konti,” sabi pa ng kalihim. With a report from Alvin Elchico, ABS-CBN News
25
Pagsukat sa Pagbabago ng Presyo
Purchasing Power of Peso- Ito ang ginagamit upang masukat ang tunay na halaga ng piso sa kasalukuyang taon kumpara sa basehang taon.
Pormula: PPP = ________________
CPI kasalukuyang taon
Price Index- Ito ang average na presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo na ikukumpara sa isang batayang taon.
Pormula: CPI= (Kabuuang presyo ng kasalukuyang taon)
(Kabuuang presyo ng basehang taon)
x 100
1
x 100
26
Inflation Rate
• Tumutukoy sa antas ng pagbabago sa
presyo ng mga bilihin.
whereas:
P2 = bagong presyo
P1 = lumang presyo
Inflation Rate =
P2−P1
P1
x 100
27
Break Muna!
• Kung ang presyo ng galunggong noong taong 2000
ay 50/kilo, gaano kalaki ang itinaas nito kung ang
kasalukuyang presyo ay 110/kilo?
Inflation Rate =
110−50
50
= 𝟏𝟐𝟎%
x 100
28
Isaisip:
•Ang inflation ay ang pagkalahatang
pagtaas ng presyo ng isang kalakal o
serbisyo. Ito ay may negatibong epekto
sa peso purchasing power; o ang
kakayahan ng pera na bumili ng kalakal.
•Mahalaga sa bawat tao ang magkaroon
ng pagkaunawa sa konsepto, dahilan,
epekto at tamang pagtugon sa tuwing
may implasyon upang ang bawat kilos at
desisyon ay hindi makadagdag sa mga
suliraning maaaring kaharapin sa
panahon ng may mataas na antas ng
implasyon.
29
• Anu-anong mga suliranin ng ekonomiya
ang maaring maganap kapag patuloy
ang inflation?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPY AND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number
ng magulang o guardian.
30
References:
• Balitao B.R. (2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan –
Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of
Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Camisa E. M. et. al. (2020) Araling Panlipunan Ikatlong
Markahan – Modyul 3: Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon
sa Implasyon, (Unpublished) DepEd Division of San Fernando,
Pampangga
31
References:
• Eko and Miya characters used with permission from
the National Economic Development Authority
(NEDA) retrieved March 20, 2020 from
http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series
Aralin 3
Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon sa Implasyon
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 31
SLIDE
Similar Resources on Wayground
26 questions
NATIONAL EXPENDITURE PROGRAM
Presentation
•
Professional Development
22 questions
PATRIMÔNIO
Presentation
•
University - Professi...
24 questions
CM6 C1 Nature vs Nurture Debate
Presentation
•
Professional Development
27 questions
SOCIEDAD CIVIL
Presentation
•
University
24 questions
Nets & Surface Area Rectangular Prisms
Presentation
•
KG - University
22 questions
Module 4 Leçon 3 - - Questions avec "Quand" et "Où"
Presentation
•
Professional Development
22 questions
Exprimer une opinion
Presentation
•
Professional Development
27 questions
Microbiology Survey
Presentation
•
University
Popular Resources on Wayground
20 questions
"What is the question asking??" Grades 3-5
Quiz
•
1st - 5th Grade
20 questions
“What is the question asking??” Grades 6-8
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Fire Safety Quiz
Quiz
•
12th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
34 questions
STAAR Review 6th - 8th grade Reading Part 1
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
“What is the question asking??” English I-II
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
47 questions
8th Grade Reading STAAR Ultimate Review!
Quiz
•
8th Grade