
Filipino Module 6 (Day 1)
Presentation
•
Other
•
2nd Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Ma. Belgar
Used 2+ times
FREE Resource
35 Slides • 25 Questions
1
March 6, 2023 (Day 1)
Inihanda ni:
Ma. Veronica B. Belgar
2
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin. Aralin: Pagpapahayag ng Sariling Ideya/Damdamin o Reaksyon Tungkol sa Napakinggang Kuwento Batay Sa Tunay Na Pangyayari/Pabula
3
Upang matutunan mo ang modyul na ito, kailangang maisagawa mo ang mga sumusunod: a. Naipahahayag ang sariling ideya/damdamin o reaksyon tungkol sa pinakinggang akdang kathang-isip (kuwento/pabula)
4
Upang matutunan mo ang modyul na ito, kailangang maisagawa mo ang mga sumusunod: b. Naipahahayag ang sariling ideya/damdamin o reaksyon tungkol sa pinakinggang akda batay sa tunay na buhay (kuwento)
5
Manood at makinig ng balita sa TV. Ibigay ang sariling ideya/damdamin o reaksyon batay sa iyong napanood at napakinggan. Ibahagi ito sa iyong mga kasama sa tahanan o kapamilya.
6
Ayon sa napanood o napakinggang balita, ilarawan ang mga pangyayari at mga tauhan.
7
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapahayag ang sariling ideya/damdamin o reaksyon tungkol sa pinakinggang akdang kathang-isip (kuwento/pabula o batay sa tunay na buhay.
8
Pakinggan ang kwento na babasahin ng guro at sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.
9
10
Open Ended
Paano mo ilalarawan ang dalawang tauhan sa kuwento?
11
Open Ended
Ano ang ginawa ni Daga nang natutulog si Leon?
12
Open Ended
Ano ang naging reaksyon ni Leon?
13
Open Ended
Paano nakabawi si Daga kay Leon?
14
Open Ended
Anong aral ang nakuha mo sa kwento?
15
Lagyan ng masayang mukhang kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay nagpapakita ng masayang pangyayari at malungkot na mukha kung hindi naman. (Maaaring magpatulong sa magulang o tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain.)
16
Multiple Choice
Ipagdiriwang mo ang iyong kaarawan.
17
Multiple Choice
Namatay ang alagang aso ni Angela.
18
Multiple Choice
Tinulungan ng iyong kaibigan ang matandang babae sa pagtawid sa kalsada.
19
Multiple Choice
Nagkaroon ng sakit ang mga tao sa inyong lugar.
20
Multiple Choice
Sama-samang naghapunan ang buong pamilya.
21
Maaring magpatulong sa tagagabay sa pagbabasa. (para sa mag-aaral na hindi pa gaano marunong magbasa.)
22
Basahin at unawaing mabuti ang tula. Alamin ang mga damdamin o ideyang nakapaloob dito.
23
24
25
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. I-click ang tsek (✓) kung ikaw ay sumasang-ayon at ekis (x) kung hindi.
26
Multiple Choice
Ang mga batang Pilipino ay masayahin.
27
Multiple Choice
Ang pagmamano at pagsagot ng “po at opo” ay isang paraan ng pagiging magalang.
28
Multiple Choice
Nararapat lamang na ang isang bata hanggang paglaki ay mag-aral nang mabuti.
29
Multiple Choice
Nasisiyahan ang mga magulang sa mga bata na marunong tumulong sa gawaing bahay.
30
Multiple Choice
Ang pagtatapos ng pag-aaral ay nakatutulong upang umunlad ang isang bansa.
31
32
Si Andy ay kilala sa kanilang lugar bilang isang masipag na bubuyog. Halos araw-araw ay wala siyang ginawa kung hindi lumipad at maghanap ng nektar. Samantala, si Tong naman ay isang tutubi. Kabaliktaran ni Andy si Tong sapagkat siya ay mahilig maglaro, palipad-lipad at kung saan-saan nakakarating. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang katangian, sila ay matalik na magkaibigan.
33
Isang araw, dumating ang malakas na bagyo at tumagal ng ilang araw ang ulan. Nagutom si Tong tutubi sapagkat wala siyang makain. Halos mawalan na siya ng pag−asa. Nang tumila ang ulan ay dali−dali siyang lumabas at nalungkot sa kanyang nakita. Sira ang lahat ng nasa paligid niya. Nakatumba ang mga puno at nakadapa ang mga pananim.
34
“Tama! Pupunta ako sa kaibigan kong si Andy! Marami siyang imbak na pagkain”, ang wika ni Tong. Kaya, agad siyang pumunta sa kaniyang kaibigan.
“Tong! Anong nangyari sa iyo?” Ang tanong ni Andy. “Gutom na gutom na ako kaibigang bubuyog” ang wika ni Tong.
35
Pinapasok ni Andy ang kaniyang kaibigan at pinakain.
“Maraming salamat kaibigang bubuyog! Kung hindi dahil sa iyo ay baka namatay na ako sa gutom.”
“Mula ngayon ay mag−iipon na rin ako ng pagkain.” Ang sabi ni Tong at masaya siyang nagpaalam sa kaniyang kaibigan.
36
Open Ended
Si Tong ay isang tutubi na mahilig _________.
37
Open Ended
Anong katangian mayroon si Andy Bubuyog?
38
Open Ended
Kung ikaw si Andy, bibigyan mo rin ba ng pagkain si Tong? Bakit?
39
Open Ended
Anong damdamin ang mararamdaman mo sa sinapit ni Tong tutubi?
40
Open Ended
Magiging masaya ka ba kung tutulong ka sa mga nangangailangan?
41
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpahahayag ng sariling ideya/damdamin o reaksiyon tungkol sa napakinggang kuwento batay sa tunay na pangyayari/pabula at maiuugnay sa sariling karanasan ang nabasang teksto.
42
Ang panitikan ay mga akda na katangi-tangi, masining at malikhaing pagtatanghal ng mga idea at damdaming unibersal at pangmahabang panahon, gaya ng tula, katha, dula, at sanaysay.
43
Ang pabula ay isang uri ng panitikang nagsasalaysay ng mga kuwentong karaniwang nagtatampok ng mga hayop bilang mga tauhan.
44
Nakawiwili itong basahin. Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa kagandahang asal, pakikipagsapalaran, kahihinatnan ng bawat desisyon at aksiyon sa buhay.
45
Mahalaga ang pagbabasa dahil isa ito sa paraan upang matamo at makita ang mundo na hindi pa natin nararating. Ito ay sa pamamagitan sa panulat ng may akda.
46
Minsan ay nakikita natin ang ating sariling repleksiyon sa akdang ating binabasa. Nakikita natin ang ating sariling buhay at bubuo ng sariling desisyon kung sakali mang tayo ang nasa ganoong sitwasyon.
47
48
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kaniyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
49
"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"
"Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam.
50
"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."
51
"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang panahon."
52
Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-awang Tipaklong.
53
Naalala niyang puntahan ang kaibigang si Langgam. Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.
54
"Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay kasama na siya ng kaniyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat natuto siyang mag-impok.
55
"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng tag-gutom."
56
Open Ended
Para sa iyo, sino ang gusto mong tularan si Langgam ba o si Tipaklong? Bakit?
57
Open Ended
Hinahangaan mo ba si Langgam sa kaniyang kasipagan? Bakit?
58
Open Ended
Ano ang dapat gawin para hindi matulad kay Tipaklong?
59
Open Ended
Kung ikaw si Tipaklong, lalapit ka rin ba kay Langgam sa panahon ng pangangailangan?
60
Open Ended
Anong aral ang napulot mo sa kuwento?
March 6, 2023 (Day 1)
Inihanda ni:
Ma. Veronica B. Belgar
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 60
SLIDE
Similar Resources on Wayground
61 questions
pdpr sejarah tingkatan 1 bab 3
Presentation
•
1st Grade
59 questions
Filipino Modyul 6 Quarter 2
Presentation
•
2nd Grade
60 questions
1°ANO_BIO_aula 1
Presentation
•
2nd Grade
48 questions
Quarter 1: MTB: Week 8
Presentation
•
2nd Grade
47 questions
In the Clinic
Presentation
•
2nd Grade
48 questions
MGA PAGSASANAY SA MODYUL 4
Presentation
•
3rd Grade
61 questions
digraphs
Presentation
•
2nd - 3rd Grade
55 questions
REPASO G3
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
addition facts
Quiz
•
2nd Grade
20 questions
Arrays/Repeated Addition
Quiz
•
2nd Grade
26 questions
SLIME!!!!!
Quiz
•
KG - 12th Grade
30 questions
Multiplication Facts 1-12
Quiz
•
2nd - 5th Grade
10 questions
Severe Weather Around Us
Quiz
•
2nd Grade
19 questions
Antonyms and Synonyms
Quiz
•
2nd Grade
20 questions
Addition and Subtraction facts
Quiz
•
1st - 3rd Grade
15 questions
Local History
Quiz
•
2nd Grade