

Module 4
Presentation
•
Social Studies
•
6th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Reabelle Caluyong
FREE Resource
33 Slides • 0 Questions
1
Ang kababaihan sa Rebolusyong Pilipino
2
Alamin
Ipakikilala sa modyul na ito ang kababaihang naging bahagi ng pag-aalsa sa mithiing magkaroon ng kasarilan ang bansa . Kasama sa kanilang gawain sa kilusan ang pangagalaga sa mga sugatang katipunero at paghahanda at pagsilbi sa kanilang araw-araw na mga pangagailangan. Bagamat may sariling mga pamilya, di ito naging hadlang sa kanilang pagsisilbi para sa kapakanan ng bayan.
3
Mga Layunin sa pag-aaral
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:
1. makilala ang kababaihan na nakiisa sa mga gawain sa rebolusyon;
2. matutukoy ang mga kontribusyon ng kababaihan sa pagkamit ng kalayaan sa panahon ng rebolusyon;
3. malalaman ang mga ginawa ng kababaihan sa ating kasaysayan; at
4. ang mga ambg ng kababaihan sa pagsiklab ng rebolusyon.
4
Aralin 1: Kababaihan sa Rebolusyon
May alam ka bang bayaning babae sa panahon ng rebolusyon? Maiisa-isa mo ba sila?
5
Tuklasin
Tignan ang mga larawan sa ibaba. Sila ang kababaihang naging bahagi ng pag-aalsa laban sa mananakop na Espanol. Alamin kung ano ang kanilang naging bahagi sa pag-aalsa laban sa mananakop na Espanol.
6
Gregoria de Jesus
Josefa Rizal
Melchora Aquino
Teresa Magbanua
7
Marina Dizon Santiago
Trinidad Tecson
Marcela Agoncillo
8
Mga Kababaihan sa Rebolusyon
Di kaila sa ating kasaysayan na malaki ang naging bahagi ng kababaihan sa panahon ng rebolusyon. Sa umaga makikita na ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin bilang maybayhay, anak, kapatid at bilang mga ina. Sila ay mapagmahal sa pamilya, tagaluto, tagalinis ng bahay, nag-aalaga ng mga anak at nagsisilbing ina ng kanilang mga tahanan.
9
Mga Kababaihan sa Rebolusyon
Ngunit may mithiin silang tulungan ang mga katipunero laban sa mga Espanol na kailangan nilang gawin, sila ay may pusong nagmamalasakit sa kapwa, na kahit ipapakain na sa mga pamilya ay ibibigay pa sa mga katipunerong nangangailangan. Ano-ano kaya ang mga naambag nila para sa bayan?
10
Ipinanganak noong Mayo 9, 1975 sa ulirang mag-asawang sina Nicolas de Jesus at Baltazar Alvarez.
Kabiyak ng Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio.
Tinaguriang "Lakambini ng Katipunan"
Tinatawag ng mga manghihimagsik na "Inang Oriang"
Ipinagkatiwala sa kanya ang pag-iingat ng mga dokumento ng Katipunan, kalakip ang mga selyo, mga kagamitan at revolver.
Siya ang nagtatago ng mga kasulatan at lihim ng samahan.
Ang namahala sa pagpapakain at pagpapagamot sa mga kasapi ng Katipunan na may hawak ng mahalagang kasulatan ng Katipunan.
Gregoria de Jesus
11
Josefa Rizal o Panggoy, ang ika-siyam na anak sa pamilya ng mga Rizal.
Kapatid ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal at naging pangulo ng lupon ng kababaihan.
Katulad ni Gregoria de Jesus, si Josefa ay tagaingat din nga mga lihim na dokumento ng samahan.
Pinoprotektahan nila ang mga katipunero habang patagong nagpupulong ang mga ito sa pamamagitan ng pagkakanta at pagsasayaw upang malihis ang atensiyon ng mga guwardiya sibil.
Josefa Rizal
12
Pangunahing tagahabi ng una at opisyal na watawat ng Pilipinas.
Tinaguriang "Ina ng Watawat ng Pilipinas"
Anak ni Don Francisco Diokno Marino at Dona Eugenia Coronel Marino, isang mayamang pamilya sa bayan ng Taal, Batangas.
Nakapagtapos ng pag-aaral sa musika at pambansang likha sa Santa Catalina College.
Marcela Marino Agoncillo
13
Sa edad na 30, pinakasalan ni Marcela Coronel Marino si Felipe Encarnacion Agoncillo, isang abogado at hurado sa Pilipinas. Sila ay nagkaroon ng anim na anak. Nang ipinatapon sa Hong Kong si Felipe sa pagsiklab ng Rebolusyong Pilipino, si Marcela Marino Agoncillo at ang nalalabing pamilya ay sumama sa asawa at pansamantalang naninirahan doon upang maiwasan ang mga laban sa kontra Pilipino ng pagsakop sa Espana. Habang sa Hong Kong, hiniling ni Heneral Emilio Aguinaldo na tahiin niya ang watawat na kumakatawan sa Republika ng Pilipinas. Kasama ang kanyang panganay na anak na babae na si Lorenza at isang kaibigan na si Delfina Herbosa Natividad, pamangkin ni Dr. Jose Rizal, manu-manong tinahi ang watawat alinsunod sa disenyo ni Heneral Emilio Aguinaldo na kalaunan ay naging opisyal na bandila ng Republika ng Pilipinas.
Marcela Marino Agoncillo
14
Kilala bilang "Ina ng Biak-na-Bato".
Isa siya sa iilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasama ng kalalakihan sa rebolusyon.
Binansagan din siyang "Ina ng Red Cross" para sa kaniyang paglilingkod sa mga kasamang Katipunero.
Isinilang siya noong Nobyembre 18, 1848 sa isang mariwasang angkan sa San Miguel de Mayumo, Bulacan.
Ang magulang niya ay sina Rafael Tecson at Monica Perez.
Trinidad Perez Tecson
15
Bukod sa maganda, hinangaan siya ng kalalakihan sa paghawak ng sandata.
Nag-aral siya ng eskrima at sinasabing minsang pasukin ang kaniyang bahay ng mga guwardiya sibil ay nilabanan niya ang mga ito. Ilang sa mga sundalo ang kaniyang nasugatan at nahabla siya.
Labinsiyam (19) na taong gulang siya nang mapangasawa ni Sinforoso Desiderio. Hindi nagtagal ang buhay ng kaniyang unang asawa pati ang kanilang dalawang anak.
Trinidad Perez Tecson
16
Pagsiklab ng himagsikan, sinasabaing kasama siya sa hukbo ni Heneral Mariano Llanera sa pagpapalaya sa San Miguel. Siya ang nangasiwa sa bahay para sa mga may sakit at sugatan sa Biak-na-Bato. Dahil dito, tinawag siyang "Ina ng Biak-na-Bato". Nang lusubin ng mga Espanol ang Biak-na-Bato ay matagumpay niya itong ipinagtanggol kasama ng pangalawang asawa ni Julian Alcantara at ilang katulong. Muntik na siyang mamatay sa madugong labanan sa San Miguel. Nasugatan din siya sa kanang hita sa labanan sa Zaragoza, Nueva Ecija.
Trinidad Perez Tecson
17
Sa ikalawang yugto ng himagsikan, sumama siya sa pangkay ni Heneral Gregorio del Pilar sa pagkuha sa bayan ng Bulacan at sa pangakat ni Heneral Isidoro Torres sa pagpasok sa Calumpit. Nakarating siya hanggang Zambales sa pakikipaglaban sa mga Amerikano hanggang magkasakit dahil sa pagod at siya ay ipinagamot sa Maynila. Pagkatapos ng digmaan, namatay ang kaniyang ikalawang asawa at itinuon niya ang attensiyon sa negosyo sa Nueva Ecija. Namatay siya noong Enero 28, 1928 sa Philippine General Hospital.
Trinidad Perez Tecson
18
Kilala sa tawag na "Tandang Sora" at "Ina ng Balintawak"
Ipinanganak noong Enero 6, 1812.
Isa sa mga bayaning Pilipino na kahanga-hanga.
Mahirap ang pamilya ni Melchora Aquino. Sa pamamagitan ng sariling sikap ay tinulungan niya ang kaniyang sarili na magbasa at sumulat. Pinalaki niya nang mag-isa ang anim na anak.
Melchora Aquino
19
Pitong taon pa lamang noon ang kaniyang bunsong anak nang namatay ang kanyang asawa na si Fulgencio de Ramos, isang Cabeza de Barrio. Sa edad na 84, naipakita niya ang kanitang kabayanihan sa panahon ng rebolusyon sa pagtulong sa mga katipunero na nakipaglaban sa mga mapang-aping Espanol. Ang kaniyang bahay ay nagsilbing pagamutan sa mga sugatan. Nang malaman ng mga Espanyol ang ginawa niyang pagtulong sa mga katipunero ay pinilit siyang magsalita laban sa Katipunan.
Melchora Aquino
20
Ipinadakip siya ng mga Espanol at ipinatapon sa Isla ng Marianas. Bumalik lamang siya sa Pilipinas noong Pebrero 23, 1903, sa panahong natalo ng mga Amerikano ang mga Espanol. Namatay siya sa edad na 107 noong Pebrero 19, 1919. Dahil sa kaniyang kabayanihan, ipinangalang sa kanya ngayon ang isang lugar sa lungsod ng Quezon.
Melchora Aquino
21
Tinaguriang "Visayan Joan of Arc"
Ipinanganak noong Nobyembre 3, 1869 ds Pototan, Iloilo.
Isa sa maipagkakapuring Pilipina, ang natatanging babaeng heneral na pinatunayan na ang babae ay may angking kakayahan, tibay ng puso at katapangan at handang isakrpisyo ang buhay kung kinakailangan.
Nag-aaral siya sa Colegio de San Jose sa Jaro, Iloilo bago nagtapos bilang guro sa Colegio de Santa Catalina sa Maynila.
Nagturo siya sa iba't ibang bayan sa Iloilo hanggang madestino sa bayan ng Sara at mapangasawa si Alejandro Balderas, isang magsasaka.
Teresa Magbanua
22
Nang sumiklab ang digmaan, pumunta siya sa kampo ng mga manghihimagsik na pinamumunuan ni Heneral Perfecto Poblador upang umanib. Nagpakitang gilas si "Nay Isa" ng kanyang kakayahan sa pagiging asintado sa baril at sa husay sa pangangabayo. Namuno siya sa mga grupong gerilya at matagal na lumaban sa digmaang Espanol at Amerikano. nagpakita siya ng kakaibang tapang at pamumuno sa Isla ng Panay. Nagbigay ng tulong pinansiyal si Nay Isa sa kilusang gerilya sa Iloilo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Teresa Magbanua
23
Kalihim ng Katipunan
Katipunera sa puso at sa gawa, siya isang matapang na babae na naglingkod sa bayan.
Ipinanganak noong Hulyo 18, 1875 sa mga magulang sina Jose Dizon at Roberta Bartolome.
Ang kaniyang ama ay isa sa Labingtatlong Martir ng Cavite at aktibong kasama ni Andres Bonifacio.
Naulila siya sa ina noong walong buwang pa lamang.
Kinukkop siya ng kaniyang tiya na si Josefa Dizon na ina ni Emilio Jacinto.
Marina Dizon Santiago
24
Kalihim ng Katipunan
Katipunera sa puso at sa gawa, siya isang matapang na babae na naglingkod sa bayan.
Ipinanganak noong Hulyo 18, 1875 sa mga magulang sina Jose Dizon at Roberta Bartolome.
Ang kaniyang ama ay isa sa Labingtatlong Martir ng Cavite at aktibong kasama ni Andres Bonifacio.
Naulila siya sa ina noong walong buwang pa lamang.
Kinukkop siya ng kaniyang tiya na si Josefa Dizon na ina ni Emilio Jacinto.
Marina Dizon Santiago
25
Sapagkat lihim na samahang rebolusyonaryo ang Katipunan, walang kababaihan ang nakakaalam noon sa samahan. Napansin nang kababaihan ang kakaibang galaw ng kalalakihan at sila ay nagmanman sa kanilang mga ama, asawa at kapatid. Isa si Marina sa mga nag-imbestiga at napagkalaman niyang Katipunero pala ang tatay niya at nagbibigay abuloy sa samahan upang makabili ng mga sandatang pandigma. Naging inspirasyon ng Katipunan si Marina sapagkat lubos nitong naunawaan ang mga layunin ng lihim na samahan.
Marina Dizon Santiago
26
Siya ang isa sa mga kauna-unahang kababaihan na nagpatala noong Hulyo 1893 bilang Katipunerang handang tumulong sa pakikidigma. Kasama niya sa pagpapatala bilang kasapi sina Gregoria de Jesus, Josefa Rizal, Trinidad Rizal, at ang mga pamangkin ni Rizal sina Angeliza Rizal Lopez at Delfina Herbosa. Ito ay ginanap sa bahay ni Restituto Javier sa Kalye Oroquieta, Binondo.
Isa sa mga naging pinaka-aktibong Katipunera si Marina. Nanguna siya sa pamamahala sa mga proyektong pinansiyal na tumustustos sa maraming gawain ng sikretong samahan.
Marina Dizon Santiago
27
Tumulong din siyang humimok ng maraming kababaihan upang lumahok sa samahan. Sa maraming sumasalim binibigyaang diin ni Marina ang sagradong papel na kailangang gampanan ng mga bagong miyembro. Maliwanang na itinuturo niya sa mga kasapi ang konstitusyon at mga simulaing dapat matutunan ng bawat isa. Marami ang nagpapatutunay na malaki ang naiambag ni Marina sa rebolusyon. Siya ang laging nangunguna sa pag-awit at pasasayaw upang iligaw ng pansin ang paikut-ikot na mga patrol. Sa inilalarawang panalabas na katuwaan, nasa loob ng lahat ng pangamba. Binibigyaang-diin ni Marina ang lihim na pulong na kailangan ang tapang ng
Marina Dizon Santiago
28
didib, ganda ng pag-awit, saya ng pagsayaw at sinseridad ng paghalakhak upang maging makatotohanan ang lahat ng drama-dramahan alang-alang sa Katipunan. Bagamat naging abala sa pagsasabalikat ng mga gawaing pandigmaan, nagkaroon pa rin ng puwang ang sakramento ng matrimonya sa buhay ng dalaga. Noong Setyembre 16, 1894 ay nagpakasal siya kay Jose Turiano Santiago sa Simbahan ng Binondo. Si Jose ay kakabata at niyang kamag-aral. Siya ay kasapi rin ng Katipunan.
Marina Dizon Santiago
29
Isaisip
Napakalaki nang ginampanan ng kababaihan noong panahon ng rebolusyon. Sa labis na pagmamahal din sa kalayaan, ang iba sa kanila ay napilitan ding makipaglaban sa kabila ng kanilang kasarian. Ilan sa mga kababaihang ito ay sina:
Gregoria de Jesus
asawa ni Andres Bonifacio;
nagtago ng lihim ng mga dokumento ng Katipunan;
nagpakain sa mga katipunera;
nagsilbing mangagamot sa mga sugatan; at
namuno sa mga ritwal ng samaha
30
Isaisip
Josefa Rizal
kapatid ni Dr. Jose Rizal
nagsilbing pinuno ng kababaihan sa Katipunan; at
isa sa mga nagplano ng mga sayawan habang nagpupulong ang mga pinuno upang malinlang ang mga guwardiya sibil.
Marcela Agoncillo
nanguna sa pagtahi ng bandila ng Pilipinas
Trinidad Tecson
kilala sa paghawak ng armas at nakigpaglaban kasama ang kalalakihan sa rebolusyon;
31
Isaisip
Trinidad Tecson
Siya rin ang tumulong sa mga kasamang katipunerong nasugatan lalo na sa kaganapan sa Biak-na-Bato.
Melchora Aquino
Tinatawag na "Tandang Sora"
nagsilbing mangagamot sa mga sugatan
nagpakain sa mga Katipunero at nagpahiram ng bahay niya upang magsilbing pulungan ng mga pinuno ng rebolusyon.
32
Isaisip
Teresa Magbanua
Naging kumander ng grupo ng mga gerilya sa Iloilo at nanalo sa mga labanan sa Panay.
Maria Dizon Santiago
Ang kauna-unahang babae na nagpatala sa Katipunan
Siya ay nagtuturo ng konstitusyon at mga simulain ng samahan.
33
Salamat sa pakikinig! :)
Ang kababaihan sa Rebolusyong Pilipino
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 33
SLIDE
Similar Resources on Wayground
28 questions
Q3 AP6 W5
Presentation
•
6th Grade
29 questions
SS 6 4th QSA
Presentation
•
6th Grade
26 questions
Równania - liczba spełniająca równanie, rozwiązywanie równań
Presentation
•
7th Grade
28 questions
Unit 3 Lesson 3 - Types of Rocks
Presentation
•
6th Grade
26 questions
Contributions of Andres Bonifacio to the Revolution
Presentation
•
6th Grade
28 questions
The Revolution Against the Spaniards
Presentation
•
6th Grade
28 questions
Q2 AP6 W6
Presentation
•
6th Grade
26 questions
Zróżnicowanie klimatyczne Europy
Presentation
•
6th - 7th Grade
Popular Resources on Wayground
6 questions
Secondary Safety Quiz
Presentation
•
9th - 12th Grade
10 questions
Afterschool Activities & Sports
Quiz
•
6th - 8th Grade
19 questions
ROAR Week 2026
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Lab Safety Quiz
Quiz
•
6th Grade
15 questions
Cool Tool:Chromebook
Quiz
•
6th - 8th Grade
22 questions
would you rather
Quiz
•
3rd - 11th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Social Studies
14 questions
personal finance
Quiz
•
6th - 7th Grade
20 questions
Latitude and Longitude Practice
Quiz
•
6th Grade
10 questions
Chromebook User Agreement Multiple Choice Activity
Quiz
•
6th Grade
17 questions
Types of Government
Presentation
•
6th - 8th Grade
21 questions
Georgia's Geographic Regions
Quiz
•
6th - 8th Grade
34 questions
GRAPES of Civilization
Quiz
•
6th Grade
45 questions
Intro to Geography Study Guide
Quiz
•
6th Grade
16 questions
8 Strands of Social Studies - Review
Quiz
•
6th - 7th Grade