Search Header Logo
Module 5- Araling Panlipunan 6

Module 5- Araling Panlipunan 6

Assessment

Presentation

Social Studies

6th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Reabelle Caluyong

Used 2+ times

FREE Resource

25 Slides • 0 Questions

1

Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtataga ng Unang Republika

Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 5

2

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang magawa ang sumusunod:


• Matutukoy ang mga detalyeng naganap bago napasinayahan ang Kongreso ng Malolos;

• Malalaman ang ganap na layunin ng Kongreso;

• Makakagawa ng timeline ng Himagsikang 1896 hanggang sa Pamahalaang Rebolusyonaryo 1898;

3

• Matatalakay ang mga layunin ng Saligang Batas na ipinatupad sa ilalim ng Republika ng Pilipinas; at
• Napapahalagahan ang Saligang Batas na unang ginawa ng Kongreso ng Malolos na siyang kauna-unahang batas na ipinatupad sa pagdeklara ng kasarinlan ng Pilipinas.

4

Suriin

Ang paglaban ng mga bayani sa ating kasiranlan ay nagbigay daan sa ating mga Pilipino na isabuhay ang mga ginawa ng ating bayani upnang makamit ang ating kalayaan. Sa ngayon, tinatamasa na natin ang kasarinlan ng ating bansa.
Mula sa kaganapan ng pagbabalik ni Emilio Aguinaldo galing Hong kong sa kadahilanan na hindi tumupad ang Espanya sa Kasunduan sa Biak-na-Bato, gayunpaman hindi rin natupad ng mga Pilipino ang kanilang pangako na ibalik ang mga armas.

5

Naging matatag si Aguinaldo sa pagtatag ng Pamahalaang Republika sa tulong ng kanyang tagapayo na si Apolinario Mabini. Tinatag ang Kongreso ng Malolos upang makabuo ng Saligang Batas ng Malolos. Si Hen. Emilio Aguinaldo ang hinirang ng Kongreso bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
Saligang Batas ng Malolos

1.       Paghihiwalay ng simbahan at estado

2.       Pagkilala sa karapatan ng bawat tao

3.       Libreng edukasyon sa elementarya

4.       Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura at hukuman

6

Pamahalaang Diktatoryal

Sa pagbabalik ni Aguinaldo mula Hong Kong ay nagdesisyon siya na magtatag ng isang panibagong pamahalaang Pilipino. Dahil dito, nagtatag muna si Aguinaldo ng isang Pamahalaang Diktatoryal noong Mayo 24, 1898 kung saan hinawakan niya ang kapangyarihan ng isang diktador. Binigyan diin ni Aguinaldo na ang kapangyarihang ito ay pansamantala lamang dahil na rin sa pangangailangan ng sitwasyon.

7

Sinunod niya ang payo ng abogadong si Ambrosio Reanzares Bautista na kailangan muna na matatag ng isang pamahalaan diktatoryal upang ganap na masaklawan ang buong  bansa at madaling mapagtagumpayan ang pakikidigma. Ang Pamahalaang Diktatatoryal ay mananatili habang may digmaan. Ito ay hahalinhan ng isang republikang magtatayo ng isang pamahalaang federal na itinadhana ng Saligang Batas na dala niya mula sa Hongkong at isinulat ni Mariano Ponce.

8

Noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite unang ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas. Ang mga pinuno ng himagsikan ay lumagda sa kasulatan na ginagawaran si Aguinaldo ng sapat na kapangyarihan upang pamunuan ang pamahalaan. Ang Akto ng Pagpapahayag ng kasarinlan ay inihanda, sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila.

9

Ang pagpapahayag ay inilagda ng 98 katao, kabilang na dito ay isang opisyal na hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa proklamasyon. Si Apolinario Mabini ang naglingkod bilang pinunong tagapayo ni Aguinaldo.

10

  • Unang iwinagayway ang bandilang Pilipino sa tugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit  na kilala ngayon bilang Lupang Hinirang.

  • Isinulat ito ni Julian Felipe at ng naglaon ay nilapatan ng titik ni Jose Palma.

  • Ang bandila ng Pilipinas ay tinahi nina Marcela Agoncillo, Josefa Herbosa de Natividad, at Lorenza de Agoncillo sa Hong Kong.

11

  • Unang iwinagayway ang bandilang Pilipino sa tugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang pambansang awit  na kilala ngayon bilang Lupang Hinirang.

  • Isinulat ito ni Julian Felipe at ng naglaon ay nilapatan ng titik ni Jose Palma.

  • Ang bandila ng Pilipinas ay tinahi nina Marcela Agoncillo, Josefa Herbosa de Natividad, at Lorenza de Agoncillo sa Hong Kong.

12

Ang Pamahalang Rebolusyonaryo

Noong Hunyo 23, 1898 bilang pagsunod sa payo ni  Mabini, pinalitan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal ng Pamahalaang Rebolusyonaryo. Hinalinhan ang tawag na “diktador” at ipinalit ang “pangulo” bilang katawagan sa pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo.

13

Sa pamahalaang ito, ang pangulo ay tutulungan ng isang Kongreso ng Panghimagsikan na binubuo ng mga kinakatawan mula sa iba’t iba lalawigan tagapagpaganap upang gumawa ng mga batas para tiyak na mamalagi ang kaaayusang panloob at mapangalagaan ang bansa laban sa dayuhang mananakop.

14

Layunin ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ang ipagpatuloy ang pakikipaglaban ng Pilipinas para sa kalayaan at ihanda ang bansa upang maitayo ang isang Pamahalaang Republika.

15

Matapos mapagtibay ang Saligang Batas ng Kongreso, ipinalabas sa Malolos ang proklamasyon ng Republika noong Enero 23, 1899. Inihalal si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas ayon sa tadhanang ipinagtibay sa Saligang Batas. Si Pedro A. Paterno ang naging Pangulo ng Kongreso. Kaagad na nanumpa si Aguinaldo bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.

16

Kasabay nito, lumikha siya ng mga lupon pangdiplomasiya sa labas ng bansa. Ang layuning nito ay para makipag-ugnayan sa ibang bansa upang maglarawan ng magandang kalagayan ng Pilipinas. Itinatag ang Hong Kong Junta na ang mga kasapi ay kumakatawan sa iba’t ibang bansa.

17

Kabilang sa mga nahirang ay sina:

·         Felipe Agoncillo- kinatawan para sa America;

·         Antonio Regidor- kinatawan para sa England;

·         Edilberto Zarcal- kinatawan para sa Australia; at

·         Mariano Ponce. Faustino Lichauco, Juan Luna, Pedro Roxas- mga kinatawan para sa Japan.

18

Isaisip

Disyembre 27, 1897

  • Bilang pagtupad sa nilalaman ang Kasunduan sa Biak-na Bato, nilisan ni Aguinaldo ang Pilipinas papuntang Hong Kong kasama ang 36 na iba pang rebolusyonaryo

  • Pansamantalang natigil ang himagsikan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Espanol.

19

Mayo 19, 1898

  • Bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas mula Hong Kong  sakay ng barkong McCulloch sa utos ni Komador George Dewey

  • Layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas ay tulungan itong makalaya sa mga Espanol.

  • Napaniwala si Aguinaldo na maganda ang layunin ng mga Amerikano kaya agad iyang ipinulong ang mga rebolusyonaryong Pilipino na matagal nang naghihintay sa kanyang pagbabalik.

20

Mayo 24, 1898

  •  Itinatag ni Aguinaldo ang isang Pamahalang Diktatoryal na ang layunin ay muling mapag-isa ang mga rebolusyonaryo sa ilalim ng isang pamahalaan.

21

Hunyo 23, 1898

  • Payo ni Apolinario Mabini, na siyang tagapayo ni Aguinaldo at Utak ng Himagsikan, ang Pamahalaang Diktatoryal ay pinalitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo.

  • Pinangunahan  ni Aguinaldo ang pamahalaan bilang  pangulosa halip  na isang “diktador”.

  • Sa pamamagitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo, ipinatupad ang pagtatayo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan  tulad ng pamahalaang lokal at ang kongreso.

22

Setyembre 15, 1898

  • Pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ang Kongreso ng Malolos na pinamumunuan ni Pedro Paterno. Ngunit ayon sa dekretong lumikha dito, ang Kongreso ng Malolos ay walang kapangyarihang gumawa ng batas kundi ito ay magsisilbi lamang tagapayo ng pangulo.

23

Ang Saligang Batas ng Malolos ang pinakamahalagang nagawa ng kongresong panghimagsikan. Itinatadhana ng Saligang Batas ng Malolos ang isang republikang tumanggap, kumakatawan at nananagutan sa mga mamamayan.

24

Unang ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Kaalinsabay nito ay iwinagayway ang bandilang Pilipino sa saliw ng Marcha Magdalo na siyang naging pambansang awit ng Pilipinas.

25

-Emilio Aguinaldo

"We cannot free ourselves unless we move forward united in a single desire"

Ang Deklarasyon ng Kasarinlan at Pagtataga ng Unang Republika

Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 5

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 25

SLIDE