Search Header Logo
REBYU AP9: UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

REBYU AP9: UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Assessment

Presentation

Social Studies

9th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Cher Geh

Used 2+ times

FREE Resource

1 Slide • 34 Questions

1

REBYU SA EKONOMIKS

media

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

2

Multiple Choice

Ang Ekonomiks ay hango sa salitang Griyego na oikonomia na nangangahulugang pamamahala ng sambahayan. Samakatuwid, ano ang dapat pangasiwaan sa sambahayan o tahanan?

1

Pagkakaroon ng sapat na pagkain sa araw-araw

2

Paghahanap ng trabaho upang mabuhay ng matiwasay

3

Papupundar ng mga kagamitan na magpapasaya sa pamilya

4

Pagsusuri sa mga gastusin at gawaing dapat tugunan ng isang tahanan

3

Multiple Choice

Ang bawat tao ay tila walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan. Paano makakaapekto ang ganitong sitwasyon sa ating mga limitadong pinagkukunang-yaman?

1

Madaling mapapalitan ang likas na yaman dahil sa teknolohiyang alam ng tao

2

Madaling mauubos ang likas na yaman dahil wala ng mabilhang suplay ng produkto

3

Madaling mauubos ang likas na yaman dahil tuloy-tuloy ang pagkonsumo sa mga ito

4

Madaling mapapalitan ang likas na yaman dahil maraming alam ang tao sa pangangalaga nito

4

Multiple Choice

May kasabihan sa Ekonomiks na “Rational people think at the margin”, ano ang nais ipahiwatig nito?

1

Maging matalino sa paggawa ng anumang desisyon

2

Maging mausisa sa kung ano ang gagawin at sasabihin

3

Maging mapanuri sa mga nababasa at nakikita sa lipunan

4

maging mahusay sa pagpili ng bagay na magpapasaya sa atin

5

Multiple Choice

Bilang bahagi ng lipunan, papaano mo magagamit ang kaalaman sa ekonomiks sa iyong buhay?

1

Mapaplano mo ang iyong kinabukasan na maisaayos ito

2

  Matututo kang magtipid lalo na sa panahon ng kagipitan

3

Makapagbibigay ng opinyon hinggil sa mga maaaring pagkagastusan ng pamilya

4

Mauunawaan mo ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa usaping ekonomiko

6

Multiple Choice

Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya, bakit mahalagang pag-isipan ang opportunity cost ng gagawing desisyon?

1

Upang maisaalang-alang ang halaga ng bagay na labis na magpapasaya sa iyo  

2

Upang masusing mapag-aralan kung saan ka labis na makikinabang

3

Upang mapalawak ang kaalaman sa paraan ng pagpili

4

Upang matukoy ang bagay na maari mo pang gawin

7

Multiple Choice

Isa sa palatandaan ng pagkakaroon ng kakapusan ay ang pagkasira ng natural na sistema ng kalikasan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pangunahing sanhi ng pangyayaring ito?

1

Pagtatapon ng basura sa ilog at mga estero

2

Pagpuputol ng puno kahit sa mga restricted area na kagubatan

3

Paggamit ng dinamita o lambat na maliliit ang butas sa pangingisda

4

Patuloy na paglaki ng populasyon na patuloy na umaasa sa produkto ng kalikasan

8

Multiple Choice

Ang mga mag-aaral ay nakararanas din ng kakapusan. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang

hindi nagpapakita ng suliranin sa kakapusan ng mag-aaral sa paaralan?

1

Kakulangan sa mga silid-aralan taon-taon

2

   Saktong baon pambili ng pagkain kapag recess

3

Mabilis na pagka-ubos ng mga bilihin sa canteen

4

Takbo ng oras kada asignatura maya-maya uwian na

9

Multiple Choice

Ano ang nararapat na gawin upang makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan?

1

Tugunan ang pangunahing pangangailangan

2

Matutong magtipid sa lahat ng oras at panahon

3

Isaisip ang bagay na magpapasaya sa kagustuhan ng bawat isa

4

Ugaliin ang matalino at episyenteng paggamit ng pinagkukunang-yaman

10

Multiple Choice

Ang pangangailangan at kagustuhan ay tunay na magkaiba. Sa paanong paraan ito nagkakatulad?

1

Ang pangangailangan at kagustuhan ay parehas na nagdudulot ng kasiyahan sa buhay ng tao

2

    Ang pangangailangan at kagustuhan ay parehas na pangunahing kailangan ng tao.

3

Ang pangangailangan at kagustuhan ay parehas na labis na mahalaga sa lahat tao.

4

Ang pangangailangan at kagustuhan ay parehas na nag-uugat sa luho ng tao.

11

Multiple Choice

Bakit kailangang maging matalino sa pagbuo ng isang desisyon?

1

Upang maiwasan ang pagkakamali

2

Upang mas matugunan ang pangangailangan

3

Upang mas mapadali at mapagaan ang isang gawain

4

Upang matimbang ang bagay na mas mahalaga kaysa iba

12

Multiple Choice

Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan?

1

Kung ito ay nagpapadali sa isang mahirap na gawain

2

Kung ito ay nagbibigay ng tuwa sa buong pamilya

3

Kung ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa tao

4

Kung ito ay pinapangarap mong makamit

13

Multiple Choice

Isaayos ang sumusunod na pangangailangan sa herarkiya mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas ayon sa antas nito:

1.      Pangangailangang Panlipunan

2.      Pisyolohikal

3.      Kaganapan sa Pagkatao

4.      Seguridad at kaligtasan

  1. 5.Pagkamit ng Respeto sa Sarili/Kapwa

1

  2, 4, 5, 1, 3

2

  2, 4, 1, 5, 3

3

2, 4, 1, 3, 5

4

2, 4, 5, 3, 1

14

Multiple Choice

Upang maibsan ang kakapusan kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo, ito ay tumutukoy sa  …

1

Alokasyon

2

Badyet            

3

Distribusyon   

4

Produksiyon

15

Multiple Choice

Paano naging magkaugnay ang alokasyon at kakapusan?

1

Alokasyon ang magsisilbing daan upang maayos na maipamahagi ang limitadong pinagkukunang-yaman

2

Alokasyon ang maaring gamitin upang mapigilan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao

3

Alokasyon ang magbubukas isipan kung ano ang bagay na mas mahalaga sa hindi

4

Alokasyon lamang ang tanging solusyon sa suliranin sa kakapusan

16

Multiple Choice

Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano epesyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng sistemang pang-ekonomiya?

1

Institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.

2

Tumutugon sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

3

  Pinalalaki ang kita ng ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.

4

Paglinang ng  mga yamang-likas ng isang bansa.

17

Multiple Choice

  Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?

 

1

Nagmumula ang utos ng pamahalaan batay sa plano

2

Malayang nakakakilos nang walang pakikialam ng pamahalaan

3

May kalayaan ngunit may kontrol pa rin ng pamahalaan sa gawain

4

Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa pinagkukunang-yaman

18

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod na katangian ang nagpapakita ng pag-iral ng Market Economy?

1

Pamahalaan ang siyang kumikilos upang paunlarin ang ekonomiya

2

Malaya ang bawat isa na makilahok sa gawaing pang-ekonomiko   

3

Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ang ekonomiya

4

Kontrolado ng estado ang galaw at daloy ng ekonomiya

19

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa kahulugan ng produksiyon?

1

Paglikha ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon.

2

Pagpoproseso ng mga salik ng produksiyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga may kaya sa buhay

3

Paglikha ng mga produkto at serbisyo gamit ang iba’t ibang output sa produksiyon.

4

Pagpoproseso ng mga output para sa input.

20

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbabagong naganap sanhi ng produksiyon?

 

1

Pagbili ng damit sa mall

2

  Pagputol ng puno para maging torso.

3

Paggamit ng lumang damit bilang basahan

4

Isang de kalidad na upuan na gawa sa narra tree.

21

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang input sa mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. sa nabuong output na “tela at damit”?

1

sinulid, kagamitan, makinarya at lupain

2

kagamitan, makinarya, maggagawa at lupain

3

sinulid, makinarya, teknolohiya at kagamitan

4

kagamitan, makinarya, manggagawa at sinulid

22

Multiple Choice

Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksiyon?

 

1

Mas malawak ang sukat ng lupaing tinatan

2

Pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibenenta sa pamilihan

3

Ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon

4

  Dito nagmumula ang hilaw na materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto

23

Multiple Choice

Paano binibigyang-kahulugan ang pagkonsumo sa pag-aaral ng Ekonomiks?

1

A.    Mga bagay na nais makamit ng tao sa buhay

2

B.     Produkto na nililikha upang ipagbili sa merkado

3

C.     Paggamit ng bagay pangangailangan man o kagustuhan

4

D.     Pagbili o paggamit ng anumang produkto o serbisyo na kailangan ng tao

24

Multiple Choice

Ano ang pangunahing dahilan ng pagkonsumo ng tao?

1

A.    Epekto ng magandang patalastas sa telebisyon

2

B.     Marami siyang salapi upang mabili ang kanyang nais

3

C.     Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao

4

D.    Upang mapanatili ang kanyang antas sa lipunang kinabibilangan

25

Multiple Choice

Habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kanyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sino ang ekonomistang British ang nagpanukala ng ganitong kaisipan?

1

Adam Smith

2

Abraham Maslow  

3

John Maynard Keyenes  

4

Thomas Malthus

26

Multiple Choice

Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?

1

   Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto

2

Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan

3

Nagsasara ang mga malalaking tindahan

4

Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan

27

Multiple Choice

Ang telebisyon, radyo at pahayagan maging ang social media ay mga instrumento upang ipakilala ang produkto at serbisyo sa mamimili. Itinuturing na isa sa pinaka-epektibong paraan ng panghatak ng konsyumer ay ang gawaing ito, alin ang HINDI kabilang sa batayang ito.

1

A.    Natatandaan nila agad ang produkto kung ito ay ipinapalabas at napakikinggan ng paulit-ulit

2

B.     Mahilig ang mga konsyumer manood ng telebisyon kaya malaking bagay na dapat dito nag-aanunsiyo

3

C.     Madaling naniniwala sa kakayahan ng produkto ang mga mamimili lalo na kung madalas nilang nakikita at naririnig ang anunsiyo

4

D.    Ang pagiging popular ng produkto ay hakbang upang maimpluwensiyahan ang desisyon ng mamimili sa kanyang pagkonsumo

28

Multiple Choice

Mahalagang katangian ng mamimili ang pagtingin sa sangkap, presyo, timbang at pagkakagawa ng isang produkto. Anong pamantayan sa pamimili ang tinutukoy sa pahayag?

1

  Mapanuri       

2

Makatwiran

3

Hindi nagpapadaya   

4

Sumusunod sa badyet

29

Multiple Choice

Paborito ni Melo ang pagbili at pag-inom ng milktea 3 beses sa isang linggo. Dumating sa punto na naging abala siya sa paaralan dahil sa oras at gastos na ginugugol niya sa paggawa ng thesis upang siya ay makapasa. Masakit man sa damdamin, isinantabi niya ang pagbili ng milktea kapalit ng kanyang paglalaan ng gastos sa kanyang thesis. Anong pamantayan sa pamimili ang ipinakita ni Melo?

1

Sumusunod sa badyet

2

Hindi nagpapadaya

3

Makatwiran

4

  Mapanuri        

30

Multiple Choice

Ang pagpa-panic buying ay kadalasang bunga ng pagtatago ng mga produkto na tinatawag na _________ upang mapataas ang presyo na hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niya na ito ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon.

1

Hoarding

2

Shortage

3

 Smuggling                                          

4

Surplus

31

Multiple Choice

Ang Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines ay kalipunan ng mga batas na nilikha para sa karapatan ng mga mamimili. Alin ang hindi kabilang sa binibigyang-pansin ng batas na ito?

 

1

A.    Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan

2

B.     Pagkakaroon ng kabayaran lalo na sa kapinsalaang dinulot ng isang produkto

3

C.     Proteksiyon laban sa mapanlinlang na mga negosyo at industriya

4

D.    Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mamimili

32

Multiple Choice

Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?

1

Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin

2

Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran

3

Pag- aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon sa produkto

4

Palagiang pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang bibilhing produkto

33

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan?

1

Energy Regulatory Commission

2

Department of Trade and Industry

3

Securities and Exchange Commission

4

Department of Labor and Employment

34

Multiple Choice

Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mamimili?

1

Dahil pinangangalagaan nito ang mga negosyante

2

Dahil nagiging madali ang paraan ng pagbili ng mga konsyumer sa bawat tindahan

3

Dahil ito ang nagbibigay ng proteksyon sa bawat mamimili laban sa mapang-abuso sa pagkonsumo

4

Upang madali na matunton ng pamahalaan ang mga negosyanteng lumalabag sa patakaran ng pagkonsumo

35

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng mamimili na magtatag ng samahan upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kapakanan ng bawat mamimili?

1

Kamalayang Kapaligiran

2

Mapanuring Kamalayan

3

Pagkakaisa

4

Pagkilos

REBYU SA EKONOMIKS

media

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 35

SLIDE