

Untitled Lesson
Presentation
•
History
•
6th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
JAYVEE LEON
FREE Resource
24 Slides • 0 Questions
1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pagiging Matapat
6
CO_Q2_ESP 6_Module 3
2
Edukasyon Sa Pagpapakatao (EsP) – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pagiging Matapat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VI – Western Visayas
Office Address:Duran St. Iloilo City, Philippines
Telefax:
(033) 336-2816, (033) 509-7653
E-mail Address:
deped6@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Andrea N. Claur, Lionipel C. Daniel
Editor: Maricha D. Rojo, Carmelita R. Segara
Tagasuri: Zaldy H. Reliquias, PhD, Raulito D. Dinaga
Tagaguhit: Cyros C. Toding
Tagalapat: Othelo M. Beating, Raulito D. Dinaga
Tagapamahala: : Ramir B. Uytico, EdD, CESO IV - Regional
Director
Pedro T. Escobarte, Jr., PhD, CESO V- OIC-Regional Director
Elena P. Gonzaga, Regl Chief-CLMD
Donald T. Genine, Regl EPS-LRMS
Meriam T. Lima, Reg'l EPS, ESP
Marsette D. Sabbaluca, CESO VI - SDS
Lynee A. Peñaflor - ASDS
Salvacion J. Senayo - OIC-ASDS
Zaldy H. Reliquias PhD, Chief-CID
Raulito D. Dinaga, EPS-LRMS Carmelita R. Segara, EPS-
ESP Othelo M. Beating, PDO II-LRM
3
6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pagiging Matapat
4
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaanim na
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagiging
Matapat!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang
pan-21
siglo
habang
isinasaalang-alang
ang
kanilang
mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
5
1
Alamin
Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng mga hakbang kung paano maging
responsable sa kapuwa sa pamamagitan ng pagiging matapat. Matututuhan mo rin
sa modyul na ito ang mga kahalagahan ng pagiging matapat at ang mga di-kanais-
nais na mga pangyayari dulot ng pagiging sinungaling. Sa araling ito, ikaw ay
magkakaroon ng pagkakataon na patunayan ang iyong pagiging matapat ayon sa
mga positibong sagot sa mga tanong.
At sa bandang huli, inaasahang masagot mo ang tanong: Paano mo
mapatutunayan na ikaw ay matapat?
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang ang sumusunod na mga kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
1.Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa sa
pamamagitan ng pagiging matapat (MELC #4.3)
2.Naipapaliwanag ang epekto ng pagiging matapat.
3.Napahahalagahan ang pagiging responsable sa kapuwa sa pamamagitan ng
pagiging matapat.
4.Naisasagawa ang pagiging matapat bilang tanda ng pagiging responsable.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
6
2
Subukin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong
kaisipan sa pagiging matapat at MALI naman kung hindi. Isulat sa
kuwaderno ang sagot.
______________ 1.Nalimutan ni Joseph na gawin ang kaniyang takdang-aralin sa
Filipino. Biglang nagwasto ng kuwaderno si Bb. Kim. Nang
tawagin si Joseph ay sinabi nito na naiwan niya ang kaniyang
takdang-aralin sa kanilang bahay.
______________ 2.May malasakit sa mga gawain sa silid-aralan si Kevin
nakatingin man o hindi ang kaniyang guro.
______________ 3.Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa Math. Agad mo itong
sinabi sa inyong nanay pati ang eksaktong halaga ng naturang
halaga nito.
______________ 4.Si Lito ay nangunguha ng mga gamit ng kaniyang mga kaklase
at agad itong itinatago sa ilalim ng kaniyang upuan.
______________ 5.Si Cyros ay kumandidato bilang pangulo ng Supreme Pupil
Government sa kanilang paaralan. Sa mismong araw ng
botohan ay may nakita siyang nakakalat na balota na siyang
gagamitin sa botohan. Agad niyang ibinalik ang mga ito sa
gurong tagapangasiwa.
______________ 6.Nagbabasa at nagbabalik-aral ako nang maraming ulit bago
ang pagsusulit kung kaya’y hindi na ako nangongopya sa aking
katabi.
______________ 7.Ginagawa ko ang aking proyekto at tinatapos ito sa takdang
araw dahil ito ang nararapat upang makakuha ako ng tamang
marka mula sa aming guro.
______________ 8.Sinusunod ko ang mga tamang hakbang na ibinigay ng guro
kung paano gumawa ng isang proyekto dahil dito nakasalalay
ang aking puntos na makukuha ayon sa rubrik sa paggawa ng
isang proyekto.
______________ 9.Ibinabahagi ko ang aking mga ideya sa aking mga kapangkat
para makagawa sila ng iniatas ng guro na gamit ang kanilang
kaalaman upang hindi na sila mangongopya sa iba.
______________ 10. Nakikinig ako sa aking guro habang nagtatala nang sa ganoon
ay makasagot ako sa aming pagsusulit bukas na hindi
tumitingin sa papel ng iba.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
7
3
Aralin
1 Pagiging Matapat
Alam natin ang salita ng Diyos: “Maging tapat sa inyong sarili, sa kapuwa, at
sa Diyos sa lahat ng panahon.” Ang ibig sabihin ng pagiging matapat ay ang piliing
huwag magsinungaling, mandaya, o manlinlang sa anumang paraan. Kapag kayo ay
tapat, pinalalakas ninyo ang inyong pagkatao at dahil dito ay makapaglilingkod kayo
nang lubos sa Diyos at sa iba. Bibiyayaan kayo ng kapayapaan ng isipan at
paggalang sa sarili. Pagtitiwalaan kayo ng Diyos at magiging karapat-dapat na
makapasok sa Kaniyang banal na templo.”
Ang pagiging hindi matapat ay nakasasakit sa inyo at sa iba. Kapag kayo ay
nagsisinungaling, nagnanakaw, nangungupit, o nandaraya, pinipinsala ninyo ang
inyong espiritu at ang pakikipag-ugnayan ninyo sa iba. Ang pagiging tapat ay
magpapaganda ng inyong mga oportunidad sa hinaharap at magdaragdag sa inyong
kakayahang magabayan ng Espiritu Santo. Sa lahat ng panahon, magiging tapat sa
iyong kapuwa, pamilya at sarili. Bilang estudyante magiging tapat rin sa iyong pag-
aaral nang sa ganoon ay iyong maipakita na kaya mong gawin ang isang bagay na
magbibigay ng kabutihan sa iyong buhay dahil sa katapatan.
Balikan
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang pangungusap. Isulat ang mga
sagot sa iyong kuwaderno.
______________ 1.Pinakokopya ni Rodney sina Ilcon at Julianne
tuwing may pagsusulit.
______________ 2.Tinuturuan ni Edwin ang kaklase na si Grace sa pag-
aaral.
______________ 3.Pinagtatanggol ni Cyril ang kaibigan na si Janny kahit
ito ay may masamang nagawa.
______________ 4.Walang
kai-kaibigan
sa maling
gawain
kaya
pinagsasabihan ni Argie ang kaniyang kaibigan.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
8
4
______________ 5.Pinapasunod ni Javen ang kaniyang kaibigan sa
kaniyang maling ginagawa.
______________ 6.Hinahayaan ni Chad ang kaniyang mga kalaro na
magbulakbol sa kanilang klase upang maglaro ng
basketbol.
______________ 7.Si Renelle ay tumutulong sa kaniyang mga kapitbahay
sa mabibigat na mga gawain.
______________ 8.Isinasama ni Rommel ang mga kaklase sa kanilang
bahay tuwing may handaan.
______________ 9.Kapag may hindi gusto si Othelo sa kaniyang mga
kaibigan, agad itong nagagalit.
______________ 10. Sina Marlon at Cyros ay tumutulong sa mga kaklase na
babae sa paglilinis ng silid-aralan.
Mga Tala para sa Guro
Katungkulan mong tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mabibigyan
ng sapat na suporta at alalay mula sa kanilang magulang,
nakatatandang kapatid sa bahay o kahit na sa mga kamag-anak,
kaibigan at kapitbahay.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
9
5
Tuklasin
“Si Andrea, Ang Batang Tapat”
(ni R.D.D)
Linggo ng umaga. Magluluto si Aling Carmelita ng adobong manok. Nakita niya
na ubos na ang kanilang toyo at suka kaya inutusan niya ang kaniyang anak na si
Andrea na bumili sa tindahan sa kanto. Habang papunta ng tindahan, nakita ni
Andrea ang kaniyang kaibigan na si Lione. Niyaya niya ito para samahan siyang
bumili ng toyo at suka.
“Lione, samahan mo naman akong bumili sa tindahan ng toyo at suka para may
kakuwentuhan naman ako,” yaya ni Andrea.
“Sige nga! Kasi may bibilhin din ako na kendi,” ang sagot ni Lione.
Ano ba ang ulam ninyo at inutusan ka ni Aling Carmelita na bumili ng toyo at suka?
tanong ni Lione. “Magluluto si Inay ng adobong manok para sa aming pananghalian,”
sagot ni Andrea. “Wow! Ang sarap naman ng ulam ninyo, sana ganoon din ang sa
amin,” masayang sabi ni Lione. “Hayaan mo at sasabihin ko kay Inay na bibigyan
kayo mamaya,” may ngiting sagot ni Andrea.
Masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigan habang papunta ng tindahan. “Aling
Dulce, pabili po ng isang bote ng toyo at suka. Ito po ang isang daang piso,” sabi ni
Andrea. “Aling Dulce pabili din po ng limang piso na kendi,” sabi ni Lione. “Ito na ang
toyo at suka mo Andrea at ang kendi mo Lione, pati na ang inyong mga sukli.”
Habang sila ay naglalakad pauwi ng bahay nakita ni Andrea na sobra ang sukli ni
Aling Dulce. “Naku Lione, sobra ang sukli sa akin ni Aling Dulce,” sabi ni Andrea sa
kaibigan na kinakabahan. “Huwag na lang natin isauli kay Aling Dulce kasi hindi
naman niya alam,” sabi ni Lione. “Naku Lione masama iyan, gagawin natin ang
nararapat, ibalik natin ito ngayon na at baka matuklasan pa niya mamaya,
nakakahiya!” sabi ni Andrea sa kaibigan. Kaya dali-dali silang bumalik sa tindahan
at isinauli ang sobrang sukli. Tuwang-tuwa naman si Aling Dulce sa ginawa ni Andrea
at ikinuwento niya ito sa mga bumibili sa kaniyang tindahan. Simula noon tinawag
na si Andrea na “Batang Tapat”.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang natuklasan ni Andrea habang naglalakad sila ni Lione
pauwi?
2. Bakit natuwa si Aling Dulce?
3. Bakit tinawag si Andrea na batang tapat?
4. Kung ikaw si Andrea, ganoon din ba ang iyong gawin? Bakit?
5. Ano ang iyong natutuhan sa kuwento?
CO_Q2_ESP 6_Module 3
10
6
Suriin
Ang katapatan, na tinatawag ding katapatang-loob, pagkamatapat na loob, o
pagkamatapat, ay ang pagkakaroon ng debosyon at pananalig sa isang tao, bansa,
pangkat, o layunin. Ang ibig sabihin ng matapat ay ang piliing huwag magsinungaling,
mandaya o manlinlang sa anumang paraan. Kapag tayo ay tapat, pinalalakas natin
ang ating pagkatao at dahil dito tayo ay magkaroon ng kapayapaan sa isipan at
paggalang sa sarili.
KATAPATAN SA SALITA AT GAWA
•Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman at sapat na kakayahan ang
magiging sandata upang maging kaisa sa pagpapanatili ng buhay at kinang
nito.
•Ang hindi pagsasabi ng totoo o panloloko ng kapuwa ay parang isang bisyo.
•Kapag paulit-ulit ito na ginagawa, nagiging ugali na ito ng isang tao.
KATAPATAN SA GAWA
•May kasabihan na “action speaks louder than words”. Patunay ito na mas
binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa salita.
•Sa usapin ng katapatan, minsan ay natutuon lamang ang pansin ng marami
sa kasinungalingan bilang paglabag sa katotohanan.
•Nakaliligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa
katapatan.
•Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng
bagay na hindi niya pag-aari at hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang
kapuwa sa anumang paraan.
•Ito ay ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan.
IBA’T IBANG URI NG PAGSISINUNGALING
•PROSOCIAL LYING – Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang
ibang tao. Ito ay madalas na ginagawa para sa isang taong malapit sa buhay
•SELF-ENHANCEMENT LYING – Pagsisinungaling upang maisalba ang sarili
mula sa kahihiyan o kaparusahan.
•SELFISH LYING – Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa
makapaminsala sa ibang tao.
Magandang araw! Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito
ikaw
ay
makatutukoy,
makasusuri,
makagagwa,
at
makapagsasagawa ng mga kilos na nagpapakita ng pagiging
matapat bilang responsableng tao.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
11
7
DAHILAN NG PAGSISINUNGALING
•Upang makaagaw ng atensiyon o pansin.
•Upang mapasaya ang isang mahalagang tao.
•Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao.
•Upang makaiwas sa personal na pananagutan.
•Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o
malala.
PATNUBAY PARA SA MGA BATA
•Ang pagsisinungaling sa edad na anim ay kailangang bigyan ng pansin.
•Sa edad na ito, ang isang bata ay marunong nang kumilala ng kasinungalingan
at katotohanan.
•Sa edad na pito, napapanindigan na ng isang bata ang pagsisinungaling.
Nakakikilala na sila ng pagkakaiba ng kanilang iniisip at kung sa paano
paglalaruan ang kilos ng ibang tao para sa kaniyang sariling kapakanan.
•Ang maagang yugto na ito ang pinakakritikal. Dahil kapag ito ay napabayaan,
magtutulak ito upang makasanayan na ang pagsisinungaling at maging bahagi
na ito ng kaniyang pang-araw-araw na buhay.
MGA MAHALAGANG DAHILAN SA PAGSASABI NG TOTOO
•Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang
tunay na mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi
pagkakaunawaan, kalituhan at hidwaan.
•Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa mga inosenteng
tao upang hindi masisi o maparusahan. Nangyayari ito sa mga pagkakataong
ginagamit ang isang tao upang mailigtas ang sarili sa kaparusahan.
•Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga
pangyayari.
•Magtitiwala sa iyo ang iyong kapuwa.
•Hindi mo na kinakailangan lumikha pa ng maraming kasinungalingan para
lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.
•Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan.
•Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng
seguridad at kapayapaan ng kalooban.
APAT NA PAMAMARAAN NG PAGTATAGO NG KATOTOHANAN AYON SA AKLAT
NI VITALIANO GOROSCOPE
1. SILENCE (Pananahimik) – Ito ay ang pagtanggi sa pagsagot sa anumang
tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.
2. EVASION (Pag-iwas) – Ito ay ang pagliligaw sa sinumang humihingi ng
impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang katanungan.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
12
8
3. EQUIVOCATION (Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o
kahulugan) – Ito ay ang pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay
maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon.
4. MENTAL RESERVATION (Pagtitimping Pandiwa) – Ito ay ang paglalagay ng
limitasyon sa tunay na esensiya ng impormasyon
CO_Q2_ESP 6_Module 3
13
9
Pagyamanin
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Ang pagiging ____________ ay isang katangian na nangangailangan ng
kolektibong pagkilos upang mapanatiling buhay at nag-aalab.
2. Ang pagkakaroon ng malawak na __________ at sapat na kakayahan
ang magiging sandata upang maging kaisa sa pagpapanatili ng buhay
at kinang nito.
3. Ang hindi pagsasabi ng totoo o __________ ng kapuwa ay parang isang
bisyo.
4. Kapag paulit-ulit ito na ginagawa, nagiging __________ na ito ng isang
tao.
5. Ang __________ ng tao na tumutulong sa atin upang magkaintindihan
ay madalas na inaabuso.
6. Ang __________ ay isang uri ng pang-aabuso.
7. Ang pagsisinungaling ay ang isang __________.
8. Ang anumang uri ng pagsisinungaling __________ ng katotohanan at
katapatan.
9. Ang _________________ ay isang uri ng pagsisinungaling upang
pangalagaan o tulungan ang ibang tao. Ito ay madalas na ginagawa
para sa isang taong malapit sa buhay.
10. Ang ________________ ay isang uri ng pagsisinungaling upang
maisalba ang sarili mula sa kahihiyan o kaparusahan.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
14
10
Panuto: Sumulat ng iyong karanasan na nagpapakita ng pagiging matapat. Pumili
lamang ng isa sa tatlong karanasan na nasa loob ng pahaba at gawin ito
sa iyong kuwaderno.
Mga
Karanasan
3. Nakakita ng
isang bagay na
hindi sa iyo
Pagiging
Matapat
1.Lagumang
Pagsusulit
2. Pagbili ng mga
bagay sa tindahan
CO_Q2_ESP 6_Module 3
15
11
Isaisip
A. Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon. Ilahad ang iyong damdamin
sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata? Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1.
1. Si Arnel ay isang ulilang bata na nakatira sa kaniyang tiyuhin. Pumasok
siya sa paaralan na hindi nakapag-aral ng leksyon at antok na antok pa
dahil tumutulong siya sa mga gawaing bahay at sa bukirin. Biglang
nagbigay ng pagsusulit ang kanyang guro. Ano ang iyong damdamin sa
ganitong sitwasyon?
Ngayon ay alam ko na kung
paano maging matapat sa
iba’t-ibang gawain.
Pagyayamanin ko ito at
ipagpapatuloy ang
mabuting gawi.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
Iginuhit ni Cyros C. Toding
16
12
2.
2. Bumili ka ng tinapay sa kantina nang mapansin mong sobra ang sukli
na ibinigay sa iyo ng tindera at ika’y nangangailangan ng pera para
pambili ng ballpen. Ano ang iyong gagawin?
3.3. Namili ang iyong kamag-aral ng mga materyales na gagamitin para sa
inyong proyekto sa EsP. Natuklasan mo na may sobrang illustration
board ang kaniyang pinamili at nagkataon na kailangan ito ng iyong
bunsong kapatid. Tama bang ibigay mo ito sa kaniya?
B. Sagutin ang mga tanong tungkol sa artikulo sa “Suriin.” Isulat ang mga sagot
sa iyong kuwaderno.
1.Ano ang ibig sabihin ng matapat sa salita at sa gawa.
2.Ano-ano ang mga dahilan ng pagsisinungaling?
3.Bakit kailangang pag-aralan ng mga bata ang kahalagahan ng pagiging
matapat?
4.Ano-ano ang epekto ng pagsisinungaling?
CO_Q2_ESP 6_Module 3
17
13
Isagawa
A. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat sa iyong kuwaderno ang
salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng pagiging matapat sa
paggawa at MALI kung hindi.
______________ 1.Sinabi ni Mark sa kaniyang guro na siya ang nakabasag ng
plorera.
______________ 2.Kumuha si John ng pera sa pitaka ng kaniyang Tatay ng hindi
nagpaalam.
______________ 3.Nagpaalam si Grace sa kaniyang Nanay na pupunta siya sa
parke subalit sa bahay ng kaniyang kaklase siya nagpunta.
______________ 4.Nakapulot si Joy ng payong. Nagkataon na ang pangalan ng
kaniyang kaklase ang nakalagay kaya ibinalik niya ito.
______________ 5.Sobra ang sukli ng tindero kay Allan at hindi niya ito isinauli.
B. Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang OPO kung ikaw ay sumasang-ayon
sa pahayag sa bawat bilang at HINDIPO kung hindi ka
naniniwala sa pahayag.
______________ 1.Dapat isauli ang mga bagay na hiniram mo.
______________ 2.Dapat
aminin
ang
pagkakamali
kahit
alam
mo
na
pagtatawanan ka ng ibang tao.
______________ 3.Dapat isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo.
______________ 4.Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang isang
mahalagang bagay na napulot mo.
______________ 5.Tama lang na angkinin ang papuri para sa isang proyektong
mahusay na ginawa ng iba.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
18
14
Tayahin
A. Panuto: Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawain sa ibaba? Isulat sa
iyong kuwaderno ang iyong mga sagot kung ginagagawa mo ito ng
Palagi, Madalas o Bihira.
Mga Gawain
Palagi
Madalas
Bihira
1. Nagsasabi ako ng totoo sa aking mga
magulang kapag humihingi ako ng
pahintulot na pumunta sa isang lugar
2. Sinasabi ko sa aking mga magulang
kung
ano
ang
nangyayari
kapag
ginagabi ako ng uwi mula sa paaralan
3. Nagagalit ako kapag sinasabihan ako
ng aking mga magulang ng aking
pagkakamali
4. Isinasauli ko ang sobrang sukli kapag
bumibili ako sa tindahan
5. Tumatanggi akong sumali sa isang
gawain sa aming paaralan kapag sa
tingin
ko
ay
hindi
iyon
kapakipakinabang
6. Nagtatago ako kapag may ipagagawa
ang aming guro na paglilinis sa silid-
aralan
7. Tamang halaga ang ibinabayad ko
kapag
sumasakay
ako
sa
pampublikong sasakyan.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
19
15
8. Kapag ayaw kong magtratrabaho sa
loob ng bahay, nagdadahilan ako na
masama ang aking pakiramdam
9. Sinasabi ko sa aking mga magulang
kapag nakagawa ng pagkakamali ang
aking kapatid
10.Sinasabi ko ang totoong dahilan kapag
nahuli ako sa klase.
11.Ipinapagawa
ko ang
proyekto
sa
nakatatanda kong kapatid
12.Minarkahan ko ng mali ang hindi
tamang sagot ko sa pagsusulit kahit na
gusto kong makakuha ng mataas na
marka
13. Masusi kong ginagawa ang takdang-
aralin na nag-iisa.
14. Kaagad kong ipinagbigay alam sa
aking guro nang makakuha ako ng test
paper na may mga sagot na.
15.Nagpapatulong ako sa pag-download
ng mga larawan ng mga bayani ng
Pilipinas.
CO_Q2_ESP 6_Module 3
20
16
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga katangian ng pagiging matapat na iyong
nagawa sa tahanan, paaralan, simbahan, kaklase at sa kaibigan.
Kopyahin ito at sagutin sa iyong kuwaderno.
TAHANAN
PAARALAN
SIMBAHAN
KAKLASE
KAIBIGAN
A. Panuto: Isulat ang mga ginawa mo na nagpapakita ng katapatan sa iyong
sarili, pamilya at komunidad. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
SARILI
PAMILYA
KOMUNIDAD
CO_Q2_ESP 6_Module 3
21
17
Panuto: Magpakita ng kahalagahan ng pagiging matapat sa kapuwa, gamit ang isa mga
gawain na makikita sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. poster
2. dula
3. kuwento
CO_Q2_ESP 6_Module 3
22
18
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
B.
1. OO
2. OO
3. OO
4. HINDI
5. HINDI
Pagyamanin
1. matapat
2. kaalaman
3. pagsisinungaling
4. ugali
5. katapatan
6. pagsisinungaling
7. bisyo
8. pagbaligtad
9. prosocial lying
10.self-
enhancement
lying
Balikan
1. MALI
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
6. MALI
7. TAMA
8. TAMA
9. MALI
10.TAMA
Isagawa
1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
Subukin
1. MALI
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10.
TAMA
CO_Q2_ESP 6_Module 3
23
19
Sanggunian
https://www.churchofjesuschrist.org/manual/for-the-strength-of-youth/honesty-
and-integrity?lang=tgl
https://www.wattpad.com/165457449-mga-kasabihan-katapatan
https://www.slideshare.net/lhengacusan/katapatan
CO_Q2_ESP 6_Module 3
24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pagiging Matapat
6
CO_Q2_ESP 6_Module 3
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 24
SLIDE
Similar Resources on Wayground
18 questions
Historia 6 / Odrodzenie na ziemiach polskich
Presentation
•
6th Grade
17 questions
SUPREMO [Kabanata 10-13]
Presentation
•
6th Grade
18 questions
Plano de Estudos - 6ºano/2021 (1ºsem)
Presentation
•
6th Grade
19 questions
Świat po I wojnie światowej.
Presentation
•
6th - 7th Grade
17 questions
Grécia - Democracia e Religião
Presentation
•
7th Grade
16 questions
Szkolny konkurs historyczny- " 11 listopada"dla kl. 5-8.
Presentation
•
KG
16 questions
Reformacja
Presentation
•
6th Grade
20 questions
6.3.3 Powstanie Chmielnickiego
Presentation
•
6th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 4
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
HSMS - Standard Response Protocol
Quiz
•
6th - 8th Grade
16 questions
1.1-1.2 Quiz Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
12 questions
Exponent Expressions
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Adding and Subtracting Integers
Quiz
•
6th - 7th Grade
11 questions
Northeast States
Quiz
•
3rd - 4th Grade
10 questions
Characterization
Quiz
•
3rd - 7th Grade
10 questions
Common Denominators
Quiz
•
5th Grade