Search Header Logo
Q4_W4_M12_Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Q4_W4_M12_Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 2+ times

FREE Resource

24 Slides • 27 Questions

1

Filipino sa Piling

Larang (Akademik)

Pagtiyak sa Elemento ng Pinanood na Programang Pampaglalakbay

2

Alamin

Ang modyul na ito ay nahahati sa sumusunod na paksa:

1. Pagbibigay Kahulugan sa Lakbay-sanaysay

2. Mga Elemento ng Lakbay-sanaysay

3. Mungkahing Gabay sa Epektibong Pagsulat ng Lakbay-sanaysay

4. Halimbawa ng Lakbay-sanaysay

3

Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay. CS_FA11/12PT-0m-o-90

4

​Subukin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tsek (√ ) kung wasto ang inilalahad ng sumusunod na pangungusap, ekis (X) kung mali.

5

Multiple Choice

Ang Lakbay-sanaysay ay tumutukoy sa mga likhang-isip na kuwento ng may-akda.

1

2

X

6

Multiple Choice

Hindi kinakailangan ang mga larawan sa pagsulat ng Lakbay-sanaysay.

1

2

X

7

Multiple Choice

Kilala rin sa tawag na travelogue ang Lakbay-sanaysay.

1

2

X

8

Multiple Choice

Isa sa mga layunin ng Lakbay-sanaysay ay makabuo at makapagbahagi ng gabay o tips sa mga taong nais bumisita sa isang lugar.

1

2

X

9

Multiple Choice

Higit na mauunawaan ng mga mambabasa ang nilalaman ng Lakbay-sanaysay kung ito ay nasa kronolohikal na pagkakasunod-sunod.

1

2

X

10

Multiple Choice

Walang sinusunod na gabay ang may-akda sa paglikha ng Lakbay-sanaysay. Malaya siyang sumulat sa anomang pamamaraang nais niya.

1

2

X

11

Multiple Choice

Ang Lakbay-sanaysay ay hindi lamang dapat nagbibigay-aliw sa mga mambabasa. Ito rin ay dapat naglalahad ng mga impormasyon.

1

2

X

12

Multiple Choice

Mas mainam na gumamit ng mahaba at maligoy na pananalita sa pagsulat ng Lakbay-sanaysay.

1

2

X

13

Multiple Choice

Ang Lakbay-sanaysay ay isang akda na may layuning maipabatid ang naging karanasan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.

1

2

X

14

Multiple Choice

Ayon kay Nonong Carandang, ang Lakbay-sanaysay ay maaari ring mangahulugan na sanaylakbay.

1

2

X

15

Open Ended

Balikan

Panuto: Alalahanin ang huling programang pampaglalakbay na napanood at sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa mga pangyayaring nakapaloob dito at isulat ito sa sagutang papel.

16

Open Ended

Tuklasin

Panuto: Pumili ng tatlong pahayag sa baba na sa iyong palagay ay mabuting naidudulot ng paglalakbay sa isang tao at pagkatapos ay sundin ang mga hinihingi sa bawat bilang.

A. Natututo ng mga bagong kaalaman

B. Nakakikilala ng mga kaibigan

C. Nalilimutan ang mga problema

D. Nakikilalang mabuti ang sarili

E. Nagbibigay ng kapanatagan ng isipan

F. Napabubuti ang kalusugan

G. Nakabubuo ng mga alaalang di malilimutan

1. Sumulat ng maikling paliwanag sa sagutang papel kung bakit mo napili ang tatlo.

2. Kung ikaw ay manonood ng isang vlog o video tungkol sa isang paglalakbay, ano-anong bahagi ng palabas ang inaabangan mo upang makita ang mga pinili sa taas na naidudulot ng panonood mo ng video.

17

Suriin

Lakbay-sanaysay

Ang Lakbay-sanaysay ay isang uri ng sulatin na ang layunin ay mailahad ng may-akda ang kanyang mga naranasan at mga natuklasan sa paglalakbay. Ito ay mas kilala rin sa tawag na travel essay o travelogue na maaaring nasa anyong pelikula, lathalain, palabas sa telebisyon o anomang anyo ng panitikan na nagpapamalas ng dokumentasyon hinggil sa mga lugar na napuntahan ng manlalakbay. Binanggit naman ni Nonong Carandang, isang propesor at manunulat na ang Lakbay-sanaysay ay nangangahulugan ding sanaylakbay. Kinapapalooban ito ng tatlong kaisipan: sanaysay, sanay at lakbay. Itinuturing niyang pinakamainam na paraan ng pagtatala ng lahat ng mga naging karanasan ng isang tao sa paglalakbay ang paglikha ng sanaysay. Mula sa pagsisimula pa lamang ng paglalakbay hanggang sa naging paulit-ulit na ang gawaing ito, siya ay nagkakaroon ng kasanayan sa pagpaplano at pag-aayos ng mga dapat isagawa at tandaan. Kasabay rin nito ang pagpapaunlad ng kasanayan ng isang manlalakbay sa pagsasalaysay ng mas detalyadong pangyayari upang walang makaligtaan at walang panghinayangang mga alaala dahil mayroon siyang maaaring balikan at ito ang nilikha niyang Lakbay-sanaysay.

18

Mga Elemento sa Pagsulat ng Lakbay-sanaysay

Nakapaloob kay Tavishi (2021), Mendoza (2009) ang sumusunod na elemento sa pagsulat ng Lakbay-sanaysay sa bawat bahagi:

1. Panimula – ang bahaging ito ang itinuturing na mapa ng sanaysay. Ito ang nagbibigay direksiyon sa mga mambabasa ng pangkalahatang ideya o overview sa nilalaman ng isang akda. Mahalagang sa simula pa lamang ay kawili-wili na ang paraan ng paglalahad upang mapukaw agad ang interes ng target na audience.

19

a. Panimulang kataga – ang nagsisilbing tag ng Lakbay-sanaysay na pumupukaw sa atensyon ng mambabasa.

b. Hook – ang unang limang pangungusap ng sanaysay na naglalahad na may panghihikakayat sa mambabasa.

c. Tema – ito ang nagsisilbing kaligiran ng sanaysay kung ano ang magiging direksyon ng paglalahad ng mga lugar.

d. Larawan – ito naman ang mga panghikayat na biswal ng mga lugar, pagkain, mga tao, kultura at iba pang tampok sa lugar na binisita.

20

2. Katawan/Nilalaman

Ito ang magtatampok ng mga karanasan at pangyayari sa isang akda kaya’t kinakailangang organisado at maayos ang pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng mga detalye upang madaling maunawaan ng mga mambabasa.

21

a. Karanasan sa paglalakbay – inilalahad dito ang iba’t ibang kakaibang karanasan o adventure ng taong naglalakbay.
b. Larawan ng mga tampok na lugar - ang mga larawang binisita at itinatampok sa paglalakbay.

c. Mga petsa at oras – ito ang hudyat ng organisasyon ng sanaysay batay sa panahon ng pagkakaayos ng paglalahad ng sanaysay.

d. Mga gugolin – ito naman ang mga presyo o halaga ng gastusin ng isang manlalakbay na nagsisilbing gabay at panghikayat sa mga mambabasa dahil ito ang malimit na hinahanap sa mga Lakbay-sanaysay.

22

e. Mga transportasyon – ito ang mga pamamaraan kung paano makararating sa lugar at kung ano-ano pa ang maaaring gamiting transportasyon habang naglilibot sa lugar.

f. Mga landmark – ito ang mga kilalang lugar na madaling tandaan at karaniwang alam nang lahat ng mga manlalakbay.

g. Mga tutuluyang pahingahan – malimit na mga hotel o apartel na siyang tutuluyan ng manlalakbay.

h. Mga tampok na pagkain – ito ang isa sa mga pang-akit ng mga manunulat at inaabangan ng mga mambabasa sa Lakbay-sanaysay. Nagsisilbing gabay ito sa mambabasa sa pagpaplano ng mga iteniraryo batay sa oras at batay sa kung saan kakain ang mga manlalakbay.

23

3. Konklusyon – mahalagang mailahad dito ang mga positibong naidulot ng paglalakbay tulad ng mga aral at mga kaisipang napulot mula sa mga naging karanasan na nagpabago at nagpaunlad ng iyong sarili.

a. Pangkalahatang karanasan – naglalaman ito ng pangkalahatang kinalabasan ng paglalakabay kung naging mabuti ba ang karanasan ng manunulat o hindi. Malimit na gumagamit ng mga rating ang mga manunulat upang ilarawan ang kanilang paglalakabay.

b. Rekomendasyon sa mga manlalakbay – ito naman ang mga mungkahi ng manlalakbay kung paano maglalakbay at gugugulin ang oras sa paglalakbay na isasagawa ng mga mambabasa.

24

Pagyamanin

Basahin ang Lakbay-sanaysay batay sa video na pinanood at sagutin ang sumusunod na tanong pagkatapos nito.

25

Magtatapos pa lamang ang buwan ng Marso noon ay nagpasya na ang aming pamilya at ilang kamag-anak na magtutungo sa Norte pagsapit ng bakasyon. Dahil kaming mag-asawa ay parehong guro, madalas ay abala kami sa aming pagtuturo at iba pang gawain. Gayundin naman ang aming anak ay pumapasok sa paaralan, kaya’t bibihirang pagkakataon lamang kung kami ay makapagplano ng pamamasyal sa malayong lugar. Dumating na ang araw ng pagtatapos ng klase. Isang masayang pagkakataon upang kaming mag-anak ay magkaroon ng mas mahabang oras upang makapagrelaks, magkuwentuhan, magtulong-tulong sa mga gawaing bahay at magplano para sa nalalapit naming paglalakbay. Ang lahat ay nananabik na at halos hilahin na ang araw ng aming pag-alis. Higit ang nakikita kong kasiyahan sa mukha ng aming panganay, sapagkat ito pa lamang ang ikalawang pagkakataon niya na makasama sa malayuang biyahe maliban sa aming pamamasyal noon sa Palawan.

26

Abril 17, 2017, maaga pa lamang ay inayos na namin ang mga pinamiling pagkaing babaunin at ang mga gamit na dadalhin. Inilagay na rin ang mga ito sa sasakyan upang nakahanda na ang lahat at wala nang makalimutan. Maagang natulog ang lahat ngunit ang ilan ay hindi yata dalawin ng antok at hindi na mapakali.

27

Abril 18, 2017, ika-4:00 pa lamang ng umaga ay umalis na kami sa aming bahay. Binaybay namin ang kahabaan ng TPLEX. Hindi nawala ang kuwentuhan at tawanan habang kami ay nasa biyahe. Humigit-kumulang walong oras bago namin narating ang apartment na aming tutuluyan na Dos Niños Home na matatagpuan sa San Julian, Vigan, Ilocos Sur. Nasa bukana lamang ito kaya’t madali naming natunton. Maganda, malinis at maaliwalas ang loob nito. Mayroon itong dalawang malalaking silid at sa loob nito ay may dalawa hanggang tatlong kama. Kami ay nasa ikalawang palapag at dahil mayroon itong balkonahe, nalalanghap namin ang sariwang hanging dala ng mga nakapaligid na puno sa kabila ng mainit na panahon.

28

Matapos kumain, saglit kaming nagpahinga at inihanda ang aming sarili sa simula ng aming paglilibot. Una kaming nagtungo sa Baluarte Mini Zoo na pagmamay-ari ng dating gobernador ng Ilocos na si Luis “Chavit” Singson. Nakita namin dito ang mga hayop tulad ng kabayo, tigre, leon, zebra, camel at marami pang iba. Napasok din namin ang Safari Gallery na matatagpuan mismo sa loob ng zoo. Isa itong museo na kinapapalooban ng mga koleksiyon ng napreserbang mababangis na hayop na nakuha ng gobernador mula sa kanyang pangangaso mula sa iba’t ibang bansa. Tunay na kamangha-mangha ang animo’y buhay na mga imahe at larawan na naroroon. Dahil inabot na kami ng gabi, nasaksihan pa namin ang pagtatanghal ng mga mahuhusay na fire dancers. Matatagpuan ang mini zoo na ito sa Brgy. Salindeg, Vigan City, Ilocos Sur at bukas ito mula Lunes hanggang Linggo. Dala ng pagod sa maghapong paglalakbay, ang lahat ay maagang nakatulog ng may ngiti sa labi dahil sa masayang karanasan sa unang araw namin sa Norte.

29

Abril 19, 2017, nagpasiya kaming puntahan ang Calle Crisologo na dati’y sa mga magasin, post card at larawan ko lamang nakikita. Higit na kaakit-akit ang lugar na ito sa personal kaysa sa aking inaakala. Ang Calle Crisologo ay tinaguriang “The Heritage Village” ng UNESCO dahil mababakas dito ang kasaysayan ng nakalipas. Napalilibutan din ng mga bilihan ng samu’t saring produktong Pilipino mula sa mga walis tambo, hinabing kumot, mantel at pamunas, mga basket, bag, sombrero, baso, t-shirts at mga kutkutin tulad ng kornik at mani. Waring hindi nakaramdam ng pagod ang mga batang kasama namin lalo na nang nakita nilang nagkalat ang mga street foods sa paligid tulad ng dirty ice cream, fish balls, cotton candy at taho. Nang makaramdam kami ng gutom, kumain kami sa isang “kilalang Inasal”. Pangkaraniwan nang makakakain sa lugar na ito kung nasa siyudad subalit sa pagkakataong iyon, animo’y nasa ibang panahon kami dahil sa ambiance na hatid

30

ng kapaligiran. Pagsapit ng gabi higit naming napagmasdan ang kagandahan ng kalapit na kalyeng ito, ang Plaza Burgos na itinayo upang alalahanin ang kabayanihan ni Padre Jose P. Burgos, isa sa tatlong paring martir na binitay noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Bago kami umuwi ay hindi namin nakaligtaan na magpakuha ng larawan sa tabi ng mga naggagandahang lugar na naroon. Ang Calle Crisologo ay bukas mula umaga hanggang gabi at maaaring bisitahin sa Mena Crisologo St., Meztizo District, Vigan City.

31

Abril 20, 2017, matapos ang tatlong araw na pananatili namin sa Ilocos Sur ay dumiretso na kami sa isa pa naming destinasyon. Hindi namin maaaring palampasin ang pagbisita sa ipinagmamalaking Bangui Windmill Farm na matatagpuan sa Bangui Bay, Bangui, Ilocos Norte. Ayon mga tagaroon, ang tila mga higanteng bentilador na aming natatanaw ang nagbibigay ng elektrisidad sa buong Ilocos. Kagila-gilalas ang mga naglalakihang windmill na ito na malapit sa baybayin kaya’t mas mainam na pumunta dito nang maaga upang makita ang taglay nitong ganda. Sa paligid, ay may ilang souvenir shops at kainan.

32

Abril 21, 2017, umaga pa lang ay naligo na kaming lahat sa dagat dahil aalis na rin kami sa Pagudpod bago magtanghalian. Makikita man sa mukha ng bawat isa ang pagod ay naroon pa rin ang kasiyahan dahil sa iba’t ibang karanasan sa bawat paglalakbay. Muli na naman kaming naghanda sa isang malayong biyahe patungo sa Cauayan City, Isabela upang saglit na mabisita ang aming kamag-anak na naroon. Walang katapusang mga puno at bundok yata ang aming nakita. Hatinggabi na ng kami ay nakarating sa bahay ng aking tiyahin. Masayang nagkumustahan ang lahat, nagkainan at sabay-sabay na ring natulog.

33

Abril 22, 2017, kinabukasan, hindi na pinalampas pa ng aking tiyahin na dalhin kami sa isa sa mga magagandang pasyalan sa kanilang lugar, ito ay sa Callao Cave na matatagpuan sa Peñablanca, Cagayan. Kinakailangang ihanda mo ang iyong sarili dahil medyo matarik at mataas ito pero kapag narating mo na ang tuktok, pakiramdam mo ay abot-kamay mo na ang langit. Matatagpuan sa kuwebang ito ang isang chapel na ang pinakagitna ay nasisinagan ng araw at ang mga rock formations na tunay na nakamamangha. Matatanaw mo rin mula sa itaas ang mga kabundukan na nasa harapan ng kuwebang ito. Talaga namang mawawala sa isip mo kung anoman ang iyong pinagdaraanan kapag narating mo ang lugar na ito.

34

Halos pitong araw na paglalakbay na magkakasama kaming mag-anak. Mahabang oras ito kung tutuusin at nakapapagod talaga ang maikling bakasyon ngunit sa kabila ng lahat, hatid nito ay ang di mapapantayang kaligayahan. Ang malalakas na tawanan, masasaya, ‘di matapos-tapos na kuwentuhan, at higit sa lahat ang mga alaalang kailanman ay ‘di malilimutan. Ang mga ito ang aming babalik-balikan lumipas man ang mahabang panahon.

35

Open Ended

Ano-anong lugar ang naging sentro ng paglalakbay? Ilahad ang kanilang mga naging karanasan dito.

36

Open Ended

Ilahad ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng Lakbay-sanaysay.

37

Open Ended

Sa paanong paraan naipabatid ng may-akda ang kagandahan ng mga lugar at tanawin na kanyang napuntahan?

38

Open Ended

4. Tukuyin ang mga elemento ng pinanood/ binasang lakbay-sanaysay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. Karanasan sa paglalakbay

b. Larawan ng mga tampok na lugar

c. Mga petsa at oras

d. Mga gugolin

e. Mga transportasyon

f. Mga landmark

g. Mga tutuluyang pahingahan

h. Mga tampok na pagkain

39

Open Ended

Gawain 2

Panuto: Matapos mong panoorin ang video at basahin ang lakbay-sanayay, Ilahad ang kahalagahan ng mga elemento ng Lakbay-sanaysay. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tampok ng lugar

2. Tampok na pagkain

3. Halaga ng gugolin

40

Open Ended

Gawain 3

Panuto: Balikan ang binasang akda. Isa-isahin at ipaliwanag ang mga katangiang dapat taglayin ng isang Lakbay-sanaysay na masasalamin dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

41

Open Ended

Question image

Isaisip

Panuto: Hanapin ang keywords na nasa loob ng kahon na may kaugnayan sa araling tinalakay. Gamitin ang mga ito sa pangungusap upang makabuo ng isang talata hinggil sa iyong natutuhan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

42

Isaisip

1.Lakbay - sanaysay

2. Turista

3. Unang Panauhan

4. Organisado

5. Katawan

6. Reyalisasyon

7. Travelogue

8. Panimula

9.Impormatibo

10. Konklusyon

43

Open Ended

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Sumulat ng isang halimbawa ng Lakbay-sanaysay batay sa iyong sariling karanasan. Isaalang-alang ang mga elemento at mga katangiang dapat taglayin nito at isulat sa sagutang papel.

44

Open Ended

Isagawa

Gawain 2

Panuto: Manood ng isang vlog o programang nagpapakita ng paglalakbay. Tukuyin ang mga elemento at ibigay ang repleksyon sa iyong napanood. Isulat ito sa sagutang papel.

45

Tayahin

Panuto: Isulat ang salitang Tama sa sagutang papel kung wasto ang salitang may salungguhit at kung mali, isulat ang tamang sagot.

46

Multiple Choice

Ang mga larawang binisita at itinatampok sa paglalakbay ay tinatawag na Larawan ng mga tampok na lugar.

1

TAMA

2

MALI

47

Multiple Choice

Mga petsa at oras ang hudyat ng organisasyon ng sanaysay batay sa panahon ng pagkakaayos ng paglalahad ng sanaysay.

1

TAMA

2

MALI

48

Multiple Choice

Ang mga gugolin ang mga presyo o halaga ng gastusin ng isang manlalakbay na nagsisilbing gabay at panghikayat sa mga mambabasa dahil ito ang malimit na hinahanap sa mga Lakbay-sanaysay.

1

TAMA

2

MALI

49

Multiple Choice

Ang mga pamamaraan kung paano makararating sa lugar habang naglilibot sa lugar ay elementong transportasyon.

1

TAMA

2

MALI

50

Multiple Choice

Ang mga pagkain ay mga kilalang lugar na madaling tandaan at karaniwang alam ng lahat ng mga manlalakbay.

1

TAMA

2

MALI

51

Open Ended

Karagdagang Gawain

Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo maaaring mahubog ang iyong sarili upang magkaroon ng kasanayan sa pagsusulat? Ipaliwanag ang iyong sagot sa sagutang papel.

Filipino sa Piling

Larang (Akademik)

Pagtiyak sa Elemento ng Pinanood na Programang Pampaglalakbay

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 51

SLIDE