

ESP 4 QUARTER 4 WEEK 3
Presentation
•
Other
•
4th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Eunice Alivar
FREE Resource
12 Slides • 0 Questions
1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
4
2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Napahahalagahan ang lahat ng mga likha :
may buhay at mga materyal na bagay, sarili at kapwa-tao.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat:
Sonia E. Picar
Editor:
Nida C. Francisco
Tagasuri:
Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit:
Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala:Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. SantosPhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
3
.
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Pagpapahalaga ng lahat ng mga likha: may
buhay at mga materyal na bagay, sarili at
kapwa-tao.
4
4
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Modyul para sa araling Pagpapahalaga ng lahat ng mga likha: may buhay at mga
materyal na bagay, sarili at kapwa-tao !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan
ng Nanunuparang
Pinuno-Tanggapan
ng Pansangay
na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
5
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Modyul ukol
sa Pagpapahalaga ng lahat ng mga likha: may buhay at mga materyal na bagay,
sarili at kapwa-tao !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
6
Pagkatapos ng modyul na ito kayo ay inaasahang
makapagpapahalaga ng lahat ng mga likha: may buhay at mga
materyal na bagay, sarili at kapwa-tao.
Lagyan ng tsek √ kung nagpapakita ito ng pagpapahalaga sa
sarili, sa kapwa, sa materyal na bagay o sa iba pang mga nilikha
at X naman kung hindi
1.
2. 3.
1.
4.
5.
PANUTO: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M naman
kung mali ang pahayag.
INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
BALIK-ARAL
7
_____1.Sapat na ang anim na oras ng pagtulog sa gabi sa batang
tulad mo.
_____2.Ang pag-eehersisyo araw-araw ay nakatutulong upang
mapabuti ang ating kalusugan.
_____3. Dapat uminom ng walong basong tubig araw-araw.
_____4. Lahat ng taong matataba ay malulusog.
_____5. Ang pagkain ng nilagang saging at mais ay mas mabuti
kaysa sa junk foods.
Pakinggang mabuti ang awitin: “Masdan Mo ang Kapaligiran”
ng Asin.
ARALIN
Masdan Mo ang Kapaligiran
Wala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang ilog natin
Hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat dati’y kulay asul ngayo’y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit huwag na natin paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man, sariwang hangin sa langit natinmatitikman
Mayroon lang akong hinihiling sana sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan.
Mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang
lalanguyan
Bakit di natin pag-isipan ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan.
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
ngayo’y namamatay dahil sa ‘ting kalukuhan
Lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa Diyos
kahit nong ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi,
tayo’y mawawala na.
8
Sagutin ang mga tanong:
1.Ano ang mensahe ng awit?
2.Ipahayag kung paano mo bibigyan ng halaga ang mga likha ng
Diyos na nabanggit sa awit.
Gawain 1
Isulat ang NP kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
pagpapahalaga sa mga likha ng Diyos na may buhay at mga
materyal na bagay, sa sarili at sa kapwa-tao. Isulat naman HNP
naman kung hindi nagpapahayag ng pagpapahalaga.
MGA PAGSASANAY
hangin
puno
ilog
ibon
9
____1. Isinaalang-alang ang kapakanan ng kapwa-tao bago
kumilos o magsalita.
_____2. Palagiang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa
nakahahawang sakit na COVID 19.
_____3. Pagtatapon nang maayos sa mga basura lalo na ang mga
gamit na at patapon ng face mask.
_____4. Pag-iingat sa cellphone upang may magamit sa
online
learning.
_____5. Pagputol sa mga puno dahil hindi naman namumunga at
minsan abala pa sa kalsada.
Gawain 2
Mula sa Hanay A, hanapin ang tamang karugtong ng
pangungusap sa Hanay Bupang mabuo ang pahayag na
nagpapahalaga sa lahat ng mga likha. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
A
B
__1. Pinapakain nang mabuti
a. tuwing lalabas ng bahay.
__2. Pinapatay nang maayos
b. sa kapitbahay na walang
ang laptop
wala na.
__3. Nagsusuot ng face mask
c. sa mga tanim na halaman.
__4. Nagbabahagi kung ano
d. ang mga alagang pusa
ang kaya
dahil ito ay may buhay rin
na dapat pahalagahan.
__5. Araw-araw na pagdidilig
e. pagkatapos itong gamitin.
10
Gawain 3
Gumupit ng isang larawan ng likha na may buhay at isang
larawan ng materyal na gamit na pinakagusto mo. Idikit ito sa loob
ng kahon at isulat sa ibaba kung paano mo ito pinapahalagahan.
Saloob ng kahon, magbigay ng pahayag kung paano mo
pagpapahalagaan ang sumusunod:
1.matalik mong kaibigan
2.bago mong tablet
3.ilog na nasa tabi ng bahay ninyo
4.sa alaga mong aso
5.sa sarili mo
PAGLALAHAT
_____________________________________
____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_
11
Ano ang pinakamahalagang likha ng Diyos para sa iyo?
Iguhit mo ito sa
loob ng hugis puso
at magsulat ng
pangungusap kung
papaano mo ito
pahahalagahan.
Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag
ng nagpapahalaga sa lahat ng likha may buhay at mga materyal
na bagay, sarili at kapwa-tao, Mali naman kung hindi.
_____1. Gumagawa nang mabuti sa kapwa-tao lalo na ngayong
panahon ng pandemiya.
_____2. Pag-inom ng bitamina at pag-eehersisyo araw-araw para
magkaroon ng malusog na pangangatawan.
_____3. Kapag naglilinis sa sasakyan sa labas ng bahay, hayaan
lang na nakabukas ang gripo.
_____4. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga yamang tubig.
_____5. Paghuli at pagbebenta ng hayop na malapit ng maubos
upang magkapera pambili ng bigas at ulam.
PAGPAPAHALAGA
PANAPOS NA PAGSUSULIT
12
Sanggunian
Online Resources
https://millichronicle.com/2019/08/students-in-philippines-should-plant-
at-least-10-trees-to-graduate-a-new-bill-passed-by-the-govt/
https://www.philstar.com/pang-masa/police-
metro/2019/12/06/1974709/pinas-nahaharap-sa-garbage-crisis
https://indaytrending.com/stories/the-social-media-samaritan
http://pilipinomirror.com/tamang-pag-sisipilyo-at-kung-bakit-dapat-na-
ituro-sa-mga-bata/
https://www.youtube.com/watch?v=_1DsbzlwlVw
https://www.education.com/download/worksheet/173003/concept-web-
template.pdf
SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang
Pagsubok
1. /
2. /
3. /
4. X
5. /
Balik-aral
1. M
2. T
3. T
4. M
5. T
Gawain 1
1. NP
2. NP
3. NP
4. NP
5. HNP
Gawain
2
1. D
2. E
3. A
4. B
5. C
Panapos na
Pagsubok
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
Edukasyon sa
Pagpapakatao
4
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 12
SLIDE
Similar Resources on Wayground
6 questions
FILIPINO/MTB PERFORMANCE TASK 1
Presentation
•
3rd Grade
12 questions
ARTS 3
Presentation
•
3rd Grade
6 questions
Panghalip
Presentation
•
4th Grade
8 questions
ARTS 3
Presentation
•
3rd Grade
8 questions
PE 3
Presentation
•
3rd Grade
10 questions
ESP 3
Presentation
•
3rd Grade
10 questions
Kabilisan at Kabagalan sa Musika
Presentation
•
3rd Grade
8 questions
Likas naYaman ng Pilipinas: Isang Kayamanan na Dapat Pangalagaan
Presentation
•
4th Grade
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
12 questions
2026 TAP Technology in the Classroom
Presentation
•
Professional Development
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 2 Review
Quiz
•
5th Grade
15 questions
HCS SCI 04 Summer School Review 2
Quiz
•
4th Grade
59 questions
Geometry Unit 3 Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
FAST ELA READING SMAPLE TEST MATERIALS
Passage
•
3rd Grade