Search Header Logo
Wastong Gamit ng Salita

Wastong Gamit ng Salita

Assessment

Presentation

Other

12th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Michelle Guzman

Used 2+ times

FREE Resource

18 Slides • 7 Questions

1

media

2

Layunin

  • Nalalaman ang wastong gamit ng mga salita sa pangungusap.

  • Nakapagbibigay halimbawa

  • Nakagagamit ng wasto sa pangungusap

3

Wastong Gamit ng mga Salita

4

Multiple Choice

_______ naglalaro sa labas.

1

May

2

Mayroon

5

MAY

• MAY -ginagamit kapag ang sinusundang salita ay pangngalan
• Hal. May kompyuter sa kanilang bahay.
• Ginagamit din sa pandiwa.
• Hal. May naglilinis sa labas.

6

• Ginagamit din sa panghalip na paari (akin, iyo, kanya, atin, inyo, kanila)

Hal. May lalaking naghihintay sa akin sa labas.

7

MAYROON

• MAYROON -kapag ang sinusundang salita ay panghalip na palagyo.
• Hal. Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Mayroon siyang kotse.
• Kung sinusundan ng kataga o ingklitik
• Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?

8

Multiple Choice

Si Angela ay lakad ___ lakad kahit masakit ang kanyang mga paa.

1

ng

2

nang

9

NG

NG -kapag sinasagot ang tanong na Ano at Kailan.
• Hal.
Kumain si Jeffrey ng pansit.
Umuwi ng tanghali si Ben.
Kapag tungkol sa oras o petsa.
• Hal.
Darating ako bukas ng umaga.

10

NG -ginagamit bilang pang-ukol at pantukoy

• Hal.
Ang dahon ng kahoy ay malago.
Nag-aaral ng Cebuano si Sonia.

11

NANG

NANG -katumbas ng when at so that o in order to sa Ingles.
Hal.
Nang ako’y bata pa, hilig ko ang pagtugtog ng piyano.
Magsikap ka nang ang buhay mo ay guminhawa.

12

NANG -kapag sumasagot sa tanong na Paano. (Pang-abay na pamaraan)

• Hal.
Si Maria ay lumalakad nang paluhod.
Kapag inuulit ang kilos.
• Hal. Kain nang kain, takbo nang takbo

13

Multiple Choice

Gumagalaw ___ ang upuan kahit walang tao sa kanilang kwarto.

1

raw

2

daw

14

DAW

DAW -kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa (w at y).

• Hal.
May pangarap daw siyang makapagtrabaho sa Canada.

15

RAW

RAW -kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na “w at y.”

Hal.
Sasakay raw sila sa eroplano.
• Magiliw raw ang pagtanggap sa kanila ng Pamilya Cruz.
• Si Selya raw ay sinaktan at iniwan ng kasintahan nang walang paalam.

16

Multiple Choice

__________ mo ang dumi sa kanyang mukha gamit ang tuwalya.

1

Pahirin

2

Pahiran

17

PAHIRAN at PAHIRIN

Pahiran -may nilalagay.
• Hal.
Pahiran mo ng langis ang kanyang paa.


Pahirin may inaalis o tinatanggal.
• Hal.
Pahirin mo ang mga luha sa iyong mata dahil sa sakit na dinulot niya.

18

Multiple Choice

_________ ang namamagang mata niya.

1

Ooperahin

2

Ooperahan

19

OPERAHAN at OPERAHIN

Operahan - tumutukoy sa tao hindi sa bahagi ng katawan.
• Hal.
Siya ay ooperahan sa paggamutan.


Operahin- tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan.
• Hal. Ang bukol sa kanyang dibdib ay ooperahin.

20

PINTO at PINTUAN

Pinto -“Door.”
• Hal. May kumakatok sa pinto.
Pintuan -“Doorway.”
• Hal. Huwag kayong magsiksikan sa pintuan.

21

Multiple Choice

_____ sa kanya, may iba pa siyang babaeng nililigawan.

1

Maliban

2

Bukod

22

BUKOD at MALIBAN

Maliban -”except o aside” , may kahulugang wala nang iba.
• Hal. Maliban sa lupa, wala na siyang naiwan sa nag-iisang anak.

Bukod -”in addition o besides”, may karagdagan sa mga bagay na binanggit.
• Hal. Bukod sa lupa, may bahay pa siyang maiiwan sa nag- anak

23

Multiple Choice

Si Mika ay ipinanganak noong _____ pito ng Mayo taong 2022.

1

ika

2

ika-

24

IKA at IKA-

IKA -ginagamit na panlapi sa bilang na isinusulat bilang SALITA.
• Hal. Ikalima, Ikaanim, Ikapito...

IKA- -ginagamit kung mismong BILANG ang isusulat.
• Hal. Ika-5, Ika-6, Ika-7...

25

media

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 25

SLIDE