
Week-3-ADM-Version 2-Filipino-SHS-TVL
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Edgar Monte
Used 6+ times
FREE Resource
36 Slides • 48 Questions
1
Filipino sa Piling
Larang
Te knikal Bokasyunal
Unang Markahan Ikatlong Linggo Sulating Teknikal Bokasyunal: Anyo at Target na Gagamit
2
Alamin
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa: (F9PN-IIc-46)
a. Anyo
b. Target na gagamit
3
1. Naiisa-isa ang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal
2. Natutukoy ang mga target na gagamit ng sulating teknikal-bokasyunal
3. Naipaliliwanag ang mga konseptong natutuhan batay sa sariling pang-unawa sa aralin
4. Nakabubuo ng isang malikhaing sulatin gamit ang infographics at iba’t ibang biswal
5. Nailalapat ang natutuhan sa pamamagitan ng pagkilala ng anyo at target sa mga sitwasyong ibinigay.
4
Subukin
Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Para sa bilang 1 - 4: Tukuyin ang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal na ginamit sa bawat sitwasyon.
5
Multiple Choice
Si Nelia ay isang ahente ng Insurance Company at nais niyang pumunta sa mga
paaralan na maaaring magbenepisyo sa kanilang insurance kaya gumawa siya ng isang liham pangnegosyo na ipadadala sa bawat punong-guro sa paaralan upang humingi ng pahintulot na magsagawa ng isang seminar.
Sulating ukol sa Pagkain
Sulating ukol sa isang produkto
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
6
Multiple Choice
Ang pamahalaan ng Caloocan ay gumawa ng isang anunsiyo tungkol sa mga bagong patakaran upang maiwasan ang pagdami ng taong nahawaan ng sakit na Covid-19 sa pamamagitan ng isang panayam na makikita sa pahina ng Caloocan sa Facebook.
Sulating ukol sa Pagkain
Sulating ukol sa isang produkto
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
7
Multiple Choice
Ipagdiriwang ni G. Reyes ang ikasampung anibersayo ng kaniyang kumpanya kaya bilang pasasalamat sa kaniyang mga manggagawa ay magdadaos siya ng salo-salo sa isang restawrant at sinisigurado niyang masisiyahan ang mga ito sa mga putaheng ihahain na nakita niya sa espeyal na menu ng restawrant.
Sulating ukol sa Pagkain
Sulating ukol sa isang produkto
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
8
Multiple Choice
Natuwa ang anak ni Celso dahil sa inihandang regalo nito sa kaniya na desktop computer na gagamitin sa pasukan na inaayos niya nang mabuti sa tulong ng manwal na nakapaloob dito.
Sulating ukol sa Pagkain
Sulating ukol sa isang produkto
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
9
Para sa bilang 5-7: Tukuyin ang ginamit na paraan sa pagbuo ng sulatin sa mga sumusunod na sitwasyon.
10
Multiple Choice
Isang kompanya ang maglalabas ng panibagong brand ng cellphone. Upang mabilis na maubos ang bagong produkto sa merkado, gumawa sila ng mga flyers na may makukulay na larawan nang maipakilala ang kanilang produkto.
Malinaw na pagkasulat
Maikli at payak pagkasulat
Paggamit ng biswal
Pagsaalang-alang ng aspektong
sikolohikal
11
Multiple Choice
Bumili ng bagong automatic washing machine si Carina na idadagdag niya sa kaniyang negosyong laundryshop, dahil iba ito sa mga nauna niyang gamit ay kinakailangan niyang basahing mabuti ang manwal kung saan makakatulong ito’y tiyak at espesipikong pagkakasulat.
Malinaw na pagkasulat
Maikli at payak pagkasulat
Paggamit ng biswal
Pagsaalang-alang ng aspektong
sikolohikal
12
Multiple Choice
Magpapatawag ng pagpupulong ang may-ari ng kumpanya sa pamamagitan ng isang memorandum kung saan isinulat niya ang petsa, oras, lugar, sino-sino ang kabilang at dahilan ng pagpupulong upang maiwasan ang pagkalito ng mga manggagawa.
Malinaw na pagkasulat
Maikli at payak pagkasulat
Paggamit ng biswal
Pagsaalang-alang ng aspektong
sikolohikal
13
Para sa bilang 8-10: Tukuyin ang target na gagamit na ibinigay sa sumusunod na sitwasyon.
14
Multiple Choice
Ipinadala na sa tagasuri, ng may-ari ng pinagsisilbihan ni Larry ang deskripsyon ng produktong ginawa nito upang mailabas na ng kompanyang gagamit nito.
Pangunahin
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
15
Multiple Choice
Ang Feasibility Study na inilunsad sa paaralan tungkol sa makabagong pamamaraan sa pagluluto ng mga mag-aaral sa TVL-Home Economics ay nailathala sa dyaryo ng paaralan dahil sa angking galing na ipinakita.
Pangunahin
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
16
Multiple Choice
Isinangguni ni Annie ang kanilang napiling putahe sa isang kilalang kainan para masigurong masarap para sa kaarawan ng kaisa-isa nilang anak.
Pangunahin
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
17
Isulat ang salitang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at Mali naman kung hindi. Salungguhitan ang salitang nagpamali sa pangungusap.
18
Multiple Choice
Ang leaflets ay isang halimbawa ng sulating promosyonal.
Tama
Mali
19
Multiple Choice
Ang mga awdiyens ay laging nakatuon sa buong teksto na makikita sa
leaflets.
Tama
Mali
20
Multiple Choice
Importante sa manunulat na malaman ang profile ng kaniyang
mambabasa, sa kadahilanang siya ang makikinabang nito.
Tama
Mali
21
Multiple Choice
Ang damdamin, pagpapahalaga, at pangangailangan ng isang
manunulat ang dapat isaalang-alang upang makabuo ng isang
makabuluhang sulatin.
Tama
Mali
22
Multiple Choice
Sa panahon ngayon, mas tinatangkilik ng awdiyens ang mga sulating may
infographics at may makukulay na larawan.
Tama
Mali
23
Open Ended
Humanap ng tatlong (3) halimbawa ng sulating teknikal-bokasyunal na matatagpuan sa inyong tahanan batay sa nabanggit sa mga nakaarang aralin, pagkatapos ay sagutan ang talahanayan sa ibaba. Ang una ay ibinigay na bilang halimbawa.
24
25
Open Ended
Tuklasin
Hanap Salita: Maghanap ng salitang maaaring maiugnay sa asignaturang sulating teknikal-bokasyunal. Bigyan ng pakakahulugan ang bawat salitang iyong mahahanap. Isulat sa nakalaang patlang ang iyong sagot at paliwanag.
26
Suriin
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang iba’t ibang anyo at halimbawa ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Matutuhan mo rin kung sino ang target ng gagamit ng sulatin at ano ang kanilang magiging gampanin sa sulating teknikal-bokasyunal na iyong bubuoin. Samakatuwid bubuo ka ng isang makabuluhang sulatin na maaaring maging susi sa isang solusyon sa napapanahong suliranin.
27
Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal
1. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal- tumutukoy ang mga ito sa mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o institusyon upang ipabatid ang mga hangarin, impormasyon o datos na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala.
Hal. Liham Pangnegosyo
28
Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal
2. Sulating ukol sa isang Produkto- tumutukoy ang mga ito sa mga sulating may kinalaman sa isang produkto.
Hal. deskripsyon ng isang produkto, manwal sa paggamit ng produkto
29
Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal
3. Sulating Pabatid-Publiko at Sulating Promosyonal- tumutukoy ang mga ito sa mga sulating naglalayong magpapabatid ang impormasyon sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo, o kaganapan.
Hal. flyers, leaflets promo material, anunsyo, babala at paalala.
30
Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal
4. Sulating ukol sa Pagkain- tumutukoy ito sa mga sulating may kinalaman sa pagkain.
Hal. recipe at menu
31
Target na Gagamit
Ang target na gagamit o awdiyens ay ang pinakamahalagang elemento sa pagsasagawa ng isang sulating teknikal-bokasyunal sapagkat ito ang makikinabang sa gagawing sulatin. Kaya’t napaka-importante bilang isang manunulat na alamin ang pagkakakilanlan, detalye o propayl ng awdiyens lalo’t ito ang magiging batayan sa pagbuo at ikabibisa ng binuong sulatin.
32
Target na Gagamit
Sa panahong ito, bata man o matanda at mga tao sa iba’t ibang antas ng lipunan ay makikita ang paggamit at pagtangkilik ng teknolohiya, na nakatutulong sa agarang pagkalap ng mga impormasyon. Samakatuwid, isang malaking hamon sa manunulat na makabuo ng isang makabuluhang sulatin na tutugon sa pangangailangan ng mga mambabasa.
Sa bahaging ito, iisa-isahin natin ang mga target na gagamit ng iba’t ibang sulating teknikal-bokasyunal.
33
Target na Gagamit
1. Pangunahin - ang tuwirang gagamit ng sulating teknikal-bokasyunal.
Hal. leaflets or flyers- kliyente
34
Target na Gagamit
2. Ikalawa- ito ay nagsisilbing tagapayo ng pangunahing target na gagamit sapagkat ito ay may kaalaman o eksperto sa sulating nais malaman ng target na gagamit.
Hal. reseta-parmasyutiko
35
Target na Gagamit
3. Ikatlo – ito ang target na gagamit na nagbibigay ng sarili nilang pananaw tungkol sa sulating isinagawa.
Hal. reporter, analyst, historyador, ebalweytor
36
Target na Gagamit
3. Ikatlo – ito ang target na gagamit na nagbibigay ng sarili nilang pananaw tungkol sa sulating isinagawa.
Hal. reporter, analyst, historyador, ebalweytor
37
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Sulatin para sa Target na Gagamit
4. Ikaapat-ito ang tagapamahala ng sulatin kung saan ito ang sumusuri sa porma, estilo at iba pang teknikal na gawain bago pa man ito makarating sa tatlong nabanggit na target na gagamit.
Hal. editor, tagasuri
38
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Sulatin para sa Target na Gagamit
Ito ang huhubog at gagabay sayo bilang isang manunulat ng sulating teknikal -bokasyunal upang lubusang maiparating ang layunin nito sa target na gagamit.
1. Maikli at Payak na pagkasulat- ang mambabasa ay hindi naglalaan ng mahabang oras upang basahin ang mahahabang teksto, mas nakatuon ang kanilang pagbabasa doon lamang sa impormasyon na kanilang kailangan, kaya mas hinihikayat na maglagay lamang ng tiyak at payak na impormasyon sa isang sulatin.
39
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Sulatin para sa Target na Gagamit
Ito ang huhubog at gagabay sayo bilang isang manunulat ng sulating teknikal -bokasyunal upang lubusang maiparating ang layunin nito sa target na gagamit.
2. Malinaw na pagkasulat -Inaasahang madaling mauunawaan ang paraan ng iyong pagsulat dahil ang mambabasa ay nagbibigay ng sarili nilang ideya o pananaw, at hindi mo ito maipapaliwanag sa kanila sa lahat ng pagkakataon.
40
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Sulatin para sa Target na Gagamit
Ito ang huhubog at gagabay sayo bilang isang manunulat ng sulating teknikal -bokasyunal upang lubusang maiparating ang layunin nito sa target na gagamit.
3. Mabisang gamit ng salita- gumamit ng angkop at kapaki-pakinabang na pananalita batay sa uri ng sulating isasagawa upang matugunan ng agaran ang hinihinging pangangailangan.
41
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Sulatin para sa Target na Gagamit
Ito ang huhubog at gagabay sayo bilang isang manunulat ng sulating teknikal -bokasyunal upang lubusang maiparating ang layunin nito sa target na gagamit.
4. Paggamit ng biswal o larawan- kawili-wili sa mata ng mambabasa ang mga larawan o biswal na makikita sa isang sulatin kaysa sa purong teksto, sa panahong ito ay tinatangkilik ang paggamit ng infographics na naglalaman ng mga interaktibong impormasyon.
42
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Sulatin para sa Target na Gagamit
Ito ang huhubog at gagabay sayo bilang isang manunulat ng sulating teknikal -bokasyunal upang lubusang maiparating ang layunin nito sa target na gagamit.
5. Pagsaalang-alang ng aspektong sikolohikal- sa sulating bubuoin kailangan sa isang manunulat ang malaking pang-unawa sa kaniyang mambabasa sapagkat ito ang magpapahusay at magpapakamit ng layunin na nais maiparating ng sulatin. Sa sulating gagawin dapat na malaman ang pangangailangan, damdamin at paniniwala sa buhay ng mambabasa upang maisaalang-alang ito. Magiging susi sa pang-unawa sa mensaheng nais ipahatid, maaaring maitatawid ang mga posibleng hadlang tungo sa pagkamit ng mabisang komunikasyon, at matulungan ang mambabasa na makapagpasya.
43
Fill in the Blank
Kahulugan:___________________
44
Fill in the Blank
Kahulugan:___________________
45
Fill in the Blank
Kahulugan:___________________
46
Fill in the Blank
Kahulugan:___________________
47
Fill in the Blank
Kahulugan:___________________
48
Open Ended
Gawain 2 Mga Tanong
Sagutin nang mahusay ang mga tanong.
1. Sa iyong pananaw bakit mahalagang malaman ang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal batay sa pangangailangan ng mambabasa?
______________________________________________________________________
49
Open Ended
2. Ipaliwanag ang katagang “mahalagang matukoy ang propayl ng mambabasa.”
50
Open Ended
3. Ipaliwanag ang ugnayan ng apat na target na gagamit ng teknikal-bokasyunal na sulatin? (Gumamit ng flow chart sa pagpapaliwanag)
51
Open Ended
4. Bakit dapat isaalang-alang ang mga pangangailangan, pagpapahalaga, at damdamin ng mambabasa upang makabuo ng makabuluhang sulatin?
52
Open Ended
5. Bakit mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral na tulad mo ang mga tutunin sa pagbuo ng sulatin sa teknikal-bokasyunal?
53
54
55
Open Ended
1. Para kanino ang Memorandum?
56
Open Ended
2. Ano ang layunin ng Memorandum? Malinaw ba itong naipahayag? Ipaliwanag.
57
Gawain 4-Pagsusuri sa Menu ng Pagkain.
Tukuyin at ipaliwanag ang mga target na gagamit na kasangkot dito.ld like.
58
Open Ended
Sino ang target na gagamit ng menu ng pagkain?_______________________________
Kung ikaw ang titingin nito, ano ang nakatawag sa iyo ng pansin?
59
Drag and Drop
1. Ang bawat sulating teknikal-bokasyunal ay may iba’t ibang anyo batay sa
2-3. Ang patutunguhan ng iyong gagawing sulating teknikal-bokasyunal ay
60
Drag and Drop
4-7. Isaisip ang mga dapat tandaan na magiging patnubay sa pagbuo ng sulating teknikal-bokasyunal
pagsaalang-alang sa
61
Drag and Drop
10. Bilang isang manunulat, kailangan mong kilalanin ang pangangailangan, pagpapahalaga, at
62
Isagawa
Gamit ang infographics, ipakita ang natutuhan sa aralin sa isang malinis na papel, gawin itong malikhain. Maaaring pumili sa mga anyo ng sulating teknikal-bokasyunal o target na gagamit ng sulatin.
63
64
Tayahin
Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.
Para sa bilang 1 - 4 : Tukuyin ang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal na ginamit sa bawat sitwasyon.
65
Multiple Choice
Ang San Jose Aquino Shopping Mall ay magkakaroon ng isang pangmalawakang sale kaya sila ay namahagi ng mga flyers upang ipabatid ito sa mga mamimili.
Sulating ukol sa Pagkain
Sulating ukol sa isang produkto
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
66
Multiple Choice
Magkakaroon ng isang pagpupulong para sa pagpaplano sa nalalapit na anibersaryo ng kumpanya at ipinaalam ito sa pamamagitan ng isang memorandum.
Sulating ukol sa Pagkain
Sulating ukol sa isang produkto
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
67
Multiple Choice
Magkakaroon ng isang malaking handaan para sa kaarawan ng kaniyang mahal na ama. Gaganapin ito sa sa isang kilalang restawrant kung saan siya ay pipili na ngayon ng iba’t ibang masasarap na putahe na makikita sa menu ng pagkain.
Sulating ukol sa Pagkain
Sulating ukol sa isang produkto
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
68
Multiple Choice
Sa sobrang init ng panahon napabili ng bagong aircon si tatay ngunit naguguluhan siya kung paano ito maikakabit kaya tiningnan niya ang manwal ng aircon upang magamit na ito.
Sulating ukol sa Pagkain
Sulating ukol sa isang produkto
Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
69
Para sa bilang na 5-8: Tukuyin ang target na gagamit sa mga sumusunod na sitwasyon.
70
Multiple Choice
Naguluhan si Madel sa ibinigay na reseta ng kaniyang doktor kaya ipinaliwanag ng kaniyang kapatid na nars ang nakasulat dito.
Pangunahin
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
71
Multiple Choice
Si G. Lucio ay magsasagawa ng isang symposium tungkol sa pagsasagawa ng pananaliksik sa asignaturang Filipino, ito ay dadaluhan ng mga mag-aaral sa Baitang Ikalabing-isa. Ipinadala ang kaniyang ginawang Memorandum sa punongguro ng paaralan na naglalaman ng pabatid sa mag-aaral upang makita kung tama ang impormasyong nakadetalye dito.
Pangunahin
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
72
Multiple Choice
Bago ilabas sa merkado ang mga gamot galing sa ibang bansa ay sinuri muna ito ng FDA, kasama ang laman at pabalat upang makasigurado na ligtas itong gamitin.
Pangunahin
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
73
Multiple Choice
Sinisigurado ni Aling Maria na masarap ang kaniyang nilulutong pagkain para sa kaniyang pamilya kaya gumagamit siya ng recipe ng pagkain.
Pangunahin
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
74
Para sa bilang na 9-10: Tukuyin ang dapat tandaan sa pagbuo ng sulatin na ginamit sa mga sumusunod na sitwasyon.
75
Multiple Choice
Ang R Clothing Brand ay kilala sa buong bayan dahil sa iba’t ibang uri ng damit na makikita sa kanilang brochure, kung saan isinasaalang-alang nito ang iba’t ibang uri ng tao.
Mabisang salita
Paggamit ng biswal
Malinaw na pagkakasulat
Maikli at payak na pagkakasulat
Pagsaalang-alang ng aspektong sikolohikal
76
Multiple Choice
Sa ginawang proposal ng may-ari ng restawrant para sa bagong proyekto ay sinigurado niya na ipinapakita niya ang mga halimbawa ng larawan ng bagong menu upang mabilis maipakita ang gusto niyang mangyari sa ihahanda ng mga tagaluto.
Mabisang salita
Paggamit ng biswal
Malinaw na pagkakasulat
Maikli at payak na pagkakasulat
Pagsaalang-alang ng aspektong sikolohikal
77
Tama o Mali: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pinapahayag ng pangungusap at Mali naman kung hindi, salungguhitan o tukuyin ang salita o mga salitang nagpamali sa pangungusap.
78
Multiple Choice
Ang mga mambabasa ay mas nakatuon sa teksto dahil mas kawili wili ang mga
ito kaysa sa mga larawang nakalagay dito.
Tama
Mali
79
Multiple Choice
Ang Sulating Interpersonal ay sulating tumutukoy sa mga impormasyong maaaring ipadala ng isang indibidwal o organisasyon.
Tama
Mali
80
Multiple Choice
Ang sulatin ukol sa isang produkto ay sulating may kinalaman sa isang produkto katulad ng memorandum.
Tama
Mali
81
Multiple Choice
Mas hinihikayat na maglagay ng direkta at payak na impormasyon sa isang sulatin sapagkat hindi sa lahat ng panahon ay maipapaliwanag natin ito sa kanila.
Tama
Mali
82
Multiple Choice
Ang awdiyens ang pinakamahalagang sangkap sa pagbuo ng sulating teknikal-bokasyunal.
Tama
Mali
83
84
Filipino sa Piling
Larang
Te knikal Bokasyunal
Unang Markahan Ikatlong Linggo Sulating Teknikal Bokasyunal: Anyo at Target na Gagamit
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 84
SLIDE
Similar Resources on Wayground
77 questions
KPWKP_Q2_Mod4_Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pama
Lesson
•
11th Grade
75 questions
Quarter 2 – Module 13: ICT as Platform for Change
Lesson
•
11th Grade
81 questions
Isang Libo't Isang Gabi
Lesson
•
9th Grade
85 questions
Chemistry: Calculations and formulae
Lesson
•
10th Grade
79 questions
Aula 02 e 03 - O Brasil e a Rússia no Brics
Lesson
•
11th Grade
76 questions
composition of Matter
Lesson
•
9th - 10th Grade
73 questions
Atomic Radius
Lesson
•
11th Grade
82 questions
Cell Transport EOC Review Lesson
Lesson
•
9th - 10th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
5.P.1.3 Distance/Time Graphs
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Fire Drill
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Hargrett House Quiz: Community & Service
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
15 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
4th Grade
Discover more resources for Other
32 questions
College Trivia
Quiz
•
9th - 12th Grade
18 questions
Informative or Argumentative essay
Quiz
•
5th Grade - University
20 questions
Women History Month
Quiz
•
6th - 12th Grade
20 questions
Career
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Grammar
Quiz
•
9th - 12th Grade
7 questions
History of St. Patrick's Day for Kids | Bedtime History
Interactive video
•
1st - 12th Grade
16 questions
Identifying Angles
Quiz
•
7th - 12th Grade
21 questions
College Trivia!
Quiz
•
11th - 12th Grade