Search Header Logo
KPWKP_q1_mod3_Konseptong Pangwika Homogeneous at Heterogeneous n

KPWKP_q1_mod3_Konseptong Pangwika Homogeneous at Heterogeneous n

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Hard

Created by

Edgar Monte

Used 7+ times

FREE Resource

33 Slides • 54 Questions

1

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Unang Markahan Modyul 3 Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika)

2

Kasanayang Pampagkatuto:

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon (Hal.Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd).

3

Layunin

1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.

2. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

4

Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

5

Multiple Choice

Itinuturing na magkakatulad ang isang linggwistikong komunidad dahil sa pagkakatulad sa wika, kaasalan, at pagpapahalagang panlipunan.

1

Multilingguwalismo

2

Bilingguwalismo

3

Heterogenous

4

Homogenous

6

Multiple Choice

Anong social media platform ang pinakagamitin sa kasalukuyan sa pagbibigay ng opinyon ng kabataan na nagiging dahilan sa pagpapalawak ng wika?

1

Facebook

2

Twitter

3

Instagram

4

Pinterest

7

Multiple Choice

Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa pahayag sa isang karatulang Mas mabuti pang mahulog sa kanal kaysa sa mahulog sa taong hindi ka naman mahal?

1

Barayti ng wika

2

Kultura ng wika

3

Wikang opisyal

4

Unang wika

8

Multiple Choice

Ang sariling paraan ng paggamit ng wika ng sikat na personalidad gaya ni Mike Enriquez at Kris Aquino ay maihahanay sa anong barayti ng wika?

1

Idyolek

2

Sosyolek

3

Ekolek

4

Dayalek

9

Multiple Choice

Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao sa isang lugar.

1

Heterogenous na wika

2

Homogenous na wika

3

Dayalek

4

Pidgin

10

Multiple Choice

Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na "homo" na nangangahulugang ______.

1

pagkakaiba

2

pag-uulit

3

pareho

4

pagkakaugnay

11

Multiple Choice

Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika.

1

Creole

2

Register

3

Jargon

4

Dayalek

12

Multiple Choice

Ito ang mga salitang natutuhan ng isang tao sa loob ng tahanan.

1

Creole

2

Register

3

Jargon

4

Ekolek

13

Multiple Choice

“Push mo ‘yan! “Char.”

1

wikang banyaga

2

rehistro ng wika

3

wikang teknikal

4

pangalawang wika

14

Multiple Choice

Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao.

1

Creole

2

Register

3

Jargon

4

Dayalek

15

Aralin 1- Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika)

16

Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika

Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na "homo" na ang ibig sabihin ay pareho at salitang "genos" na ang ibig sabihin ay uri o yari. Ang homogenous na wika ay ang pagkakatulad ng mga salita. Bagaman magkakatulad, nag-iiba ang kahulugan dahil sa pagbigkas at intonasyon. Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito. Ang wika ay nahahati sa dalawa ang homogeneous na kalikasan nito at ang heterogenous na kalikasan nito.

17

HETEROGENOUS NA KATANGIAN NG WIKA

1. Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad, kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik.

18

HETEROGENOUS NA KATANGIAN NG WIKA

2. Ito ay ang kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng iba’t ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pang mga salik.

19

HETEROGENOUS NA KATANGIAN NG WIKA

3. Ayon sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao upang magamit at tumugon sa kanilang partikular na pangangailangan. Dahil magkakaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng bawat isa, iba’t ibang anyo rin ng wika ang umusbong.

20

HETEROGENOUS NA KATANGIAN NG WIKA

4. Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti: Ito ay ang permanente at pansamantala.

21

Barayting Permanente

a. Dayalekto- Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao.

b. Idyolek-Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika.

22

Barayting Pansamantala

a. Register-Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika.

b. Istilo-Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap

c. Midyum-Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat.

23

Mga halimbawa ng heterogenous na katangian ng wika.

IDYOLEK - ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika.

Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas, tono, kalidad ng boses, at pisikal na katayuan.

24

HOMOGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad.

2. Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan.

25

Narito ang ilang halimbawa ng dokumentaryong palabas mula sa telebisyon. Mga panayam at talumpati ng kilalang tao sa bansa. May mga link na ibibigay sa iyo para mapanood mo ito.

I-Witness: “Tuyon,” dokumentaryo ni Kara David https://youtu.be/125swTQHpzQ

I-Witness: 'Behind the Banquet,” dokumentaryo ni Mariz Umali

https://youtu.be/CThqfMY2sfc

26

Nang panahong namumuno sa bansa ang Kgg. na Benigno S. Aquino III, Filipino ang kanyang ginagamit na wika sa mga palatuntunan sa harap ng maraming manonood tulad ng pagsasalita niya sa Pambansang Kongreso ng Wika bilang pagsusulong sa paggamit ng sariling wika.

27

Panoorin ang programang ipinalabas sa telebisyon noong Agosto 2013 na Pambansang Kongreso ng Wika. Kunin ito sa link ng

https://www.youtube.com/watch?v=cANB8bMTuiM

28

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

29

Multiple Choice

Ano ang pinaiigting ng dating Pangulong Benigno Aquino sa kanyang pagsasalita sa palatuntunan?

1

Wikang Opisyal

2

Wikang Panturo

3

Wikang Pambansa

4

Wikang Panlahat

30

Multiple Choice

Mapupunang nahahaluan ng wikang Ingles ang ibang dayalogo ng dating Pangulo, anong konseptong pangwika ang mamamalas dito?

1

bilingguwalismo

2

multilingguwalismo

3

homogenous

4

heterogenous

31

Multiple Choice

Nang magkuwento ng isang kaganapan sa kongreso ang dating Pangulong Aquino, nabanggit niya ang pangyayaring nagkanyahan ang mga kinatawan ng bawat rehiyon sa pagsasalita ng kanilang sinusong wika, anong konseptong pangwika ang ipinakita sa bahaging ito?

1

barayti ng wika

2

pangalawang wika

3

wikang panturo

4

wikang Pambansa

32

Multiple Choice

Ang nagaganap sa mga sitwasyong katulad ng napanood ay isang daan upang mabatid ng kinauukulan ang nais ihatid ng mensahe. Ano ang tawag sa ugnayang ito ng mga tao?

1

sitwasyon

2

konseptong pangwika

3

pangungusap

4

komunikasyon

33

Multiple Choice

Naipahayag ng dating Pangulo ang mensaheng nais niyang iparating sa mga kinauukulan. Anong paraan ang ginamit niya upang maihatid ang mensahe?

1

pagkukuwento

2

talumpati

3

pagpapahayag ng sarili

4

pag-aanunsyo

34

Balikan

Tukuyin kung FACT o BLUFF ang bawat pahayag.

35

Multiple Choice

Ang wika ay heterogenous kung nakabatay ang paggamit nito sa edad, antas sa lipunan, pinagmulan at iba pa.

1

FACT

2

BLUFF

36

Multiple Choice

Homogenous ang wika kung ang paggamit nito ay nakaugat sa iisang lipunang ginagalawan

1

FACT

2

BLUFF

37

Multiple Choice

Magkakatulad ang lahat ng tao sa paggamit ng iisang wika.

1

FACT

2

BLUFF

38

Multiple Choice

Hindi ibinabatay ng taong nagsasalita ang wikang ginagamit batay sa taong kausap at sa sitwasyong kinasasangkutan nila

1

FACT

2

BLUFF

39

Multiple Choice

Ang gay lingo ay maihahanay sa sosyolek na barayti ng wika.

1

FACT

2

BLUFF

40

Tuklasin

Batid natin na ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang magkaroon ng ugnayan ang nbabwat isa. Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani-kanilang tungkulin upang maging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng panlipunang dimensiyon ang wika dahil napagsasama-sama nito ang mga tao upang makabuo ng isang komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos, at kolektibong ugnayan sa ikauunlad ng bawat isa. Kung sa ganitong tunguhin napupunta ang talastasan o pakikipag-usap ng mamamayan, masasabi nating lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan at pinanggagalingan.

41

Mga Simulain ng Komunikasyon

• Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili

• Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao

• Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensiyong pangnilalaman at relasyonal

• Ang komunikasyon ay komplikado

• Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo

• Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan

• Ang komunikasyon ay isang proseso

42

Mga Modelo ng Komunikasyon

1. Komunikasyon bilang aksyon – ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay naghahatid ng mensahe tungo sa tagatanggap (receiver)

2. Komunikasyon bilang interaksyon – nagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawang tao

3. Komunikasyon bilang transaksyon – pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan sa pagitan ng isa o higit pang tao

43

Antas ng Pormalidad sa Komunikasyon

1. Oratorical o frozen style – ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng manonood.

2. Deliberative style – ang estilong ginagamit sa tiyak na bilang ng manoood na kadalasang ginagawa sa loob ng klasrum o mga forum

3. Consultative style – tipikal na pakikipagtalastasan na nangangailangan ng pormal na pananalita sa pamamagitan ng pagpili ng mga salitang gagamitin. Kadalasang makikita sa opisina at mga pulong.
4. Casual style – karaniwang makikita sa usapan ng makakapamilya o magkaibigan.

5. Intimate style – nagaganap sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapamilya o karelasyon.

44

Uri ng Komunikasyon Ayon sa Konteksto

• Komunikasyong intrapersonal. Ang mensahe at kahulugan ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya lamang na makikita sa ekspresyon na nagsasalita

• Komunikasyong interpersonal. Ginagamit ang mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng dalawang tao sa isang sitwasyon.

• Komunikasyong pampubliko. Ang simpleng pinagmulan ng mensahe ay nagpapadala ng mensahe sa iba’t ibang bilang ng tagatanggap na maaaring sagot-tanong na pidbak.

45

Uri ng Komunikasyon Ayon sa Konteksto

• Komunikasyong pangmasa. Ang paggamit ng mensahe sa pagbuo ng kahulugan sa isang namamagitan na sistema sa pagitan ng tagapagpa-dala patungo sa malaking bilang ng mga di nakikitang tagatanggap. Halimbawa ang telebisyon.

• Komunikasyong computer mediated. Ang komunikasyong pantao at impormasyong ibinabahagi ng communication networks.

46

Suriin

“Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan… ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan.” Isa itong pahayag mula kay Bienvenido Lumbera, ang pamban-sang alagad ng sining sa panitikang Pilipino.

47

Suriin

“Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan… ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan.” Isa itong pahayag mula kay Bienvenido Lumbera, ang pamban-sang alagad ng sining sa panitikang Pilipino.

Panoorin ang kabuuan ng mga pahayag ni B. Lumbera. Sundan ang link sa https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ Sulong Wikang Filipino. Unawain nang husto ang mga pahayag. Alalahanin ang mga natutunan sa konseptong pangwika at mga bagong nabatid sa talakayan ng komunikasyon.

48

Panuto: Pag-ugnayin ang napanood sa sitwasyong pangkomunikasyon.

49

Multiple Choice

Anong komunikasyon ang inilalahad sa pagpahayag ni B. Lumbera ng kanyang mga ideya tungkol sa wika at edukasyon?

1

interpersonal

2

intrapersonal

3

computer mediated

4

tangkang komunikasyon

50

Multiple Choice

Ang pagpapadala ni B. Lumbera ng mensahe mula sa telebisyon ay makikitaan ng anong komunikasyon?

1

komunikasyong pampubliko

2

interpersonal

3

komunikasyong pangmasa

4

intrapersonal

51

Multiple Choice

Anong paraan ang ginamit sa pagpaparating ng mensahe sa mga tagapanoodng programa?

1

panayam

2

talumpati

3

panawagan sa radyo

4

pahayagan

52

Multiple Choice

Anong konseptong pangwika ang maiuugnay sa sitwasyong napanood?

1

wikang opisyal

2

lingguwistikong komunidad

3

rehistro ng wika

4

unang wika

53

Multiple Choice

Ano ang kaugnayan ng napanood sa situwasyong pangkomunikasyon?

1

malayang naipahahayag ang nais sa telebisyon

2

maraming manonood ang makababatid ng mensahe

3

nailalahad ang situwasyon dahil sa napanood sa telebisyon

4

natutukoy ang konseptong pangwika gamit ang komunikasyon sa pamamagitan ng panayam

54

Pagyamanin

Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Ito ang susukat sa lawak ng iyong natutuhan mula sa araling ating tinalakay.

55

Open Ended

Ipaliwanag bakit ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan.

56

Open Ended

Magbigay ng napapanahong halimbawa o pagkakataon na nagkakaroon ng kaguluhan sa pakikipagkomunikasyon.

57

Open Ended

Ano ang maaaring maging epekto sa sarili, pamilya, pamayanan at bansa ang malabong paghahatid ng mensahe?

58

Open Ended

Bakit kailangang sipatin ang lugar at wikang ginagamit ng isang tao pagdating sa komunikasyon? Ano ang maidudulot nito sa proseso ng pakikipagtalastasan?

59

Open Ended

Ipaliwanag kung bakit ang komunikasyon ay isang komplikadong gawain.

60

Isaisip

Panuto: Iugnay ang konseptong pangwika sa mga sitwasyong pangkomunikasyon. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

61

Multiple Choice

Anong konseptong pangwika ang pinakamalapit na maasahang makikita sa programang PEP Talk?

1

barayti ng wika

2

bilingguwalismo

3

wikang panturo

4

multilingguwalismo

62

Multiple Choice

Anong komunikasyon ang kalimitang ginamit sa paghahatid ng mensahe sa mga palabas sa telebisyon?

1

computer mediated

2

komunikasyong pampubliko

3

komunikasyong pangmasa

4

komunikasyong interpersonal

63

Multiple Choice

Ano ang sitwasyong pamamaraan upang mailahad ang mensahe at matukoy ang konseptong pangwika?

1

debate

2

panayam

3

drama

4

musical

64

Multiple Choice

Ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ay isinasahimpapawid sa ABS CBN. Kung iuugnay ito sa konseptong pangwika, ilang konsepto ang posibleng makita sa dramang pantelebisyon?

1

tatlo

2

lima

3

pito

4

lahat

65

Multiple Choice

Anong daluyan ng sitwasyong pangkomunikasyon ang maiuugnay sa palabas?

1

telebisyon

2

radyo

3

internet

4

sinema

66

Isagawa

Sagutan ang mga sumusunod sa inyong sagutan papel.

67

Open Ended

Ano ang kaugnayan ng pagkakaiba-iba ng wika (heterogenous) sa sitwasyong pangkomunikasyon?

68

Open Ended

Paano mo gagamitin ang iyong natutuhang gamit ng wika sa lipunan sa pakikipag-ugnayan sa mga taong makakasalamuha mo araw-araw?

69

Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

70

Multiple Choice

Iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit sa isang linggwistikong komunidad.

1

Heterogenous

2

Homogenous

3

Sosyolek

4

Idyolek

71

Multiple Choice

Magkakaiba ang anyo ng wika na ginagamit sa isang linggwistikong komunidad.

1

Multilingguwalismo

2

Bilingguwalismo

3

Heterogenous

4

Homogenous

72

Multiple Choice

Mas marami ang nagsasalita ng Ingles o gumagamit ng code switching, kolokyalismo, o balbal na pananalita sa isang linggwistikong komunidad.

1

Multilingguwalismo

2

Bilingguwalismo

3

Heterogenous

4

Homogenous

73

Multiple Choice

Salik na nakakaapekto sa lingguwistikong komunidad.

1

Hanapbuhay at edukasyon

2

Pakikipag-ugnayan

3

Pakikitungo

4

Rasyonal

74

Multiple Choice

Ito ay maaaring magsimula sa sarili.

1

Pakikipagmabutihan

2

Pakikipagtalastasan

3

Pakikipag-unawaan

4

Pakikipagsapalaran

75

Multiple Choice

Ito ay nagaganap sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao

1

Pakikipagkomunikasyon

2

Pakikipagmabutihan

3

Pakikipagkalakalan

4

Pakikipagtuos

76

Multiple Choice

Isang salik sa pagkakaiba ng anyo ng wika na tumutukoy sa pandarayuhan na nangangahulugang pagpapalipat-lipat ng lugar sa loob ng isang bansa.

1

Hanapbuhay

2

Edukasyon

3

Migrasyon

4

Edad

77

Multiple Choice

Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa pahayag sa isang karatulang Mas mabuti pang mahulog sa kanal kaysa sa mahulog sa taong hindi ka naman mahal?

1

Barayti ng wika

2

Kultura ng wika

3

Wikang opisyal

4

Unang wika

78

Multiple Choice

Ang sariling paraan ng paggamit ng wika ng sikat na personalidad gaya ni Mike Enriquez at Kris Aquino ay maihahanay sa anong barayti ng wika?

1

Idyolek

2

Sosyolek

3

Ekolek

4

Dayalek

79

Multiple Choice

Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao sa isang lugar.

1

Heterogenous na wika

2

Homogenous na wika

3

Dayalek

4

Pidgin

80

Multiple Choice

Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na "homo" na nangangahulugang ______.

1

pagkakaiba

2

pag-uulit

3

pareho

4

pagkakaugnay

81

Multiple Choice

Ano ang kaugnayan ng mga palabas sa telebisyon sa konseptong pangwika at sitwasyong pangkomunikasyon.

1

TV ang makapangyarihang media na mag-uugnay sa tao gamit ang wika

2

Sa TV napapanood ng tao ang mga palabas at program na gusto nila

3

Maraming palabas ang gumagamit ng iba’t ibang uri ng wika

4

Nauunawaan ng mga manonood ang nakikitang palabas

82

Multiple Choice

“Push mo ‘yan! “Char”ang pahayag na ito ay maihahanay sa ____.

1

Wikang banyaga

2

Wikang teknikal

3

Rehistro ng wika

4

Pangalawang wika

83

Multiple Choice

Saan konseptong pangwika maiuugnay ang pamagat ng artikulo na “Back to school zone speed reduction”?

1

Homogenous

2

Wikang opisyal

3

Bilingguwalismo

4

Wikang panturo

84

Multiple Choice

Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa pahayag sa isang karatulang “Mas mabuti pang mahulog sa kanal kaysa mahulog sa taong hindi ka naman mahal?”

1

Barayti ng wika

2

Kultura ng wika

3

Wikang opisyal

4

Unang wika

85

Karagdagang Gawain

Sagutan ang mga sumusunod:

86

Open Ended

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag na “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”.

87

Open Ended

Paano mo maiuugnay ang naunang pahayag sa sitwasyon sa Pilipinas.

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Unang Markahan Modyul 3 Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika)

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 87

SLIDE