

Q4_w4_m4_Pagbása at Pagsusuri
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Edgar Monte
Used 7+ times
FREE Resource
29 Slides • 50 Questions
1
Pagbása at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan–Modyul 4:
Lohikal at Ugnayan ng mga Idea sa Pagsulat ng Pananaliksik
2
Alamin
Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga idea sa pagsulat ng isang pananaliksik F11WG –IVgh – 92
3
Layunin:
1. Natatalakay ang bahagi at katangian ng konseptong papel.
2. Naisasagawa ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga idea sa pagsulat ng isang konseptong papel.
3. Nakabubuo ng konseptong papel para sa sulating pananaliksik.
4
Subukin
Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin lámang ang titik ng wastong sagot.
5
Multiple Choice
Ito ay nagsisilbing proposal sa gagawing pananaliksik.
Adyenda
Konseptong Papel
Memorandum
Posisyong Papel
6
Multiple Choice
Ito ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais pag-aralan.
Konsepto
Layunin
Metodolohiya
Rationale
7
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na pangungusap tungkol sa konseptong papel ang hindi kabilang?
Ito ay nagsisilbing proposal
Ito ay gawaing pang-display lamang sa exhibit
Ito ay isang plano na nagpapakita kung saan direksiyon patungo ang
paksa
Nagsisilbing gabay o direksiyon lalo na sa mga baguhan sa gawaing
pananaliksik
8
Multiple Choice
Sa anong bahagi ng pananaliksik matutunghayan ang hangarin o tunguhin batay sa paksa?
Inaasahang awtput
Layunin
Metodolohiya
Rationale
9
Multiple Choice
Ito ang bahaging nagsasaad ng kinalabasan ng pananaliksik o pag-aaral.
Inaasahang awtput
Layunin
Metodolohiya
Rationale
10
Multiple Choice
Aling bahagi ng pananaliksik ang nagsasaad ng kasaysayan o dahilan ng pagpili ng paksang tatalakayin?
Inaasahang awtput o resulta
Layunin
Metodolohiya
Rationale
11
Multiple Choice
Aling bahagi ng konseptong papel ang naglalahad ng pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos?
Inaasahang awtput
Layunin
Metodolohiya
Rationale
12
Multiple Choice
Ilang bahagi mayroon ang konseptong papel?
5
6
7
8
13
Multiple Choice
Ito ang bahagi ng konseptong papel na nagpapakita ng tentatibong pamagat.
Inaasahang awtput
Metodolohiya
Paksa
Sanggunian
14
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa hakbang sa pagbuo ng layunin ng konseptong papel?
Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa
Makatotohanan o maisasagawa
Maliwanag na nakalahad kung ano ang gagawin at paano ito gagawin
Paggamit ng mga salita mula sa sariling opinyon
15
Multiple Choice
Ang lahat ng salita ay patungkol sa metodolohiya maliban sa isa.
Datos
Obserbasyon
Panayam
Sarbey
16
Multiple Choice
Sa bahaging ito ay inililista ang mga pinaghanguan o pinagkuhanan ng mga impormasyon.
Inaasahang awtput
Metodolohiya
Paksa
Sanggunian
17
Multiple Choice
Aling salitang pandiwa ang hindi angkop na gamitin sa pagsasagawa ng konseptong papel?
Makagawa
Makahanap
Makatalakay
Masukat
18
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na layunin ang angkop sa paksang Epekto ng Pandemya sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 ng Mataas na Kahoy?
Nabibigyan ng masusing pagsisiyasat ang epekto ng
pandemya sa pag-aaral ng mga Senior High School na mag aaral.
Natutukoy ang epekto ng pandemya sa akademikong performans ng mga
mag-aaral.
Natutukoy kung paano labanan ng mga mag-aaral ang pandemya upang
maging maalam.
Naiaangat ang edukasyon ng Baitang 11 sa kabila ng Pandemya.
19
Multiple Choice
Sa pagsasagawa ng konseptong papel, alin sa sumusunod na gawi ang hindi kabilang?
Bukás na pagtugon sa mungkahi at paalala ng gurong tagapayo
Pangangalap at pagtatalâ nang maayos sa mga mahahalagang datos at
impormasyon.
Pagkilala sa pinagkunan o sors at paghanap ng mga sanggunian
Pagpapabukas sa gawain dahil sa malayo pa naman ang itinakdang araw
ng pagsusumite ng konseptong-papel.
20
Open Ended
Balikan
Ano-ano ang mga paraan at proseso sa pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino?
21
Tuklasin
Basahin ang sitwasyon. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa ibaba.
22
Sa nalalapit na pagtatapos ng taóng-panuruan, napansin ni Bb. Kayumanggi na halos marami na sa kaniyang mag-aaral ang hindi na pumasok sa klase. Napag-alaman niya na ang ilan sa mga mag-aaral ay huminto na rin sa kanilang pag-aaral. Bílang gurong-tagapayo, ang nais niya ay matulungan ang mga mag-aaral na huwag huminto sa pag-aaral at alamin ang kadahilanan ng kanilang paghinto o malimit na pagliban sa klase. Inanyayahan niya ang lahat ng mag-aaral upang pag-usapan ang kanilang mga suliranin at makatulong upang maiwasan ang absenteeism at risk of dropping-out. Tinanong niya ang mga mag-aaral at narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:
23
A. Walang sapat na pantustos sa kakailanganing kagamitan sa pag-aaral
B. Kakulangan ng suporta mula sa kanilang magulang
C. Natatákot sa kanilang mga mahihigpit na guro.
D. Nawawalan ng interes at pagtitiyaga sa kanilang pag-aaral.
E. Maagang tinanggap ang hamon ng responsibilidad na magkaroon ng sariling pamilya.
F. Impluwensiya ng maling barkada at masamang kapaligiran.
24
Open Ended
Ano ang inyong napuna sa naging pag-uusap ng guro at mag-aaral?
25
Open Ended
Pansinin ang naging kasagutan ng mga mag-aaral? Masasabi ba ninyo na katangap-tanggap ang kanilang mga sagot? Maaari ba itong maging basehan upang malutas ang problema sa paaralan? Ipaliwanag.
26
Open Ended
Ano ang dapat na gawin sa mga naging kasagutan ng mga mag-aaral upang magkaroon ng solusyon sa problema?
27
Open Ended
Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung ang lahat ng suliranin sa paaralan at maging sa pamayanan ay gagawan ng konseptong papel at magtutuloy sa pananaliksik?
28
Suriin
Alam ba ninyo na mayroong iba’t ibang bahagi ang konseptong papel na maaaring magamit sa mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga idea sa pagbuo ng isang pananaliksik?
29
a. Konsepto
Bílang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang paghandaan ang pagbuo ng isang konsepto. Ang konsepto ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais pagtuunan.
30
b. Konseptong Papel
Ito ay nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik. Isang kabuoang idea na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang bubuoin. Makatutulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang-direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito. Bago pa man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nakalap na ebidensiya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita o mailahad kung ano ang mangyayari.
31
C. Pangunahing bahagi ng konseptong papel
1. Pahinang Nagpapakita ng Paksa - Narito ang tentatibong pamagat ng pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa magiging pamagat ng saliksik. Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito.
32
Pahinang Nagpapakita ng Paksa
33
2. Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale)
– Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababása rito ang kahalagahan ng paksa.
34
Ayon kina Bernie Trilling at Charls Fadel sa kanilang aklat na 21st Century Skills: Learning for Life in our Times (2009), ang kasalukuyang siglo ay nagdala ng mga bágong set ng indibidwal na lubhang naiiba sa kanilang magulang. Sila ang mga digital native. Sila ang unang set ng henerasyon na napaliligiran ng digital media. Sila rin ay naiiba sa mga “natutong gumamit” ng teknolohiya paglipas ng panahon o mga digital immigrants. Inilarawan nina Trilling at Fadel ang mga digital native bílang unang henerasyon sa kasaysayan na mas marami pang nalalaman tungkol sa mga impormasyong digital at teknolohiyang pangkomunikasyon o digital information and communications technologies kaysa mga mas nakatatanda sa kanila.
Ayon sa kanila, binago nito ang dinamika sa paaralan dahil ang mga mag-aaral na ang mga digital mentor at ang mga guro at magulang na ang mga part-time na mga mag-aaral.
35
Layunin
– Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at seguraduhing natupad o nagawa ang mga ito.
36
Nais ng papel na ito na magpokus sa information, media, at technology skills lalo na at ang ilan sa mga silid-aralan sa Pilipinas ay nagsisimula nang maging hi-tech hindi lámang sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya upang gumawa ng mga teaching aid at instructional material, kundi sa pamamagitan din ng unti-unting pagpapalit sa mga inimprentang teksbuk ng electronic textbook o e-textbook. Nais ng papel na ito na malaman kung paano ginagamit ng mga guro at mga mag-aaral ang e-teksbuk sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng silid-aralan bílang manipestasyon ng kanilang information, media, at technology skills at kung ano ang impak ng teknolohiyang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob at labas ng mga silid-aralan.
37
Paano bumuo ng layunin?
a. Nakasaad sa paraang ipinapaliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawin
b. Makatotohanan o maisasagawa
c. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong sa pananaliksik
38
Paano bumuo ng layunin?
Halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso
Matukoy-Natutukoy
Maiulat-Naiuulat
Makapagsagawa-Nakapagsasagawa
Mailarawan-Nailalarawan
39
Metodololohiya
– Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
40
Halimbawa:
Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan sa mga guro at mag-aaral na gumagamit ng e-textbook bílang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na isasagawa. Ipinapanukala rin ng papel na ito ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga silid-aralan ng isang piling paaralan na nagpapatupad ng paggamit ng e-textbook sa piling mga pangkat at baitang upang higit na matibay ang mga datos na makukuha mula sa pakikipanayam.
41
Inaasahang awtput o resulta
– Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.
42
Halimbawa:
Inaasahang makabubuo ng 50 pahinang awtput ang pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na ito. Inaasahan ding makapagpapahayag sa awtput ng mga rekomendasyon na maaaring magamit ng piniling paaralan o ng iba pang paaralang nagnanais na gumamit ng e-textbook sa kanilang kurikulum.
43
Mga Sanggunian
-Ilista ang mga sangguniang ginagamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang mga sangguniang maaaring magamit, at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.
44
Halimbawa:
Dayag, A. M. & MG. G. del Rosario (2017) Pinagyamang Pluma 11 (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik). Quezon City: Phoenix Publishing House.
45
Pagyamanin
PAGSASANAY 1
Sagutin at ipaliwanag ang kasagutan sa mga tanong.
46
Open Ended
Ano-ano ang bahagi ng konseptong papel? Bakit mahalaga ang bawat bahagi nito?
47
Open Ended
Bakit mahalaga ang feedback at mungkahing guro sa pagbuo ng isang konseptong papel?
48
Open Ended
Paano isinasagawa ang proseso sa pagbuo ng konseptong papel?
49
PAGSASANAY 2
Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag.
50
Multiple Choice
Sa pamamagitan ng impormasyong taglay ng konseptong papel
hindi maaaring magbigay ng paunang feedback o mungkahi ang iyong guro.
TAMA
MALI
51
Multiple Choice
Ang rationale na bahagi ng konseptong papel ay naglalaman ng
kalalabasan ng pag-aaral batay sa pangangalap na ginawa ng
mananaliksik tungkol sa paksang kaniyang tatalakayin.
TAMA
MALI
52
Multiple Choice
Ang bahagi ng konseptong papel na nagsasabi tungkol sa
kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa
ay tinatawag na metodolohiya.
TAMA
MALI
53
Multiple Choice
Maaaring magkaiba ang kinalabasang sagot sa konseptong papel matapos magsuri ng mga nakalap na datos.
TAMA
MALI
54
Multiple Choice
Mahirap magsagawa ng konseptong papel kaysa pananaliksik.
TAMA
MALI
55
Open Ended
PAGSASANAY 3
Bílang paghahanda sa pagbuo mo ng konseptong papel, inaanyayahan kitang bumuo ng tatlong paksa ayon sa iyong level ng interes. Pagkatapos ay lagyan ang mga nabanggit na paksa ng angkop na layunin.
1. a. PAKSA
b. LAYUNIN
56
Isaisip
Sagutin ang sumusunod na tanong:
57
Open Ended
Ano ang kahalagahan ng konseptong papel sa pananaliksik?
58
Open Ended
Ibigay ang bahagi ng konseptong papel at ilahad ang gagawin sa bawat bahagi nitó?
59
Open Ended
Ano ang dapat isagawa kapag ang konsepto ay malawak? Bakit?
60
Open Ended
Ano ang dapat gawin ng isang mananaliksik upang maging maganda ang kinalabasan ng kaniyang gagawing konseptong papel?
61
Isagawa
Buoin ang konseptong papel mula sa mga suliraning iyong naoobserbahan sa paligid. Isulat ang iyong sa sagot sa kuwaderno.
Paksa
Rationale
Layunin
Metodolohiya
Inaasahang Awtput o Resulta
Sanggunian
62
Open Ended
Isagawa
Buoin ang konseptong papel mula sa mga suliraning iyong naoobserbahan sa paligid. Isulat ang iyong sa sagot sa kuwaderno.
Paksa________
Rationale______
Layunin_______
Metodolohiya____
Inaasahang Awtput o Resulta____
Sanggunian________
63
Tayáhin
Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin lámang ang letra ng wastong sagot.
64
Multiple Choice
Anong bahagi ng pananaliksik matutunghayan ang hangarin o tunguhin batay sa paksa?
Inaasahang awtput
Layunin
Metodolohiya
Rationale
65
Multiple Choice
Ito ang bahaging nagsasaad ng kinalabasan ng pananaliksik o pag-aaral.
Inaasahang awtput
Layunin
Metodolohiya
Rationale
66
Multiple Choice
Ito ay nagsisilbing proposal sa gagawing pananaliksik.
Adyenda
Konseptong Papel
Memorandum
Posisyong Papel
67
Multiple Choice
Ito ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais pagtuunan.
Konsepto
Layunin
Metodolohiya
Rationale
68
Multiple Choice
Aling bahagi ng konseptong papel ang naglalahad ng pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos?
Inaasahang awtput
Layunin
Metodolohiya
Rationale
69
Multiple Choice
Ilang bahagi mayroon ang konseptong papel?
5
6
7
8
70
Multiple Choice
Aling bahagi ng pananaliksik ang nagsasaad ng kasaysayan o dahilan ng pagpili ng paksang tatalakayin?
Inaasahang awtput o resulta
Layunin
Metodolohiya
Rationale
71
Multiple Choice
Ang lahat ng salita ay patungkol sa metodolohiya maliban sa isa.
Datos
Obserbasyon
Panayam
Sarbey
72
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na pangungusap tungkol sa konseptong papel ang hindi kabilang?
Ito ay nagsisilbing proposal
Ito ay gawain pang-display lamang sa exhibit
Ito ay isang plano na nagpapakita kung saan direksiyon patungo ang
paksa
Nagsisilbing gabay o direksiyon lalo na sa mga baguhan sa gawaing
pananaliksik
73
Multiple Choice
Ito ang bahagi ng konseptong papel na nagpapakita ng tentatibong pamagat.
Inaasahang awtput
Metodolohiya
Paksa
Sanggunian
74
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa hakbang sa pagbuo ng layunin ng konseptong papel?
Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa
Makatotohanan o maisasagawa
Maliwanag na nakalahad kung ano ang gagawin at paano ito gagawin
Paggamit ng mga salita mula sa sariling opinyon
75
Multiple Choice
Alin sa sumusunod na layunin ang angkop sa paksang Epekto ng Pandemya sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 ng Mataas na Kahoy?
Nabibigyan ng masusing pagsisiyasat ang epekto ng
pandemya sa pag-aaral ng mga Senior High School na mag-aaral.
Natutukoy ang epekto ng pandemya sa akademikong performans ng mga
mag-aaral.
Natutukoy kung paano labanan ng mga mag-aaral ang pandemya.
upang maging maalam
Naiaangat ang edukasyon ng Baitang 11 sa kabila ng Pandemya.
76
Multiple Choice
Sa pagsasagawa ng konseptong papel. Alin sa sumusunod na gawi ang hindi kabilang?
Bukás na pagtugon sa mungkahiat paalala ng gurong tagapayo
Pangangalap at pagtatalâ nang maayos sa mga mahahalagang datos at
impormasyon.
Pagkilala sa pinagkunan o sors at paghanap ng mga sanggunian
Pagpapabúkas sa gawain dahil sa malayo pa naman ang itinakdang araw ng pagsusumite ng konseptongpapel.
77
Multiple Choice
Sa bahaging ito, inililista ang mga pinaghanguan o pinagkuhanan ng mga impormasyon?
Inaasahang awtput
Metodolohiya
Paksa
Sanggunian
78
Multiple Choice
Aling salitang pandiwa ang hindi angkop na gamitin sa pagsasagawa ng konseptong papel?
Makagawa
Makahanap
Makatalakay
Masukat
79
Open Ended
Karagdagang gawain
PAGSASANAY 1
Ano-ano ang mga natutuhan mo sa bawat bahagi ng konseptong papel?
1. Rationale
2. Layunin
3. Metodolohiya
4. Inaasahang awtput o resulta
Pagbása at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan–Modyul 4:
Lohikal at Ugnayan ng mga Idea sa Pagsulat ng Pananaliksik
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 79
SLIDE
Similar Resources on Wayground
73 questions
sinh hk2
Lesson
•
KG
78 questions
SOLUBILITY
Lesson
•
11th Grade
75 questions
R2.3 How Far?
Lesson
•
12th Grade
74 questions
MATERI HARI AKHIR
Lesson
•
9th - 12th Grade
71 questions
HB Urinary
Lesson
•
KG - University
71 questions
KPWKP_q2_mod6_Rehistro at Barayti ng Wika_v2
Lesson
•
11th Grade
73 questions
H.Chem- Lesson- Naming and writing Ionic compounds
Lesson
•
9th - 12th Grade
76 questions
Địa lý cuối kì 2 11
Lesson
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
15 questions
Fractions on a Number Line
Quiz
•
3rd Grade
14 questions
Boundaries & Healthy Relationships
Lesson
•
6th - 8th Grade
13 questions
SMS Cafeteria Expectations Quiz
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
SMS Restroom Expectations Quiz
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Pi Day Trivia!
Quiz
•
6th - 9th Grade
Discover more resources for Other
15 questions
Pi Day Trivia
Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
Understanding Pi and Its Applications
Interactive video
•
7th - 12th Grade
22 questions
El Imperfecto
Quiz
•
9th - 12th Grade
15 questions
ACT Reading Practice
Quiz
•
11th Grade
20 questions
Grammar
Quiz
•
9th - 12th Grade
7 questions
History of St. Patrick's Day for Kids | Bedtime History
Interactive video
•
1st - 12th Grade
30 questions
ACT Bootcamp Rotation 2 Session
Quiz
•
11th Grade
27 questions
quiz review Senderos 2 En el consultorio
Quiz
•
9th - 12th Grade