
ANG KAHON NI PANDORA
Presentation
•
Other
•
10th Grade
•
Easy
Edelyn Gramaje
Used 5+ times
FREE Resource
28 Slides • 46 Questions
1
Panalangin sa Espiritu Santo
Lider: Halina Espiritu Santo
Lahat: Punuin Mo ang mga puso ng mga nananalig Sayo at pag-alabin Mo sa kanila ang apoy ng Iyong banal na pag-ibig
Lider: Ipadala Mo ang iyong Espiritu at sila’y malilikha
Lahat: At sa gayo’y mapanimbago Mo ang mukha ng mundo
Lider: Manalangin tayo.
Lahat: O Diyos, na sa liwanag ng Espiritu Santo ay tinuruan ang mga puro ng mga mananampalataya,Ipagkaloob Mo na sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, ay ibigin namin kung ano ang wasto at makatarungan at sa tuwina’y magalak sa kanyang pagkilos na nakapagdudulot ng ginhawa sa aming loob. Sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
2
LPO2: Malakas ang loob, Mapanuri, Positibong hinaharap ang mga suliranin
Ako ay malakas ang loob, mapagsiyasat, positibong hinaharap ang mga suliranin at nagpapamalas ng pagkamalikhain at karisma.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naipahahayag mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya
Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa: • Sariling karanasan • pamilya • pamayanan • lipunan
• daigdig F10PB-Ia-b-62
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito F10PT-Ia-b-61
Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya F10PD-Ia-b-61
Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay F10PS-Ia-b-64
Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaaanan at kagamitan)
1. sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan;
2. sa pagsulat ng paghahambing;
3. sa pagsulat ng saloobin;
4. sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; at
5. isinulat na sariling kuwento
3
ANG KAHON NI PANDORA
4
Poll
Isang regalong nakakahon at nababalot nang napakaganda tulad ng nasa ibaba ang dumating para sa iyo, dalawang buwan bago ang iyong kaarawan. Subalit, may kalakip na mensaheng "HINDI MO ITO PUWEDENG BUKSAN HANGGANG SA MISMONG PETSA NG IYONG KAARAWAN." Ano ang gagawin mo? Iclick ang button ng iyong sagot.
Susunod ka, maghihintay ka ng dalawang buwan at bubuksan mo lang ang kahon sa mismong petsa ng iyong kaarawan.
Hindi ka makapaghihintay ng ganoon katagal kaya gagawa ka ng paraan upang "masilip" man lang ang laman ng napakagandang kahon.
Bubuksan mo ito agad pagkatanggap mo.
Iba pang gagawin...
5
Open Ended
Kung may iba ka pang gagawin bukod sa mga nabanggit. Ipaliwanag ang iyong gagawin. Iba pang gagawin dahil______________________
6
ALAM MO BA?
Ang mitolohiyang Griyego ay koleksiyon ng mga kuwentong kinatatampukan ng mga diyos at diyosa. Paksa ng iba't-ibang mitolohiya ang pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma, at pagpapakita ng iba't ibang kapangyarihan ng mga nasabing nilalang. Ipinakikita rin dito hindi lamang ang taglay nilang kapangyarihan kundi ang kanila ring pamumuhay bilang ordinaryong tao na minsa'y nagkakamali at nagagapi ng kanihanaang tulad ng mga mortal.
Ang isa sa mga kilalang salaysay sa mitolohiyang Griyego ay "Ang Kahon ni Pandora." Ang pinakalumang bersiyon ng mitong ito ay nasa anyong epikong patula at isinulat ng makatang si Hesiod, na kasabayan ni Homer noong mga taong 700BC. Tinalakay sa orihinal na akda ang kuwento ng paglikha gayundin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga kasamaan sa mundo.
Hindi kahon kundi isang banga ang nasa bersiyon ni Hesiod. Subalit nang isalin ni Erasmus, isang iskolar na Olandes, ang tula sa Latin mula sa orihinal na makalumang Griyego, ang banga ay itinuring niya bilang isang kahon. Gayundin, ang simpleng kuwento ni Hesiod ay dinagdagan nang samot-saring detalye ng mga sumunod na nagkuwento o nagsulat na nagbigay rito ng higit na kulay at ganda.
SANGGUNIAN:
Study.com.Accessed June 27.http://study.com/academy/lesson/pandoras-box-myth-story-summary.html.
7
PAGLINANG/PAYABUNGIN NATIN
A. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito (F10PT-Ia-b-61)
Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng kayariang payak, maylapi, inuulit, o tambalan. Maaaring maiugnay ang kayarian ng salita sa kahulugan nito. Ibigay ang kasingkahulugan ng salita batay sa kayarian at sa iba pang katangian nito.(Meron ito sa inyong modyul.)
8
Open Ended
Ibigay ang kasingkahulugan ng salita batay sa kayarian at sa iba pang katangian nito.
1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag-iisang-dibdib? Ang isa pang kahulugan nito’y pag-aasawa.
9
Open Ended
2. Alin sa mga salitang maylapi ang may naiibang kahulugan? Itype ang iyong sagot.
minamahal iniibig sinisinta hinahangaan
10
Open Ended
3. Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng salitang galak sa pangungusap na “Galak ang dulot ng pagdating ng dalaga sa kanyang buhay.”
11
Open Ended
4. Anong salitang maylapi ang maaaring maging kasingkahulugan ng inuulit na salitang kahali-halina sa pangungusap na “Ang dalaga’y sadyang kahali-halina kaya’t agad nahulog ang loob niya.”
12
Open Ended
5. Alin sa mga salitang payak na nasa kahon ang may naiibang kahulugan? Isulat ito sa linya.
BANTA BABALA GANTI
13
A. Natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salita gamit ang kontekstuwal na pamamaraan.
Basahin at unawain ang konteksto ng bawat pangungusap. Hanapin sa ikalawang pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa unang pangungusap. Itype ang inyong sagot. (Meron ito sa inyong modyul.)
14
Open Ended
1. Sumanib ang magkapatid na Titan sa mga Olimpian dahil alam na nila ang mangyayari sa hinaharap. Sumama sila para sa pansariling kapakanan.
15
Open Ended
2. Isang ginintuang kahong may kalakip na susi ang ipinadala ni Zeus bilang handog sa kasal nina Pandora at Epimetheus. Kasama na rin sa regalong ito ang babalang huwang bubuksan ang kahon.
16
Open Ended
3. Hindi mapakali ang babae hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon. Kung nalalaman niya lamang ay hindi na niya nanaising buksan ito kailanman.
17
Open Ended
4. Nakamata siya sa kahon at tulad ng dati ay natutukso na namang buksan ito. Ngayon ay nakatingin naman siya sa susing nakasabit sa dingding.
18
Open Ended
5. Isa ang paninibugho sa mga bagay na lumabas mula sa kahon. Ang pagseselos ay maaaring makasira ng relasyon lalo kung labis-labis na ito.
19
Pagtatalakay: Ang Kahon Ni Pandora
Sa inyong Pluma 10, Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma, Aklat 1, pahina 6-28,Basahin ang kwentong , Ang Kahon Ni Pandora. Kung kayo naman ay walang libro, iclick ang link: https://www.youtube.com/watch?v=OkSfMNiTg-0.
20
Open Ended
SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG.
1. Sino ang magkapatid na Prometheus at Epimetheus? Paano sila naging mga Olimpian gayong ipinanganak silang mga Titan?
21
Open Ended
2. Ano ang ipinagkatiwala ni Zeus na gawin ng magkapatid nang dahil sa ipinakita nilang katapatan noong una?
22
Open Ended
3. Paano nasira ang relasyon ng magkapatid kay Zeus?
23
Open Ended
4. Ano ang nagtulak kay Prometheus para suwayin si Zeus?
24
Open Ended
5. Ano ang naging kaparusahan ni Zeus sa ginawa ni Prometheus?
25
Open Ended
6 May pagkakataon bang makatarungan ang pagsuway sa isaang utos? Ipaliwanag.
26
Open Ended
7. Bakit naisip ni Zeues na parusahan din ang sangkatauhan dahil sa ginawa ni Prometheus? Makatarungan ba ang ginawa niyang ito? Patunayan?
27
Open Ended
8. Paano nagamit ni Zeus si Epimetheus sa kanyang paggamit sa sangkatauhan?
28
Open Ended
9. Masisisi mo ba si Epimetheus sa ginawa niyang pagtanggap kay Pandora gayong alam niyang maaaring isang patibong lamang ang babaeng ito? Bakit oo o bakit hindi?
29
Open Ended
10. Anong katangian ni Pandora ang nagtulak sa kanya upang buksan ang kahon at paalpasin ang lahat ng kasamaan sa mundo? Kung ikaw si Epimetheus, ano ang gagawin mo upang hindi sana nagkaroon ng pagkakataon si Pandora na mabuksan ang kahon kailanman?
30
Open Ended
11. Ano-anong mga bagay ang laman ng kahon? Nararamdaman pa rin ba sa mundo ang mga bagay na ito sa kasalukuyan? Ipaliwanag .
31
Open Ended
12. Paano nakatulong ang pagpapakawala rin ni Pandora sa pag-asa kahit pa nahuli ito?
32
​
PAGSULAT NG JOURNAL
Isulat sa iyong journal ang sagot sa mga tanong na ito.
Bakit mahalagang panghawakan ang pag-asa maging sa harap ng anumang pagsubok o paghihirap?
33
Open Ended
Bakit mahalagang panghawakan ang pag-asa maging sa harap ng anumang pagsubok o paghihirap?
34
NAIPAPAHAYAG ANG MAHALAGANG KAISIPAN SA NABASA O NAPAKINGGAN (F10PN-Ia-b-62)
Magpahayag ng ilang mahahalagang kaisipang taglay ng akda batay sa sumusunod na mga katangian.
35
Open Ended
1. Magpahayag ng kaisipan tungkol sa maaaring maging epekto sa buhay ng isang kabataang tulad mo ng pagiging labis na mausisa o curious (tulad ng nangyari kay Pandora).
36
Open Ended
2. Magpahayag ng kaisipan tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng pag-asa sa kabila ng mga suliranin at kabiguang nararanasan.
37
Open Ended
3. Magpahayag ng dalawang kaisipan patungkol sa pagiging matulungin at mapagbigay kahit pa mangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng nagbigay (tulad ng nangyari kay Prometheus).
38
Poll
Nasusuri ang mga kaisipang taglay ng akda
Pindutin ang button ng mga kaisipang nakita o nabanggit sa binasa.
Pinarusahan ni Zeus si Prometheus dahil sa pagsuway niya sa kagustuhan nito.
Nagbigay kasi ng pagkain si Prometheus sa nagugutom na mga tao kaya nagalit si Zeus.
Isang babae ang naisip ipadala ni Zeus kay Epimetheus para magdala ng kanyang parusa sa sangkatauhan.
Nagustuhan at minahal agad ni Epimetheus si Pandora kahit pa binalaan na siya ng kapatid na huwang tatanggap ng anuman mula sa mga diyos at diyosa.
Tinutulan ng ibang diyos at diyos ang pagpapadala ni Zeus kay Pandora.
39
Poll
Nasusuri ang mga kaisipang taglay ng akda
Pindutin ang button ng mga kaisipang nakita o nabanggit sa binasa.
Hindi nagkaroon ng interes si Pandora na alamin kung ano ang laman ng handog para sa kanila.
Napaalpas ni Pandora ang lahat ng kasamaan sa mundo.
Napasunod rin niya ang pag-asa pagkatapos niyang mapaalpas ang mga kasamaan.
Sa kasalukuyan ay hindi na nararamdaman sa mundo ang kasamaang napaalpas ni Pandora.
40
NAIPAHAHAYAG NANG MALINAW ANG SARILING OPINYON SA PAKSANG TINALAKAY (F10PS-Ia-b-64)
Basahin ang mga pahayag o kaisipang nasa kahon. Magpahayag ng sariling opinyon o pananaw kaugnay nito.
Huwag na huwag mong bubuksan ang kahon ni Pandora. Isa itong babala lalo na sa mga taong hindi kayang kontrolin ang kanilang pagiging curious o mausisa kasi maaari itong magdulot ng kapahamakan sa iyo o sa ibang tao.
41
Open Ended
Sumasang-ayon ka ba sa kaisipang nabanggit na naunang pahina? Ipaliwanag.
42
Open Ended
Ano-ano ang mga "kahon ni Pandora" sa iyong paligid na hindi mo dapat buksan?
43
Open Ended
Ano-ano ang mga maipapayo mo sa mga taong tulad ni Pandora na hindi kayang kontrolin ang kanilang pagiging masyadong mausisa lalo na sa mga bagay na wala naman silang kinalaman? Magsabi ka ng tatlong kongkretong paraang maaaring makatulong sa kanila.
44
NAIUUGNAY ANG MGA KAISIPANG NAKAPALOOB SA AKDA SA NANGYAYARI SA SARILI, PAMILA, KAIBIGAN, PAMAYANAN, AT DAIGDIG (F10PB-Ia-b-62)
Napakawalan man ni Pandora ang lahat ng masasamang bagay sa mundo ay nagawa rin niyang palabasin ang pag-asa na siyang humihilom sa anumang sakit na dulot ng mga naunang masasamang bagay. Subalit dahil mas huli niya itong napaalpas, karaniwang laging sa huli rin dumarating ang pag-asa. Kaya naman magpahanggang ngayon, kapag ang tao ay nakararanas ng sunod-sunod na problema o paghihirap, dumarating ang pag-asa upang magbigay-lakas sa kanilang huwag magpatalo sa mga pagsubok at ituloy ang laban ng buhay.
Baon ang kaisipang ito, paano maipakikita ang mensahe ng pag-asa sa sumusunod na mga sitwasyon:
45
Open Ended
Paano maipapakita ang mensahe ng pag-asa sa sitwasyong ito
SA IYONG SARILI: Nagkagalit kayo ng pinakamatalik mong kaibigan at ngayon ay may bago na siyang kaibigan. Nakararamdam ka ng galit at paninibugho kapag nakikita mosilang masayang magkasamma dahil ngayo'y halos hindi ka naniya pinapansin kahit magkasalubong kayo. Tila nakalimutan na rin niya ang mga tao ng pagiging mabuti ninyong magkaibigan. Paano makatutulong ang pag-asa para maghilom ang nararamdaman mo sa sitwasyong ito?
46
Open Ended
SA IYONG PAMILYA: Lima kayong magkakapatid na sabay-sabay na nag-aaral sa hayskul at sa kolehiyo. Ordinaryong empleyado lang ang iyong ama at ina kaya naman lagi kayong kapos. Naiinggit ka sa mga nakikita mong mga bagong gamit ng mga kaklase mo. Subalit, wala talagang ekstra para mabilhan ka ng mga ito dahil kahit nga para sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain ay kulang pa kayo. Paano makatutulong ang pag-asa sa kalagayan ninyong ito?
47
Open Ended
SA IYONG KAIBIGAN: Isang hini inaasahang pangyayari ang naganap sa pamilya ng iyong kaibigan. Nagkasakit ang kanyang ina na humantong samaaga niyang pagyao. Napakasakit ng pangyayaring ito sa kaibigan mo dahil sa kanyang nanay siya humuhugot ng lakas kapag nanghihina siya. Paano makatutulong ang dala mong pag-asa sa kalagayan niyang ito?
48
Open Ended
SA IYONG PAMAYANAN O BANSA: Maraming suliraning hinaharap ang bansa tulad ng droga, kahirapan, at kaguluhang dala ng mga pangkat na gustong maghasik ng takot at sakit sa taumbayan. Ikaw bilang kabataan ang pag-asa ng ating bayan, paano ka makatutulong bilang isang pag-asa ng bayan sa ganitong kalagayan?
49
Open Ended
SA DAIGDIG: Ang buong daigdig ay patuloy na nakararanas ng malalaking kalamidad sanhi ng lumalalang epekto ng Global Warming. Ang bawat isa sa atin ay may ginagawang nagpapalala sa sitwasyong ito. Muli, bilang kabataan, ikaw ang pag-asa ng daigdig. Ano ang magagawa mo sa iyong munting paraan upang maipakitang dala mo nga ang pag-asa sa sitwasyong nakalahad?
50
PAGSASAGAWA NG SISTEMATIKONG PANANALIKSIK
Bahagi na ng buhay ng bawat mag-aaral ang pagsasagawa ng sistematikong pananaliksik para sa iba't ibang pangangailangang akademiko. Mahalaga kung gayon na alam ng mag-aaral ang kanyang gagawin at paghahanapan upang maging matagumpay siya sa malalimang pananaliksik. Napakaraming impormasyong maaaring makuha sa internet man o sa silid-aklatan kaya madalas, ang isang mag-aaral na nananaliksik ay karaniwang nakadarama ng kalituhan sa dami ng mga impormasyon at sa huli'y nahihirapang magdesisyon kung alin sa mga ito ang karapat-dapat isama sa kanyang binubuong papel pang-akademiko.
51
52
53
54
55
56
57
ISAISIP NATIN
PANDIWA
(URI AT ASPEKTO)
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita. Ito'y binubuo ng salitang - ugat at isa o higit pang panlapi. Ang mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.
58
59
Mga pandiwang palikaw na walang simuno.
Umuulan!
Lumilindol!
ASPEKTO NG PANDIWA
Ang pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag nito.
1. Aspektong Naganap o Perpektibo - Ito'y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.
Halimbawa: Ipinadala ni Zeus si Pandora kay Epimmetheus.
ASPEKTONG KATATAPOS- bahagi rin ng aspektong naganap sapagkat ang kilos ay katatapos pa lang gawin o mangyari. Sa pagbuo nito'y idinugtong ang panlaping ka sa inuulit na unang pantig ng salita.
Halimbawa: Kasasabi lang ni Epimetheus na huwag bubuksan ni Pandora ang kahon subalit binuksan pa rin niya ito.
60
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo - Ito'y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nangyayari o kaya'y patuloy na nangyayari.
Halimbawa: Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa kanyang asawa.
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo - Ito'y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa o gagwin pa lang.
Halimbawa: Darating ang pag-asa basta maghintay ka lamang.
61
Nagagamit ang angkop na pandiwa sa paglalahad ng sariling karanasan (F10WG-Ia-b-57)
Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong kaisipan sa kabila ng anumang problema o paghihirap.
62
Open Ended
Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong kaisipan sa kabila ng anumang problema o paghihirap.
1. magsikap (perpektibo o naganap)
63
Open Ended
Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong kaisipan sa kabila ng anumang problema o paghihirap.
2. magdasal (imperpektibo o nagaganap)
64
Open Ended
Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong kaisipan sa kabila ng anumang problema o paghihirap.
3. gumawa (perpektibong katatapos)
65
Open Ended
Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong kaisipan sa kabila ng anumang problema o paghihirap.
4. mag-isip (imperpektibo o nagaganap)
66
Open Ended
Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong kaisipan sa kabila ng anumang problema o paghihirap.
5. magtiyaga (kontemplatibo o magaganap)
67
NATUTUKOY ANG MENSAHE AT LAYUNIN NG NAPANOOD NA CARTOON NG ISANG MITOLOHIYA (F10PD-Ia-b-61)
Iaccess ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v+eJCm8W5RZes at dito ay makikita ang mga diyos at diyosa sa Bundok Olimpus.
68
Open Ended
Paano mo higit na nakilala ang mga diyos at diyosa ng mga mitolohiyang Griyego sa tulong ng pinanood mong maikling video?
69
Open Ended
Kung susulat ka ng sariling mitolohiya, sino sa kanila ang nanaisin mong maging mga tauhan? Bakit?
70
Open Ended
Ano ang mensaheng naiparating sa iyo ng pinanood mo?
71
NAISUSULAT ANG SARILING MITOLOHIYA BATAY SA PAKSA NG AKDANG BINASA (F10PU-IA-b-64)
Pagkatapos mong makapagsaliksik tungkol sa mitolohiyang Griyego at nakapanood ka ng video na higit na nakapagpakilala sa iyo sa mga diyos at diyosa ng Bundok Olimpus, handang-handa ka nang sumulat ng sarili mong mitolohiya. Pumili ng ilan sa mga tauhang nakilala mo at bumuo ng sarili mong mito ukol sa mga tauhang ito. Maaari mong gawing paksa ang tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, o pagkakaisa ng mga diyos at diyosa tungo sa isang layuning makabubunyi sa sangkatauhan upang dito'y makabawi sila lalo na si Zeus sa nagawa niyang pagpapalaganap ng kasamaan sa ating mundo sa pamamagitan ng kahon ni Pandora.
72
Ang inyong mito ay maaaring isulat sa papel o iencode sa inyong mga gamit na device at ipasa sa akin sa nakatakdang araw ng pasahan. Sa inyong paggawa ay kinakailangan niyong isaalang-alang ang mga sumusunod na pamantayan:
1. Ang mitolohiya ay nakagamit ng ilan sa mga diyos at diyosa ng Bundok Olimpus bilang mga tauhan. Puntos (5)
2. Ang paksa ng mito ay tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, o pagkakaisa ng mga diyos at diyosa tungo sa isang layuning makabubuti sa sangkatauhan. Puntos (5)
3. Maayos ang pagkasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayari mula simula hanggang sa pagtaas patungong kasukdulan at pagbaba sa kakalasan at pagbaba sa kakalasan hanggang sa magkaroon ng maayos na pagwawakas. Puntos (5)
4.May taglay na mensaheng maaaring kapulutan ng kabutihang-asal at pagpapahalagang pangkatauhan. Puntos (5)
5-Napakahusay 2- Di gaanong Mahusay
4-Mahusay 1 - Sadyang Di Mahusay
3-Katamtaman
73
SANGGUNIAN:
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma (Wika at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan)
74
SALAMAT
CARITAS CHRISTI URGET NOS
Panalangin sa Espiritu Santo
Lider: Halina Espiritu Santo
Lahat: Punuin Mo ang mga puso ng mga nananalig Sayo at pag-alabin Mo sa kanila ang apoy ng Iyong banal na pag-ibig
Lider: Ipadala Mo ang iyong Espiritu at sila’y malilikha
Lahat: At sa gayo’y mapanimbago Mo ang mukha ng mundo
Lider: Manalangin tayo.
Lahat: O Diyos, na sa liwanag ng Espiritu Santo ay tinuruan ang mga puro ng mga mananampalataya,Ipagkaloob Mo na sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, ay ibigin namin kung ano ang wasto at makatarungan at sa tuwina’y magalak sa kanyang pagkilos na nakapagdudulot ng ginhawa sa aming loob. Sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 74
SLIDE
Similar Resources on Wayground
62 questions
Final exam Review part 1
Lesson
•
11th Grade
70 questions
OD POTĘGI DO KRYZYSU RZECZYPOSPOLITEJ
Lesson
•
10th Grade
69 questions
Dynamic Equilibrium
Lesson
•
10th - 11th Grade
69 questions
Les articles français
Lesson
•
9th - 12th Grade
63 questions
Arhitektura računara lekcija 5,6
Lesson
•
9th Grade
71 questions
Q3W4A6- Pagbasa at Pagsusuri
Lesson
•
11th Grade
69 questions
sử gk2
Lesson
•
10th Grade
67 questions
Les légos de la phrase
Lesson
•
KG
Popular Resources on Wayground
15 questions
Fractions on a Number Line
Quiz
•
3rd Grade
14 questions
Boundaries & Healthy Relationships
Lesson
•
6th - 8th Grade
13 questions
SMS Cafeteria Expectations Quiz
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
SMS Restroom Expectations Quiz
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Pi Day Trivia!
Quiz
•
6th - 9th Grade
Discover more resources for Other
15 questions
Pi Day Trivia
Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
Understanding Pi and Its Applications
Interactive video
•
7th - 12th Grade
10 questions
Cell Organelles and Their Functions
Interactive video
•
6th - 10th Grade
5 questions
Did You Know? Ireland
Interactive video
•
9th - 10th Grade
10 questions
Exploring Basic Probability Concepts
Interactive video
•
6th - 10th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
10th Grade
15 questions
Pi Day Trivia
Quiz
•
10th Grade
10 questions
Exploring the Layers of the Earth
Interactive video
•
6th - 10th Grade