Search Header Logo
Week-2-ADM-Version 2-Filipino-SHS-TVL

Week-2-ADM-Version 2-Filipino-SHS-TVL

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 7+ times

FREE Resource

18 Slides • 60 Questions

1

Filipino sa Piling Larang

Teknikal Bokasyunal

Unang Markahan Ikalawang Linggo Teknikal Bokasyunal: Layunin at Gamit

2

Alamin

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin at gamit. (CS_FTV11/12PT-0a-c-93)

1. Nakabubuo ng sariling pangungusap mula sa mga salitang makikita sa bahagi ng nilalaman

2. Nakikilala ang layunin, gamit at katangian ng teknikal bokasyunal na sulatin

3. Nakapagsasagawa ng isang teknikal bokasyunal na sulatin na naglalaman ng layunin, gamit at katangian nito

4. Naibabahagi ang mga nalaman at napatunayan hinggil sa layunin at gamit ng teknikal bokasyunal na sulatin

3

Subukin

Basahin ang mga tanong sa bawat aytem at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

4

Multiple Choice

Ano ang kasingkahulugan ng layunin sa nilalaman ng teknikal

bokasyunal na sulatin?

1

nais

2

halaga

3

intensyon

4

kilos

5

Multiple Choice

Alin sa mga sulating teknikal ang may layunin na kunin ang atensyon

ng mga mambabasa, kumbinsihin, at humingi ng interbiyu?

1

Flyer

2

Feasibility study

3

Liham pangnegosyo

4

Deskripsyon ng produkto

6

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng teknikal

bokasyunal na sulatin?

1

Obhetibo

2

Emosyonal na paraan

3

Analitikal

4

Sumusunod sa pamantayan

7

Multiple Choice

Isa sa layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay magpaliwanag ng

mga implikasyon sa pangyayari, alin sa sumusunod ang tinutukoy ng

layuning ito?

1

magturo

2

manghikayat

3

magsuri

4

maghanap

8

Multiple Choice

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng teknikal bokasyunal na sulatin,

maliban sa _________.

1

Youtube Vlog

2

Ulat Panglaboratoryo

3

Dayagram

4

Mga Panuto

9

Multiple Choice

Bakit mahalaga sa industriya ang teknikal na pagsulat?

1

Napapaunlad nito ang kakayahang makapagsulat ng epektibo.

2

Nahahasa nito ang kakayahang makakilos ng tao ayon sa nais niya.

3

Marami ang nagagawa ng teknikal na pagsulat sa larangan ng akademiks.

4

Nakatutulong ito sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya.

10

Multiple Choice

Alin sa mga parirala ang tumutukoy sa layunin ng teknikal bokasyunal

na magsuri?

1

kumbinsihin ang mambabasa

2

magbigay ng mga impormasyon

3

mapanghikayat na mga salita

4

analisahin ang mga pangyayari

11

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ng teknikal

bokasyunal na pagsulat?

1

magbigay ng impormasyon

2

magsuri

3

may istrukturang subhetibo

4

manghikayat

12

Multiple Choice

Alin sa sumusunod na katangian ng teknikal bokasyunal na pagsulat

ang nagpapaliwanag ng paksa sa malinaw, tumpak, at di-emosyunal na paraan?

1

Analitikal

2

Pisikal

3

Obhetibo

4

Subhetib

13

Multiple Choice

Alin sa hindi kabilang sa mga uri ng teknikal at bokasyunal na sulatin?

1

Bionote

2

Feasibility Study

3

Liham Pangngosyo

4

Promotional materials

14

Multiple Choice

Anong uri ng pagsulat ang naghahanda sa mga teknikal na dokumento?

1

teknikal bokasyunal na pagsulat

2

propesyunal na pagsulat

3

akademikong pagsulat

4

malikhaing pagsulat

15

Multiple Choice

Ano ang hindi saklaw ng teknikal na pagsulat?

1

mga dayagram

2

pagsulat ng feasibility study

3

mga pang-akademikong sulatin

4

mga teknikal bokasyunal na sulatin

16

Multiple Choice

Bilang isang mamamayan, ano sa tingin mo ang tiyak at kompletong

kahulugan ng etika?

1

Ang etika ay nakatuon sa mga prinsipyo ng etikal na pag-uugali sa modernong lipunan sa antas ng indibidwal, lipunan, at inter-aksiyon sa kapaligiran at iba pang pinaghahatiang resorses.

2

Ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala ay ilan sa mga batayan na inaasahan ang alinmang lipunan o bansa.

3

Ang etika ay tumutukoy sa pag-uugali na hindi sumasalungat sa alinmang lipunan o komunidad at nagbubunga ng magandang mga gawa.

4

Ang edukasyong pagpapakatao ay maihahalintulad sa etika na tinataglay ng mabuting tao.

17

Multiple Choice

Bakit kailangang nakabase sa etikal na pamantayan ang pagsulat ng

teknikal bokasyunal? Ito ay kailangan dahil ito ang

1

tamang pagsunod sa nilalaman ng sulatin

2

nagpapakita ng magandang istruktura ng sulatin

3

tamang paraan sa pagbuo ng ibat ibang uri ng sulatin

4

sulatin ay dapat na katanggap-tanggap sa norms and standard ng lipunan

18

Multiple Choice

Ano ang magsisilbing gamit ng teknikal bokasyunal na pagsulat?

1

produkto ng anumang layon

2

basehan ng pagdedesisyon

3

serbisyo sa pagdedesisyon

4

tanda na may sulatin

19

Balikan

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng mga pahayag at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

20

Multiple Choice

Ang teknikal bokasyunal na sulatin ay isinasagawa sa pamamagitan ng

pasulat.

1

TAMA

2

MALI

21

Multiple Choice

Ang teknikal bokasyunal na sulatin ay isang propesyunal na sulatin at

ginagamit sa iba’t ibang larangan ng propesyon.

1

TAMA

2

MALI

22

Multiple Choice

May espesyalisadong bokabolaryo ang teknikal bokasyunal na sulatin na

natatangi sa isang larangan.

1

TAMA

2

MALI

23

Multiple Choice

Ang sulating bionote at liham aplikasyon ay maibibilang sa teknikal

bokasyunal na sulatin.

1

TAMA

2

MALI

24

Multiple Choice

Ang akademikong sulatin at teknikal bokasyunal na sulatin ay

magkapareho ayon sa katangian nito.

1

TAMA

2

MALI

25

Fill in the Blank

Question image

Tuklasin

Krusigrama (Crossword). Bigyan ng pagpapakahulugan ang bawat larawan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang salita. At ilagay ang salita sa loob ng kahon na nasa ibaba (isang letra lang bawat kahon). At bumuo ng pangungusap gamit ang salitang nabuo.

1.

26

Fill in the Blank

Question image

Tuklasin

Krusigrama (Crossword). Bigyan ng pagpapakahulugan ang bawat larawan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang salita. At ilagay ang salita sa loob ng kahon na nasa ibaba (isang letra lang bawat kahon). At bumuo ng pangungusap gamit ang salitang nabuo.

2.

27

Fill in the Blank

Question image

Tuklasin

Krusigrama (Crossword). Bigyan ng pagpapakahulugan ang bawat larawan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang salita. At ilagay ang salita sa loob ng kahon na nasa ibaba (isang letra lang bawat kahon). At bumuo ng pangungusap gamit ang salitang nabuo.

3.

28

Fill in the Blank

Question image

Tuklasin

Krusigrama (Crossword). Bigyan ng pagpapakahulugan ang bawat larawan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang salita. At ilagay ang salita sa loob ng kahon na nasa ibaba (isang letra lang bawat kahon). At bumuo ng pangungusap gamit ang salitang nabuo.

29

Suriin

Layunin, Gamit, at Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

30

Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga dayagram. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya. Malaki ang naitutulong nito sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mabilis, episyente, at produktibo.

31

Anomang uri ng propesyonal sa gawain ang ginagawa mo, maaaring ito ay nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at marami rito ay likas na teknikal. Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal na pagsulat, mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo.

32

Layunin ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin

1. Magbigay ng impormasyon. Isinusulat ang deskripsyon upang bigyan ang mambabasa ng impormasyon ukol sa isang bagay o ng direksyon sa paggamit ng isang produkto.

33

Layunin ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin

2. Magsuri. Ang sulatin ay binubuo upang analisahin at ipaliwanag ang implikasyon ng mga pangyayari upang magamit bilang basehan ng mga pagdedesisyon sa kasalukuyan at sa hinaharap.

34

Layunin ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin

3. Manghikayat. Kabilang sa layunin ay ang kumbinsihin ang mambabasa o pinatutungkulan nito. Bagaman kasama nito ang layuning makapagbigay impormasyon.

35

Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin

1. Nagbibigay-ulat

Halimbawa: Ulat ng mga produktong nailabas sa merkado o pamilihan

36

Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin

2. Nagbibigay-instruksyon

Halimbawa: Paraan at proseso sa pagbuo ng isang produkto tulad paggawa ng longganisa

37

Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin

3. Naghahain ng isang serbisyo o produkto

Halimbawa: Paggawa ng layout ng tarpaulin, pagkukumpuni ng mga sirang computer, serbisyong ibinibigay ng salon (manicure, hairdressing, make-up etc.)

38

Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin

4. Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisyon

Halimbawa: Pag-aalam sa tulong ng feasibility study kung ang negosyong ito at papatok sa lugar na nais itong itayo

39

Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin

5. Nagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon

Halimbawa: Natitiyak isasagawang pananaliksik kung ano ang kailangan (basic essentials) ng masa na maari mong maging basehan sa pagtatayo ng negosyo

40

Katangian ng isang mahusay na manunulat ng sulating teknikal-bokasyunal

1. Mataas sa wika

2. Analitikal

3. Obhetibo. Naipaliliwanag ang isang paksa sa malinaw, tiyak, at di-emosyunal na paraan.

4. Mataas ang kaalaman sa paksa

5. Mahusay sa kumbensyon sa pagsulat

6. Sumusunod sa etikal na pamantayan

41

Open Ended

Pagyamanin

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa sariling pangungusap.

1. magsuri -

42

Open Ended

Pagyamanin

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa sariling pangungusap.

2. pamantayan -

43

Open Ended

Pagyamanin

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa sariling pangungusap.

2. pamantayan -

44

Open Ended

Pagyamanin

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa sariling pangungusap.

3. analitikal -

45

Open Ended

Pagyamanin

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa sariling pangungusap.

4. subhektibo

46

Open Ended

Pagyamanin

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita at gamitin ito sa sariling pangungusap.

5. obhektibo -

47

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin

Pumili ng isa sa sumusunod na halimbawa ng sulating teknikal-bokasyunal at alamin ang layunin, gamit, at katangian nito. Gamitin ang Internet sa pagsasaliksik at itala ang inyong sagot sa ilustrasyong makikita sa ibaba:

*Lagyan ng tsek sa nakalaang patlang ang napiling sulating teknikal-bokasyunal.

LAYUNIN

GAMIT

KATANGIAN

(Manual)

48

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin

Pumili ng isa sa sumusunod na halimbawa ng sulating teknikal-bokasyunal at alamin ang layunin, gamit, at katangian nito. Gamitin ang Internet sa pagsasaliksik at itala ang inyong sagot sa ilustrasyong makikita sa ibaba:

*Lagyan ng tsek sa nakalaang patlang ang napiling sulating teknikal-bokasyunal.

LAYUNIN

GAMIT

KATANGIAN

(Liham Pangnegosyo)

49

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin

Pumili ng isa sa sumusunod na halimbawa ng sulating teknikal-bokasyunal at alamin ang layunin, gamit, at katangian nito. Gamitin ang Internet sa pagsasaliksik at itala ang inyong sagot sa ilustrasyong makikita sa ibaba:

*Lagyan ng tsek sa nakalaang patlang ang napiling sulating teknikal-bokasyunal.

LAYUNIN

GAMIT

KATANGIAN

(Flyers)

50

Open Ended

Question image

Gawain 2 Pagkilala sa iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin

Pumili ng isa sa sumusunod na halimbawa ng sulating teknikal-bokasyunal at alamin ang layunin, gamit, at katangian nito. Gamitin ang Internet sa pagsasaliksik at itala ang inyong sagot sa ilustrasyong makikita sa ibaba:

*Lagyan ng tsek sa nakalaang patlang ang napiling sulating teknikal-bokasyunal.

LAYUNIN

GAMIT

KATANGIAN

(Promo Materials)

51

Open Ended

Gawain 3 Pagsagot sa mga Tanong

1. Ano ang mga mahahalagang impormasyon ang nabatid mo habang nagsasaliksik sa napiling teknikal-bokasyunal?

52

Open Ended

2. Ano ang masasabi mo tungkol sa nilalaman ng isang sulating teknikal-bokasyunal?

53

Open Ended

3. Bakit kailangan na mabatid ang layunin, gamit at katangian ng isang sulating teknikal-bokasyunal?

54

Open Ended

4. Ano-ano ang mga maitutulong ng layunin, gamit at katangian ng isang sulating teknikal-bokasyunal sa mambabasa?

55

Open Ended

5. Bilang mamimili, ano ang unang hinahanap mo kapag tumitingin ka sa flyers o promo materials? Ipaliwanag.

56

Multiple Choice

Ang teknikal bokasyunal na pagsulat ay isang propesyunal na pagsulat na nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga ______________

1

nasuri

2

nahulaan

3

natutunan

4

napag- usapan

57

Multiple Select

2-3. Ang teknikal bokasyunal na pagsulat ay may mga katangiang magbigay ng __________________, magsuri, at manghikayat sa mga ________________________.

1

kaalaman

2

impormasyon

3

mambabasa

4

mamumuhunan

58

Multiple Choice

4 Ginagamit ang teknikal bokasyunal na sulatin upang magbigay ulat, magbigay ___________, maghain ng serbisyo o produkto, at magsilbing basehan ng mga pagdedesisyon.

1

aral

2

kaalaman

3

instruksyon

4

pagkakakitaan

59

Multiple Choice

5 Ang manunulat ng sulating teknikal bokasyunal ay may mga katangian na analitikal, obhetibo, may mataas na kaalaman sa paksa, may mahusay na pagsulat sa wika at sumusunod sa ______________________________

1

Etika

2

Pamamaraan

3

pamantayan

4

pananaliksik

60

Isagawa

Gumawa ng isang sulating pang teknikal-bokasyunal na naglalaman ng layunin, gamit at katangian nito. Maari kang pumili ng isa sa mga uri ng teknikal bokasyunal na sulatin sa ibaba. Maaari kang maghanap sa Internet. Tiyakin lang na maisusulat ang sanggunian/ bibliyograpiya ng napili mong halimbawa bilang gabay. Ipaliwanag ang layunin, gamit at katangian ng napili at nagawa mong teknikal bokasyunal na sulatin.!

61

Open Ended

Question image

1. Liham Pangnegosyo 6. Leaflets 11. Ulat panglaboratoryo

2. Memorandum 7. Ulat ng progreso 12. Anunsiyo

3. Katitikan ng pulong 8. Manwal 13. Naratibong ulat

4. Menu ng pagkain 9. Ulat-Analitikal 14. Proposal

5. Flyers 10. Feasibility study

62

Tayahin

Basahin ang mga tanong sa bawat bilang at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

63

Multiple Choice

Sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin, alin ang pinaka-unang

dapat bigyan ng pansin?

1

Nilalaman

2

Istilo sa pagsulat

3

Mga salitang gagamitin

4

Uri ng mga mambabasa

64

Multiple Choice

Ang isang kilalang mall ay magkakaroon ng isang pangmalawakang sale

kaya sila ay nagpamahagi ng mga flyers upang ipabatid ito sa mga mamimili.

1

Sulating ukol sa Pagkain

2

Sulating ukol sa isang produkto

3

Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal

4

Sulating pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal

65

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng katangian ng teknikal bokasyunal

na pagsulat?

1

Pagsulat na may sinusundang gabay o pamantayan

2

Pagsulat na naaayon sa pananaw ng manunulat

3

Pagsulat na naaayon sa sariling hilig at gusto

4

Pagsulat na may sinusundang halimbawa

66

Multiple Choice

Ano ang teknikal bokasyunal na pagsulat?

1

isang makabuluhang pagsasalaysay at tinatawag din na intelektuwal na pagsulat

2

komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo

3

may pagkakatugma sa pagsulat ng sariling likha ng kaisipan

4

pagsulat ng mayamang imahinasyon ng isang manunulat

67

Multiple Choice

Ano pa ang ibang layunin ng teknikal bokasyunal na pagsulat maliban sa

magsuri, manghikayat?

1

magbigay ng impormasyon

2

maglatag ng mga katibayan

3

magpahayag ng kathang isip

4

magsuri ng wastong konsepto

68

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang teknikal bokasyunal na sulatin?

1

Talumpati

2

Leaflets

3

Abstrak

4

Sintesis

69

Multiple Choice

Ano ang katangiang nagpapaliwanag sa isang paksa na malinaw, tumpak,

at di-emosyunal na paraan?

1

Subhetibo

2

Obhetibo

3

Lohikal

4

Pisikal

70

Multiple Choice

Sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin, dapat tandaan ang ilang

simulain, maliban sa?

1

Pag-unawa sa mambabasa

2

Paggamit ng tamang estruktura

3

Pag-alam sa paksang-aralin

4

Pagbuo ng magandang flyers

71

Multiple Choice

Bakit mahalaga ang pagsulat ng teknikal bokasyunal?

1

dahil malaki ang naitutulong nito sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya

2

sapagkat ang teknikal bokasyunal na pagsulat ay nagpapaunlad ng malikhaing pag-iisip

3

sa kadahilanang ang teknikal bokasyunal na pagsulat ay may sinusunod na pamantayan

4

kasi malaki ang naibabahagi nito sa ikauunlad ng ating ekonomiya

72

Multiple Choice

Alin sa mga parirala ang hindi kabilang sa gamit ng teknikal bokasyunal

na pagsulat?

1

Nagbibigay ng impormasyon

2

Nagsusuri ng impormasyon

3

Nagpapaliwanag ng impormasyon

4

Nagpapakita ng pagiging malikhain

73

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang isa sa katangian ng teknikal bokasyunal na

pagsulat?

1

Sumusunod sa etikal na pamantayan

2

Subhektibo ang paglalarawan

3

Maayos ang istruktura

4

Sumusunod sa porma

74

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang saklaw ng teknikal bokasyunal na pagsulat?

1

Lakbay sanaysay

2

Pictorial essay

3

Abstrak

4

Manwal

75

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang isa sa gamit ng teknikal bokasyunal na

pagsulat?

1

basehan ng pagdedesisyon

2

produkto ng anomang layon

3

serbisyo sa pagdedesisyon

4

tanda na may sulatin

76

Multiple Choice

Magkakaroon ng isang malaking handaan para sa kaarawan ng

kaniyang mahal na ama sa isang kilalang restawrant, at dito pipili ng iba’t

ibang masasarap na putahe na makikita sa menu na pagkain upang masayahan ang mga dadalo.

1

Sulating ukol sa Pagkain

2

Sulating ukol sa isang produkto

3

Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal

4

Sulating pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal

77

Multiple Choice

Magkakaroon ng isang pagpupulong para sa pagpaplano sa nalalapit na

anibersaryo ng kumpanya at ipinaalam ito sa pamamagitan ng isang memorandum.

1

Sulating ukol sa Pagkain

2

Sulating ukol sa isang produkto

3

Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal

4

Sulating pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal

78

Open Ended

Question image

Karagdagang Gawain

Matapos mong sumulat ng pang teknikal-bokasyunal na naglalaman ng layunin, gamit at katangian nito, ilahad sa talahanayan ng iyong napag-alaman, napatunayan at mga tanong pa sa isipan.

Filipino sa Piling Larang

Teknikal Bokasyunal

Unang Markahan Ikalawang Linggo Teknikal Bokasyunal: Layunin at Gamit

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 78

SLIDE