Search Header Logo
Week 4-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL

Week 4-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Edgar Monte

FREE Resource

21 Slides • 46 Questions

1

​Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyunal

Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo Paunawa/Babala/Anunsyo

2

Alamin

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino (CS_FTV11/12PS-0j-i-93)

3

1. Natutukoy ang pangkat na kinabibilangan ng mga simbolo na nagsasaad ng paunawa/babala at anunsyo;

2. Naiisa-isa ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng paunawa/babala at anunsyo sa pamamagitan ng pagsusuri ng infographics;

3. Nababatid ang kahalagahan ng pagbuo ng paunawa/babala at anunsyo;

4. Nakabubuo ng paunawa, babala, at anunsyo batay sa hinihingi ng gawain; at

5. Nakagagawa ng anunsiyo ukol sa pagbubukas ng isang maliit na negosyo tulad ng panaderya, kainan, computer repair shop, coffee shop o vulcanizing shop

4

Subukin

Basahin ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

5

Multiple Choice

Ang pangkalahatang tawag sa anomang pagpapabatid ng mahalagang

impormasyon.

1

patalastas

2

babala

3

paunawa

4

anunsyo

6

Multiple Choice

Nagsasaad ng mahalagang impormasyon at parang nagsasabi rin ito

ng kung ano ang maaaring gawin.

1

patalastas

2

paunawa

3

babala

4

anunsyo

7

Multiple Choice

Ito ay isang uri ng patalastas na nagsasaad ng maaring maging panganib

sa buhay ng tao.

1

anunsyo

2

babala

3

paunawa

4

patalastas

8

Multiple Choice

Ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na makapagbibigay ng

sapat na kaalaman sa sinomang tao.

1

anunsyo

2

babala

3

paunawa

4

patalastas

9

Multiple Choice

Ang katangian ng isang patalastas sa paggamit ng wika.

1

simple

2

pormal

3

di-pormal

4

matalinghaga

10

Multiple Choice

Tawag sa pagsasama ng impormasyon at simbolo/imahen sa isang

patalastas.

1

infomercial

2

infographics

3

poster

4

banner

11

Multiple Choice

Ito ang mahahalagang katangian ng paraan ng pagkakasulat ng

paunawa at babala.

1

simple at malaki

2

maligoy at malalim

3

malaki at malinaw

4

tiyak at direkta

12

Multiple Choice

BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

13

Multiple Choice

WALANG PASOK

HULYO 30, 2020 (HUWEBES)

ALL LEVELS SA NATIONAL CAPITAL REGION

DULOT NG MASAMANG PANAHON

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

14

Multiple Choice

May tumapong langis sa sahig.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

15

Multiple Choice

Nagkaroon ng kontaminasyon sa inuming tubig.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

16

Multiple Choice

Ipapatupad ang liquor ban sa inyong lugar.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

17

Multiple Choice

Mayroong iskedyul ng medical mission sa isang barangay.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

18

Multiple Choice

Ipagpapaliban ang SK at Barangay Election sa taong ito.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

19

Paunawa/Babala/Anunsyo

Ang paunawa, babala at anunsyo ay may malaking kapakinabangan upang higit na maging ligtas sa sakuna, aksidente at iba pang hindi kanais-nais na pangyayari. Mahalagang matutuhan mo ito sa aralin ng teknikal-bokasyunal. Kailangan lamang sundin ang mensaheng ipinararating ng mga ito upang maging ligtas ang lahat. Kagaya ng paunawa at babala nagpapaalala rin ang anunsyo. Nililikha ito upang magbigay ng mga tiyak na detalye hinggil sa isang pangyayari, tulad halimbawa ng gaganaping pagpupulong o pagtitipon. Ano-ano nga ba ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito? Paano nga ba makabubuo ng mga paunawa/babala at anunsyo? At ano-ano ang mga dapat na tandaan sa pagbuo nito? Alamin natin ang mga kasagutan sa araling ating tatalakayin.

20

Balikan

Gamit ang Star Graphic Organizer. Isulat sa bawat sulok ng bituin ang mga dapat tandaan sa dokumentasyon ng isang bagay o produkto.

21

Open Ended

Question image

Gamit ang Star Graphic Organizer. Isulat sa bawat sulok ng bituin ang mga dapat tandaan sa dokumentasyon ng isang bagay o produkto.

22

Tuklasin

Basahin at unawain ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.

23

FOOD SAFETY TIPS (Sa paghahanda, pagluluto at paghahain)

NAPAKAHALAGA ang pag-iingat lalo na pagdating sa pagkain, mula sa paghahanda, sa pagluluto hanggang sa paghahain o pagpa-pack. Kaunting pagkakamali nga lang naman ay maaari na itong ikapahamak ng ating buong pamilya. Kaya naman, para masiguro ang kaligtasan ng mahal sa buhay, narito ang ilang food safety tips o principles na dapat isaalang-alang ng bawat isa sa atin:

24

PAGIGING MALINIS

Unang-una na dapat nating tandaan ay ang pagiging malinis. Ibig sabihin nito, kailangang palaging naghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Gawin ang paghuhugas ng kamay bago, habang at pagkatapos na magluto.

25

PAGIGING MALINIS

Hindi rin puwedeng tubig lang ang gagamitin natin sa paghuhugas ng kamay. May ilan na basta’t nakapaghugasay sapat na ngunit kung minsan ay hindi naman gumagamit ng sabon. Mahalagang nasasabong mabuti nang matiyak o matanggal ang duming kumapit sa mga kamay.

26

PAGIGING MALINIS

Mahalaga ring nasa-sanitize ang surface o lugar na paggagawaan. Tiyakin ding malinis ang mga kasangkapang gagamitin. At higit sa lahat, linising mabuti ang fresh vegetables, fruits, karne, at isda bago ito hiwain o lutuin.

27

PAGHIWA-HIWALAYIN

Minsan talaga, hindi na natin napagtutuunan ng pansin ang mga pagkain dahil na rin sa kaabalahan. Halimbawa na lang kapag nagmamadali tayo, inilalagay na lang natin sa ref ang mga pinamili nating pagkain, prutas, at gulay.
Hindi puwedeng pinagsasama-sama natin ang mga pagkaing luto na at hindi pa.
Hindi rin puwedeng pagsamahin sa iisang lalagyan ang prutas, gulay, at mga karne. Isa iyan sa dapat nating tandaan.
Sa paghahanda naman ng pagkain o paghihiwa, gumamit ng magkakaibang sangkalan. Gumamit ng malinis na sangkalan sa paghihiwa ng mga fresh product. Ibang sangkalan din ang gamitin sa mga raw seafood, meat, at poultry.

28

LUTUING MABUTI AT PALAMIGIN

Importanteng nalulutong mabuti ang mga pagkain nang maiwasan ang kahit na anong kontaminasyon. Marami sa atin na dahil sa nagmamadali, hindi na gaanong naluluto ang mga pagkain. Basta’t kumulo, okey na. Lutuing mabuti ang pagkain nang maiwasan ang pagkakasakit. Sa paghahain din ng pagkain o pagpa-pack, siguraduhing malinis ang mga kamay, gayundin ang paglalagyan ng pagkain. Bago rin ito ilagay sa ref, siguraduhing malamig na ito. Takpang mabuti nang hindi pasukin ng kahit na anong dumi. Pagdating sa pagkain, importante ang pagiging maingat para maging ligtas ang ating buong pamilya.
Mula sa http://pilipinomirror.com/food-safety-tips-sa-paghahanda-pagluluto-at-paghahain/

29

Open Ended

Tungkol saan ang artikulong nabasa?

30

Open Ended

Question image

Isa-isahin ang food safety tips na inilahad sa artikulo gamit ang graphic organizer.

31

Open Ended

Alin sa mga sumusunod na tips na ibinigay ang madalas makaligtaang gawin? Bakit?

32

Open Ended

Sa iyong palagay, ano ang layunin ng sumulat ng artikulo? Mahalaga ba ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

33

Open Ended

Bakit dapat pagtuunan ng pansin ang paksang tinalakay sa artikulo? Makatutulong ba ito sa iyo? Paano?

34

media

35

media

36

media

37

Mga Katangian ng Paunawa, Babala, at Anunsyo

1. Sa pagpili ng salitang gagamitin gawin lamang itong simple upang madaling maunawaan ng lahat.

2. Karaniwang malaki ang sukat at estilo ng pagkakasulat ng mga paunawa at babala na matatagpuan sa isang lugar na madaling makita. Inaasahan ding malinaw ang pagkakagawa at pagkapaskil sa mga ito.

38

Mga Katangian ng Paunawa, Babala, at Anunsyo

3. Hindi lahat ng pagkakataon ay purong teksto lamang ang bumubuo sa babala, kundi maging mga guhit o larawang madaling matukoy at maunawaan ng mga nakakakita nito. Sa kasalukuyan ang paggamit ng imahe o simbolo na may kalakip na mahalagang impormasyon ay tinatawag na infographics.

4. Tiyak at direkta ang kadalasang paraan ng pagkakasulat ng mga paunawa at babala hindi mahaba at nauunawaan agad ang ibig iparating na mensahe upang mabilis maalala.

39

Mga Katangian ng Paunawa, Babala, at Anunsyo

5. Makikita sa mga anunsyo ang nakatakdang petsa, oras, lugar na pagdadausan, at iba pang batayang kaalaman hinggil sa paksang inaanunsyo. Tiyak din ang pagkakabuo nito kaya’t madaling matandaan..

40

Pagyamanin

Gawain 1 Pagpangkat-Pangkatin

Suriin ang mga larawan kung saan ito nabibilang. Isulat ang letra ng iyong sagot sa talaan sa ibaba.

41

Match

Gawain 1 Pagpangkat-Pangkatin

Suriin ang mga larawan kung saan ito nabibilang. Isulat ang letra ng iyong sagot sa talaan sa ibaba.

ANUNSIYO

BABALA

PAUNAWA

42

Match

Gawain 1 Pagpangkat-Pangkatin

Suriin ang mga larawan kung saan ito nabibilang. Isulat ang letra ng iyong sagot sa talaan sa ibaba.

BABALA

ANUNSIYO

BABALA

43

Open Ended

Question image

Gawain 2 Suriin Mo

Pag-aralan nang mabuti ang infographics sa ibaba at suriin ito gamit ang pamantayan at sagutin ang tanong pagkatapos. Ano

ang markang nais mong ibigay.

(1-10)

44

Open Ended

Question image

Batay sa puntos na lumabas sa iyong pagsusuri gamit ang krayteriya, masasabi mo bang mahusay ang pagkakagawa ng infographics? Ipaliwanag ang iyong sagot.

45

Open Ended

Question image

Gawain 3 Buoin Mo

Matapos mong magsuri ng infographics ikaw naman ang gagawa ng sarili mong paunawa, babala, at anunsyo gamit ang parehong krayteriya sa Gawain 2 . Pumili ng isa at ilagay ang sagot sa hiwalay na papel, maaring ikompyuter o sulat-kamay.

A. PAUNAWA

✓ Pagbabago sa nakagawiang paraan ng pagpapatala sa paaralan mula sa harapang pagpapatala patungo sa online registration na isinagawa ngayong T.P. 2020-2021 dulot ng pandemya.

B. BABALA

✓ Babala hinggil sa negatibong epekto ng paggamit ng cellphone sa kalusugan ng tao

C. ANUNSYO

✓ Panawagan para sa exhibit ng mga produkto ng mga mag-aaral ng Tech-Voc na isasagawa sa loob ng paaralan

46

Dropdown

Katulad ng mga naunang nabanggit, ang mga paunawa, babala, at anunsyo ay nagbibigay ng 1. ​
​ sa mga mambabasa nito. Nakatutulong ang 2.​
upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente at iba pang hindi kanais-nais na pangyayari sa isang indibidwal. Marapat lamang na 3.​
ang mga mensaheng ipinararating ng mga ito para sa 4.​
ng lahat. Hindi lahat ng pagkakataon ay purong teksto lamang ang bumubuo sa babala at paunawa, ginagamitan din ito ng 5.​
na higit na nagpapalinaw sa mensaheng nais ipabatid nito. Kagaya ng paunawa at babala, nagpapaalala rin ang 6. . Nililikha ang mga ito upang magbigay ng tiyak na 7. ___________ hinggil sa isang 8._____________, kagaya halimbawa ng mga gaganaping pagpupulong, panayam, talakayan at iba pang katulad ng pagtitipon. Makikita sa mga anunsyo ang nakatakdang 9. ___________, oras, 10. __________ na pagdadausan at iba pang batayang kaalaman hinggil sa paksang inaanunsyo.

47

Dropdown

​ 6. ​
. Nililikha ang mga ito upang magbigay ng tiyak na 7. ​
hinggil sa isang 8.​
, kagaya halimbawa ng mga gaganaping pagpupulong, panayam, talakayan at iba pang katulad ng pagtitipon. Makikita sa mga anunsyo ang nakatakdang 9.​
, oras, 10.​
na pagdadausan at iba pang batayang kaalaman hinggil sa paksang inaanunsyo.

48

Open Ended

Question image

Isagawa

A. Gumawa ng anunsyo tungkol sa pagbubukas ng maliit na negosyo (maaaring panaderya, kainan, computer shop/repair shop, coffee shop, vulcanizing shop o kahit na anong negosyo na may kinalaman sa iyong strand) ang nasabing anunsyo ay ipo-post sa group page ng iyong klase upang makita ng iyong guro. Mamarkahan ang iyong gawa sa pamamagitan ng pamantayang ito.

49

Open Ended

A. Ipaliwanag ang mga detalye ng iyong ginawang anunsyo. Sagutin ang mga gabay na tanong. (Maaring gawing pasalita ang pagsagot gamit ang online platform)

1. Paano ipinakita ang iyong pagkamalikhain sa anunsyong ginawa? Sa iyong palagay makakatawag ba ito ng pansin sa makakakita? Ipaliwanag.

50

Open Ended

Paano makatutulong sa iyo ang natutuhan sa araling ito kung sakaling ikaw ay magnenegosyo?

51

Tayahin

Basahin ang tanong at ilagay ng letra ng tamang sagot.

52

Multiple Choice

Ito ay mahalagang pabatid na naglalaman ng mga detalye tungkol sa

isang magaganap na importanteng pangyayari na maaaring pagpupulong o

panayam.

1

patalastas

2

babala

3

paunawa

4

anunsyo

53

Multiple Choice

Ito ay mga paalala upang makaiwas sa panganib

1

patalastas

2

paunawa

3

babala

4

anunsyo

54

Multiple Choice

Ito ay mga mahalagang pabatid na naglalayong ipaalam sa tao ang mga

bagong patakaran.

1

anunsyo

2

babala

3

paunawa

4

patalastas

55

Multiple Choice

Ito ang pangkalahatang tawag sa paunawa, babala, at anunsyo.

1

anunsyo

2

babala

3

paunawa

4

patalastas

56

Multiple Choice

Ito ay ginagamitan ng imahe o simbolo na may kalakip ng mahalagang

impormasyon.

1

poster

2

banner

3

nfographics

4

infomercial

57

Multiple Choice

Bakit mahalaga ang pagsulat ng mga babala?

1

makapagliligtas ng buhay

2

mapapanatag ang kalooban

3

makaiiwas sa sakuna at aksidente

4

mapapanatili ang kaayusan sa pamayanan

58

Multiple Choice

Alin ang HINDI katangian ng paunawa at babala?

1

Natatagpuan ito sa isang lugar na madaling makita.

2

Karaniwang malaki ang sukat at estilo ng pagkakasulat.

3

Naglalaman ito ng detalye ukol sa magaganap na pangyayari.

4

Tiyak at direkta ang paraan ng pagkakasulat upang madaling maalala.

59

Multiple Choice

May ilang binago sa pagpapatupad ng community quarantine.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

60

Multiple Choice

May tumapong nakalalasong kemikal sa isang planta.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

61

Multiple Choice

Nagkakaroon ng lockdown dahil sa pagdami ng kaso ng COVID 19.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

62

Multiple Choice

May paparating na malakas na bagyo.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

63

Multiple Choice

Ipagpapaliban ang pagpupulong na gagawin.

1

Paunawa

2

Babala

3

Anunsyo

64

Multiple Choice

Question image

Pag-aaralan ang infographics at sagutin ang mga tanong. Isulat lamang ang letra ng iyong wastong sagot sa patlang.

Alin ang HINDI nabanggit tungkol sa habagat sa infographics?

1

Kadalasang nagkakaroon ng thunderstorms, tropical cyclone at inter-tropical convergence zone kapag may habagat.

2

Ito ay nagaganap dahil sa mainit at mamasa-masang hangin na galing sa timog-kanluran.

3

Ito ay nagdudulot ng malakas na pag-ulan na maaring umabot ng isang linggo.

4

Ang thunderstorms, tropical cyclone at inter-tropical convergence zone ay tinatawag ding habagat.

65

Multiple Choice

Question image

Ano ang layunin ng infographics na nabasa?

1

mag-aanunsyo

2

maghahatid ng paunawa

3

nagbibigay babala

4

lahat ng nabanggit

66

Multiple Choice

Ang mga pahayag sa ibaba ay nagsasaad ng ___________.

* Alamin kung ang inyong lugar ay may banta ng panganib sa baha, malakas na hangin, at landslide o storm surge.

* Makinig at sumunod sa babala ng inyong local government unit at warning agencies tulad ng PAGASA.

* Alamin ang evacuation centers, emergency numbers, at warning signals sa inyong lugar.

20

* Ihanda ang emergency kit at plano para sa inyong pamilya.

1

nag-aanunsyo

2

nagbibigay paunawa

3

nagbababala

4

wala sa nabanggit

67

Open Ended

Question image

Sa tulong ng iyong magulang, kapatid, kamag-anak o kasama sa bahay itala ninyo ang mga bagong Health Protocols na ipatutupad ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya. At sagutin ang tanong pagkatapos nito.

Tanong:

Matapos ninyong maitala ang mga health protocols na ito. Paano makatutulong ang iyong pamilya upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng naaapektuhan ng pandemya?

​Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyunal

Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo Paunawa/Babala/Anunsyo

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 67

SLIDE