

KPWKP_q1_mod1_Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)_v2
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Edgar Monte
Used 7+ times
FREE Resource
32 Slides • 40 Questions
1
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)
2
Kasanayang Pagkatuto:
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
Layunin:
1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika,
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan,
3. Napahahalagahan ang mga konseptong pangwika sa pakikipagtalastasan at ugnayan sa kapwa, paaralan, at pamayanan.
3
Subukin
Piliin ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
4
Multiple Choice
Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Filipino
Pilipino
Tagalo
ngles/Tagalog
5
Multiple Choice
Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.
Wikang Panturo
Wikang Ingles
Wikang Opisyal
Bilingguwal
6
Multiple Choice
Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal.
Wikang Ladino
Wikang Minoritaryo
Wikang Opisyal
Wikang Sardo
7
Multiple Choice
Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas.
Phil. Constitution 1977
Phil. Constitution 1997
Phil. Constitution 1987
Phil. Constitution 2007
8
Multiple Choice
Ito ang ginagamit ng magkausap kapag magkaiba ang kanilang katutubong wika.
Lingua Franca
Bilingguwal
Multilingguwal
Homogenous
9
Multiple Choice
Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog.
Dayalek
salita
dila
wika
10
Multiple Choice
Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon.
Multilingguwalismo
Multikulturalismo
Bilingguwalismo
Barayti ng wika
11
Multiple Choice
Ang wika ay nagbabago.
Masistemang balangkas
Arbitraryo
Dinamiko
Pinipili
12
Multiple Choice
Kahulugan ng salitang Latin na lingua
Teorya
Kamay
wika
dila
13
Multiple Choice
Makahulugang tunog ng isang wika
Sintaksis
Morpema
diskurso
ponema
14
Multiple Choice
Kinikilalang lingua franca ng mundo
Mandarin
Niponggo
Filipino
Ingles
15
Multiple Choice
Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita
Pantulong na wika
Katutubong wika
Ikalawang wika
Unang wika
16
Multiple Choice
Wikang pambigkis sa maraming komunidad, at wikang bumubuo sa sambayanang Pilipino
Filipino
Tagalog
Cebuano
Ingles
17
Multiple Choice
Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa Sistema ng Edukasyon
Multilingguwalismo
Multikulturalismo
Bilingguwalismo
Naturalismo
18
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika.
Morpema
Simbolo
sintaks
ponema
19
Aralin 1-
Wika (Kahulugan
at
Kabuluhan ng Wika)
20
WIKA
Paano kaya kung walang wika? Paano magkakaunawaan ang mga tao sa isang lipunan? Paano magkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya? Mapabibilis kaya ang pag-unlad ng komunikasyon? Kung hindi ang sagot mo, samakatuwid mahalaga talaga ang wika at komunikasyon.
21
WIKA
Wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at pakikisalamuha sa tao sa kaniyang tahanan, paaralan, pamayanan, at lipunan.
22
WIKA
Kahit na sa anomang anyo, pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa, kaisipan, at damdamin natin. Maging ang kultura ng isang panahon, pook, o bansa ay muling naipahahayag sa pamamagitan ng wika (Lachica, 1998). Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, lalim ng lungkot o pighati, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob sa katotohanan sa isang layunin, ang kaibuturan ng pasasalamat, at paghanga.
23
DEPINISYON NG WIKA
Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Ang mga sumusunod ay ang mga taong kilala sa wika at komunikasyon at ang kanilang mga konsepto o pananaw ukol sa depinisyon ng wika.
24
DEPINISYON NG WIKA
1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
Halimbawa: Ang wika ay sinasalitang tunog o binubuo ng mga tunog. Gayunman hindi lahat ng tunog ay makabuluhan o may hatid na makabuluhang kahulugan, hindi lahat ng tunog ay itinuturing na wika. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog. Mga tunog ito na mula sa kalikasan, at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao.
25
DEPINISYON NG WIKA
2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taongnatutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan.
Halimbawa: Ang simbolo ay binubuo ng mga Biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan. Halimbawa nito ang simbolo ng krus, araw, ahas, element ng kalikasan (lupa, tubig, apoy, hangin) at marami pang iba na sumasalamin sa unibersal at iba’t ibang kahulugan mula sa sinaunang sibilisasyon hanggang ngayon. Nangangahulugan lamang na ang tanging layunin kung bakit may wika ay upang magamit ito sa pakikipagtalastasan.
26
DEPINISYON NG WIKA
3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao.
Halimbawa: Lumutang ang konseptong “ponosentrismo” na nangangahulugang “una ang bigkas bago ang sulat”. Ibig sabihin din nito, nakasandig sa sistema ng mga tunog ang pundasyon ng anomang wika ng tao.
27
DEPINISYON NG WIKA
4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura.
Halimbawa: Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy sa ponema (pinakamaliit nay unit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan). Maraming uri ng tunog, maaaring ito ay galing sa kalikasan tulad ng lagaslas ng tubig s abatis, langitngit ng kawayan, pagaspas ng mga dahon, kulog at iba pa. Ngunit ang binibigkas na tunog ay nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagbigkas ng tao tulad ng labi, dila, ngipin, galagid, at ngala-ngala.
28
DEPINISYON NG WIKA
4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura.
Halimbawa: Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy sa ponema (pinakamaliit nay unit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan). Maraming uri ng tunog, maaaring ito ay galing sa kalikasan tulad ng lagaslas ng tubig s abatis, langitngit ng kawayan, pagaspas ng mga dahon, kulog at iba pa. Ngunit ang binibigkas na tunog ay nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagbigkas ng tao tulad ng labi, dila, ngipin, galagid, at ngala-ngala.
29
DEPINISYON NG WIKA
5. Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao.
Halimbawa: Ang mga ponema (sinasalitang tunog) ay pinili sa pamamaraang napagkasunduan ng mga taong gumagamit ng wika o batay sa kapasyahan sang-ayon sa preperensya ng grupo ng mga tao.
30
DEPINISYON NG WIKA
6. Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag.
Halimbawa: Pinakamabisang instrumento ang wika upang makipagtalastasan ang tao sa kanyang kapwa bagaman maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga senyas, pagguhit o mga simbolo, hindi pa rin matatawaran ang paggamit ng wika upang maisakatuparan ang malawak at mabisang pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang kapwa.
31
DEPINISYON NG WIKA
7. Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.
Halimbawa: Nalikha ang wika upang magkaunawaan ang mga tao. Natural lamang na ang mga Hapon ay hindi dagling makauunawa ng Filipino sapagkat malaki ang kaibahan ng kanilang ginagamit na salita sa mga Pilipino.
32
Tuklasin
33
Ano ang wika?
Binigyang kahulugan ni Henry Gleason ang wika bilang sistematikong balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may isang kultura.
34
Ano ang wika?
Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila at wika. Maraming kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng: ito ay behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan. Instrumento rin ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika, mabilis na naipalalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat simbolo ito ng Kalayaan.
35
Mga Katangian ng Wika
Taglay ng kahulugan ng wika ang mga pangunahing katangian nito ayon sa sumusunod:
36
Mga Katangian ng Wika
1. Ang wika ay sinasalitang tunog. Kakailanganin ng tao ng aparato sa pagsasalita (speech apparatus) upang mabigkas at mabigyang modipikasyon ang tunog. Mahalaga sa tao ang kanyang diapram, enerhiyang nagmumula sa baga, babagtingang tinig o vocal cords na nagsisilbing artikulador, at ang mga sangkap sa loob ng bibig tulad ng dila, ngipin, guwang ng ilong, gayundin ang matigas at malambot na ngala-ngala.
37
Mga Katangian ng Wika
2. Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga taong gumagamit nito sa loob ng mahabang panahon (Rubin, 1992). Ang wika ay set ng mga tuntuning pinagkasunduan at tinatanggap nang may pagsang-ayon ng lahat ng tagapagsalita nito. Sapagkat napagkasunduan o arbitraryo ang wika, nagagawang pagsaluhan ng isang komunidad wika ang kumbensyong panlipunan na nagbibigay dito ng kolektibong pagkakakilanlan bilang isang pangkat o grupo. Ito ang dahilan kung bakit may mga salitang magkatulad ang baybay at bigkas sa maraming wika subalit magkakaiba ng kahulugan.
38
Mga Katangian ng Wika
3. Likas nag wika, ibig sabihin, lahat ay may kakayahang matutong gumamit ng wika anoman ang lahi, kultura, o katayuan sa buhay.
39
Mga Katangian ng Wika
4. Ang wika ay dinamiko upang mapanatiling masigla at buhay ang lahat ng wika, kailangang makasabay ito sa pagbabago ng panahon. Nagbabago ang paraan ng pananalita ng mga tao maging ang angking kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon.
40
Mga Katangian ng Wika
5. Ang wika ay masistemang balangkas. Bago matutong bumasa ang isang bata, kailangan muna nitong matutong kumilala ng tunog (ponolohiya). Itinuturing na makabuluhan ang isang tunog kung may kakanyahan itong makapagpabago ng kahulugan. Sinusundan ito ng pagsasama-sama ng tunog upang makabuo ng maliit na yunit ng salita (morpolohiya). Ang pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng payak na pahayag o pangungusap ang tinatawag na sintaks o palaugnayan.
41
Mga Katangian ng Wika
6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa kultura ng sambayanang gumagamit nito. Wika ang pangunahing tagapagbantayog ng mga kaugalian, pagpapahalaga, at karunungang mayroon ang isang komunidad. Ang wika at kultura ay hindi kailanman maihihiwalay sa isa’t isa.
42
Mga Katangian ng Wika
6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa kultura ng sambayanang gumagamit nito. Wika ang pangunahing tagapagbantayog ng mga kaugalian, pagpapahalaga, at karunungang mayroon ang isang komunidad. Ang wika at kultura ay hindi kailanman maihihiwalay sa isa’t isa.
43
Mga Katangian ng Wika
7. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Kailangang patuloy na gamitin ang wika upang mapanatili itong masigla at buhay. Kailangang kalingain sa komunikasyon ang wika upang patuloy itong yumabong at umunlad.
44
Suriin
Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot na tumutugon sa kailangang konseptong pangwika ayon sa sitwasyon/pahayag.
45
Multiple Choice
“Hindi mo ba kilala ang taong iyon?” Ang tanong ng may-ari ng tindahan. Siya si John Marshall, ang bantog na mahistrado ng Estados Unidos. Namula ang binate sapagkat di talaga sila magkaintindihan. Anong konseptong pangwika ang gagamitin upang higit silang magkaunawaan?
Wikang Opisyal
Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Panturo
Wikang Bilingguwal
46
Multiple Choice
Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin. Anong konseptong pangwika ang gagamitin ng guro para talakayin ang aralin sa Filipino?
Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Panturo
Wikang Opisyal
Lingua Franca
47
Multiple Choice
Makikitang nag-uusap ang dalawang tao mula sa magkaibang katutubong wika. Halos magsigawan na sila habang nag-uusap sapagkat di sila magkaintindihan. Anong konseptong pangwika ang dapat na gamitin ng dalawang tao na magkaiba ang katutubong wika?
Wikang Bilingguwal
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
Lingua Hiram
48
Multiple Choice
Ang guro nila sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Filipino upang maunawaan ng kanyang mag-aaral ang aralin. Anong konseptong pangwika ang ginamit ng guro sa pahayag/sitwasyon?
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
Wikang Panturo at Opisyal
Wikang Bilingguwal
49
Multiple Choice
Sa isang komunidad, may mga mamamayan na nag-uusap-usap at ang wikang malawakang sinasalita ay ang nauunawaan ng nakararaming bilang ng mamamayan sa isang dimensiyong heograpiko. Anong konseptong pangwika ang ginamit ng mga mamamayan sa isang komunidad?
Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Panturo
Wikang Opisyal
Lingua Franca
50
Pagyamanin
Panuto: Punan nang angkop na kasagutan ang patlang upang mabuo ang ideya ng salaysay. Piliin ang sagot sa kahon na nasa ibaba.
51
Drag and Drop
52
Isaisip
Pagtapat-tapatin. Hanapin sa HANAY B ang sagot na tumutukoy sa kahulugan at konseptong pangwika. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang.
53
Match
Pagtapat-tapatin. Hanapin sa HANAY B ang sagot na tumutukoy sa kahulugan at konseptong pangwika. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang.
Lengua
Ipinalalaganap nito ang kultura ng bawat pangkat
Ginagamit sa pormal na edukasyon
Ginagamit naman ito ng mga tao sa isang bansa
Lingua franca
dila at wika
wika
wikang panturo
wikang opisyal
wikang ginagamit ng magkausap
dila at wika
wika
wikang panturo
wikang opisyal
wikang ginagamit ng magkausap
54
Open Ended
Isagawa
Tugunan ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang.
1. Bakit mahalaga ang wika sa:
a. Sarili
b. Lipunan
c. Kapwa
55
Open Ended
2. Magbigay ng tatlong pagkakataon o sitwasyon kung saan ginagamit ang wika.
56
Tayahin
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
57
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang katangian ng wika?
May maayos na pagkakasunod-sunod
May hugis, anyo, at kulay
May paksa at tema
Sinasalitang tunog
58
Multiple Choice
Ang nagbigay ng kahulugan na ang wika ay masistemang balangkas.
Finnocchiaro
Gleason
Brown
Hill
59
Multiple Choice
Ito ang pundasyon ng lahat ng wika ng tao.
Sistema
Simbolo
bigkas
tunog
60
Multiple Choice
Ito ang wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Filipino
Pilipino
Tagalog
Ingles/Tagalog
61
Multiple Choice
Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita.
Pantulong na wika
Katutubong wika
Ikalawang wika
Unang wika
62
Multiple Choice
Kahulugan ng salitang Latin na lingua
Teorya
Kamay
wika
dila
63
Multiple Choice
Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.
Wikang Panturo
Wikang Ingles
Wikang Opisyal
Bilingguwal
64
Multiple Choice
Isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog.
dayalek
salita
dila
wika
65
Multiple Choice
Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal.
Wikang Ladino
Wikang Minoritaryo
Wikang Opisyal
Wikang Sardo
66
Multiple Choice
Kinikilalang lingua franca ng bansang Pilipinas.
Wikang katutubo
Pilipino
Filipino
Tagalog
67
Multiple Choice
Sa loob ng silid-aralan, matiyagan nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.
Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Panturo
Wikang Opisyal
Lingua Franca
68
Multiple Choice
Ang wika ay nagbabago.
Masistemang balangkas
Arbitraryo
Dinamiko
Pinipili
69
Multiple Choice
Kinikilalang lingua franca ng mundo
Mandarin
Niponggo
Filipino
Ingles
70
Multiple Choice
Makahulugang tunog ng isang wika
Sintaksis
Morpema
Diskurso
Ponema
71
Multiple Choice
Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo sa sambayanang Pilipino.
Filipino
Tagalog
Cebuano
Ingles
72
Open Ended
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 72
SLIDE
Similar Resources on Wayground
71 questions
F5(R) The Env L31
Presentation
•
10th Grade
73 questions
The Literary Gems of Visayas 💎
Presentation
•
12th Grade
64 questions
Q4_W2_M10_Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Presentation
•
11th Grade
69 questions
nonrenewable energyLesson
Presentation
•
9th Grade
74 questions
Cardiovascular System Pathophysiology
Presentation
•
11th Grade - University
60 questions
Q4_W1_M9_Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Presentation
•
11th Grade
74 questions
Q3W8A10-PAGBASA AT PAGSUSUR
Presentation
•
11th Grade
66 questions
THI HKII BÀI 36, 37,38,39
Presentation
•
9th - 12th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Factors 4th grade
Quiz
•
4th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for Other
5 questions
A.EO.1-4 Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade
100 questions
Biology EOC Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EO.1-4 Quizizz Day 2
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 4
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 6
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
G.RLT.1-3 Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade
25 questions
Biology EOC review Quiz
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
G.TR.1-4 Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade