Search Header Logo
KPWKP_Q2_Mod4_Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pama

KPWKP_Q2_Mod4_Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pama

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 1+ times

FREE Resource

36 Slides • 41 Questions

1

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan – Modyul 4

Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan

2

Alamin

Kasanayang Pampagkatuto:

• Naipaliliwanag nang pasalita ang iba’t ibang anyo at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon (F11PS-IIb-89)

3

Layunin:

1. Naipaliliwanag nang pasalita ang anyo ng paggamit ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon

2. Naipaliliwanag nang pasalita ang paraan ng paggamit ng wika sa kalakalan, pamahalaan at edukasyon

3. Nagagamit ang angkop na wikang dapat gamitin sa kalakalan, edukasyon at pamahalaan

4

Subukin

A. Panuto: Ipaliwanag ang anyo at paraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon kaugnay ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

5

Multiple Choice

Anong pamamaraan ng paggamit ng wika ang ginagawang panghikayat ng mga kandidato upang sila ay iboto sa tuwing sasapit ang eleksiyon?

1

“Bumoto nang tama at iyong karapat-dapat!”.

2

“Huwag kayong maniniwala sa mga oposisyon!”

3

“Kapag ako ang ibinoto ninyo, magkakapera kayo!”

4

“Kapag ako ang ibinoto ninyo, tutulungan kong umunlad ang ating bansa!”

6

Multiple Choice

Bakit Ingles ang wikang ginagamit sa mga website?

1

Amerikano ang gumawa nito kaya Ingles ang ginamit na wika.

2

Ingles ang itinuturing na universal language.

3

Nasanay na lamang ang mga tao na Ingles ang nakikita sa website.

4

Walang panumbas na salita sa Filipino ang ilang salitang Ingles.

7

Multiple Choice

Anong pamamaraan ang ginamit ng DepEd sa paghahatid ng kanilang programang pang-edukasyon tulad ng “Brigada Eskwela” at “Tayo para sa Edukasyon”?

1

Walang katumbas na linya sa Ingles

2

Wikang Tagalog upang madali itong tandaan at gawin.

3

Pinoy ang mga mag-aaral kaya dapat wikang Filipino ang gamitin.

4

Gumamit ng wikang Filipino upang higit na makahikayat sa mga mag-aaral at magulang.

8

Multiple Choice

Ito ang wikang ginagamit ng malalaking negosyo upang mahikayat na tangkilikin ang kanilang produkto.

1

Big SALE!

2

Bagsak-presyo!

3

Pwede utang!

4

Buy 1 Take 2!

9

Multiple Choice

Ano ang pangunahing wikang ginagamit bilang wikang panturo sa kolehiyo?

1

paggamit ng Pilipino

2

pag-aaral gamit ang Filipino

3

bilingguwal na pamamaraan at wikang Ingles

4

paggamit ng diyalekto sa ugnayan

10

Multiple Choice

Bakit higit na gamitin ang wikang Ingles sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center?

1

Dayuhan ang binibigyan ng serbisyo ng mga call center agent.

2

Ingles ang isa sa opisyal na wika sa bansa

3

Ingles ang usong salita sa ganitong uri ng trabaho.

4

Tutol ang mga may-ari ng kumpanya na gamitin ang wikang Filipino

11

Multiple Choice

Ito ang layunin kaya nilagdaan at ipinatupad ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order 210 noong 2003.

1

Hindi naging matagumpay ang bilingguwal na polisiya sa edukasyon sa hinahangad na pagkatuto ng mga mag-aaral.

2

Layunin nitong makatutulong upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang Filipino kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles.

3

Layunin nitong maipalaganap ang paggamit ng mga opisyal na wika ng bansa.

4

Layunin nitong palakasin ang pagtuturo at pagkatuto sa pamamaraang paggamit ng wikang Ingles sa batayang edukasyon ng Pilipinas.

12

Multiple Choice

Layunin nitong palakasin ang pagtuturo at pagkatuto sa pamamaraang paggamit ng wikang Ingles sa batayang edukasyon ng Pilipinas.

1

Pormal na wikang Filipino, dahil may malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng wikang ito si dating Pangulong Corazon C. Aquino.

2

Pormal at wikang Filipino, dahil nais niyang maunawaan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang inihahatid na mensahe.

3

Iba’t ibang diyalekto, dahil nais niyang patunayan na mahusay siya sa pagsasalita nito.

4

Ingles, dahil wala siyang kakayahang magsalita ng wikang Filipino.

13

Multiple Choice

Ito ang layunin ng paggamit ng wikang Filipino sa mga komersyal o patalastas pantelebisyon o panradyo.

1

Maaaring maipalabas sa iba’t ibang istasyon ng radyo at telebisyon ang patalastas.

2

Makapagbibigay ito ng pagkakataon upang pasikatin ang mga endorser ng produkto.

3

Makatutulong ito upang maakit ang mamimili na tangkilikin ang produkto.

4

Makatutulong ito upang maintindihan ang palitan ng diyalogo ng mga artistang nag-eendorso ng produkto.

14

Multiple Choice

Bakit ginawang opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 ang mother tongue o unang wika sa K to 12 Kurikulum?

1

Higit na bihasa ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang kinagisnang wika sa pakikipagkomunikasyon.

2

Higit na madaling mauunawaan ng mga mag-aaaral ang aralin.

3

Makatutulong ito upang mapaunlad ang wika, kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.

4

Wala pang kakayahan ang mga mag-aaral sa ganitong baitang upang gamitin ang wikang Ingles maging ang Filipino.

15

Multiple Choice

Patuloy na nagagamit ang wikang Filipino ngunit ang umiiral na wikang ginagamit sa mga komersyo at negosyo, pamilihan, direct selling, at production line ay nananatiling ____.

1

Pormal

2

Di- Pormal

3

Balbal

4

Pampanitikan

16

Multiple Choice

Ang paraan ng wikang gagamitin ayon sa polisiyang “Mother Tongue Based Multi-Lingual Education.

1

Wikang Ingles ang pananatilihing wika sa paaralan.

2

Ingles ang isa sa opisyal na wika sa paaralan

3

Filipino at ibang diyalektal ang gagamitin sa paaralan.

4

Ingles ang pinananatiling gamiting panturo hanggang sa mataas na antas.

17

Multiple Choice

Ang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan gamit ang wika ng mga namamahala ng tinatawag na multinational companies at Business Process Outsourcing (BPO).

1

Pormal na ginagamit ang kanilang wikang diyalektal.

2

Pormal na ginagamit ang wikang Ingles.

3

Impormal na pakikipag-ugnayan upang tangkilikin ang produkto.

4

Pormal at wikang Filipino

18

Multiple Choice

Siya ang nagtaguyod upang maipalaganap ang paggamit ng wikang Filipino sa pamahalaan.

1

Pangulong Corazon C. Aquino

2

Pangulong Gloria Macapagal Arroyo

3

Pangulong Ferdinand E. Marcos

4

Pangulong Fidel V. Ramos

19

Multiple Choice

Sa paanong paraan nagagamit ang wika sa merkado, pabrika, at sa mga pagawaan.

1

diyalektal at gumagamit ng balbal na salita

2

nananatiling Filipino at gumagamit ng iba’t ibang barayti nito

3

pormal na pakikipag-ugnayan sa Filipino at Ingles

4

paggamit ng monolingguwal

20

Balikan

Panuto: Suriin ang mga pamagat at dayalogo sa pelikula at sagutin ang mga tanong kaugnay nito tungkol sa lingguwistiko at kultural na ugnayan nito sa sitwasyong pangwika Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

21

Multiple Choice

“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat…and you chose to break my heart.” (Popoy - One More Chance) Anong wika ang ginamit sa pahayag?

1

Barayti ng Filipino

2

Code Switching

3

Ingles

4

Tagalog

22

Multiple Choice

Gusto ko magkakasama tayo bago ako makipagkita kay San Pedro. Tutal pitong linggo na lang naman.” (Tatay – Seven Sundays) Alin sa mga kultura ng Pilipino ang mahihiwatigan sa pahayag?

1

Close Family Ties

2

Extended Family

3

Pamamanhikan

4

Piyesta

23

Multiple Choice

Anong nais ipahiwatig ni Tonyo sa pelikulang Kita Kita nang sabihin niya kay Lea na “Alam mo click tayo.”?

1

Bagay sila

2

Magkaibigan na sila

3

Pumindot na sila

4

Magkapatid sila.

24

Multiple Choice

Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na Exes Baggage?

1

Bagaheng di nakailangan

2

Dating kasintahan

3

Lumang maleta

4

Sobrang bagahe

25

Multiple Choice

“Alam ko kasi ang mga mama, hirap na hirap sila kapag malayo sila sa kanilang anak.” (Odrey – Miss Granny). Anong kultura ng Pilipino ang masasalamin sa pahayag?

1

Paghihigpit ng magulang

2

Pagpapahalaga sa anak

3

Pagpapahalaga sa magulang

4

Pagtitiis ng hirap

26

27

Tuklasin

Maraming Pilipino ang naiimpluwensyahan at gumagamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang antas sa kabila ng pagkakaroon ng pambansang wika ng Pilipinas. Subalit hindi maitatatwa na Ingles pa rin ang ginagamit sa sistema ng edukasyon at print media, kaya itinuturing pa ring makapangyarihan ang wikang Ingles sa ating lipunan at dominanteng wika sa edukasyon.

28

Tuklasin

Sa kasalukuyan, wikang Filipino ang ginagamit sa pamamahala, lehislatura at mga korte sa Pilipinas, ngunit Ingles pa rin ang namamayaning wika na ginagamit ng mga mambabatas at ng mga pulitiko. Gayondin sa mga intelektuwal na usapin, komersyo o negosyo ay Ingles din ang ginagamit habang Filipino naman sa lokal na komunikasyon at mga palabas sa telebisyon.

29

Tuklasin

Binigyang-diin ni Boudieu (1991) sa kanyang Language and Symbolic Power na ang pagkakaroon ng lehitimong wika sa isang lipunan ang nagpapatatag sa ekonomiya at pulitika ng isang bansa kung gagamitin ito bilang wika sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon at pagpapagana ng sistema ng paggawa.

30

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON

Taong 2003 nang lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ipatupad ang Executive Order 210 na may pangkalahatang layunin na palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon sa Pilipinas.

31

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON

Sa kabilang banda, sa bagong kurikulum na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno C. Aquino III, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man – Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE). Sa kurikulum na ito pinanatili ang wikang Filipino at Ingles na gamitin at ituro pa rin sa mga paaralan maging sa mas mataas na antas.

32

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON

Binigyang-diin ni dating Kalihim Armin Luistro na ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral. Makapagpapatibay din sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.

33

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON

Dahil sa bagong kurikulum, binago rin ang asignaturang itinatadhana ng CHED. Mula sa dating 60 units na kurso sa General Education Curriculum (GEC), ginawa itong 36 units na lamang at inalis na rin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.

34

SITWASYONG PANGWIKA SA EDUKASYON

Ang pagsunod sa mga pamantayan na inilalabas ng DepEd, CHED at ng KWF ay makatutulong sa mag mag-aaral upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino kasabay ng pagkatuto ng Ingles upang mas maunawaan nila ang mga aralin na pinag-aaralan.

35

SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN

Isa sa malaking kontribusyon ni dating Pangulong Corazon C. Aquino sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988. Nakatulong ito upang maging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan.

36

SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN

Maging si dating Pangulong Benigno C. Aquino III ay itinaguyod din ang pagpapahalaga sa ating sariling wika sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang Filipino sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Ayon sa kanya, mas makabubuti na maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan ang kanyang sinasabi.

37

SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN

Sa kasalukuyan, wikang Filipino na rin ang ginagamit sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan subalit may mga pagkakataon na gumagamit ng code switching ang mga nanunungkulan sa gobyerno lalo na kapag teknikal ang mga salita o sadyang walang mahanap na katumbas nito sa Filipino.

38

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN

39

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN

Dahil sa pagbabagong nagaganap sa mundo, nagbabago rin ang paraan ng pakikipagnegosasyon ng tao. Umusbong sa bansa ang call center na nagbigay ng bagong trabaho para sa mga Pilipino. Ingles ang wikang ginagamit ng mga call center agent bagamat nakabase sa Pilipinas sapagkat dayuhan ang mga kliyente na kanilang binibigyan ng serbisyo.

40

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN

Sa mga tanggapan ng malalaking kumpanya na tinatawag na multinational companies wikang Ingles din ang higit na ginagamit. Maging ang mga inilalabas na memo, kontratang pinapipirmahan at mga liham-pangangalakal ay nakasulat sa wikang Ingles. Ang mga press release na inilalathala sa social media, maging sa print advertisement tulad sa broadsheet at magazine ay ito rin ang ginagamit sapagkat mas malawak na uri ng konsyumer ang kanilang target at hindi lamang nakatuon sa mga Pilipino.

41

SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN

Subalit sa kabilang banda, mapapansin na pinanatili ang paggamit ng wikang Filipino at iba pang barayti nito sa mga merkado sa bansa at maging sa mga pabrika at pagawaan. Filipino rin ang ginagamit na wika sa mga patalastas ng produkto upang mahikayat ang mamamayan na tangkilikin ito. Naniniwala ang mga prodyuser na kapag sikat na artista o endorser ang kanilang kinuha ay mahihikayat ang mga mga mamimili na tangkilikin at bumili ng kanilang produkto.

42

KARAGDAGANG KAALAMAN

43

ANYO NG WIKA

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo) ang wika.

44

KATEGORYA NG PAGGAMIT NG WIKA

Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at impormal o di- pormal.

45

Pormal

Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:

46

1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan. 2. Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.

47

Impormal o di pormal

Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:

48

Impormal o di pormal

1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito. Halimbawa: Mayroon-meron ayaw ko-ayoko nasaan-nasa’

49

media

50

media

51

Open Ended

Question image

Suriin

52

Open Ended

Question image

Pagyamanin

53

media

54

media

55

Open Ended

Question image

Spoken Poetry

56

media

57

media

58

Open Ended

Question image

Gumawa ng isang jingle, rap, o talumpati (pumili lamang ng isa ayon sa kakayahan)

59

Tayahin

Panuto: Ipaliwanag ang anyo at paraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon kaugnay ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

60

Multiple Choice

Bakit higit na gamitin ang wikang Ingles sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center?

1

Dayuhan ang binibigyan ng serbisyo ng mga call center agent.

2

Ingles ang isa sa opisyal na wika sa bansa.

3

Ingles ang usong salita sa ganitong uri ng trabaho.

4

Tutol ang mga may-ari ng kumpanya na gamitin ang wikang Filipino.

61

Multiple Choice

Anong pamamaraan ang ginamit ng DepEd sa paghahatid ng kanilang programang pang-edukasyon tulad ng “Brigada Eskwela” at “Tayo para sa Edukasyon”?

1

Walang katumbas na linya sa Ingles

2

Wikang Tagalog upang madali itong tandaan at gawin

3

Pinoy ang mga mag-aaral kaya dapat wikang Filipino ang gamitin.

4

Gumamit ng wikang Filipino upang higit na makahikayat sa mga mag-aaral at magulang.

62

Multiple Choice

Ito ang wikang ginagamit ng malalaking negosyo upang mahikayat na tangkilikin ang kanilang produkto.

1

Big SALE!

2

Bagsak-presyo!

3

Pwede utang!

4

Buy 1 Take 2!

63

Multiple Choice

Ano ang pangunahing wikang ginagamit bilang wikang panturo sa kolehiyo?

1

paggamit ng Pilipino

2

pag-aaral gamit ang Filipino

3

bilingguwal na pamamaraan at wikang Ingles

4

paggamit ng diyalekto sa ugnayan

64

Multiple Choice

Ito ang layunin kaya nilagdaan at ipinatupad ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order 210 noong 2003.

1

Hindi naging matagumpay ang bilingguwal na polisiya sa edukasyon sa hinahangad na pagkatuto ng mga mag-aaral.

2

Layunin nitong makatutulong upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles.

3

Layunin nitong maipalaganap ang paggamit ng mga opisyal na wika ng bansa.

4

Layunin nitong palakasin ang pagtuturo at pagkatuto gamit ang wikang Ingles sa batayang edukasyon ng Pilipinas.

65

Multiple Choice

Ano pamamaraang sa wikang ginamit ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mahahalagang panayam at talumpati tulad ng State of the Nation Address (SONA)?

1

Pormal na wikang Filipino, dahil may malaking kontribusyon sa pagpapalaganap ng wikang ito si dating Pangulong Corazon C. Aquino.

2

Pormal at wikang Filipino, dahil nais niyang maunawaan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang inihahatid na mensahe.

3

Iba’t ibang diyalekto, dahil nais niyang patunayan na mahusay siya sa pagsasalita nito.

4

Ingles, dahil wala siyang kakayahang magsalita ng wikang Filipino.

66

Multiple Choice

Ito ang layunin ng paggamit ng wikang Filipino sa mga komersyal o patalastas pantelebisyon o panradyo.

1

Maaaring maipalabas sa iba’t ibang istasyon ng radyo at telebisyon ang patalastas.

2

Makapagbibigay ito ng pagkakataon upang pasikatin ang mga endorser ng produkto.

3

Makatutulong ito upang maakit ang mamimili na tangkilikin ang produkto.

4

Makatutulong ito upang maintindihan ang palitan ng diyalogo ng mga artistang nag-eendorso ng produkto.

67

Multiple Choice

Bakit ginawang opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 ang Mother Tongue o unang wika sa K to 12 Kurikulum?

1

Higit na bihasa ang mga mag-aaral na gamitin ang kinagisnang wika.

2

Higit na madaling mauunawaan ng mga mag-aaaral ang aralin.

3

Makatutulong ito upang mapaunlad ang wika, kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyokultural.

4

Wala pang kakayahan ang mga mag-aaral sa ganitong baitang upang gamitin ang wikang Ingles maging ang Filipino.

68

Multiple Choice

Patuloy na nagagamit ang wikang Filipino ngunit ang umiiral na wikang ginagamit sa mga komersyo at negosyo ay nananatiling ____.

1

Diyalekto

2

Filipino

3

Ingles

4

Tagalog

69

Multiple Choice

Ang alituntunin ng polisiyang “Mother Tongue Based Multi-Lingual Education.

1

Dayuhang wika ang pananatilihing wika sa paaralan.

2

Ingles ang isa sa opisyal na wika sa paaralan.

3

Filipino at mga ibang diyalekto ang gagamitin sa paaralan.

4

Ingles at Filipino ang pinanatiling gamiting panturo hanggang sa mataas na antas.

70

Multiple Choice

Ang wikang nananaig sa merkado, sa mga pabrika, at sa mga pagawaan.

1

Diyalektal

2

Filipino

3

Filipino at Ingles

4

Ingles

71

Multiple Choice

Sa mga naiisip na sari-saring panghikayat ang mga kandidato tuwing sasapit ang eleksyon (tulad ng JINGLE), anong wika ang kadalasang nakapaloob dito?

1

pormal

2

di- pormal

3

balbal na salita

4

diyalektal

72

Multiple Choice

Bakit Ingles ang wikang ginagamit sa mga website?

1

Amerikano ang gumawa nito kaya Ingles ang ginamit na wika.

2

Ingles ang itinuturing na universal language.

3

Nasanay na lamang ang mga tao na Ingles ang nakikita sa website.

4

Walang panumbas na salita sa Filipino ang ilang salitang Ingles.

73

Multiple Choice

Patuloy na nagagamit ang wikang Filipino ngunit ang umiiral na wikang ginagamit sa mga komersyo at negosyo, pamilihan, direct selling, at production line ay nananatiling ____.

1

Pormal

2

Di- Pormal

3

Balbal

4

Pampanitikan

74

Multiple Choice

Anong pamamaraan ng paggamit ng wika ang ginagawang panghikayat ng mga kandidato upang sila ay iboto sa tuwing sasapit ang eleksiyon?

1

“Bumoto nang tama at iyong karapat-dapat!”.

2

“Huwag kayong maniniwala sa mga oposisyon!”

3

“Kapag ako ang ibinoto ninyo, magkakapera kayo!”

4

“Kapag ako ang ibinoto ninyo, tutulungan kong umunlad ang ating bansa!”

75

media

76

media

77

Open Ended

Question image

Spoken Word Poetry

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan – Modyul 4

Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pamahalaan, at Kalakalan

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 77

SLIDE