Search Header Logo
KPWKP_q1_mod9_kasaysayanngwikangpambansa_v2

KPWKP_q1_mod9_kasaysayanngwikangpambansa_v2

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 8+ times

FREE Resource

44 Slides • 12 Questions

1

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Unang Markahan – Modyul 9: Kasaysayan ng Wikang Pambansa

2

Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa pagbuo at pag-unlad ng wikang pambansa (F11PS – Ig – 88)

3

Layunin:

● Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa wika mula sa panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan, ang mga Kautusan, Proklamasyong pinaiiral sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/Filipino.

● Nakikilala ang panahong kaganapan sa pagbuo at pag-unlad ng wikang pambansa.

● Mapahalagahan pag-aaral ng kasaysayan ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagbuo ng talata.

4

Open Ended

Balikan

Ipaliwanag:

Bakit mahalagang maunawaan ang gamit ng wika batay sa iba’t ibang sitwasyon? Pangatwiranan ang iyong sagot. Isulat sa iyong papel.

5

Match

Pagtapatin ang wika at taon kaugnay ng kasaysayan ng wikang pambansa. Pagkatapos ay ibigay ang iyong hinuha kung ano ang mga pangyayaring may kaugnayan sa kasaysayan ng wika sa iba’t ibang taon.

Tagalog

Pilipino

Filipino

1937

1959

1987

6

Suriin

Kasaysayan ng Wika sa Iba’t ibang Panahon

7

Panahon ng Espanyol

Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga Espanyol sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez De Legaspi noong 1565. Siya ang kauna-unahang Espanyol na gobernador-heneral sa Pilipinas. Kalaunan napasailalim naman ang kapuluan sa pamumuno ni Villalobos na nagbigay ng ngalang Felipinas bilang parangal sa Haring Felipe II na naunang namuno noong panahong iyon. Naging Filipinas ang Felipinas dahil sa maling pagbigkas ng mga tao rito.

8

Panahon ng Espanyol

Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, di-sibilisado o pagano ang mga katutubo noon. Itinuro nila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang maging sibilisado diumano ang mga ito. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Hinati-hati sa apat na ordeng misyonerong Espanyol ang pamayanan kaya’t ito’y nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo.

9

Panahon ng Espanyol

Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol ay nag-aral ng wikang katutubo upang madaling matutunan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Mas magiging kapani-paniwala kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika. Sa panahong ding ito napalitan ang “alibata” ng alpabetong Romano na binubuo ng 29 na titik.

10

Panahon ng Espanyol

A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, LL, M, N, Ñ, O, P, Q, R, RR, S, T, U, V, W, X, Y,Z

11

Panahon ng Espanyol

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sumibol ang mga Propagandista. Ito ang panahon kung saan namulat ang makabayang damdamin ng mga Pilipino. Sa pamumuno nina Jose P. Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Antonio Luna, at Graciano Lopez Jaena, ginamit ang wikang Tagalog sa pagsulat sa mga pahayagan ng mga akdang pampanitikan.

12

Panahon ng Amerikano

Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawa ang wikang ginagamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyong Ingles at Espanyol. Sa kalaunan napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami ang natutong bumasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging wikang panturo sa rekomendasyon ni Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899 habang pantulong naman ang wikang rehiyonal.

13

Panahon ng Amerikano

Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Franklin Roosevelt ang Batas Tydings McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang 10 taong pag-aaral ng Pamahalaang Komonwelt.

14

Panahon ng Komonwelt/Malasariling Pamahalaan

Sa panahong ito masasabing may puwang na sa pamahalaan ang pagtukoy ng wikang pambansa. Isinasaad sa Saligang Batas 1935 (Artikulo XIV, Sek.3) na:

15

Panahon ng Komonwelt/Malasariling Pamahalaan

Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang

tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa

na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong

wika. Hangga’t itinatadhana ng batas, ang Ingles

at Espanyol ay patuloy na magiging wikang opisyal.

16

Panahon ng Komonwelt/Malasariling Pamahalaan

Sa panahon ding ito nabuo ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 184. At bilang tugon, humirang si Pang. Quezon ng mga kagawad na bubuo sa SWP. Batay sa isinagawang pag-aaral inirekomenda ng lupon ng SWP na ibatay sa Tagalog ang wikang pambansa at inaprubahan ito.

Gayundin, sa panahong ito, ipinasok na rin sa mga kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa.

17

Panahon ng Hapon

Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista” Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang maging wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang ginawang pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang pambansang wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang pang-Amerika at mawala ang impluwensya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang itinaguyod. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Sa panahong ito namulaklak ang Panitikang Tagalog sapagkat maraming manunulat sa Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang tula, maikling kuwento, nobela at iba pa.

18

Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan

Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo,

ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at

hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.



Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong

na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi

na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat ay

itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.


19

Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan

Noong Enero 30, 1987, nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 112 si Pangulong Corazon Aquino, Ipinailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports. Binago rin ang pangalan ng ahensiya bilang Linangan ng mga Wika ng Pilipinas o Institute of Languages.

20

Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan

Samantala, noong Marso 19, 1990, bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 21, pinalabas ni Kalihim Isidro Cariño ng DECS na na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa sa katapatan ng Saligang Batas at sa bayan.

21

Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan

Agosto 14, 1991 naman, ang Republic Act Blg. 7104 ay nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino bilang pagsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon. Nakasaad din na ang dating Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay tatawaging Komisyon sa Wikang Filipino at ipaiilalim sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

22

Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan

Nagpalabas ang Komisyon sa Wikang Filipino ng resolusyon noong 1992. Ang Resolusyon Blg. 1-92(Mayo 13) na sinusugan naman ng Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto 1996) hinggil sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang tuwing buwan na ito. Malaking kasangkapan ng pag-unlad ng Filipino ang mga wikang katutubo, kung saan maraming hiram na salita sa mga ito.

23

Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan

Noong 2001, tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 na Revisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino (Kautusang Pangkagawaran blg. 45). Walang naganap na pagbabago sa mga alpabeto ngunit may mga tuntuning binago hinggil sa paggamit ng walong (8) dagdag na letra.

24

Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan

Nagkarooon ng ilang usapin at kalituhan sa tamang paggamit ng Wikang Filipino dahil sa dami ng elementong taglay nito, bagay na ginawa ng solusyon ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pagtataguyod nito ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

25

Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan

Nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon noong 2009 ng Ordinansa Blg. 74 na isinasainstitusyon ang gamit ng Inang Wika Elementarya at Multilingual Language Education (MLE). (Nauna rito, may inilahad ng bersyon ang Ikalabing-apat na Kongreso ng Mababang Kapulungan na House Bill No. 3719, “An Act Establishing a Multilingual Education and Literacy Program and for Other Purposes” sa pamamagitan ni Honorable Magtanggol T. Gunigundo ng Valenzuela City.

26

Panahon ng 1987 hanggang sa Kasalukuyan

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, s. 2013 ng dagliang Ortograpiyang Pambansa na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino.

27

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)- ipinahayag na ang Tagalog ang siyang maging batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas

28

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)- isinaad ang pagpapalimbag ng “A Tagalog-English Vocabulary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.

29

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Batas ng Komonwelt Blg. 570- Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946.

30

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Proklamasyon Blg. 12- Ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pangulong. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29- Abril 4 (kapanganakan ni Franciso Balagtas.)

31

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Proklamasyon Blg. 186 (1955)- Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni Manuel L. Quezon).

32

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Pangkagawaran Blg.7- Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo`y Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E. Romero na nag-atas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.

33

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 (1960) – nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino.

34

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) – Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag sa Wikang Pilipino.

35

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at nagtadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

36

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969) – nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-utos sa lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.

37

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) – Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin sa Ortograpiyang Pilipino ang pagpapairal ng Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan simula sa taong panuruan 1974-9175.

38

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978) – Paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.

39

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Itinalaga na Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas. “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.

40

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 (1987)- Panuntunan ng implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987.

41

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtakda na ang buwan ng Agosto, ang Buwan ng Wikang Pambansa.

42

Ilang Batas, Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

● Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtakda na ang buwan ng Agosto, ang Buwan ng Wikang Pambansa.

43

Pagyamanin

Pagsasanay 1: Bumuo ng Timeline ng maikling kasaysayan ng wikang pambansa.

Gamit ang mga salita sa loob ng kahon sa ibaba, iugnay ang mga ito ayon sa panahong nakalaan sa bawat larawan.

44

Match

Question image

Match the following

Panahon ng Pananakop ng mga Kastila

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Hapon

Miguel Lopez De Legaspi

Haring Felipe II

Biak- na -Bato

Batas Tydings McDuffie

Prof. Leopoldo Yabes

Tagalog

45

Match

Pagsasanay 2: Hanapin sa Hanay B ang mga kautusan, proklamasyon at batas na tinutukoy sa Hanay A. Letra lamang ang isulat sa sagutang-papel.

Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang

magiging batayan ng wikang pambansa

sa Pilipinas.

Nilagdaan ng Pangulong Marcos at

nagtadhana na ang lahat ng edipisyo,

gusali at tanggapan ng pamahalaan ay

pangalanan sa Filipino.

Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces

at nag-utos na simulan sa taong-aralan

1963-1964 ang mga sertipiko at diploma ng

magtatapos ay ipalimbag na sa Wikang Filipino.

Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang

wikang pambansa (Tagalog) simula

Hulyo 4,1946.

Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang

ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19

sa kapanganakan ni Manuel L Quezon.

Kautusang Tagapagpaganap

Blg. 134

Kautusang Tagapagpaganap

Blg. 96

Kautusang Pangkagawaran

Blg. 24

Batas ng Komonwelt Blg.

570

Proklamasyon Blg. 186

46

Open Ended

Question image

Pagsasanay 3: Bumuo ng isang maikling talata tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa gamit ang mga susing salita na nasa ibaba.

47

Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

48

Open Ended

Sa iyong palagay, ano ang nangyari sa usaping pangwika sa pagpasok ng mga mananakop na Kastila, Amerikano at Hapon? Ipaliwanag.

49

Open Ended

Bilang mag-aaral, nakatulong ba ang nangyaring pananakop ng isang bansa sa ating bansa upang magkaroon ng sariling wika? Pangatwiranan.

50

Open Ended

Ano ang maaari mong maiambag sa ating bansa upang higit na mapaunlad ang wikang Pambansa?

51

Isagawa

Bumuo ng sariling opinyon tungkol sa mga balakid na kinaharap sa pagsusulong ng wikang pambansa sa bawat panahon.

52

Open Ended

Panahon ng Kastila

53

Open Ended

Panahon ng Amerikano

54

Open Ended

Panahon ng Hapon

55

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang mga mahahalagang pangyayari na may kaugnayan sa kasaysayan ng wikang pambansa. Piliin ang letra ng tamang sagot.

56

Open Ended

Question image

Karagdagang Gawain

Sumulat reaksyon na binubuo ng tatlo hangang limang talata hinggil sa kahalagahan ng kasaysayan ng wikang pambansa.

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Unang Markahan – Modyul 9: Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 56

SLIDE