

Week 2-Q2-ADM-Version 2-Filipino-SHS-TVL
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Edgar Monte
Used 1+ times
FREE Resource
28 Slides • 30 Questions
1
Filipino sa Piling
Larang Teknikal
Bokasyunal
Ikalawang Markahan Ika lawang Linggo Hakbang sa Pag sulat ng Feasibility Study
2
Alamin
Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino (CS_FTV11/12PS-0j-i-93)
3
Layunin
1. Nasusuri kung ano ang angkop na negosyo batay sa pangangailangan ng tao o konsyumer sa isang lokasyon;
2. Natitiyak ang seguridad at maaaring maging banta sa pipiliing lokasyon; at
3. Naisasagawa ang mga hakbangin at paghahanda sa pagbuo ng plano sa pagpili ng negosyo
4
Subukin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
5
Multiple Choice
Sa pagtatayo ng negosyo nangangailangan ito ng sapat paghahanda laban sa mga banta at balakid. At para maisasakatuparan ang plano sa pagnenegosyo malaki ang maitutulong ng ____________.
pagsusuri ng sistema
pagtukoy ng proyekto
pagtukoy ng programa
pagsusuring feasibility
6
Multiple Choice
Ang pagdedesisyon ukol sa papasuking negosyo ay natutukoy ____________.
matapos isagawa ang feasibility study
habang isinasagawa ang feasibility study
matapos makausap ang mga supplier ng produkto
isang araw bago ilunsad ang proyekto sa pagnenegosyo
7
Multiple Choice
Ang pagsusuring feasibility ay isinasagawa ng ____________.
mga kapitalistang mamumuhunan sa itatayong negosyo.
may-ari ng uupahang puwesto para sa itatayong negosyo.
may-ari ng negosyo para matiyak ang paghahanda sa mga balakid.
system analyst na kinonsulta ng may-ari ng magtatayo ng negosyo
8
Multiple Choice
Ang pangunahing layunin ng feasibility study ay ____________.
tumulong sa pamamahala ng itatayong negosyo
masuri kung kakayaning tugunan ang mga kinakailangan sa pagnenegosyo
masuri kung kakayaning tugunan ang mga kakailanganin sa pagnenegosyo
tumulong sa paghahanap ng mga potential investors na handang maglaan ng bahagi ng kaniyang salapi para sa negosyo
9
Multiple Choice
Ang feasibility study ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon maliban sa ____________.
pangalan at logo ng itatayong negosyo
daloy at proseso ng pagsusuri at pag-aaral
estratehiya ng mga makakalaban sa negosyo
alternatibong plano sa napipintong balakid na kahaharapin
10
Multiple Choice
Mahalagang matukoy ang pangkat na magpapatakbo ng negosyo. At sa hanay ng ____________ makikilala ang mga gaganap sa tungkuling ito.
mapagkukunan (Resources)
rekomendasyon (Recommendations)
mamamahala (Management and Teams)
pagtutuos at paglalaan ng pondo- (Costs and Funding)
11
Multiple Choice
Isa sa pinakamahalagang dapat bigyang pansin sa pagnenegosyo ay ang mapagkukunan o supplier ng produkto, kagamitan, tulong teknikal at ahensya na maaaring kumuha ng empleyado na kakailanganin sa negosyo. Ang pangkat ng ____________ ang gumaganap sa mga tungkuling nabanggit.
mga mapagkukunan (Resources)
mamamahala (Management and Teams)
mga rekomendasyon (Recommendations)
pagtutuos at paglalaan ng pondo (Costs and Funding)
12
Multiple Choice
Sa bahaging ito ng feasibility study itatala ang mga karagdagang suhestiyon at ____________ na makatutulong sa pagdedesiyon ng may-ari ng negosyo bago niya ito pormal na simulan.
mga mapagkukunan (Resources)
rekomendasyon (Recommendations)
mamamahala (Management and Teams)
pagtutuos at paglalaan ng pondo (Costs and Funding)
13
Multiple Choice
Isa sa mga mahahalagang bagay na dapat nilalaman ng feasibility study ay ang kikitain ng produkto o serbisyo sa bawat araw. Isinasagawa ang tamang ____________ sa bawat araw, linggo, buwan para tustusan ang pasweldo, upa, puhunan, kuryente, tubig, internet connection at aktwal na kita ng may-ari.
mapagkukunan (Resources)
rekomendasyon (Recommendations)
paglalapat ng apendice- (Appendices)
pagsusuri ng kikitain (Estimated Profit)
14
Multiple Choice
Nakapaloob ang ilan sa mga mahahalagang dokumento na maaaring isaalang-alang sa pagnenegosyo sa talaan ng ____________. Dito makikita ang kontrata sa supplier, lugar ng pagtatayuan, talaan ng mga permit at forms sa ahensya ng barangay, lokal, at pambansang pamahalaan (kung kailangan lang).
apendice (Appendices)
mga mapagkukunan (Resources)
pagsusuri ng kikitain (Estimated Profit)
mga rekomendasyon (Recommendations)
15
Multiple Choice
Sa pagsasagawa ng pag-aaral o feasibility study ukol sa isang negosyong nais itatag, kinakailangan na masuri ang mga alternatibong solusyon upang ____________.
matukoy kung ito ay epektibo o hindi epektibo
maraming mapagpilian ang nagmamay-ari ng negosyo
makita kung ito ay nararapat isagawa o hindi dapat isagawa
maikumpara sa isa’t isa ang mga alternatibong solusyon at mapili ang pinakaepektibong solusyon
16
Multiple Choice
Kinakailangang magkaroon muna ng feasibility study bago simulan ang pagnenegosyo upang ____________.
matiyak na may sapat na bilang ng manggagawa sa negosyong itatayo
makapagbigay ito ng kinakailangang impormasyon patungkol sa pananalapi
makakuha ng tiyak na impormasyon kung magiging matagumpay ang negosyo o hindi
malaman ang mga impormasyon ukol sa mga magiging kakumpetensya (competitors) sa negosyo
17
Multiple Choice
Sa pagsasagawa ng feasibility study hindi nawawala ang bahagi na pagtutuos at paglalaan ng pondo, ito ay kailangan para ________________.
makahanap ng magiging kasosyo sa pagnenegosyo
matukoy ang halaga na dapat kitain mula sa proyekto
matukoy ang halagang dapat ilaan ng may-ari upang maisakatuparan
matiyak na mababayaran ang lahat ng nagsagawa ng pag-aaral at pananaliksik
18
Multiple Choice
Ang pagsasagawa ng feasibility study ay masasabing hindi naging matagumpay kapag hindi nito _________________.
naabot ang mga kinakailangan sa pagtatatag ng negosyo
nakakuha ng mga permit na kailangan sa pagnenegosyo
hindi nakakuha ng mga tauhan sa itatayong negosyo
nakahanap ng mga posibleng supplier ng produkto
19
Multiple Choice
Matapos isagawa ang pag-aaral o feasibility study ang sumusunod ay dapat isagawa ng analyst maliban sa ______________________________.
magbigay ng detalyadong ulat sa pag-aaral na isinagawa
magkaroon ng malikhaing presentasyon ukol sa naisagawang pag-aaral
maglatag ng mga alternatibong pamamaraan upang maisakatuparan ang pagnenegosyo
humingi ng karagdagang pondo para sa mga alternatibong solusyon ukol na problemang natukoy sa pag-aaral
20
Aralin 2-Hakbang sa Pagsulat ng Feasibility Study
Ang pag-aaral sa pagsulat ng feasibility study ay isa mga kasanayan na dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa loob ng akademya. Ito ang isa sa mga paghahanda na magagamit ng mag-aaral sa teknikal-bokasyunal kung ninanais niyang magtayo ng negosyo matapos ang kaniyang pag-aaral sa senior high school. Sa kasalukuyang panahon o kahit noon pa man walang negosyo ang hindi nagsimula sa prosesong ito. Bawat negosyante ay nagkakaroon ng simpleng pananaliksik kung saan maaaring itayo ang kaniyang negosyo at anong produkto o serbisyo ang angkop sa isang lugar. Ilan lamang ito sa mga bahagi ng feasibility study.
21
At ngayon, alam kong nais mong maging matagumpay ang iyong negosyo sa hinaharap at hindi masayang ang perang ilalaan mo para dito. Tara! Simulan mo na ang masusi mong pag-aralan ang bawat bahagi ng feasibility study.
22
Balikan
Tukuyin ang angkop na salita na tinutukoy sa bawat bilang. Piliin sa kahon at isulat ang tamang sagot sa patlang.
23
Fill in the Blanks
24
Fill in the Blanks
25
Fill in the Blanks
26
Fill in the Blanks
27
Fill in the Blanks
28
Open Ended
Tuklasin
Mag-isip ng produkto o serbisyo na sa tingin mo ay mabenta o maaaring ibenta sa mga lugar na nakatala sa ibaba. Isulat din kung bakit iyon ang napili mong produkto o serbisyo.
29
Open Ended
Tuklasin
Mag-isip ng produkto o serbisyo na sa tingin mo ay mabenta o maaaring ibenta sa mga lugar na nakatala sa ibaba. Isulat din kung bakit iyon ang napili mong produkto o serbisyo.
30
Open Ended
Tuklasin
Mag-isip ng produkto o serbisyo na sa tingin mo ay mabenta o maaaring ibenta sa mga lugar na nakatala sa ibaba. Isulat din kung bakit iyon ang napili mong produkto o serbisyo.
31
Open Ended
Tuklasin
Mag-isip ng produkto o serbisyo na sa tingin mo ay mabenta o maaaring ibenta sa mga lugar na nakatala sa ibaba. Isulat din kung bakit iyon ang napili mong produkto o serbisyo.
32
Open Ended
Tuklasin
Mag-isip ng produkto o serbisyo na sa tingin mo ay mabenta o maaaring ibenta sa mga lugar na nakatala sa ibaba. Isulat din kung bakit iyon ang napili mong produkto o serbisyo.
33
Suriin
Kahulugan ng Feasibility Study
Ano ang feasibility study?
Ang feasibility study ay isang pamamahala ng pananaliksik na ginagamit upang masuri kung ang negosyong may produkto or serbisyo ay maaaring bang isagawa bago ito paglaanan ng pondo o kapital. Kalimitan naghahanap ang mga negosyanteng kapitalista ng mga tagasuri sa lugar na pagtatayuan ng kanilang negosyo. Inaalam ng mananaliksik ang kalakasan, kahinaan at uri ng negosyong aangkop batay sa pangangailangan ng mga taong naninirahan sa lugar na napili. Tinitiyak ng mananaliksik o analyst na lahat ng detalyeng makakalap at mailalapat sa feasibility ay may sapat at tamang datos.
34
Kahalagahan ng Feasibility Study?
Sa pagtatayo ng isang negosyo mahalagang malaman kung anong uri ng negosyo (produkto o serbisyo) ang naaangkop sa lugar na napili. Bago buksan ang mungkahing negosyo mahalagang malaman ng may-ari ang siyentipikong proseso na dapat isagawa upang maging matagumpay sa hinaharap. Sa pagsasagawa ng feasibility study kinakailangan na ang may-ari o mga mamumuhunan ay kumuha ng system analyst o mananaliksik na susuri sa magiging kalagayan ng itatayong negosyo.
Sa araling ito, malalaman mo ang mga hakbang at pamamaraan sa pagsulat ng feasibility study.
35
Bahagi ng Feasibility Study
Deskripsyon ng Negosyo (business or project description)– sa bahaging ito tutukuyin ang ninanais o mga mungkahi na pangalan para sa negosyong itatayo kabilang ang mga taong magtatatag nito at ang inaasahang kalalabasan ng negosyong itatatag. Makikita rin dito ang mga impormasyon na nakalap ukol sa pag-aaral ng negosyong papasukin.
36
Bahagi ng Feasibility Study
Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo (product or service description)– dito inilalarawan ang produkto o serbisyong nakapaloob sa negosyong itatayo. Maaaring ito ay pagkain, mga damit, gadgets, at iba pa. Ito ay batay sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pananaliksik.
37
Bahagi ng Feasibility Study
Layunin (Goals and Purpose)– sa pagsulat ng feasibility study mahalagang maitala ang mga panandalian at pangmatagalan na layunin at ano-ano ang proseso upang makamit ang mga layuning naitala. Bigyang-diin ang kahalagahan ng mga layuning ito at kung sino ang mga makikinabang. Kabilang din sa bahaging ito ang panahon na sisimulan ang pagtatayo ng negosyo hanggang sa ito ay matapos at maaari ng buksan sa publiko.
38
Bahagi ng Feasibility Study
Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo (Costs and Funding) – Itala ang mga magagastos sa pagtatayo ng negosyo. Alamin ang kakailanganing puhunan sa mga produkto kabilang na ang halaga ng mailalaan sa isasagawang pananaliksik o feasibility study.
39
Bahagi ng Feasibility Study
Pagsusuri ng Lugar (Market Analysis) – sa bahaging ito, aalamin ang lugar na nais maging lokasyon ng produkto at negosyong itatayo. Aaralin ng mananaliksik kung magiging malakas o mahina ang kikitain ng negosyo sa pipiliing lokasyon. Titiyakin ng pag-aaral na ito na ligtas ang seguridad ng produkto at mga tauhan ng isang negosyo. Kinakailangang maitala ng detalyado ang mga posibleng banta, hadlang, at solusyon (kung kakayanin) para sa napiling lugar.
40
Bahagi ng Feasibility Study
Mga Mapagkukunan (Resources) – kilalanin ang mga mapagkukunan o supplier ng produkto, kagamitan, tulong teknikal. Gayundin ang ahensya na maaaring magpadala ng mga empleyado na kakailanganin sa negosyo.
41
Bahagi ng Feasibility Study
Mamamahala (Management and Teams) – itatala ang mga maaaring mamahala o kung kinakailangan bang kumuha ng karagdagang tao sa pagpapatakbo nito. Isa-isahin ang mga gawain na nangangailangan ng taong gaganap at susubaybay sa negosyo.
42
Bahagi ng Feasibility Study
Pagsusuri ng Kikitain (Estimated Profit) - ilalahad dito ang kikitain ng produkto o serbisyo sa bawat araw. Pag-aaralan kung sasapat ba ang kita sa bawat araw, linggo, buwan para tustusan ang pasuweldo, upa, puhunan, kuryente, tubig, internet connection, at aktwal na kita ng may-ari.
43
Bahagi ng Feasibility Study
Estratehiya sa Pagbebenta (Marketing Strategy)- ilalagay sa bahaging ito ang mga mungkahing pamamaraan na dapat tahakin upang makapanghikayat ng mga tatangkilik ng produkto o serbisyo. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang kakayahan ng mamimili at nakaugalian sa pagtangkilik ng produkto o negosyo. At maaari rin maglunsad ng makabagong pamamaraan ng hindi pa natutuklasan ng mamimili at tiyak na makakapukaw ng kanilang interes.
44
Bahagi ng Feasibility Study
Daloy ng Proseso (Process Flow) – Ipakita ang daloy sa pagbuo ng plano para sa negosyo. Maaaring gumamit ng flow chart bilang representasyon.
45
Bahagi ng Feasibility Study
Mga Rekomendasyon (Recommendations)– ibigay ang karagdagang impormasyon na makatutulong sa pagdedesiyon ng may-ari ng negosyo bago niya pormal na simulan ang pagtatayo nito.
46
Bahagi ng Feasibility Study
Apendise (Appendices)- nakapaloob dito ang ilan sa mga mahahalagang dokumento na maaaring isaalang-alang sa pagtatayo ng negosyo. Tulad ng kontrata sa supplier, lugar ng pagtatayuan, talaan ng mga permit at forms sa ahensya ng barangay, lokal, at pambansang pamahalaan (kung kailangan lang).
47
Kinalabasan Feasibility Study
Matapos maisagawa ang pananaliksik, dito maaaring matukoy ng may-ari kung itutuloy pa ang pagbubukas ng negosyo. Ang isang mahusay na feasibility study ay nagpapakita ng totoong senaryo bunga ng maingat na pag-aaral at pananaliksik. Narito ang dapat makita sa isinagawang pag-aaral:
48
Kinalabasan Feasibility Study
Suliraning kahaharapin – kung natukoy ito sa pag-aaral, kailangan pagtuunan ito ng panahon ng may-ari ng itatayong negosyo.
49
Kinalabasan Feasibility Study
Alternatibong Hakbangin – may iba pa bang paraan na maaaring magawa kung sakaling may maging banta o hadlang sa itatayong negosyo.
50
51
52
Open Ended
Pagyamanin
Gawain 1 Sagutin nang mabuti ang tanong.
Anong bahagi ng ipinakitang halimbawa na feasibility study ang nais mong baguhin at paunlarin? At bakit?
53
Open Ended
Gawain 2 Pagsasaliksik ng Feasibility Study sa Online
Maghanap ng isang feasibility study sa online o sa mga aklat, basahin at unawain itong mabuti. Mula sa nabasang halimbawa hanapin ang mga hinihingi ng graphic organizer sa ibaba.
54
Open Ended
Gawain 3 Pagbibigay ng halimbawa
Magbigay ng limang halimbawa ng negosyo at punan ng impormasyon ang talahanayan batay sa bahagi ng feasibilty study.
55
Isaisip
Basahin at tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang wastong sagot.
56
Dropdown
57
Isagawa
Tamang Pagpapasya sa Pagbuo ng Feasibility Study
Nais kong basahin mo ang maikling kwento ni Luzviminda na tutulong sa iyo upang maibigay mo ang tamang pagdedesisyon sa paggawa o pagbuo ng iyong feasibility study.
58
Open Ended
Karagdagang Gawain
Basahin ang scenario at pagkatapos ay punan ng angkop na impormasyon ang talahanayan.
Ikaw ay naatasan ng iyong guro sa paaralan na gumawa ng isang pag-aaral ukol sa proyekto ng paaralan na “Project TASTE”, layunin ng proyektong ito na makapangalap ng pondo mula sa mga produktong ginawa ng mga mag-aaral sa Tech-Voc. Ang nasabing pondo ay gagamitin ng mga mag-aaral sa kanilang field immersion sa mga kilalang hotel sa bansa subalit nangangailangan ito ng malaking pondo.
Sa pamamagitan ng tsart, magtala ng tatlong konsepto ng produkto o serbisyo na maaaring ipasok sa Project TASTE base sa natutuhan mo matapos ang pansariling pagtuklas sa araling ito. Sa ikatlong kolum naman, maaaring magtala ng katanungan kung may malabong impormasyong hindi naunawaan.
Filipino sa Piling
Larang Teknikal
Bokasyunal
Ikalawang Markahan Ika lawang Linggo Hakbang sa Pag sulat ng Feasibility Study
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 58
SLIDE
Similar Resources on Wayground
63 questions
CentLit L2: Philippine Literary Periods TOA
Presentation
•
11th Grade
47 questions
Modyul 3 para sa Sariling Pagkatuto Mga Uri ng Pagsulat
Presentation
•
12th Grade
56 questions
Sining ng Paghahanap
Presentation
•
9th - 10th Grade
55 questions
Modyul 15 para sa Sariling Pagkatuto Pagsusuri at Pagsulat ng T
Presentation
•
12th Grade
51 questions
DEMAND
Presentation
•
9th Grade
61 questions
m5 national artist-cinema/fashiondesign
Presentation
•
12th Grade
47 questions
NRP FILIPINO W5: RAMA AT SITA
Presentation
•
9th Grade
Popular Resources on Wayground
28 questions
US History Regents Review
Quiz
•
11th Grade
36 questions
Biology Regents Review
Quiz
•
9th - 10th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
38 questions
Regents Life Science General Review
Quiz
•
9th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
21 questions
EOY Grade 6 Benchmark Assessment - Content Skills
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for Other
28 questions
US History Regents Review
Quiz
•
11th Grade
45 questions
Earth and Space Science Regents: Exam Cram
Presentation
•
7th - 12th Grade
35 questions
US History - Regents Review - President, Amendments, Court Cases
Quiz
•
11th Grade
50 questions
US History Comprehensive Final Exam
Quiz
•
9th - 12th Grade
50 questions
US History Regents Practice Exam
Quiz
•
11th Grade
30 questions
US History Regents Review #3
Quiz
•
11th Grade
16 questions
TSI Math 2.0 Practice
Quiz
•
9th Grade - University
25 questions
US History Regents Review # 1
Quiz
•
11th Grade