Search Header Logo
Modyul 3 para sa Sariling Pagkatuto Mga Uri ng Pagsulat

Modyul 3 para sa Sariling Pagkatuto Mga Uri ng Pagsulat

Assessment

Presentation

Other

12th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Edgar Monte

FREE Resource

18 Slides • 29 Questions

1

Filipino sa PilingLarang
(Akademik)

Modyul 3-Para sa Sariling Pagkatuto

Mga Uri ng Pagsulat

2

M G A I N A A S A H A N

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat;

2. Nabibigyang-kahulugan at halimbawa ang bawat uri ng pagsulat;at

3. Natutukoy ang sariling kahinaan sa pagsulat at nakaiisip ng paraan

ng pagpapaunlad dito

3

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang hindi kabilang sa pangkat.Isulat ito sa kwaderno o malinis na papel.

4

Fill in the Blanks

5

Fill in the Blanks

6

Fill in the Blanks

7

Fill in the Blanks

8

Fill in the Blanks

9

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang T kung tama at M kung mali ang paglalarawan sa bawat bilang.

10

Multiple Choice

Inaasahan na sa akademikong pagsulat ay tumpak, pormal, impersonal at

obhetibo.

1

Tama

2

Mali

11

Multiple Choice

Pangunahing pinagtutuunan ng akademiya ay ang mga gawaing

akademiko,ang mga gawaing labas dito ay tinatawag na di-akademik o diakademiko.

1

Tama

2

Mali

12

Multiple Choice

Anomang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang

pangangailangan sa pag-aaral ang akademikong pagsulat.

1

Tama

2

Mali

13

Multiple Choice

Layunin ng akademiko ay magbigay ng sariling opinyon.

1

Tama

2

Mali

14

Multiple Choice

Sa akademiko ay kinikilala ang iba’t ibang publiko bilang audience.

1

Tama

2

Mali

15

ARALIN

Mga Uri ng Pagsulat

Maraming uri ng pagsulat. Mauuri ito ayon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga tao sa lipunan.Maaaring magbigay impormasyon ukol sa isang paksa o isyu ang isang manunulat. Maaari rin naman siyang tumalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari at pook o kaya’y magsulat ng isang simpleng akdang nagbibigay-aliw sa mga mambabasa.Ang mga ito ang itinuturing na mga batayan at mahahalagang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao.

16

Sa bahaging ito ng pag-aaral, tatalakayin ang mga uri ng pagsulat na madalas na kailanganin sa pag-aaral.

1. Akademiko.Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing

akademiko mula sa antas primarya hanggang sa doktoradong pagaaral. Ang akademikong pagsulat ay maaaring maging kritikal na

sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

17

2. Teknikal. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin.

18

Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito ang iba pang sabkategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science o technology. Samakatuwid, ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang espesipikong audience o pangkat ng mga mambabasa.

19

3. Dyornalistik. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum,lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin. Napakaispesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipikong kurso para rito , ang AB Journalism, bagama’t bahagi rin ito ng pag-aaral ng ibang kurso tulad ng AB at BSE sa Ingles at Filipino. May mga pagkakataon ding ino-offer ang uri ng pagsulat na ito bilang isang elektib sa mga paaralang hayskul.

20

4. Reperensyal. Reperensyal ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sinomang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa reperens na tinukoy.

21

Madalas itong makita sa mga teksbuk na tumatalakay sa isang paksang ganap na ang saliksik at literatura mula sa mga awtoridad.Makikita rin ito sa mga pamanahong-papel, tesis at disertasyon lalo na sa bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura. Dahil nga reperensyal ang pangunahing layunin nito, samakatuwid, ang paggawa ng bibliograpi, indeks at maging ang pagtatala ng mga impormasyon sa note cards ay maihahanay sa

ilalim ng uring ito.

22

5. Propesyonal. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa

isang tiyak na propesyon. Bagama’t propesyonal nga, itinuturo na

rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral.Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga pulis, investigative report

ng mga imbestigador, mga legal forms, briefs at pleadings ng mga

abogado at legal researchers at medical report at patient’s journal

ng mga doktor at nars.

23

6. Malikhain. Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay

ang imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaaring piksyonal at dipiksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong paganahin ang

imahinasyon,bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.

Samakatuwid, ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at

malikhaing sanaysay ay maihahanay sa ilalim ng uring ito.

Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma,tayutay, simbolismo,pahiwatig at iba pang creative devices ang mga akda sa

uring ito.

24

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Isulat ang T-kung tama at M-kung mali ang pahayag.

25

Multiple Choice

_____Ang reperensyal na pagsulat ay madalas makita sa mga teksbuk

na tumatalakay sa isang paksang ganap na ang saliksik at literatura

mula sa mga awtoridad.

1

Tama

2

Mali

26

Multiple Choice

Karaniwan ang akademikong pagsulat ay mayaman sa mga

idyoma,tayutay, simbolismo,pahiwatig at iba pang creative devices ang

mga akda sa uring ito

1

Tama

2

Mali

27

Multiple Choice

Espesyalisadong uri ng pagsulat ang teknikal na pagsulat.

1

Tama

2

Mali

28

Multiple Choice

Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na

propesyon ang dyornalistik.

1

Tama

2

Mali

29

Multiple Choice

Kilala rin bilang intelektwal na pagsulat ang malikhaing

pagsulat.

1

Tama

2

Mali

30

B.Panuto:Punan ang patlang ng tamang sagot.Isulat sa kwaderno o malinis na papel.

31

Fill in the Blanks

Type answer...

32

Fill in the Blanks

Type answer...

33

Fill in the Blanks

Type answer...

34

Fill in the Blanks

Type answer...

35

Fill in the Blanks

Type answer...

36

Open Ended

C. Panuto: Sumulat ng sanaysay na naglalaman ng iyong pangangatwiran kung saan mas kabilang na halimbawa ang research paper na uri ng pagsulat. Pumili lamang ng isa.

A. Akademiko

B. Reperensyal

C. Propesyonal

37

Open Ended

Question image

PAGLALAHAT

Ibigay ang anim na uri ng pagsulat at ang konseptong natutunan sa bawat

uri nito.

38

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Gamit ang isang malinis na papel o kuwaderno, sagutin ang

sumusunod na tanong.

39

Open Ended

Batay sa mga uri ng sulating iyong natutuhan ngayong araw, sa anong uri

ng sulatin ka sa palagay mo may mahinang kakayanan ka sa pagsulat at

bakit?

40

Open Ended

Ano sa palagay mo ang pinakamahusay na paraan upang mapaunlad mo

ang kakayanan mo sa ganoong uri ng sulatin?

41

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng uri ng pagsulat na tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag.

42

Multiple Choice

Uri ng pagsulat na nasa masining na paraan.

1

Akademiko

2

Teknikal

3

Dyornalistik

4

Reperensyal

5

Malikhain

43

Multiple Choice

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ang halimbawa nito.

1

Akademiko

2

Teknikal

3

Dyornalistik

4

Reperensyal

5

Malikhain

44

Multiple Choice

Lathalain ang magandang halimbawa nito.

1

Akademiko

2

Teknikal

3

Dyornalistik

4

Reperensyal

5

Malikhain

45

Multiple Choice

Katangian nito ay paggamit ng mga terminolohiya sa isang partikular

na asignatura tulad ng science o technology.

1

Akademiko

2

Teknikal

3

Dyornalistik

4

Reperensyal

5

Malikhain

46

Multiple Choice

Uri ng pagsulat na tinatawag na intelektwal.

1

Akademiko

2

Teknikal

3

Dyornalistik

4

Reperensyal

5

Malikhain

47

media

Filipino sa PilingLarang
(Akademik)

Modyul 3-Para sa Sariling Pagkatuto

Mga Uri ng Pagsulat

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 47

SLIDE