

Grade 6
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Practice Problem
•
Easy
T. Janine v.
Used 2+ times
FREE Resource
13 Slides • 10 Questions
1
Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Hapones
2
Noong Disyembre 8, 1941, nagulantang ang mga Amerikano sa pag-atake ng mga Hapones sa Pacific Fleet na nakabase sa Pearl Harbor, Isla ng Oahu, Hawaii. Humigit-kumulang 200 eroplanong Hapones katulad ng torpedo planes, bombers, at fighter jets ang pinalipad ng mga Hapones upang magdulot ng pinsala sa hukbong pandagat ng mga Amerikano.
Pagbomba ng mga Hapones sa Pearl Harbor
3
Sampung oras matapos ang pag-atake sa Pearl Harbor, nagsimula
ang paglusob ng mga Hapones sa
Pilipinas mula sa himpapawid.
Matapos ang pag-atake mula sa
himpapawid noong Disyembre 22,
sinundan ito ng paglapag ng 43,000
natropang Hapones sa Luzon
4
kumander ng hukbong Amerikano sa Asya-Pasipiko
Douglas MacArthur
5
madaling
natalo ng mga Hapones ang mga tagapagtanggol at napilitan si MacArthur na mag-utos ng
pag-urong ng puwersa patungo sa Tangway ng Bataan.
6
Sa patuloy na paglala ng sitwasyon,
idineklara ni MacArthur na “Open City” na ang Maynila noong Disyembre 26, 1941.
Nangahulugan itong walang
puwersa o kagamitang militar sa loob nito kaya hindi na ito nararapat pang bombahin.
7
Upang mapatotohanan, lahat ng
tropang militar, Pilipino man o
Amerikano, ay lumikas palabas ng
Maynila.
8
Pagbagsak ng Bataan at Corregidor
Nang hindi dumating ang inaasahang dagdag na puwersa at kagamitan mula sa Estados Unidos, tuluyang inilikas ni MacArthur sina Manuel Quezon (pangulo ng Komonwelt) at Sergio
Osmeña (bise). Namalagi sa Estados Unidos ang Pamahalaang Komonwelt bilang pamahalaang takas (government-in-exile)
9
Pagbagsak ng Bataan at Corregidor
Marami sa mga sundalong patuloy na nakipaglaban sa mga Hapones sa Labanan sa
Bataan ang nagkasakit ng malaria at dengue. Napilitan silang kumain ng karne ng unggoy at
kakarampot na kanin dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain. Sa kabila nito, tumagal
ang puwersang Pilipino-Amerikano nang halos 100 araw
10
Pagbagsak ng Bataan at Corregidor
Noong Abril 9, 1942, sumuko ang 76,000 sundalong Pilipino at Amerikano na nasa Bataan.
Ang natirang puwersa ng 13,000 sundalo sa Corregidor ay sumuko naman noong Mayo 6, 1942. Ang pagbasak ng Corregidor ay ang pagbagsak ng Pilipinas sa mga kamay ng mga Hapones
11
Bataan Death March
Matapos sumuko ng mga sundalong Pilipino (66,000) at Amerikano (10,000) sa Bataan, pinagmartsa ng mga Hapones ang mga bihag (prisoners-of-war) simula sa Mariveles, Bataan papunta ng San Fernando, Pampanga.
12
Bataan Death March
Mula rito, isinakay sila sa tren patungo sa
Camp O’Donnell, na dating kampong militar, sa Capas, Tarlac. Tinayang nasa 54,000
sundalo lamang ang nakarating nang buhay sa kampo, sapagkat libo-libo ang namatay
dahil sa pagod, sakit, at dahas ng mga sundalong Hapones
13
sa kasalukuyan
Makikita sa Capas, Tarlac ang isang Pambansang Dambana bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na naging biktima ng Death March
14
Multiple Choice
Anong lugar sa Pilipinas ang idineklara bilang “Open City” noong Disyembre 26, 1941?
Maynila
Cebu
Hawaii
15
Multiple Choice
Anong lugar sa Hawaii ang sinalakay ng mga Hapon noong 1941?
Mauna Loa
Pearl Harbor
The Garden Isle
16
Multiple Choice
Saang grupo ng mga bansa sumapi ang mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
allied powers
Axis Powers
Exile Powers
17
Multiple Choice
Saang lugar sa Pampanga nagtapos ang Death March?
Capas, Tarlac
Mariveles, Bataan
San Fernando, Pampanga
18
Multiple Choice
Saang lugar tuluyang sumuko ang huling mga kawal na
Pilipino sa ilalim ng kapangyarihang Hapon?
Maynila
Corregidor
San Fernando, Pampanga
19
Multiple Choice
Sino ang nagdeklara ng pagiging “Open City” ng isang lugar sa Pilipinas noong 1941?
Heneral Douglas MacArthur
Heneral Arthur MacArthur
Elwell Otis
20
Multiple Choice
Anong pamahalaan ng Pilipinas ang lumikas patungo sa
Corregidor?
Pamahalaang Komonwelt
Pamahalaang Sibil
Pamahalaang militar
21
Multiple Choice
Bukod sa mga bapor na nasa Look ng Maynila, saan pa
nakalagak ang ibang bapor na sinalakay ng mga Hapones?
Marikina River
Pasig River
Tangway ng
Bataan
22
Multiple Choice
Ilan ang tinatayang bilang ng mga eroplanong Hapones na
lumusob sa Pilipinas matapos bombahin Hawaii?
300 eroplanong Hapones
100 eroplanong Hapones
200 eroplanong Hapones
23
Multiple Choice
Saang lugar sa Pilipinas makikita ang Pambansang Dambana na simbolo ng kabayanihan ng mga sumama sa Death March?
Capas, Tarlac
San Fernando, Pampanga
Camp O’Donnell
Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Hapones
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 23
SLIDE
Similar Resources on Wayground
18 questions
Q3_IKATLONG LINGGO
Presentation
•
7th Grade
16 questions
Panghalip Pananong
Presentation
•
5th Grade
18 questions
Harmony ng Musika
Presentation
•
5th Grade
16 questions
Mangita at Larina
Presentation
•
7th Grade
20 questions
ESP 6 - 2nd Qtr - Paggalang sa Ideya ng Kapwa
Presentation
•
6th Grade
20 questions
Q3W2-Filipino
Presentation
•
6th Grade
16 questions
Gamit at Kaukulan ng Pangngalan
Presentation
•
6th Grade
19 questions
1st Quarter EPP-Agriculture Gawain sa Pagkatuto #3
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
24 questions
PBIS-HGMS Day 10
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Review 3
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 3 Review
Quiz
•
5th Grade
35 questions
Lufkin Road Middle School Student Handbook & Policies Assessment
Quiz
•
7th Grade
18 questions
Geo 11.3 Area of Circles and Sectors
Quiz
•
9th - 11th Grade