Search Header Logo
Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto Layunin at Gamit ng Akademik

Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto Layunin at Gamit ng Akademik

Assessment

Presentation

Other

12th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Edgar Monte

FREE Resource

27 Slides • 33 Questions

1

Filipino sa PilingLarang (Akademik)

Modyul 4- Para sa Sariling Pagkatuto

Layunin at Gamit ng Akademikong Pagsulat

2

M G A I N A A S A H A N

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahan na;

A. Nakikila ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin,

gamit,katangian at anyo;

B. Naiisa-isa ang mga layunin at gamit ng akademikong sulatin;at

C. Napahahalagahan ang layunin at gamit ng akademikong sulatin sa

akademikong larangan sa pamamagitan ng islogan.

3

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang letrang A-kung mapanghikayat, B-kung mapanuri at C-kung impormatibo ang sumusunod na sitwasyon.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

4

Multiple Choice

Ang isang manunulat ay pumipili ng isang sagot sa kanyang tanong at

sinusuportahan ito gamit ang mga katwiran,ebidensya at tinatangkang

baguhin ang pananaw ng mambabasa.

1

A-kung mapanghikayat,

2

B-kung mapanuri

3

C-kung

impormatibo

5

Multiple Choice

Ipinaliliwanag at sinusuri ng isang manunulat ang mga posibleng sagot sa

isang tanong at pinipili ang pinakamahusay na sagot.

1

A-kung mapanghikayat,

2

B-kung mapanuri

3

C-kung

impormatibo

6

Multiple Choice

Hindi lahat ng binabasa ng manunulat ay kanyang tinatanggap at

ginagamit.

1

A-kung mapanghikayat,

2

B-kung mapanuri

3

C-kung

impormatibo

7

Multiple Choice

Hindi tinutulak o pinupwersa ng manunulat ang kanyang sariling pananaw

sa mambabasa, sa halip ay kanyang pananaw hinggil sa paksa.

1

A-kung mapanghikayat,

2

B-kung mapanuri

3

C-kung

impormatibo

8

Multiple Choice

Upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon hinggil sa isang

paksa ay ipinaliliwanag ng manunulat ang mga posibleng sagot sa isang

tanong.

1

A-kung mapanghikayat,

2

B-kung mapanuri

3

C-kung

impormatibo

9

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang K- kung Katotohanan at O- kung Opinyon ang isinasaad sa bawat bilang.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

10

Multiple Choice

Malikhain ang tawag sa intelektwal na pagsulat.

1

K- kung Katotohanan

2

O- kung Opinyon

11

Multiple Choice

Sa pagsulat na nasa masining na paraan ay kinakailangan na ginagamitan

ng mga terminolohiya sa isang partikular na asignatura tulad ng science o

technology.

1

K- kung Katotohanan

2

O- kung Opinyon

12

Multiple Choice

Saklaw ng journalistic ang pagsulat ng editoryal,kolum,lathalain at iba pang

akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

1

K- kung Katotohanan

2

O- kung Opinyon

13

Multiple Choice

Madalas sa reperensyal na uri ng pagsulat ay binubuod o pinaiikli ng isang

manunulat ang ideya ng iba pang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan

na maaaring sa paraang talababa.

1

K- kung Katotohanan

2

O- kung Opinyon

14

Multiple Choice

Isa sa halimbawa ng teknikal na pagsulat ay ang feasibility study at ng mga

korespondensyang pampangangalakal.

1

K- kung Katotohanan

2

O- kung Opinyon

15

ARALIN

Layunin ng Akademikong Pagsulat

Nabanggit na rin na ang akademikong pagsulat ay may malinaw na

layunin. Sadya, ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa, at ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin ng isang akademikong papel.(sa Bernales, et. al.,2017).

16

ARALIN

Ang mga karaniwang layunin ng akademikong pagsulat ay

manghikayat,magsuri o magbigay impormasyon (http://www.vsm.sk) na sa mga kasunod na talataan ay ipinaliliwanag.

17

1. Mapanghikayat na Layunin. Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. Kung kaya upang maisakatuparan ang layunin na ito, pumipili siya ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran at ebidensya at tinatangka niyang baguhin ang pananaw ng mambabasa hinggil sa paksa.
Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Posisyong Papel.

18

2. Mapanuring Layunin.Tinatawag din itong analitikal na pagsulat.Ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat,madalas iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen ang mga bunga o epekto,sinusuri ang kabisaan,inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin,pinag-uugnay -ugnay ang iba’t ibang ideya at inaalisa ang argumento ng iba.Kinapapalooban ito ng bahaging sintesis kung saan pinagsama-sama ang iba’t ibang bahagi upang makabuo sa sariling sagot sa tanong kaugnay ng paksa,

Isang halimbawa nito ay ang pagsulat ng Panukalang Proyekto.

19

3. Impormatibong Layunin.Ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa.Naiiba ito sa sinundang layunin dahil hindi tinutulak o pinupwersa ng manunulat ang kanyang sariling pananaw sa mambabasa, manapa’y kanyang pinalalawak lamang ang kanilang pananaw hinggil sa paksa.

Isang halimbawa nito ay ang Pagsulat ng Abstrak.

20

Gamit ng Akademikong Pagsulat

Ayon sa http://www.vsm.sk., academic papers are a specially-designed torture instrument.Gustong-gusto umano itong gamitin ng mga guro dahil hindi sila direktang sangkot sa torture.Ang mga estudyante mismo umano ang nagto-torture sa kanilang sarili sa pamamagitan ng hindi pag-alam kung paano isusulat ang kanilang papel.

21

Ayon sa Bernales, et. al., 2017 ang metaporang naghahambing sa gawaing ito sa isang instrumento ng pagpapahirap ay isang joke o biro lamang.Ang pagsulat ng akademikong pagsulat ay hindi naman dapat maging torture para sa mga estudyante.Kung isasaalang-alang nang mataimtim ng bawat mag-aaral ang mga prinsipyo at konseptong kaugnay ng bawat anyo ng bawat papel,susundin ang mga mungkahing hakbang sa pagsulat ng bawat isa, at ilalapat ang iba pang kaalaman at kasanayang linggwistik,pragmatik, diskorsal at istratedyik sa bawat gawain, halos nakatitiyak na ang akademikong pagsulat ay hindi magiging torturous na karanasan para sa bawat mag-aaral at kalaunan, ang pagbabasa, pagwawasto at pagmamarka ng mga akademikong papel ng mga mag-aaral ay hindi rin magiging torturous para sa mga guro sa Filipino.

22

Sa kabila ng mga pagsisikap ng maraming guro na gawing kawili-wili ang mga gawaing pagsulat sa paaralan, higit na marami pa ring mag-aaral ang hindi nakasusumpong ng interes sa gawaing ito.Ang marami, sa katunayan, ay naiinis, kung hindi man natatakot sa tuwing may gawaing pasulat sa klase. (sa Bernales, et. al.,2017).

23

Ang katotohanan ay ito:Ang akademikong pagsulat ay isang pangangailangan. Sa ibang salita, sa ayaw man o gusto ng mga mag-aaral, ang akademikong pagsulat ay hindi maiiwasan sa lahat ng antas ng pag-aaral.Walang nakakakumpleto ng bawat baitang sa mga mataas na paaralan(junior at senior) nang hindi nagsusulat ng mga akademikong papel. Sa kolehiyo ay wala ring nakatatapos ng kahit na anong kurso nang hindi gumagawa ng akademikong pagsulat.Lalo na sa antas-gradwado. (sa Bernales, et. al.,2017).

24

Maraming dahilan kung bakit isang pangangailangan ang akademikong pagsulat sa lahat ng antas ng pag-aaral.May mga gamit o tungkuling ginagampanan kasi ang gawaing ito na lubhang mahalaga. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod;

25

1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika.Sa apat na makrong kasanayang pangwika,Pagsulat ang pinakahuli.May dahilan ito. Pagsulat kasi ang pinakahuling natututunan ng isang tao at siyang pinakamahirap linangin, kumpara sa Pakikinig,Pagsasalita at Pagbasa,kaya nga gayon na lamang ang pagtutuon ng pansin ng mga paaralan sa kasanayang ito.

26

Hindi sapat na mataas na antas ng kasanayang pangwika sa Pakikinig at Pagbasa.Kailangang matapatan ang mga ito ng mataas ding antas ng kasanayan sa Pagbasa at Pagsulat at nalilinang ang mga ito ng akademikong pagsulat.

27

Sa akademikong pagsulat, nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral.Sa pamamagitan kasi ng aplikasyon ng kaalaman sa gramatika at sintaktita sa mga gawaing pasulat,nalilinang ang kakayahang linggwistik ng mga mag-aaral.Sa pamamagitan naman ng paglalapat ng mga prinsipyong pangkomunikasyon sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang pragmatik ng mga mag-aaral.Samantala, sa pag-oorganisa ng mga akademikong papel,nalilinang ang kakayahang diskorsal ng mga mag-aaral.Mga kakayahan itong humuhubog sa mga mag-aaral upang maging mabisang komyunikeytor.

28

2.Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa bilang isang awtput.Ang prosesong ito ay maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain.

29

Ang isang mahusay na manunulat ay isang mahusay na mambabasa.Halos imposibleng makasulat ng isang mahusay na akademikong papel ang isang manunulat nang hindi nagbabasa.Sa yugtong ito, ang manunulat ay nagsusuri rin ng kanyang binasa.Hindi lahat ng kanyang binabasa kasi ay kanyang tinatanggap at ginagamit.Pumapaloob din siya sa mga sub-proseso ng mga konsepto,pagbuo ng lagom at konklusyon at iba pa.Bumubuo rin siya ng mga pasya kaugnay ng kanyang sulatin. Mga gawain itong lumilinang ng kritikal na pag-iisip na kailangang-kailangan upang ang isang indibidwal ay maging matagumpay hindi lamang sa akademya, kundi lalo’t higit sa iba’t ibang gawain at larangan sa labas ng paaralan.

30

  1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang nalilinang sa paaralan.Higit na mahalaga sa mga ito, tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral.

31

Sa pamamagitan, kung gayon, ng akademikong pagsulat, inaasahang malilinang ang katapatan sa bawat mag-aaral.Halimbawa, paulit-ulit ang pagbibigay -diin ng mga may-akda at ng mga guro sa intellectual honesty sa pagsulat ng ano mang akademikong papel.Ang akademikong pagsulat ay inaasahan ding makapagtuturo sa mag-aaral ng halaga ng kasipagan, pagtitiyaga,pagsisikap,responsibilidad, pangangatwiran at pagpapanatili ng bukas na isipan.Samantala,may mga gawaing pasulat na kailangang gawin nang pangkatan.Kung gayon, inaasahang malilinang sa mga mag-aaral ang kooperasyon sa mga gawaing ito, maging ang paggalang sa individual,ethnic o racial differences. Dahil sa pagsulat ng bawat akademikong papel ay may mga hakbang at panuto na dapat sundin, nalilinang din sa pagsulat nito ang pagkamasunurin at disiplina.Ang lahat ng nabanggit na may pagpapahalagang ito ay lubhang mahalaga upang ang isang indibidwal ay maging matagumpay sa loob at labas ng paaralan.

32

4. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.Hindi lamang mga propesyonal na manunulat tulad ng mga mamamahayag at mga awtor ang nagsusulat.Halos lahat ng maiisip na propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat.Halimbawa, ang mga doktor ay gumagawa ng medical abstract at patient’s medical history.Ang mga abogado ay nagsusulat ng pleadings at position papers.Ang mga pulis ay nagsusulat ng police report at blotter.Ang mga engineer at mga arkitekto ay kailangan minsang gumawa ng project proposal.Ang mga guro ay regular na pinagagawa ng action research.Karaniwan din sa negosyo ang pangangailangan ng feasibility study.Ang iba pang propesyonal ay hinihingian ng kung ano-anong pasulat na report magkaminsan man o palagian, sa pribado man o publikong sektor.

33

Kung gayon, ang akademikong pagsulat sa Senior High School (SHS) sa academic track ay hindi lamang isang paghahanda sa mga mag-aaral sa mga higit na mapanghamong gawain sa kolehiyo.Totoo namang ang SHS ay nagsisilbing tulay upang mapunan ang dating umiiral na gap sa pagitan ng hayskul at kolehiyo.Higit na prospektibo ang layunin ng akademikong pagsulat sa SHS at ito ay ang paglinang ng global na kompetetibnes sa mga Pilipinong propesyonal. (sa Bernales, et. al.,2017).

34

MGA PAGSASANAY

A.Panuto:Isulat ang L-kung layunin at G- kung gamit ng akademikong

pagsulat ang tinutukoy sa bawat bilang.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

35

Multiple Choice

Ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan ay ipinapaliwanag

at sinusuri ang mga posibleng sagot sa isang tanong at pinipili.

1

L-kung layunin

2

G- kung gamit ng akademikong

pagsulat

36

Multiple Choice

Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa

bilang isang awtput.

1

L-kung layunin

2

G- kung gamit ng akademikong

pagsulat

37

Multiple Choice

Ang posisyong papel ay isang halimbawa ng mapanghikayat na sulatin.

1

L-kung layunin

2

G- kung gamit ng akademikong

pagsulat

38

Multiple Choice

Sa akademikong pagsulat inaasahang malilinang ang katapatan sa bawat

mag-aaral.

1

L-kung layunin

2

G- kung gamit ng akademikong

pagsulat

39

Multiple Choice

Kinasasangkutan ng pagsulat ang halos lahat ng maiisip na prpesyon.

1

L-kung layunin

2

G- kung gamit ng akademikong

pagsulat

40

B. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang letrang hindi kabilang sa

pangkat.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

41

Multiple Choice

Impormatibong Layunin

1

Posisyong Papel

2

Abstrak

3

Pamanahong Papel

4

Disertasyon

42

Multiple Choice

Lumilinang sa kahusayan sa wika

1

linggwistik

2

pragmatik

3

diskorsal,

4

estatik

43

Multiple Choice

Lumilinang sa Pagpapahalagang Pantao

1

kasipagan

2

katiyagaan

3

pagkamaginoo

4

pagsisikap

44

Multiple Choice

Paghahanda sa Propesyon

1

medical abstract

2

pleadings

3

C.feasibility study

45

Multiple Choice

Lumilinang ng Mapanuring Pag-iisip

1

pag-uuri

2

pag-uugnay ng

konsepto

3

konklusyon

4

pangangatwiran

46

Open Ended

C.Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod gamit ang iyong sariling

pangungusap.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. Layunin ng Akademikong Pagsulat

B. Gamit ng Akademikong Pagsulat

47

Open Ended

Question image

PAGLALAHAT

Panuto: Isulat ang tinutukoy sa bawat dayagram.Isulat ang sagot sa

sagutang papel.

48

Open Ended

Question image

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Pagnilayan at tangkaing sagutan ang tanong na nasa ibaba.Sagutin

ang tanong sa pamamagitan ng islogan.Isulat sa isang puting papel.

49

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang W- kung wasto at DW- kung di wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

50

Fill in the Blanks

Type answer...

51

Fill in the Blanks

Type answer...

52

Fill in the Blanks

Type answer...

53

Fill in the Blanks

Type answer...

54

Fill in the Blanks

Type answer...

55

Fill in the Blanks

Type answer...

56

Fill in the Blanks

Type answer...

57

Fill in the Blanks

Type answer...

58

Fill in the Blanks

Type answer...

59

Fill in the Blanks

Type answer...

60

media

Filipino sa PilingLarang (Akademik)

Modyul 4- Para sa Sariling Pagkatuto

Layunin at Gamit ng Akademikong Pagsulat

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 60

SLIDE