Search Header Logo
GM8_Q4_W3_ PAGMAMALASAKIT

GM8_Q4_W3_ PAGMAMALASAKIT

Assessment

Presentation

Other

8th Grade

Practice Problem

Hard

Created by

Lonielyn Palo

Used 3+ times

FREE Resource

20 Slides • 0 Questions

1

Pagmamalasakit

By Lonielyn Palo

2

media


Pagmamalasakit sa Kapwa ay ilaan, anomang lahi ang kanyang pinagmulan.


3

Layunin:

  1. Naibibigay ang ideya at konsepto sa tulong ng pagbabahagian,

  2. Naibibigyang - kahulugan ang matalinghagang pahayag sa binasa,

  3. Nasusuri ang tono ng akday batay sa napakinggang mga bahagi,

  4. Naipaliwanag ang sariling saloobin o impresyon tungkol sa mahalagang mensahe at damdamin na hatid ng may akda,

  5. Naisusulat ang saknong tungkol sa pagtulong sa anyo sa isang makabuluhang tula, at

  6. Nalalapatan ng himig ang isinulat na orihinal na tula na may tamang anyo at kaisahan.

4

media

5

media

Pananagutan

Liriko ni Jaymie Rivera

Walang sinoman ang nabubuhay

Para sa sarili lamang

Walang sinoman and namamatay

Para sa sarili lamang

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos

Na kapiling n’ya

Sa ating pag mamahalan at panglilingkod

Sa kanino man

Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos

Na kapiling n’ya

Sabay sabay mag aawitan

Ang mga bansa

Tayo tinuring na panginoon bilang mga anak

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling n’ya

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos

Na kapiling n’ya

6

Sa pagkakataong ito ay matutuklasan mo kung paano ipakikita ang

kaugnayan ng awit na iyong pinakinggan sa katauhan ni Aladin. Basahin at unaawin mo itong mabuti at sagutin nang pasalita ang mga tanong kasunod nito.

media

7

Talasalitaan

media
media

8

media

9

89 Katawan mo Ama’y parang namamalas

ngayon ang bunso mong lugami sa hirap

pinipisang-pisang at iniwawalat

ng pawa ring lilo’t berdugo ng sukab.

90 “Ang nagkahiwalay na laman mo’t buto,

kamay at katawang nalayo sa ulo,

ipinaghagisan niyong mga lilo

at walang maaawang maglibing na tao.

10

Inalala din niya ang ama na hanggang sa huling sandali ay siya ang iniisip

nito at kung paano ito naging mabuti at mapagmahal na ama. Ngunit sa kamay ng kaaway, namatay itong wala mang lang naglakas ng loob upang kunin ang bangkay at ilibing. Nang tumigil si Florante sa kaniyang pagtangis, hindi napigilan ng Moro na luha ay tumulo dahil sa habag niya dito. Hindi rin naiwasan nitong ihambing ang ama, at umasam na mapag-ukulan din siya nito ng kaparis na pagmamahal ng taong nanambitan. Ngunit simula pa noon, ang luhang inuukol niya sa ama ay hindi dahil sa pag-ibig kundi pagdurusa. Ang tanging palayaw pang naaalala sa

ama ay ang pag-agaw nito sa kasintahan at pagnanais na makitil ang kaniyang

buhay.

11

104 “May para kong anak na napanganyaya,

ang layaw ng ama’y dusa’t pawang luha

hindi nakalalasap ng kahit munting tuwa

sa masintang inang pagdaka’y nawala!”

Muling napahinto ang Moro nang marinig muli ang tinig at nagwika ng pamamaalam sa kasintahang si Laura na hanggang sa huli, ay mamahalin niya hanggang kamatayan.

106 “Lumagi ka nawa sa kaligayahan

sa harap ng di mo esposang katipan

at huwag mong datnin yaring kinaratnan,

ng kasing nilimot at pinagliluhan.

107 “Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin,

mahal ka ring luha dini sa panimdim;

at kung mangyayari, hanggang sa malibing

ang mga buto ko, kita’t sisintahin.”

12

Sa inyong palagay, kailang kaya nagaganap ang pinakamalungkot na pamamaalam?

Kailan natin nabibigkas ang salitang PAALAM?

Paalam

13

119 “Yaong aking Laurang hindi mapapaknit

ng kamatayan man sa tapat kong dibdib;

paalam, bayan ko, paalam na ibig,

mandarayang sintang di manaw sa isip.

120 “Bayang walang-loob, sintang alibugha,

Adolfong malupit, Laurang mandaraya,

magdiwang na ngayo’t mang-ingay sa tuwa

at masusunod na sa akin ang nasa.

114 “Paalam, Albanyang pinamamayanan;

ng kasam-a’t lupit, bangis, kaliluhan;

akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay,

sa iyo’y Malaki ang panghihinayang.”

Replace this with a header

14

119 “Yaong aking Laurang hindi mapapaknit

ng kamatayan man sa tapat kong dibdib;

paalam, bayan ko, paalam na ibig,

mandarayang sintang di manaw sa isip.

120 “Bayang walang-loob, sintang alibugha,

Adolfong malupit, Laurang mandaraya,

magdiwang na ngayo’t mang-ingay sa tuwa

at masusunod na sa akin ang nasa.

114 “Paalam, Albanyang pinamamayanan;

ng kasam-a’t lupit, bangis, kaliluhan;

akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay,

sa iyo’y Malaki ang panghihinayang.”

Hindi pa natatapos ni Florante ang kaniyang pangungusap ng mayroong dalawang mabangis na leon ang humahangos papalapit sa kaniya. Ngunit natigil nang nasa harap na ng binata. Parang nawalan ng bangis at naawa sa kahabaghabag na itsura ng binata. Waring nauunawaan ng mga ito ang sandali ng pamamalam ng binata.

15

119 “Yaong aking Laurang hindi mapapaknit

ng kamatayan man sa tapat kong dibdib;

paalam, bayan ko, paalam na ibig,

mandarayang sintang di manaw sa isip.

120 “Bayang walang-loob, sintang alibugha,

Adolfong malupit, Laurang mandaraya,

magdiwang na ngayo’t mang-ingay sa tuwa

at masusunod na sa akin ang nasa.

Hindi na nakatiis ang gerero sa kaniyang pakikinig. Tinunton niya ang boses, hindi ito tumigil hangga’t hindi ito natatagpuan. Naabutan niya ito kahabag-habag na nakatali sa puno ng Higera na sa hirap na binata ay nawalan ng malay. Handa nang sumalakay ang mga leon dahil sa gutom. Kaagad naman kumilos si Aladin upang makipaglaban. Gamit ang kaniyang matalim na kalis, at husay sa paghawak ng sandata, napatay niya ang dalawang leon.

16

Hindi na nakatiis ang gerero sa kaniyang pakikinig. Tinunton niya ang boses, hindi ito tumigil hangga’t hindi ito natatagpuan. Naabutan niya ito kahabag-habag na nakatali sa puno ng Higera na sa hirap na binata ay nawalan ng malay. Handa nang sumalakay ang mga leon dahil sa gutom. Kaagad naman kumilos si Aladin upang makipaglaban. Gamit ang kaniyang matalim na kalis, at husay sa paghawak ng sandata, napatay niya ang dalawang leon. Matapos ito, naluluhang kinalagan ni Aladin ang binata. Kinalong ang binata at pinagmasdang mabuti ang mukha. Hinilingan niyang sana ay magkamalay na ang binata. Nang magkamalay ito, si Laura pa rin ang hinahanap. Hindi nagsalita si Aladin sa takot na baka mabigla ito at tuluyang mapatid ang hininga, kaagad din

nawalan ng muli malay.Nang muling magkamalay, napaigtad ito nang malamang nasa kamay ng kaaway.

17

146 Nang muling mamulat ay nagitlahan,

“Sino? Sa aba ko’t nasa Morong kamay!”

Ibig na iigtad ang lunong katawan,

nang hindi mangyari’y nagngalit na lamang.

Sumagot ang gerero at sinabing huwag siyang mag-alala at ligtas na sa kapahamakan. Sinabi rin na niya na bagama’t magkaiba ang kanilang bayan at relihiyon, hindi niya matiis na hindi tulungan ang binata. Anito,

149 Ipinahahayag ng pananamit mo,

taga Albanya ka at ako’y Pers’yano;

ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko,

sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.

18

Nang marinig ito ni Florante, napabuntong-hininga ito, sinabi nitong kung hindi siya dumating ay kinain na ito ng mga leon ngunit payapa na rin naman ang kaniyang dibdib. Hindi niya hinahangad ang awa, at handa nang mamatay sa kamay ng kaaway dahil sa dinadalang hirap at sakit ng kalooban. Nang marinig ito ng Moro, napahiyaw ito sa labis na awa sa binata.



Magdamag na walang malay ang binata. Nang sumikat ang araw ay binuhat ng Morong gerero ang naghihinang katawan ng binata. Bumalik siya sa unang lugar na pinuntahan. Inihiga si Florante sa malapad at malinis na bato. Kumuha

.

19

ng pagkain ang Moro sa baong dala at pilit na pinakain si Florante. Sa buong

magdamag ay hindi natulog ang gerero sa takot na makagat ng hayop na naggagala

sa gubat ang binatang nakahiga. Nang mag-umaga ay nagkaroon ng lakas ang

binata at sa tuwa ng Moro ay niyakap niya ito. Inaliw ng Moro ang binatang taglay

pa rin ang pinagdaanang hirap at sakit. Kaniyang hiniling dito na sana nais niyang

malaman ang mga pasakit nito.

1. Sino ang gererong tumulong kay Florante sa gitna ng panganib? Ilarawan.

2. Sino-sino ang mga binanggit ni Florante sa kaniyang pamamaalam?

3. Ano ang kinahinatnan ng pamamalaam ni Florante? Natuloy ba ito? Bakit?

4. Paano nailigtas ng gererong moro si Florante? Isalaysay.

5. Ano ang hinaing ni Aladin sa kaniyang ama? Bakit ganoon na lamang ang kaniyang pagkabigo rito?

6. Paano nagkakaiba at nagkakatulad ang dalawang amang binanggit ng

dalawang anak? Ilarawan sila gamit ang Venn Diagram.

.

20

media

Pagmamalasakit

By Lonielyn Palo

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 20

SLIDE