Search Header Logo
Week 6-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL

Week 6-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Hard

Created by

Edgar Monte

FREE Resource

23 Slides • 48 Questions

1

Filipino sa Piling

Larang Teknikal

Bokasyunal

Unang Markahan Ika anim na Linggo: Menu ng Pagkain

2

Alamin

Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika- Menu ng Pagkain (CS_FTV11/12WG-0m-o95)

3

Alamin

1. Natutukoy ang mga katangian ng menu ng pagkain;

2. Naiisa-isa ang hakbang sa pagbuo ng isang menu ng pagkain;

3. Nakalilikha ng isang malikhain menu ng pagkain;

4. Naipagmamalaki ang pagkaing kilala sa kanilang lugar; at

5. Nakapagninilay sa napag-aralan sa pamamagitan ng pagbuo ng makabuluhang proyekto

4

Subukin

Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

5

Multiple Choice

Ano ang tawag sa sulating teknikal na pangunahing pinagkukuhanan ng

impormasyon sa isang kainan?

1

Leaflets

2

Liham Pangnegosyo

3

Manwal

4

Menu ng Pagkain

6

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa pagpaplano ng menu?

1

pagkaing ihahanda

2

larawang ilalagay

3

pag-eendorso

4

presyo ng pagkain

7

Multiple Choice

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi kasama sa dapat isaalang-

alang sa pagpaplano ng menu?

1

Masasarap ang piliin natin dagdagan na lang ang presyo.

2

Mas magandang makita ng mamimili na ang presyo ay abot kaya.

3

Hindi ako gagamit ng sangkap na makasasama sa kalusugan ng kakain.

4

Maglalagay ng putaheng angkop sa mga kakain, isinasaalang-alang ang

relihiyon at kanilang diyeta.

8

Multiple Choice

Ano ang patnubay sa pagsasagawa ng menu ang ipinapakita ng sitwasyon,

“Mas mainam na maisa-isa ko ang mga nakalagay na mga salita upang

maiwasan ang maling baybay sa mga detalye nito.”

1

Iwasan ang paggamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal na sahog.

2

Ipakita ang personalidad ng pangkaing ilalarawan.

3

Iwasan ang paggamit ng salitang pang-ugnay.

4

Iwasan ang tipograpikal na pagkakamali.

9

Multiple Choice

Ano ang isinasaalang-alang sa sitwasyong ito, “Mahigpit ang may-ari ng

kainan sa pagtanggap ng tagaluto dahil sinisiguro niyang may kaalaman ito

pagdating sa pagluluto?”

1

matipid

2

masustansiya

3

panlabas na anyo

4

kakayahan sa Pamamahala

10

Multiple Choice

Ang menu ng pagkain ng Kainan ni Manay ay nakahahalina dahil sa

kinakikitaan ng kaaya-ayang paglalarawan sa pagkaing kanilang hinahain.

1

mayroong paglalarawan

2

nakaayos ang uri ng pagkain

3

gumagamit ng mga larawan

4

mayroong nakalagay na presyo

11

Multiple Choice

Napakaginhawa para sa tumatangkilik ng “Aling Loring’s Restaurant” na

pumili ng makakain dahil makikita sa menu ang pagkakaayos ng pagkain

batay sa uri.

1

nakaayos ang uri ng pagkain

2

mayroong nakalagay na presyo

3

mayroong paglalarawan

4

gumagamit ng mga larawan

12

Multiple Choice

Napakainam kung lalagyan ko ng mga larawan ang bawat putahe upang

makita ang hitsura at porma nito.

1

pagpaplano ng lalamanin

2

pagsulat at lay-out

3

reproduksyon

4

rebisyon

13

Multiple Choice

Minabuti ni Loida na isaalang-alang ang katipiran, sustansiya at

kagamitang gagamitin bago isagawa ang menu ng kaniyang kainan.

1

pagpaplano ng lalamanin

2

pagsulat at lay-out

3

reproduksiyon

4

rebisyon

14

Multiple Choice

Handa na ang lahat ng gagamitin at kakailanganin sa pinatayong

restawran ni Mang Kaloy, at ipapalathala na niya ang menu batay sa huling

pagbabagong nakita upang makahikayat ng maraming tagatangkilik.

1

pagpaplano ng lalamanin

2

pagsulat at lay-out

3

reproduksyon

4

rebisyon

15

Multiple Choice

Mas nakatutulong ang isang menu kung nakaayos ang pagkain batay sa

uri nito.

1

TAMA

2

MALI

16

Multiple Choice

Ang mga kainan katulad ng fastfood at I ay hindi nangangailangan ng

menu sapagkat makadadagdag lamang ito ng kalituhan sa tumatangkilik.

1

TAMA

2

MALI

17

Multiple Choice

Gawing makulay at salain ang larawan upang madaya ang mga

tagatangkilik ng kainan.

1

TAMA

2

MALI

18

Multiple Choice

Ang tema ay hindi kailangan sapagkat bilang isang negosyante ikaw ang

nakakaalam ng takbo ng iyong negosyo.

1

TAMA

2

MALI

19

Multiple Choice

Makukuha mo ang tiwala ng iyong mga tagatangkilik kung sa menu pa

lamang ay naiwasan na ang tipograpikal kung saan makikita ang

personalidad ng pagkain.

1

TAMA

2

MALI

20

Menu ng Pagkain

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsulat at pagbuo ng menu ng pagkain bilang isang teknikal-bokasyunal na sulatin. Malalaman mo rin ang wastong pamamaraan at pagsasagawa nito. Dahil likas sa mga Pilipino ang pagiging mahilig sa pagkain, kung saan kaliwa’t kanan ang pagdiriwang na nagaganap sa isang kainan, restawran o fastfood. Bagamat sa panahon ng pandemya ito ay nalimitahan. Gayunpaman, sa mga tahanan makikita ang pagsubok sa pagluluto ng iba’t ibang putahe ng pagkain. Ano nga ba ang kahalagahan ng isang menu? Bakit mahalaga ang wastong pagbuo ng isang nito? Ito ba ay isang sulating makatutulong sa aking paglago sa napili kong kursong bokasyunal?

21

Open Ended

Question image

Balikan

Ibigay ang hinihingi ng talahanayan tungkol sa mga ilang sulating teknikal sa nakaraang mga aralin.

22

Fill in the Blanks

media image

23

Fill in the Blanks

media image

24

Fill in the Blanks

media image

25

Fill in the Blanks

media image

26

Fill in the Blanks

media image

27

Suriin

Mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral na tulad mo na kabilang sa kursong teknikal-bokasyunal ang kahalagahan ng menu ng pagkain at nilalaman nito. Makabubuo ka ng sarili mong menu ng pagkain sa pamamagitan ng pag-alam ng kahalagahan, katangian, hakbang, at mga patnubay sa pagbuo nito.

28

Pagsulat ng Menu ng Pagkain

Ang Menu ay itinuturing na isang sulating teknikal-bokasyunal. Ito ay pinakamahalagang kagamitan at ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon at naglalarawan sa isang kainan, restawran o fast food.

29

Katangian ng Menu ng Pagkain

1. Nakaayos ang uri ng pagkain - kinakailangang ang pagkaing ilalagay sa menu ay nakapangkat batay sa uri ng pagkain: pagkaing may sabaw, pagkaing gawa sa karne ng baboy o baka, isda, pagkaing laman-dagat, kanin, pampagana, panghimagas, inumin at iba pa.

30

Katangian ng Menu ng Pagkain

2. Mayroong nakalagay na presyo - inilalagay ito upang maging mas madali para sa parokyano na makita ang halaga ng pagkain na kanilang gustong kainin.

31

Katangian ng Menu ng Pagkain

3. Mayroong paglalarawan - higit na magkakaroon ng ideya ang kakain kung ito ay mayroong paglalarawan.

32

Katangian ng Menu ng Pagkain

4. Gumagamit ng mga larawan -patok sa mga mamimili ang pagkakaroon nglarawan upang makita nila ang hitsura ng pagkaing nakalahad sa menu.

33

Katangian ng Menu ng Pagkain

Makikita natin ang iba’t ibang menu sa magkakaibang kainan kaya’t kung minsan ay nagpapagandahan ang mga ito upang makahikayat ng taong kakain. Ang mga ito ay dumaan sa matinding proseso bago pa man natin ito makita dahil may mga hakbang na dapat sundin upang makabuo ng makabuluhang menu ng pagkain.

34

Narito ang mga hakbang sa pagbuo ng isang epektibong menu.

Una, iplano ang sumusunod na bahagi:
❖ Ano kaya ang lalamanin ng menu?
❖ Ano ang pagkakasunod-sunod ng pagkain at inumin?
❖ Paano ang paggrupo ng mga pagkain?
❖ May palatandaan ba sa mga pagkain na “best seller” o kaya’y “house specialty?”
❖ Magkano ang halaga ng bawat pagkain?
Pagkatapos mong planuhin at bigyang kasagutan ang mga pangungusap sa itaas, ngayon iisa-isahin mo naman ang mga kailangang isaalang-alang sa pagpaplano ng menung bubuoin.

35

Mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu

✓ Masustansiya, ang mga pagkain na ihahanda ay dapat may layunin makapagpabuti ng kalusugan ng mga taong kakain.

✓ Matipid at abot kaya, ang mga pagkain ay hindi hihigit sa presyong hindi kaya ng mga taong layuning pagsilbihan.

✓ Kakayahang Pamamahala, ang oras at kakayahan sa paghahanda ay kailangan isama sa pagpaplano.
✓ Panlabas na anyo, dito kailangang suriin ang sumusunod:

a. Kulay

b. Tekstura

c. Porma

d. Lasa

e. Hitsura

36

Mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu

✓ Pagkakaiba sa kaugalian pagdating sa pagkain, may iba’t ibang uri ng tao kung saan may mga pagkaing kanilang tinatangkilik, maaaring ito ay dahil sa kanilang relihiyon o ang kanilang diyeta o pangkalusugang pangangailangan.

✓ Kakayahan sa pagpapanatili, pagkakaroon at kalidad ng pagkaing ihahain, napakahalaga sa isang kainan na kayang panatilihing palaging bago ang pagkain o iwasan ang initin lamang ang mga ito kinabukasan nang sa gayon ay di magbago ang hitsura, tekstura at lasa nito. Mainam din ang paglalagay ng pagkain sa menu na laging kayang ihanda upang maiwasan ang pagkadismaya ng mga tagatangkilik.

✓ Pagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkain, sa paghahanda ng pagkain mahalagang mayroong sapat na kagamitan upang hindi naisasaalang-alang ang hitsura, porma at kalidad ng pagkaing ihahain sa hapag at maging kaiga-igaya sa harap ng kakain.

37

Mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu

Pangalawa, Pagsusulat at layout, sa bahaging ito inilalarawan ang bawat pagkain.
Mahalagang maging maikli ang paglalarawan upang hindi mawala ang atensiyon ng mamimili sa pagkain.
a. Ano-anong pagkain ang bibigyan ng maikling deskripsiyon?
b. Lalagyan ba ng larawan o hindi?
c. Ang bawat larawan ba ay may caption? Gawing malaking letra ang lahat ng salita maliban sa artikulo at pang-ukol.
d. Ilang pahina ang menu? Planuhin ang espasyo at ayos ng bawat aytem sa menu na dapat ay simetriko o pantay-pantay, mas magandang maglaan ng sobrang espasyo dahil minsan itong sobrang espasyo ay natatanggal kapag ito ay iimprenta na.
e. Anong kulay at disenyo ang nababagay sa pagkain?

38

Mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu

Pangatlo, Rebisyon
Matapos ang pagkakaroon ng inisyal na pagtaya sa menu, gumawa ng mock-up ng menu. Tukuyin ang ilang maaaring baguhin sa disenyo:
a. Naaayon na ba ang font size at font face para sa menu?
b. Hindi ba masyadong marami ang salita?
c. Malinaw ba ang mga imahen?
d. May mga mali bang pagbaybay?

39

Mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng menu

Pang-apat, Reproduksiyon
Matapos matiyak na wala ng pagbabago, ilathala na ang huling bersiyon ng menu. Maliban sa mga panutong nabanggit, mahalaga rin na malaman ang ilang batayan sa isang magandang menu. Ang mga ito ay:
a. Malinaw ba ang menu? Hindi ba ito magulo at maraming teksto’t larawan? b. May kaagapay bang larawan ang ilan sa mga pagkain?
c. May maikling deskripsiyon ba ang bawat pagkain?
d. May marka ba ang mga pagkaing “best seller” at “house specialty”?.
e. Kaaya-aya ba ang menu? Mahihikayat ka bang umorder ng pagkain?

40

Mga Patnubay sa Pagsulat ng Menu

☺ Gumamit ng mga angkop na salita, payak at tuwiran sa paglalarawan ng

detalye ng pagkain.

☺ Sa larawan at paglalarawang ilalagay makikita ang personalidad ng isang putaheng ihahain.

☺ Bumuo ng isang tema na magsisilbing pagkakakilanlan sa kainan.

 Huwag gumamit ng mga salitang nanghihikayat sa artipisyal na sangkap.

 Huwag gagamit ng mga pang-ugnay na salita sa pabibigay detalye.

 Huwag hayaang maimprenta na makikitaan ng tipograpikal o maling baybay ng pangalan o salita.

41

media

42

Open Ended

Question image

Pagyamanin

Gawain 1 Paglalarawan sa Tinalakay

Punan ang dayagram sa pamamagitan ng pagsulat na maaaring isagawa sa bawat hakbang sa pagbuo ng menu ng pagkain.

43

Gawain 2 Pagsagot ng mga tanong

Sagutin nang mabuti ang mga tanong:

44

Open Ended

Question image

Ano ang menu ng pagkain bilang isang sulating teknikal-bokasyunal?

45

Open Ended

Question image

Bakit mahalaga ang menu ng pagkain sa isang restawran o kainan? Ipaliwanag.

46

Open Ended

Question image

Ano ang layunin ng isang menu ng pagkain bilang isang sulating teknikal-bokasyunal? Ipaliwanag.

47

Open Ended

Question image

Bakit mahalaga ang bawat hakbang sa pagbuo ng makabuluhang menu na isinasaalang-alang ang mga input na isinulat mo sa dayagram sa itaas? Isa-isahin ang pagpapaliwanag sa bawat hakbang.

48

Open Ended

Question image

Bakit mahalagang may tema ang gagawing menu ng pagkain? Pangatwiranan.

49

Open Ended

Question image

Paano nagiging adbentahe ang paggamit ng angkop, payak at tiyak na salita o wika sa pagbuo ng menu? Pangatwiranan.

50

Open Ended

Question image

Gawain 3 Pagsusuri ng Menu ng Pagkain

Sa talahanayan, isulat ang mga pagsusuri mo sa ibinigay na menu ng pagkain batay sa napag-aralang hakbang sa pagbuo ng Menu ng Pagkain! Ipaliwanag ang iyong sagot.

51

Isaisip

Sagutan ang palaisipan sa pamamagitan ng pagpunan ng mga kulang na salita sa pangungusap sa ibaba.

52

Drag and Drop

Question image
PAHALANG

1.Tinitiyak na wala ng pagbabago at ilalathala na ang huling bersyon na

tinatawag ding ​​
.

3. Dapat ang mga pagkain na nakalagay sa binubuong menu ay

upang makahikayat sa mga mamimili.

4. Isaalang-alang din ang sangkap ng pagkain na dapat ay

at makatutulong sa kalusugan ng mga kakain.

5. Nagkakaroon ng mock up na rebyu upang matukoy ang mga

pagkakamaling kailangan ng pagbabago na kabilang sa hakbang na

. 7. Ang kapinuhan o pagkakahabi ng detalye ng mga pagkaing nasa menu o ang ​
Drag these tiles and drop them in the correct blank above
reproduksiyon
abot kaya
masustansiya
rebisyon
tekstura

53

Drag and Drop

Question image
PABABA:

1. Ang menu ng pagkain ay pinakamahalagang kailangan ng isang ​
upang mapaunawa sa tagatangkilik ang kanilang paninda.

2. Sa unang hakbang kailangan ng konkretong ​
upang

masiguro ang kaaayusan ng menung bubuoin.

4. Ito ay nagbibigay ng impormasyon at naglalarawan ng

detalye ng pagkain sa isang kainan na tinatawag na ​
.

6. Sa menung bubuoin kailangan natin maisaalang-alang ang

kung ano ang nakalarawan sa menu para sa patuloy na

pagtangkilik ng mamimili.

8. Napakahalaga ng panlabas na anyong ​
dahil isa itosa magdadala ng panghihikayat sa mga kakain na maipapakita sa

mga larawang nakalagay sa menu.

Drag these tiles and drop them in the correct blank above
restawrant
plano
menu
kalidad
hitsura

54

Open Ended

Question image

Isagawa

Ipakita ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsunod sa direksyong ibinigay.

A. Gumawa ng malikhaing menu ng pagkain. Sa pagbuo ng sariling menu ng pagkain gumamit ng angkop na salita o wika na maglalarawan sa isinagawang menu. Isaisip ang patnubay sa pagbuo ng menu.

B. Mag-isip ng isang kaakit-akit at angkop na pangalan ng gagawing menu.

C. Isaalang-alang sa pagpili ang mga pagkaing matatagpuan sa inyong lugar, maaari kang magtanong sa mga magulang o mga taong may kaalaman tungkol dito.

D. Sundin ang mga hakbang sa pagbuo ng menu sa pamamagitan ng pagsasagawa ng naratibong pagsasalaysay sa hiwalay na papel.

E. Sa pagbuo ng menu maaaring kang gumuhit, gumupit o magimprenta ng mga larawan na angkop sa napili mo. Huwag kalimutang kilalanin ang pinagkuhan ng larawang ginamit.

55

Tayahin

Basahin ang mga sitwasyon at tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.

56

Multiple Choice

Sinisiguro ni Mang Andoy na may nakalagay na salitang “best seller” sa

mga pagkaing nakita niyang paborito ng mga kumakain sa kanilang

restawran.

1

Unang Hakbang: Pagpaplano

2

Pangalawang Hakbang: Pagsulat at Lay-out

3

Pangatlong Hakbang: Rebisyon

4

Pang-apat na Hakbang: Reproduksiyon

57

Multiple Choice

Si Aling Maria ay nag-iisip ng mga kahika-hikayat na detalye ngunit payak,

sa pagkaing ilalagay niya sa menu.

1

Unang Hakbang: Pagpaplano

2

Pangalawang Hakbang: Pagsulat at Lay-out

3

Pangatlong Hakbang: Rebisyon

4

Pang-apat na Hakbang: Reproduksiyon

58

Multiple Choice

Pinag-iisipang mabuti ng mag-asawang Cris at Leo ang mga pagkaing

ilalagay sa menu kung saan ito ay masustansiya at gawang Pinoy na may

iba’t ibang putahe.

1

Unang Hakbang: Pagpaplano

2

Pangalawang Hakbang: Pagsulat at Lay-out

3

Pangatlong Hakbang: Rebisyon

4

Pang-apat na Hakbang: Reproduksiyon

59

Multiple Choice

Sa unang imprenta ng menu nakita ng may-ari na mali ang baybay

ng salitang chopsuey kaya agad niya itong ipinaayos at itinama.

1

Unang Hakbang: Pagpaplano

2

Pangalawang Hakbang: Pagsulat at Lay-out

3

Pangatlong Hakbang: Rebisyon

4

Pang-apat na Hakbang: Reproduksiyon

60

Multiple Choice

Hindi matatawaran ang saya ng mga kumakain sa 3M Restaurant dahil

sa menu pa lang kitang-kita na kung gaano kasarap at kapresentable

ang pagkaing ihahain.

1

Mayroong Paglalarawan

2

Gumagamit ng mga larawan

3

Nakaayos ang uri ng pagkain

4

Mayroong nakalagay na presyo

61

Multiple Choice

Nakatitipid si Marlon sa tuwing kakain siya sa Maks Kainan dahil

nakadetalye kung magkano ang mga pagkain kaya naibabadyet na

niya ang gagastusin sa araw-araw.

1

Mayroong Paglalarawan

2

Gumagamit ng mga larawan

3

Nakaayos ang uri ng pagkain

4

Mayroong nakalagay na presyo

62

Multiple Choice

Si Alliyah ay giliw na giliw kumain sa Hapag ng Pinoy dahil madali

siyang nagpagpapasya ng kakainin lalo’t lalo na bawal sa kaniya ang

baboy kung saan nakikita niya agad kung saan nakalagay ang mga

pagkaing angkop sa kaniya.

1

Mayroong Paglalarawan

2

Gumagamit ng mga larawan

3

Nakaayos ang uri ng pagkain

4

Mayroong nakalagay na presyo

63

Multiple Choice

Ang bawat putaheng nakalagay sa menu ay pinalagyan ng maliliit na

detalye ni Aling Betina upang maiwasan ang pagkalito ng mga

kumakain sa kanilang kainan.

1

Mayroong Paglalarawan

2

Gumagamit ng mga larawan

3

Nakaayos ang uri ng pagkain

4

Mayroong nakalagay na presyo

64

Multiple Choice

Si Ana ay isang beheteriyano (vegetarian) kaya’t mahalaga sa kaniya ang

kainang naghahain ng may gulay.

1

Masustansiya

2

Matipid at abot kaya

3

Panlabas na anyo

4

Kakayanang Pamamahala

5

Pagkakaiba sa kaugalian pagdating sa pagkain

65

Multiple Choice

Sinisigurong masarap ang pagkaing ihahanda samatakatuwid ang

mga tagapagluto ay may angking galling, karanasan o di kaya’y

nakapag-aral ng kursong HRM o Culinary.

1

Masustansiya

2

Matipid at abot kaya

3

Panlabas na anyo

4

Kakayanang Pamamahala

66

Multiple Choice

Ang bagong bukas na kainan sa aming lugar ay napakahusay sa mga

inihahaing putahe dahil gumagamit ng iba’t ibang kagamitan sa mga pagkaing inihahanda.

1

Masustansiya

2

Matipid at abot kaya

3

Panlabas na anyo

4

Kakayanang PamamPagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkainahala

67

Multiple Choice

Hindi maikakaila na dayuhin ang kainang J and M Resto dahil

makikita mo na ang mga pagkain ay maaayos ang hitsura, porma

at tekstura.

1

Masustansiya

2

Matipid at abot kaya

3

Panlabas na anyo

4

Kakayanang PamamPagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkainahala

68

Multiple Choice

Si Glenda ay napakatipid pagdating sa pagkain kaya sinisiguro

niyang eksakto lamang ang dalang pera sa tuwing kakain, kaya hilig

niya sa kainan na nakikita ang presyo upang hindi na siya

magtatanong.

1

Masustansiya

2

Matipid at abot kaya

3

Panlabas na anyo

4

Kakayanang PamamPagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkainahala

69

Multiple Choice

Hindi nagsasawang tangkilikin ni Amelia ang Kare-kare at Sinigang sa

Kainan ni Manay dahil napakasarap nito at hindi nawawala sa

tuwing hinahanap niya ito.

1

Masustansiya

2

Kakayahang pagpapanatili, pagkakaroon at kalidad ng pagkain ihahain

3

Panlabas na anyo

4

Kakayanang PamamPagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkainahala

70

Multiple Choice

Sinisiguro ni Aling Mameng na babalik ang kaniyang tagatangkilik

hindi lamang dahil sa lasa ng pagkain, prayoridad din ang kanilang

kalusugan dahil makikita sa menu nito na nakalagay ang “No

Artificial Ingredients Added.”

1

Masustansiya

2

Kakayahang pagpapanatili, pagkakaroon at kalidad ng pagkain ihahain

3

Panlabas na anyo

4

Kakayanang PamamPagkakaroon ng mga kagamitan sa paghahanda ng pagkainahala

71

Open Ended

Question image

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, ikaw ay gagawa ng isang proyekto kung saan ilalapat mo ang iyong mga natutuhan sa araling tinalakay. Sundin ang direksiyon ibinigay

A. Maghanap ng magazine o dyaryo sa inyong tahanan o sa kalapit bahay.

B. Pumili ng larawan ng menu ng pagkaing matatagpuan sa magazine o

dyaryo.

C. Bigyang pagsusuri ang menu ng pagkain batay sa

a. Tema

b. Lay-out (larawan, disenyo, estilo at pormat)

c. Detaye o nilalaman

d. Kabuoang Pagsusuri

Filipino sa Piling

Larang Teknikal

Bokasyunal

Unang Markahan Ika anim na Linggo: Menu ng Pagkain

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 71

SLIDE