Search Header Logo
Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto-Akade mikong Pagsulat: Sinte

Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto-Akade mikong Pagsulat: Sinte

Assessment

Presentation

•

Other

•

12th Grade

•

Practice Problem

•

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 3+ times

FREE Resource

12 Slides • 29 Questions

1

​Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto-Akade

mikong Pagsulat: Sintesis

By Edgar Monte

2

MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay

inaasahang:

A. nakikilala ang sintesis bilang akademikong sulatin ayon sa layon, gamit, at katangian;

B. naibabahagi ang kahalagahan ng sintesis sa pagbubuo ng mga ideya o datos sa isang akademiko at mapanuring sulatin gamit ang Daong-Kamalayan; at

C. nakasusulat at nakabubuo ng isang sintesis batay paksang ibinigay mula sa ilustrasyon.

3

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba, tukuyin kung ito ay nagpapahayag ng patungkol sa sintesis o sa analisis. Isulat ang kasagutan sa blangkong kahon.

4

Multiple Choice

Nangangahulugang pagsasama-sama ng mga

ideya na mula sa iba’t ibang pinanggalingan sa

isang sanaysay o presentasyon.

1

sintesis

2

analisis

5

Multiple Choice

Isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa

maikling pamamaraan upang ang sari-saring datos

ay mapagsama mula sa iba’t ibang pinanggalingan.

1

sintesis

2

analisis

6

Multiple Choice

Paghihiwalay ng mga ideya upang suriin

ang kabuoan ng pinagsama-samang ideya.

1

sintesis

2

analisis

7

Multiple Choice

Pagbubuo ng mga ideya at datos.

1

sintesis

2

analisis

8

Multiple Choice

Paghihimay ng mga ideya at datos.

1

sintesis

2

analisis

9

BALIK-ARAL

media

10

Multiple Choice

Ang abstrak ay maikling buod ng pananaliksik,

artikulo, disertasyon.

1
2

11

Multiple Choice

Nangangailangang basahin ang kabuoan ng isang papel

at ilagay ang lahat ng laman nito sa isang abstrak.

1
2

12

Multiple Choice

Ang pinaka pinal na gawain sa pagsulat ng

abstrak ay ang proofreading.

1
2

13

Multiple Choice

Ang dalawang uri ng abstrak ay ang mga

deskritibong abstrak at impormatibong asbtrak .

1
2

14

Multiple Choice

Sa pagsulat ng isang abstrak ay hindi na

nangangailangan ng pagsulat isang burador nito.

1
2

15

ARALIN

Ang sintesis ay nangangahulugang pagsasama-sama ng mga ideya

na mula sa iba’t ibang pinanggalingan sa isang sanaysay o presentasyon.

Mula sa salitang Griyego na syntithenai (Syn=kasama, magkasama;tithenai=ilagay, sama-samang ilagay). Ang sintesis ay hindi isang paglalagom, paghahambing o isang rebyu. Ito ay resulta ng

integrasyon ng napakinggan, nabasa o ang kakayahan ng isang tao na magamit ang natutuhan upang mapaunlad at masuportahan ang

pangunahing tesis o argumento.

16

ARALIN

Sa larangan ng Pilosopiya, ang sintesis ay bahagi ng metodong

diyalektal ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo ng

katuwiran.

Sa larangan ng pagsusulat, ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat

ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring datos mula sa iba’t ibang pinanggalingan (tao, pananaliksik, libro) ay mapagsamasama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuoan o identidad.

17

ARALIN

Ang pagkatuto sa pagsulat ng sintesis ay kritikal na kasanayan at krusyal sa pagbuo at paglalahad ng impormasyon pang-akademiko at di-pang-akademikong tagpuan.Mula sa prosesong ito, kung saan tumutungo sa sentralisasyon ng mga ideya ay makabubuo ng bagong ideya.

Kabaligtaran ng analisis ang sintesis. Kung ang una ay paghihiwalay ng mga ideya upang suriin ang huli, ang sintesis naman ay pagsasama-sama ng mga ideya tungo sa pangkalahatang kabuoan. Gayon man, magkaugnay at bahagi ng isa ang isa pa sa proseso ng mapanuring pag-aaral at pagsulat. Mula sa paghihimay ng mga ideya (analisis) patungo sa pagbubuo (sintesis).

18

media

19

MGA PAGSASANAY

media

20

Multiple Choice

Magkaugnay at bahagi ng sintesis ang analisis sa

proseso ng mapanuring pag-aaral at pagsulat.

1
2

21

Multiple Choice

Ang analisis ay pagsasama-sama ng mga ideya

tungo sa pangkalahatang kabuoan.

1
2

22

Multiple Choice

Ang nasa gitnang ilustrasyon ng analisis ay

pangkalahatang ideya at sa sintesis naman ay kabuoang

datos.

1
2

23

Multiple Choice

Sa larangan ng Pilosopiya, ang sintesis ay bahagi ng

metodong intelektuwal ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel

kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.

1
2

24

Multiple Choice

Sa prosesong ng sintesis kung saan tumutungo sa

sentralisasyon ng mga ideya, upang makabuo ng bagong

ideya.

1
2

25

Open Ended

Question image

Gamit ang ilustrasyon sa ibaba gawan ng analisis ang paksang nasa bilog.

26

Open Ended

Question image

Mula sa nagawang analisis sa itaas gawan ng sintesis ang kabuoang ideya ng paksa.

27

media

28

Open Ended

Question image

Mula sa graphic organizer sa ibaba (Daong-Kaalaman).

Punan ang mga patlang kaugnay ng sintesis. Sagutin batay sa

iyong kaalaman.

29

Open Ended

Question image

Mula sa araling natutunan ngayong araw na ito. Gamit ang

Daong-Kamalayan ibigay ang bisang pangkaisipan, pandamdamin

at pagsasakatuparan.

30

PANAPOS NA PAGSUSULIT

media

31

Multiple Choice

Ang sumusunod na mga salita sa ibaba ay may kaugnayan sa sintesis

maliban sa isa.

1

Pagbubuo

2

Paghihimay

3

Paglalahad

4

Pagkokonsepto

32

Multiple Choice

Mula sa larangan ng __________, ayon kay Georg Wilhelm Friedrich

Hegel ang sintesis ay bahagi ng metodong diyalektal.

1

Pagsulat

2

Pagbasa

3

Pilosopiya

4

Pangangatwiran

33

Multiple Choice

Ang _______ ay isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa

maikling pamamaraan upang ang sari-saring datos mula sa iba’t

ibang pinanggalingan

1

Sintesis

2

Analisis

3

Tesis

4

Abstrak

34

Multiple Choice

Ang sintesis ay mula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay

pinagsama-sama.

1

Sintithenai

2

Syntethenai

3

Syntithenai

4

Sintethenai

35

Multiple Choice

Ito ay paghihiwa-hiwalay ng mga ideya upang masuri ang kabuoang

ideya.

1

Sintesis

2

Analisis

3

Tesis

4

Abstrak

36

Multiple Choice

Ito ang resulta ng integrasyon ng napakinggan, nabasa o ang

kakayahan ng isang tao na magamit ang natutuhan sa pagpapaunlad

ng isang argumento.

1

Sintesis

2

Analisis

3

Tesis

4

Abstrak

37

Multiple Choice

Ang salitang Griyego na nangangahulugang sama-samang ilagay.

1

Tethenai

2

Tithenei

3

Tethenei

4

Tithenai

38

Multiple Choice

Nangangailangan na may sapat na kaalaman at kasanayan ang isang

manunulat sa paksang ginagawan ng sintesis.

1

Tama

2

Mali

3

Marahil

4

Pwede

39

Multiple Choice

Ang buong proseso ng analisis at sintesis ay makabubuo ng bagong

datos o ideya.

1

Tama

2

Mali

3

Marahil

4

Pwede

40

Multiple Choice

Ang ibig sabihin ng pinagmulan ng sintesis sa salitang Griyego na

syn ay____.

1

Kasama

2

Kahalili

3

Kabahagi

4

Kaisa

41

media
pattern-tertiary
​Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto-Akade

mikong Pagsulat: Sintesis

By Edgar Monte

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 41

SLIDE