Search Header Logo

ESP Grade 7 Quiz-3

Authored by angie castro

Education

7th Grade

Used 15+ times

ESP Grade 7 Quiz-3
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang

nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:

Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig

Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap

Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito

Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng

Pagdadalaga/Pagbibinata

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang

namamatay, para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan

sa katagang ito?

Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa

kanyang kapwa.

Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa

kanyang kapwa.

Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang

kanyang sarili para sa kanyang kapwa.

Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang

kanyang sarili sa kanyang kakayahan na makipagkapwa.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?

Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.

Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan.

Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa

lahat ng pagkakataon.

Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod

siya sa pamayanan.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang

aso’t pusa sa dalas ng kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama ang

loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang pagpapalitan ng

mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir?

miwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.

Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang

kapatid upang iwasan na itong gawin.

Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo

niya sa ibang kakilala at mga kaibigan.

Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong

kapwa na sila handa na kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa

tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?

Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.

Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.

Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang

dalaga/binata.

Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang

magandang halimbawa sa kapwa kabataan.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, ”Ang isang taong tumatalikod sa

pananagutan ay maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad ng

walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?

Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay

walang maaaring maipagmalaki kaninoman.

Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay

nakababawas sa dignidad ng tao.

Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng

tao sa pagkatao ng tao.

Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad

sa kanyang mga tungkulin.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?

Pataasin ang marka

Pagyamanin ang kakayahang mag-isip

Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin

Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?