ESP 7

ESP 7

7th Grade

10 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

MANGITA AT LARINA

MANGITA AT LARINA

7th Grade

10 Qs

IMPENG NEGRO: MAIKLING PAGSUSULIT

IMPENG NEGRO: MAIKLING PAGSUSULIT

7th Grade

10 Qs

DENOTASYON AT KONOTASYON

DENOTASYON AT KONOTASYON

7th Grade

10 Qs

Si Usman, Ang Alipin

Si Usman, Ang Alipin

7th Grade

10 Qs

Edukasyon Sa Pagpapakatao

Edukasyon Sa Pagpapakatao

7th Grade

10 Qs

EsP 7-Live Quiz (PT)

EsP 7-Live Quiz (PT)

7th Grade

15 Qs

Grade 7 - FIRST QUARTER EXAMINATION

Grade 7 - FIRST QUARTER EXAMINATION

7th Grade

10 Qs

Esp 7 1-Pre-Assessment

Esp 7 1-Pre-Assessment

7th Grade

10 Qs

ESP 7

ESP 7

Assessment

Quiz

Other

7th Grade

Hard

Created by

Sr MCST

Used 4+ times

FREE Resource

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

10 sec • 1 pt

Ang sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:

a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.

b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangiang minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.

d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.

Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?

a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang

b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan

c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao

Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?

a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sinuman na kanyang narinig sa paaralan.

b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.

c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anumang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan

d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?

a. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan

b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan

c. Upang makapaglingkod sa pamayanan

d. Lahat ng nabanggit

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilang team. Makikitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?

a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay

b. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan.

c. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.

d. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

6. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagiging matangkad. Isang araw ay nilapitan siya ng isang kaklase at inalok na sumali sa volleyball team ng paaralan. Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang kinahihiligang sports hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa siya nakapaglalaro ng volleyball kahit minsan man sa kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga agam-agam ay nagpasya siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pasya ni Angeline?

a. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at kahandaan na dumaan sa pagsasanay.

b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya makasasabay sa kanyang mga kasamang matagal ng nagsasanay.

c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng volleyball.

d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa paglahok sa anumang sports sa matagal na panahon.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay

a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.

b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal

c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento

d. Mali, dahil maaaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa

Create a free account and access millions of resources

Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports
or continue with
Microsoft
Apple
Others
By signing up, you agree to our Terms of Service & Privacy Policy
Already have an account?