Search Header Logo

Kwarter 2-Modyul 1-Maikling Pagsusulit

Authored by NORYNDA VILLAPANDO

World Languages

8th Grade

Used 1+ times

Kwarter 2-Modyul 1-Maikling Pagsusulit
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

8 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Espesyal ang ating wikang Filipino. Ito ay binibigyang-halaga bilang asignatura mula elementarya, sekondarya hanggang sa kolehiyo. Nakamamangha na ang ating bansa ay mayroong natatanging pagdiriwang ng “Buwan Ng Wika”. Ito ay isang patunay na ang wika natin ay sentimental at isang tunay na kayamanan. Ano ang pangunahing kaisipan?

Ito ay binibigyang-halaga bilang asignatura mula elementarya, sekondarya hanggang sa kolehiyo

Nakamamangha na ang ating bansa ay mayroong natatanging pagdiriwang ng “Buwan Ng Wika”.

Espesyal ang ating wikang Filipino.

Ito ay isang patunay na ang wika natin ay sentimental at isang tunay na kayamanan.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Hindi lamang sa edukasyon ang halaga ng ating wika. Ginagamit din ito sa mga pulong sa Palasyo at mga transaksiyon sa gobyerno. Ito ay inaaral din ng ating mga eksperto. Lalo na ng mga gurong nagpapakadalubhasa sa larangang ito upang maisalin sa mga kabataan ang katuturan nito. Ano ang pangunahing kaisipan?

Hindi lamang sa edukasyon ang halaga ng ating wika.

Ito ay inaaral din ng ating mga eksperto.

Lalo na ng mga gurong nagpapakadalubhasa sa larangang ito upang maisalin sa mga kabataan ang katuturan nito.

Ginagamit din ito sa mga pulong sa Palasyo at mga transaksiyon sa gobyerno.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Walang katotohanan ang katagang “ang pagiging mahusay sa Ingles ay ang daan sa magandang kinabukasan”. Ang tunay na tagumpay ay ang pag-alam at pagtanggap sa iyong pagkakakilanlan. Ang pagpapahalaga mo sa iyong pinagmulan ay magagamit mo upang paunlarin ang iyong kakayahan. Ito ay karunungan na mananatiling sa iyo lamang at hindi maagaw sa kahit na anong paraan. Ano ang pangunahing kaisipan?

Walang katotohanan ang katagang “ang pagiging mahusay sa Ingles ay ang daan sa magandang kinabukasan”.

Ang tunay na tagumpay ay ang pag-alam at pagtanggap sa iyong pagkakakilanlan.

Ang pagpapahalaga mo sa iyong pinagmulan ay magagamit mo upang paunlarin ang iyong kakayahan.

Ito ay karunungan na mananatiling sa iyo lamang at hindi maagaw sa kahit na anong paraan

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Sa kabilang banda, patuloy naman ang pag-unlad ng ating wika. Nakatutuwang-isipin na sa paglipas ng mga panahon, ay inaaral na rin ito ng mga banyaga. Ayon sa pananaliksik ni David Michael San Juan (2015) mayroong mahigit apatnapung akademikong institusyon sa iba’t ibang panig ng daigdig ang nagtuturo ng Filipno bilang kanilang asignatura. Hindi ba’t nakamamangha na laganap nang pinag-aaralan ang Filipino sa buong mundo? Ano ang pangunahing kaisipan?

Nakatutuwang-isipin na sa paglipas ng mga panahon, ay inaaral na rin ito ng mga banyaga.

Hindi ba’t nakamamangha na laganap nang pinag-aaralan ang Filipino sa buong mundo?

Sa kabilang banda, patuloy naman ang pag-unlad ng ating wika.

Ayon sa pananaliksik ni David Michael San Juan (2015) mayroong mahigit apatnapung akademikong institusyon sa iba’t ibang panig ng daigdig ang nagtuturo ng Filipno bilang kanilang asignatura.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Iba’t ibang salita na rin ang naidaragdag sa ating bokabularyo. Mga salitang likha ng makabagong henerasyon na nagbibigay ng kulay sa ating talasalitaan. May mga salita ring naidaragdag dahil na rin sa pangangailangan ng mga grupo o samahan. Ang mga pagbabago sa ating wika ay nagpapatunay na ito ay buhay at patuloy pang nalilinang. Huwag nating hayaan na tuluyan itong mamatay. Ano ang pangunahing kaisipan?

Mga salitang likha ng makabagong henerasyon na nagbibigay ng kulay sa ating talasalitaan.

Iba’t ibang salita na rin ang naidaragdag sa ating bokabularyo.

Ang mga pagbabago sa ating wika ay nagpapatunay na ito ay buhay at patuloy pang nalilinang

May mga salita ring naidaragdag dahil na rin sa pangangailangan ng mga grupo o samahan.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Masasabi nating sadya at lubhang makapangyarihan ang wika. Kinakasangkapan na ito upang maipabatid ang ating kaalaman at damdamin na nais ibahagi ninuman. Hindi ba’t madaling maipahiwatig ang ating damdamin kung ang gamit na salita ay sariling atin? Ang pagpapasalamat, pagpapatawad at maging ang pagpupugay sa ating Maylikha ay nagiging makabuluhan sapagkat ito ay kusang habi ng ating dila. Ano ang pangunahing kaisipan?

Kinakasangkapan na ito upang maipabatid ang ating kaalaman at damdamin na nais ibahagi ninuman

Hindi ba’t madaling maipahiwatig ang ating damdamin kung ang gamit na salita ay sariling atin?

Ang pagpapasalamat, pagpapatawad at maging ang pagpupugay sa ating Maylikha ay nagiging makabuluhan sapagkat ito ay kusang habi ng ating dila.

Masasabi nating sadya at lubhang makapangyarihan ang wika.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Hindi masusukat ang kapangyarihan ng wika. Ang pagkakaroon natin ng sariling wika ay tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan, kamalayan at kultura. Napakalaki ng papel na ginagampanan nito sa lipunan. Sa pulo-pulong anyo ng Pilipinas, ang wikang Filipino ang siyang nagdurugtong at kumukunekta sa bawat Pilipino.Ano ang pangunahing kaisipan?

Hindi masusukat ang kapangyarihan ng wika

Ang pagkakaroon natin ng sariling wika ay tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan, kamalayan at kultura.

Napakalaki ng papel na ginagampanan nito sa lipunan

Sa pulo-pulong anyo ng Pilipinas, ang wikang Filipno ang nagdurugtong at kumukunekta sa bawat Pilipino

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?