Basahing muli ang kuwentong “Tia Patron:Bayani ng Jaro.” Isulat ang iyong pananaw at saloobin sa inilahad na buhay niya. Isulat kung bakit siya naging bayani.
Tia Patron, Bayani ng Jaro
Alab Filipino, p. 84-85
Isinilang si Patrocinio Gamboa o Tia Patron sa pamilyang ilustrado, nakapag-aral noong ika-30 ng Abril, 1865 sa Jaro, Iloilo. Lihim niyang binasa ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal at ang mga akda ng kababayang si Graciano Lopez Jaena. Napukaw ng mga akdang ito ang kaniyang damdaming makabayan. Sa kalaunan, isa siya sa mga naging pinuno ng himagsikan sa Iloilo. Dahil nagmula siya sa mataas na antas ng lipunan, hindi napansin ng mga Espanol ang kaniyang pag-eespiya, paggagamot sa mga nasaktang rebolusyonaryo at paglilikom ng pondo para sa kilusan.
May isang nakatutuwang kuwento tungkol sa kabayanihan ni Tia Patron. Kasama ang mga dalaga ng Jaro, gumawa siya ng bandila ng Pilipinas na kagaya ng ginawa ni Marcela Agoncillo sa Hong- Kong. Kailangan itong dalhin sa kuta ng mga rebolusyonaryo sa bayan ng Santa Barbara, kasama ang isang espada na ipinadadala ni Heneral Emilio Aguinaldo para kay Heneral Martin Delgado. Mapanganib ang daan patungo sa Santa Barbara dahil mahigpit na binabantayan ito ng mga sundalong Espanol. Dahil dito, walang sinoman ang nagboluntaryo na ihatid ang bandila at espada sa Santa Barbara- maliban kay Tia Patron.

Gumawa ng paraan si Tia Patron upang makalusot sa mga sundalong Español. Ibinalot niya ang bandila sa kaniyang katawan sa ilalim ng kaniyang damit. Pinuno niya ng dayami ang kanilang kalesa at itinago ang espada sa ilalim nito, Kasama niyang sumakay sa kalesa ang isang rebolusyonaryong si Honorio Solinap, na nagpanggap bilang kaniyang asawa. Nang lumapit ang kanilang sasakyan sa istasyon ng mga guwardiyang Espanol, biglang sinigaw-sigawan ni Tia Patron ang kaniyang kasama. Pinaulanan din niya ng kurot, kagat, at sapak na para bang galit na galit siya sa kaniyang asawa.
Dahil labis na natawa ang mga sundalong Espanol sa eksenang ito, hinayaan silang makadaan nang hindi tinitingnan ang laman ng kanilang kalesa. Matagumpay nilang naihatid sa Santa Barbara ang bandila ng Pilipinas at ang espada mula kay Heneral Aguinaldo. Labis ang tuwa at pagmamalaki ni Tia Patron habang pinapanood niya ang pagtataas ng bandila ng kanyang bayan.
Nang tumanda na si Tia Patron, inalok siya ng pamahalaang sibil ng pensiyon, subalit tinanggihan niya ito. Ayon sa kanya, “Naglingkod ako dahil sa aking pag-ibig para sa aking bayan. Hindi ako humihingi ng kapalit para sa aking paglilingkod.”