Search Header Logo

3rd Quarter EsP 8 Reviewer

Authored by Clent Talbo

Other

8th Grade

Used 28+ times

3rd Quarter EsP 8 Reviewer
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

10 sec • 1 pt

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.


1.Nalilito si Roel kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo bagama’t nakapasa siya sa pagsusulit para sa iba’t ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang pinakamainam niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso para sa kaniya?

a.Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda

b.Pumili alinman sa mga kurso dahil naipasa naman niya ang pagsusulit

c.Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa pag-iisip

d.pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

10 sec • 1 pt

2.Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan. Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila. Umiwas ka na muna dahil sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong galit sa kaibigan mo.

Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi (temperance)?

a.nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa

b.napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba

c.nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay

d.nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

10 sec • 1 pt

3.Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-relax?

a.paglakad-lakad sa parke

b.paninigarilyo

c.pagbabakasyon

d.panonood ng sine

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

10 sec • 1 pt

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.


4.Ito ay kagyat na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman, naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang pag-iisip.

a.kilos

b.mood

c.emosyon

d.desisyon

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

10 sec • 1 pt

Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa paaralan. Habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng takot. Tinalasan ni Ana ang kaniyang pandinig at binilisan ang kaniyang paglalakad upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?

a. makapag-iingat si Ana

b.mapoprotektahan na ni Ana ang sarili

c.hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada

d.makaiiwas sa mga nakatatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

10 sec • 1 pt

6.Pangarap ni Joey na maging katulad ang kaniyang hinahangaang guro.

Ngunit sinasabi ng kaniyang magulang kung siya ay magiging Accountant ay madali siyang aasenso gaya ng kaniyang pinsan na ngayon ay nasa ibang bansa. Malungkot si Joey sa di pagsang-ayon ng kaniyang magulang sa nais niya. Ngayon na siya ay nasa unang taon sa kolehiyo sa kursong Accountancy nakita niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa kursong ito. Komportable siya sa kaniyang mga ginagawa. Ano ang nakapagpabago sa kalagayan ng kaniyang emosyon?

a.ang kaniyang mood

b.ang naparaming nararamdaman

c.ang mga pagsubok na naranasan

d.ang dikta ng kaniyang isip

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

10 sec • 1 pt

7.Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman

a.ang ating mga opinyon

b.ang ating mga kilos o galaw

c.ang ating ugnayan sa kapwa

d.ang mabilis na pagtibok ng ating puso

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?