Search Header Logo

Denotatibo at Konotatibong Pagpapakahulugan

Authored by angel andal

Other

7th - 10th Grade

Used 15+ times

Denotatibo at Konotatibong Pagpapakahulugan
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

5 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

3 mins • 1 pt

Tinuyo ng nagdadalamhati ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa kanyang asawa.


Hango sa kuwentong "Ang Ama" mula sa Singapore


Ang ibig sabihin ng pahayag na, "Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha" ay...

Kinalma

Sinugpo

Pinigil

Hinadlangan

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

3 mins • 1 pt

Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sinisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.


(halaw mula sa "Kuwento ni Mabuti" isinulat ni Genoveva Edroza Matute)


Ang ibig sabihin ng may salungguhit na pahayag ay...

Nawala ang dugo

Lumabas ang dugo

Tumataas ang dugo

Umapaw ang dugo

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

3 mins • 1 pt

“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.”

Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.

Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.


(Halaw sa kwentong Nang Minsan naligaw si Adrian salaysay ni Romulo N. Peralta)


Ang konotatibong kahulugan ng pahayag na "Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na." ay...

Di na magkakamali ng daanan

Di na magkakamali ng desisyon sa buhay

Di na magkakasalang muli

Di na maliligaw ng lugar na pupuntahan

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

3 mins • 1 pt

“Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka agad sa akin.”


(halaw sa Paalam sa Pagkabata salin ni Nazareno D. Bas

sa “Panamilit sa Kabantanon ni Santiago Pepito”)


Ang konotatibong pakahulugan ng pahayag na, "Di ko gusto ang batang matigas ang ulo!" ay...

Matigas parang bato

Matigas parang bakal

Hindi sumusunod

Matapang

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

3 mins • 1 pt

“Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na lupang

pinagkaitan ng ulan.”


(Mula sa Paalam sa Pagkabata salin ni Nazareno D. Bas sa “Panamilit sa Kabantanon ni Santiago Pepito”)


Ang denotatibong kahulugan ng pahayag na may salungguhit ay...

Walang pakiramdam

Walang pakialam

Tuyo't na tuyot

Bumabaha ng tubig

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?