Ito ay obrang oleo sa kambas ni Felix Resurreccion Hidalgo (Mga Birheng Kristiyanong Inilantad sa
Madla) at ginawaran ng medalyang pilak sa Exposicion General de Bellas Artes ng Madrid noong 1884. May taas itong 45 pulgada at lapad na 62 pulgada. Nakatanghal sa larawang ito ang dalawang dalagang Kristiyanong
halos lastag na hinahamak ng isang pangkat ng kalalakihang Romano.