12STEM-D_Maikling Pagtataya-Katitikan ng Pulong
Quiz
•
Other
•
12th Grade
•
Medium
CARLA BANTILAN
Used 1+ times
FREE Resource
5 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ito ay pagtatala ng mahahalagang detalye o impormasyon sa isang pulong, karaniwang isinusulat ng kalihim.
Katitikan ng Pulong
Memo
Adyenda
Sanaysay
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
10 mins • 1 pt
Tanong: Anong anyo ito ng Katitikan ng Pulong?
KATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG YOUTH AND ENVIRONMENT SOCIETY NG BAYAN NG PEÑAPLATA,ISLAND GARDEN CITY OFF SAMAL NA GINANAP SA SAMAL SENIOR HIGH SCHOOL,BRGY.PEÑAPLATA,IGACOS,NOONG IKA 17 NG SETYEMBRE, 2017
Dumalo
Bb. Odessa San Juan
Pangulo
G. Robin James Cayetano
Pang. Pangulo
Bb. Angeline Gila
Kalihim
Bb. Dainalyn Carungay
Katulong ng Kalihim
Bb. Reygie Conde
Ingat-Yaman
G. Cristian Cunahap
Tagasuri
G. Erecson Luchavez
Tagapagbalita
G. Arvin Demafelis
Tagapamayapa
Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Odessa San Juan,ang Pangulo, sa ganap na 06:00 ng hapon . Pinasimulan ito sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na ipinagkaloob ni G. Cristian Cunahap, ang Tagasuri. Kasunod ng panalangin ay ang pambungad na pananalita ng pangulo. At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagtatanong ni Bb. San Juan sa mga kasapi ukol sa posibleng proyekto na maaaring isagawa sa paaralan. Nagkaroon ng botohan sa pagitan ng dalawang proyekto; (1) Fire Extinguisher para sa mga silid aralan, (2) Basket para sa paaralan at sa kalikasan. Nanguna bilang may pinakamaraming boto ang proyektong “Basket para sa paaralan at sa kalikasan” iminungkahi ni G. Arvi Demafelis. Ayon sa kanya, mahalagang matuto ang bawat mag-aaral na magtapon ng basura sa tamang tapunan at magkaroon ng pagbubukod ng mga basura.
Ang sumunod na pinag-usapan ay ang lugar na paggaganapan ng proyektong napili. Muling nagkaroon ng botohan sa pagitan ng Samal National High School at Samal Senior High School. Naitala na may pinakamaraming boto ang Samal Senior High School na paggaganapan ng iminungkahing proyekto ang dahilan nito ay upang mas maging disiplinado pa ang mga mag-aaral ng Senior High at maging magandang halimbawa sa iba pang mga estudyante at bukod pa rito ay mas maliit lamang ang badge tang magagasta kung ditto gaganapin ang proyekto.
Napagkasunduan rin na ang badget na ilalaan para sa proyektong ito ay nagkakahalagang P7, 000.00, P6, 000.00 para sa mga basket na bibilhin at P3, 000.00 para sa mga garbage plastic bag. Ito ay lilikumin sa pamamagitan ng solicitation, pagbebenta ng recycle materials at pag-aambagan ng mga miyembro ng organisasyon. Ito ay naitakda bilang badget sa loob ng apat na buwan. Ang proyekto ay sisimulan sa loob ng September. Sa unang linggo magsisimula ang paglikom ng badget at sa ikalawang lingo naman magsisimula ang aktwal na pagsasagawa ng proyekto sa paaralan.
Natapos ang pagpupulong sa pangwakas na pananalita ni Bb. San Juan at pangwakas na panalangin ni G. Erecson Luchavez sa ganap na 6:30 ng hapon.
Inihanda ni: Angeline Gila Kalihim Youth and Environment Society
Nagpapatotoo: Robin James M. Cayetano Pang. Pangulo Youth and Environment Society
Katitikan ng Pulong
Ulat ng Katitikan
Salaysay ng Katitikan
Resolusyon ng Katitikan
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
10 mins • 1 pt
Tanong: Anong anyo ito ng Katitikan ng Pulong?
KATITIKAN NG PULONG SA BARANGAY: ISANG HALIMBAWA October 13, 2017 Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Brgy. Ansci, Baler, Aurora
Petsa: July 19, 2017
Lugar ng Pulong: Silid-pulungan
Mga Dumalo Dumalo
1 KGG. Anthony Dominic Sanchez
2 KGG. Mark Vincent Cabana
3 KGG. Elizar Valenzuela
4 KGG. Rendell Solano
5 KGG. Onille Paul Bernardino
6 KGG. Von Andrew Lopez
7 KGG. Zia Czarina Garcia Mga Hindi
1
2
3
4
5 Daloy ng Usapan
Panimula
1. Panalangin
2. Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan
3. FUND RAISING FOR BRGY. NIGHT
4. Iba pa
PANIMULA: KGG. ANTHONY DOMINIC SANCHEZ:
Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17 ng Hulyo, 2017 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent Cabana. Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para narin sa kabatiran ng mga walang hawak na sipi ng katitikan.
KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating nalalapit na Brgy. Night. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon.
KGG. ADS: Sige KGG. Bernardino.
KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun Run upang makalihim ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gusting sumali dito dahil ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito ng pag hihikayat upang tayo ay mag-exercise.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. sari-sari store at ang tubo ng benta ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maari tayong magpa-Zumba. Tiyak na magugustuhan ito ng publiko.Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay. KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run. Maraming maeenganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid at maging sakanilang mga tatakbo.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng syhestyon?
KGG. Valenzuela: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon.
KGG. ADS: Sa apat a suhestyon na inyong ibinigay, tayo po ay magkakaroon ng botohan upang mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin.
KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang Chroma ang nanalo. Ito an ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity.
KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund Raising Activity. Magkano ang gusto ninyong maging registration para dito?
KGG. Solano: Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga pampakulay, aking iminumungkahi na ito ay gawing 250.00php.
KGG. ADS: Maraming Salamat
KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma tulad ng tubig at iba pa, siguro 500.00php ang kakailanganin natin.
KGG. Bernardino. Masyado naman atang mahal pang limang daan. Maaari na sigurong 300.00php.
KGG. ADS: 300.00php na ating gagamiting registration.
KGG. Lopez: Ito po ang mga gagastusin natin para sa Chroma: Colored powder = 50php/kilo = 50php x 30 kilo Tubig = 500php/jug Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler = 3000php Sa kabuuan, kakailanganin natin ng 5000php
KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy. Treasurer ay mayroon pa tayong 15,000.00php na maaari nating gamiting pampasimula ng gawaing ito. Ang target natin na dadalo sa Chroma ay 250 na tao, mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund Raising activity na ito. Itinindig ang kapulungan ganap na ika-12 ng tanghali.
Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.
ZIA CZARINA GARCIA
Kalihim ng barangay
Pinapatunayang totoo:
KGG. ANTHONY DAMINIC SANCHEZ
Punong Barangay Kgg. na taga-pangulo
Katitikan ng Pulong
Ulat ng Katitikan
Salaysay ng Katitikan
Resolusyon ng Katitikan
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
5 mins • 1 pt
Tanong: Anong anyo ito ng Katitikan ng Pulong?
KATITIKAN NG PULONG NG MGA KAGAWAD SA BARANGAY BANGKAL LAPU-LAPU CITY Isinulat ni: Ron Rosen Lawaan
DUMALO: Hon. Mario Inot Augusto
Hon. Franklin Dunggog Cuizon
Hon. Modesto Pino Rowena Sebial
Hon. Manuel Cuizon Crisanta Inot Hon. Eladio Hon. Regino Sec. Tres. DI-NAKADALO: Hon. Joel Cuizon Petsa: Agusto 17, 2017
Ang pagpupulong ay itinayo ni Hon. Mario Inot, ang Barangay Captain sa ganap na ika 4:30 ng hapon, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang panalangin. Kasunod ng panalangin ay ang roll-call at matapos nito ay ipinahayag na mayroong quorum.
AGENDA: Talakayan tungkol sap ag-uugali ng Community Based Disaster Risk Reduction Management training (CBSRMT)
Talakayan tungkol sa pag-unlad ng mga kalsada at mga kanal Paglalagay ng mga CCTV sa bawat poste Pagtatanghal at pag-apruba ng ipinanukalang badyet sa taong 2018.
MGA PANGYAYARI:
Pag sang-ayon -Hon. Manuel Cuizon Deklararasyon ng korum Pagbabasa at pag-angkop ng mga nakaraang minute -Sinang ayunan ni Hon. Regino Cuizon at Hon. Eladio Augusto
Mga katanungan Mr. Felix Mediano – Ipinaliwanag niya mula sa konseho ang tungkol sa kanilang nararating na mga aktibidad tulad ng volleyball at basketball. Pag-apruba ng pinagnukalang badgets para sa Aktibidad ng Red Cross Iskedyul on Sept. 27, 28, at 29 na magaganap sa Brgy. Hall Given Matters: Pag-ayos ng daan patungo sitio. Ticgahon. Mga pundo sa pag unlad, Pagsulosyon sa baha o kalamidad, Pag oorganisa sa mga uniporme, Mga cleaning materials na gagamitin.
Natapos ang pagpopulong sa ganap na ika-6:42 ng hapon.
Katitikan ng Pulong
Ulat ng Katitikan
Salaysay ng Katitikan
Resolusyon ng Katitikan
5.
OPEN ENDED QUESTION
5 mins • 1 pt
Bakit mahalaga ang pagsulat ng Katitikan ng Pulong?
Evaluate responses using AI:
OFF
Similar Resources on Wayground
10 questions
FIL 1 Panahon ng Hapon
Quiz
•
12th Grade - University
10 questions
Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod
Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
Track sa Senior High School
Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
SCPGBSU Review Quiz
Quiz
•
12th Grade
10 questions
Maramihang Pagpipilian
Quiz
•
12th Grade
10 questions
Q2 - FILIPINO QUIZ#2 - HUMANIDADES
Quiz
•
12th Grade
6 questions
Panukalang Proyekto
Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
Katitikan ng Pulong
Quiz
•
12th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
Brand Labels
Quiz
•
5th - 12th Grade
10 questions
Ice Breaker Trivia: Food from Around the World
Quiz
•
3rd - 12th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
20 questions
ELA Advisory Review
Quiz
•
7th Grade
15 questions
Subtracting Integers
Quiz
•
7th Grade
22 questions
Adding Integers
Quiz
•
6th Grade
10 questions
Multiplication and Division Unknowns
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Exploring Digital Citizenship Essentials
Interactive video
•
6th - 10th Grade
Discover more resources for Other
10 questions
Ice Breaker Trivia: Food from Around the World
Quiz
•
3rd - 12th Grade
20 questions
Brand Labels
Quiz
•
5th - 12th Grade
11 questions
NFL Football logos
Quiz
•
KG - Professional Dev...
28 questions
Ser vs estar
Quiz
•
9th - 12th Grade
29 questions
CCG 2.2.3 Area
Quiz
•
9th - 12th Grade
15 questions
PRESENTE CONTINUO
Quiz
•
9th - 12th Grade
13 questions
BizInnovator Startup - Experience and Overview
Quiz
•
9th - 12th Grade
16 questions
AP Biology: Unit 1 Review (CED)
Quiz
•
9th - 12th Grade