5. Tukuyin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
I. Dito nagaganap ang pagsusuri sa mga datos na nailahad mula sa pagkakategorya o mula sa estadistikal na pag- aanalisa.
II. Sa bahaging ito titiyakin ng mananaliksik ang kongklusyon ng pananaliksik.
III. Dito tinitiyak na payak ang paksa. Pinapaunlad ito sa pamamagitan ng pagbabasá at paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pagaaral.
IV. Bubuoin sa bahaging ito ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng kabuoang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri.
V.Nagaganap sa bahaging ito ang aktuwal na pakikipanayam, sarbey, Obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakda ng pamamaraan ng pag-aaral.