Search Header Logo

Araling Panlipunan 5 - Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas (Review)

Authored by ALDINE ROMERO

Geography, History, Social Studies

5th Grade

Used 28+ times

Araling Panlipunan 5  - Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas (Review)
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

1) Ano ang tawag sa pagtatagpo ng latitud at longhitud sa globo?

Tropiko ng Kanser

Kathang isip na linya

grid

prime meridian

Answer explanation

Ang grid ay ang pagtatagpo ng latitud at longhitud sa mapa o globo.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

2) Ito ang espesyal na guhit na batayan ng petsa at oras ng mga

bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Tropiko ng Kanser

International Date Line

grid

prime meridian

Answer explanation

Itinuturing ding espesyal na guhit longhitud ang International

Date Line. Ito ay makikita sa 180° longhitud ngunit hindi ito isang tuwid na guhit. Dito

ibinabatay ang petsa at oras ng mga bansa at iba’t ibang bahagi ng mundo.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

3) Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas batay sa longhitud?

58° kanluran at 112° kanlurang longhitud

258° timog at 127° silangan longhitud

116° kanluran at 172° hilaga longhitud

116° silangan at 127° silangan longhitud

Answer explanation

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng 116° S at 127° S longhitud.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

4) Bukod sa grid, ano pa ang nakatutulong sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng isang lugar?

mga espesyal na kathang-isip na linya sa mapa

mga kagamitan tulad ng ruler

mga instrumento tulad ng kompas

mga mahalagang papel tulad ng mapa

Answer explanation

Bukod sa grid, makatutulong din sa pagkuha ng tiyak na lokasyon ng Pilipinas ang mga espesyal na kathang-isip na guhit sa mapa.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

5) Kung ikaw ay isang kartograpo, paano mo sasabihin sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng grid sa paghahanap ng bansa sa mapa?

Hindi mahalaga ang grid.

Mahalaga ang grid dahil mas mapagaganda nito ang mapa.

Mahalaga ang grid dahil maaari itong magsilbing sulatan kapag gumagamit ka ng mapa.

Mahalaga ang grid dahil nakatutulong ito upang mas tiyak na makita o makuha ang lokasyon ng kahit anong lugar.

Answer explanation

Ang grid ay nakatutulong sa pagtiyak ng lokasyon ng kahit na anong lugar.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

6) Paano nakatutulong ang grid sa mga kapitan ng barko at piloto ng eroplano na gumagamit at bumabasa nito?

Ginagamit nila ang grid sa mapa upang mas maayos na mailatag ang ruta na kanilang dadaanan.

Ginagamit nila ang mga grid sa mapa upang mas maayos na makita ang mga dinadaanan.

Hindi nakatutulong ang grid sa kanila dahil nakalilito ito.

Hindi nakatutulong ang grid sa kanila dahil hindi nila ito kailangan.

Answer explanation

Ginagamit ang grid sa mapa upang malaman ng mga kapitan ng barko at piloto ng eroplano ang tiyak na lokasyon ng kanilang rutang dadaanan at pupuntahan. Sa pamamagitan nito, malalaman nila kung ano ang pinakamabilis at pinakaligtas na ruta.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

7) Bakit mahalagang malaman ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?

upang mas madali natin itong makita kapag hinahanap natin sa mapa

upang malaman din natin kung saan ang hangganan ng ating teritoryo

upang madali natin itong maiguhit sa mapa kung kinakailangan

upang hindi tayo mahirapan sa paghahanap nito sa globo

Answer explanation

Mahalagang alam natin ang tiyak na lokasyon ng ating bansa upang maging pamilyar din tayo kung ano at hanggang saan ang sakop ng ating teritoryo.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Microsoft

Continue with Microsoft

or continue with

Facebook

Facebook

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?