
EKON REVIEWER_2NDQ
Authored by Belinda Pelayo
Social Studies
10th Grade
Used 7+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
15 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
B. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
C. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
2. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?
A. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand ng mga konsyumer
B. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo
C. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo
D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
3. Ang pag-aaral sa maliit na yunit ng ekonomiya o gawaing pangkabuhayan ng bawat mamamayan.
A. Demand
B. Supply
C. Produksyon
D. Maykroekonomiks
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na may demand sa pamilihan?
A. Kapag gusto ng mga konsyumer o mamimili, kahit walang pambili.
B. Kapag gusto at kayang bilhin ng konsyumer o mamimili ang isang produkto.
C. Kapag may pambili, subalit nagdadalawang isip na bumili ang konsyumer.
D. Kapag nangangarap na magkaroon ng mga bagay o serbisyo ang konsyumer.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
5. Inilalarawan ito sa pamamagitan ng talaan kung saan maipapakita ang kayang bilhin o kayang tangkilikin ng isang konsyumer sa iba’t-ibang halaga.
A. Maykroekonomiks
B. Demand Function
C. Demand Curve
D. Demand Schedule
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
6. Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng presyo ng isang produkto na kung saan taliwas o negatibo sa demand para sa isang produkto. Ano ang tawag sa konseptong ito?
A. Normal Goods
B. Complimentary Goods
C. Substitute Goods
D. Surplus Goods
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba na naglalarawan sa mga salik na nakakaepekto sa demand.
7. Nagkaroon ng karagdagang sweldo si Roxanne dahil siya ay masipag na empleyado. Asahan na mas maraming produkto ang kaniyang mabibili.
A. Kita
B. Okasyon
C. Panlasa
D. Populasyon
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?