Kasabay ng nationwide transport strike..
LUCENA CITY , Philippines — Magpapatupad ng pitong araw o isang linggong “Distance Learning Modalities” ang Department of Education (DepEd)-Lucena sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa elementarya hanggang sekondarya sa lungsod dahil sa nationwide tigil-pasada ng mga transport groups.
Sa isang memorandum na inilabas ni G.Hermogenes Panganiban, CESO IV, Schools Division Superintendent, inaatasan nito ang lahat ng mga guro, principal, supervisor at lahat ng may kaugnayan sa mga paaralan na ipatupad ang nasabing learning arrangement mula ngayong Lunes hanggang Biyernes, upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante habang kasagsagan ng tigil-pasada.
Binanggit ni Panganiban na hindi naman magdedeklara ang DepEd ng suspension ng klase sa lungsod at inaabisuhan ang mga guro at mga magulang na imonitor ang nagaganap na distance modular learning upang masiguro na maayos na nakapag-aaral ang mga estudyante.
Habang nagkaroon ng isang linggong nationwide tigil-pasada ng mga transport groups, anong hakbang ang ipinatupad ng Department of Education- Lucena City?