
pansariling salik sa pagpili track EsP 7 4th
Authored by Lovely Vicarme
Other
7th Grade

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
6 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang sumusunod ay mga pansariling salik na makatutulong sa pagpapasiya at pagpili ng track o kurso maliban sa:
Hilig
Mithiin
Pagpapahalaga
Pinansiyal na katayuan
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang malalim na pag-unawa sa iba't ibang papel ng mga pansariling salik sa iyong buhay ay nakatutulong sa pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya. Ano ang kahulugan ng pangungusap?
Mahalaga na tugma ang pansariling salik sa mga pangangailangan (requirements) ng industriya sa pipiliing track o kurso.
Hindi maaasahan sa lahat ng tao na malaman ang kaniyang pansariling salik dahil magkakaiba ang gulang ng lahat.
Ang pagkakaroon ng magandang trabaho sa hinaharap ay mabuti.
Mahalagang malaman ang katayuang pinansiyal ng taong pipili ng track o kurso.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang job mismatch ay ang pagkakaroon ng trabaho na hindi naaayon sa pansariling salik ng indibiduwal. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
Maraming trabaho abroad ang maaaring subukan ng ating mga kababayan na makatutulong sa pag-angat ng kanilang buhay.
Ang paghahanap ng trabaho ay hindi madaling gawin kaya naman mahalaga ang pagbabasa ng dyaryo at panonood ng telebisyon.
May mga taong napupunta sa trabahong malayo sa kanilang kursong pinag- aralan at kakayahan.
Ang pagpapakita ng talento ay isang mahalagang salik na dapat mapaunlad ng lahat ng tao sapagkat nahuhubog nito ang tiwala sa sarili ng nilalang.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Si Claire ay nasa ika-siyam na baitang na sa hayskul. Siya at ang kaniyang mga kamag-aral ay inimbitahan ng kanilang guidance counselor na pumunta sa programa sa kanilang paaralan na magpapaliwanag ng iba't ibang pansanling salik. Gusto sana niyang pumunta subalit ang kaniyang mga kamag-aral ay nagyayayang mag-ensayo na lamang ng sayaw. Ano ang dapat gawin ni Claire at ng kaniyang mga kamag-aral?
Mag-ensayo ng sayaw kasama ang mga kamag-aral ngunit humingi ng handout at makibalita sa mga kamag-aral na pupunta ng programang inihanda ng guidance counselor.
Dapat niyang pagsabihan at yayain ang kaniyang mga kamag-aral na pumunta sa programa upang lubusan nilang mapaghandaan ang pagpili ng track o kurso pagdating ng tamang panahon.
Maaari siyang pumunta sa programa ng guidance counselor subalit hindi ito tatapusin upang makapag-ensayo rin ng sayaw.
Pumunta na lamang sa pag-eensayo ng sayaw dahil ang programang inihanda ng kanilang guidance counselor ay hindi naman makaaapekto sa marka.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Naniniwala si Ariel na hindi masamang sumubok ngunit mahalagang maunawaan na kalakip ng bawat pagkakataon ay umaandar ang oras at panahon. Ano ang dapat isipin ni Ariel?
Hindi masamang subukan ang ibat ibang track o kurso dahil lahat tayo ay may kalayaan.
Ang pagsubok ng iba't ibang kurso ay nagpapalawak ng kaalaman kaya ito ay nararapat lamang gawin.
Magandang malaman ang pipiliing track o kurso ng mga kaibigan upang hindi na mahirapan sa pakikisalamuha sa Senior High School.
Ang pagpaplano ay mahalaga sapagkat maaaring masayang ang oras kung hindi tugma ang pansariling salik sa pipiliing track o kurso.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
45 sec • 1 pt
Kasama sa track o kurso ng Senior High School ang pagnenegosyo. Ang pahayag ay
Mali, ang pagnenegosyo ay hindi track kundi strand lamang sa ilalim ng Technical-Vocational sa Senior High School.
Mali, hindi nabanggit ang pagnenegosyo sa pagpipiliang track sa Senior High School ngunit dapat pa rin itong pag-aralan at maging trabaho sa hinaharap
Tama, sapagkat ang pagnenegosyo ay maaari rin maging trabaho sa hinaharap.
Tama, ang pagnenegosyo ay isa sa mga pagpipiliang track sa Senior High School.
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?