Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Quiz
•
Social Studies
•
7th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
jean palmes
Used 2+ times
FREE Resource
Enhance your content in a minute
25 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ano ang angkop na paglalarawan sa sistemang caste?
Ito ay ang pagkakapangkat-pangkat sa iba’t ibang antas ng mga tao sa lipunang Hindu.
Ito ay ang sistema ng pagtatalaga sa mga pinakamakapangyarihan bilang pinuno ng lipunang Hindu.
Ito ay ang sistema ng pantay na pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunang Hindu.
Ito ay ang sistemang panlipunan kung saan inihihiwalay ang mga tao sa lipunang Hindu kung sila ay kabilang sa mababang antas.
Answer explanation
Ang sistemang caste na pinaniniwalaang pinasimulan ng mga Aryan ay tumutukoy sa pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunang Hindu sa iba’t ibang antas. Bawat antas ay may nakatakdang kwalipikasyon, tungkulin, at karapatan.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng layunin ng sistemang caste sa ilalim ng Hinduismo?
Lumaganap ang diskriminasyon sa lipunang Hindu.
Nagkaroon ng pagpapangkat sa mga tao upang magkaroon ng kaayusan sa lipunang Hindu.
Nagkaroon ng malaking agwat at hindi pagkakaunawaan ang mga tao sa lipunan.
Napanatili sa kapangyarihan ang lahat ng pinakamalalakas sa lipunan.
Answer explanation
Ang layunin ng sistemang caste ay upang maisaayos ang lipunang Hindu sa pamamagitan ng paglilimita sa mga tao na kumilos nang naaayon sa antas na kaniyang kinabibilangan. Sa bawat antas sa sistema ay may kani-kaniyang tungkulin na nararapat sundin ang kasapi ng lipunan upang mapanatili ang organisasyon at kaayusan.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Paano binibigyang pagpapakahulugan ang relihiyon sa Asya?
sistema ng pagtatatag ng organisadong paniniwala upang pamunuan ang iba pang kasapi ng lipunan
sistema ng pagsasama-sama ng paniniwala mula sa iba’t ibang kasapi ng lipunan
sistema ng pagsunod sa kung ano ang pinaniniwalaan ng iba
sistema ng paniniwala at paggalang sa higit na makapangyarihang puwersa sa kalikasan
Answer explanation
Batay sa mga gawain at pagpapahalagang iginagawad ng mga Asyano sa relihiyon, ito ay maaaring maunawaan bilang organisadong sistema ng paniniwala at paggalang ng mga tao sa higit na makapangyarihang puwersa na gumagabay sa mga pang araw-araw na gawain sa lipunan.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Maituturing bang mali ang pag-uugnay ng ilang pangkat sa relihiyon sa mga usaping pulitikal at panlipunan? Bakit?
Hindi, sapagkat ang relihiyon ay itinakdang magkaroon ng maliit na sakop sa lipunan.
Oo, sapagkat hindi naman gampanin ng relihiyong maglahad ng opinyon hinggil sa mga isyung pulitikal at panlipunan ng bansa.
Hindi, sapagkat mula noon hanggang ngayon ay ibinabatay ng mga Asyano ang kanilang mga desisyon at gawain sa relihiyong kanilang sinusundan.
Oo, sapagkat ang relihiyon ay hindi naman dapat inihahalo sa iba pang aspekto ng pamumuhay.
Answer explanation
Hindi, sapagkat ang relihiyon ay itinakda na magkaroon ng malawak na sakop sa lipunan at ito ang batayan ng desisyon at gawain ng mga Asyano.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ano ang neokolonyalismo?
Ito ay ang makabagong paraan ng pananakop kung saan ang mga bansang Asyano ay sinakop ang mga bansang Kanluranin.
Ito ay ang pagpapalawak ng kontrol ng mga mauunlad na bansa sa mga papaunlad pa lamang gamit ang aspektong pulitikal, pang-ekonomiya, at kultural.
Ito ay ang makabagong paraan ng pananakop kung saan kusang-loob na nagpapasakop ang mga papaunlad pa lamang na bansa sa mga mauunlad na.
Ito ay ang patuloy na pananakop ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano sa pamamagitan ng paggamit ng karahasan.
Answer explanation
Ang neokolonyalismo ay makabagong mukha ng nagpapatuloy na pananakop ng mga bansang mauunlad sa mga bansang papaunlad pa lamang sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga usaping pulitikal, pang-ekonomiya, at kultural sa nasabing mga bansa.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga mauunlad na bansang higit na nagpalawak ng impluwensiya sa Asya?
Pransya
Britanya
India
Estados Unidos
Answer explanation
Bagama’t pinakamalaking bansa ang India sa Timog Asya, ito ay muli lamang napasailalim sa kontrol ng mga mauunlad na bansang Kanluranin sa pamamagitan ng neokolonyalismo.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa mga sumusunod ang higit na makatutulong sa pagwawaksi ng neokolonyalismo sa bansa?
pag-ayon lamang sa mga polisiya ng kalapit na bansa
paglilimita sa impluwensiyang dayuhan na tinatanggap
paglilimita sa paggamit ng media
pagtangkilik sa sariling atin
Answer explanation
Ang neokolonyalismo ay patuloy na nagaganap sapagkat ang mga umuunlad pa lamang na bansa ay patuloy na bukas sa mga kaisipan at polisiya ng mga mauunlad na bansa na wala man lamang pagsasaalang-alang sa pangangailangan at kalagayan ng mga mamamayan. Upang mapigilan ang malawakang impluwensiya ng neokolonyalismo, mahalagang ang mga mamamayan, gayundin ang mga namumuno sa bansa, ay tangkilikin at bigyang pagpapahalaga lagi ang mga bagay na sumasalamin sa tunay na pagkakakilanlan ng bansa.
Create a free account and access millions of resources
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
By signing up, you agree to our Terms of Service & Privacy Policy
Already have an account?
Similar Resources on Wayground
20 questions
Kolonyalismo at Imperyalismo
Quiz
•
7th - 8th Grade
20 questions
Quiz no. 1 for Module 1 & 2. Quarter 3. AP7
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Kostyšák
Quiz
•
3rd - 10th Grade
20 questions
YAMANG TAO SA ASYA PANIMULANG PAGSUSULIT(EASE)
Quiz
•
7th Grade
25 questions
2nd Quarter-AP#1
Quiz
•
7th Grade
25 questions
AP7-Act 1-Aralin 1-Konsepto ng Heograpiya ng Asya
Quiz
•
7th Grade
25 questions
Pangwakas na Pagsusulit AP 7- MATATAG-Q2
Quiz
•
7th Grade
25 questions
Q3_AP GRADE 7_QUIZ 4
Quiz
•
7th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Honoring the Significance of Veterans Day
Interactive video
•
6th - 10th Grade
9 questions
FOREST Community of Caring
Lesson
•
1st - 5th Grade
10 questions
Exploring Veterans Day: Facts and Celebrations for Kids
Interactive video
•
6th - 10th Grade
19 questions
Veterans Day
Quiz
•
5th Grade
14 questions
General Technology Use Quiz
Quiz
•
8th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Circuits, Light Energy, and Forces
Quiz
•
5th Grade
19 questions
Thanksgiving Trivia
Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for Social Studies
9 questions
Thanksgiving
Lesson
•
5th - 8th Grade
5 questions
CH3 LT#5
Quiz
•
7th Grade
27 questions
Unit 2 Pre-test
Quiz
•
7th Grade
22 questions
FAC-World Religions Overview 2025-26
Quiz
•
7th Grade
15 questions
SS.7.CG.3.7
Quiz
•
7th Grade
7 questions
The Dust Bowl
Interactive video
•
6th - 8th Grade
40 questions
Review Road to and Texas Revolution
Quiz
•
7th Grade
10 questions
Exploring the Age of Exploration: Key Events and Figures
Interactive video
•
6th - 10th Grade
