BASAHIN MABUTI ANG SIPI (excerpt) mula sa kwento:
Gusto niyang tumulong sa kaniyang kuya. Pero gusto rin niyang mag-aral.
4 Kaya gumigising siya nang maaga kahit ganitong mas masarap matulog.
Kaya nagtitiis siyang lumakad nang ilang kilometro, nag-iisa, araw-araw
papasok sa paaralan at pauwi sa kanilang bahay. Madulas pa ang landas
ngayon dahil umulan kagabi. Hirap na hirap sa paglakad si Fuwan. Puro putik
ang kaniyang botang goma pagdating sa paaralan.
SURIIN: BATAY SA SIPI (excerpt) na binasa, anong katangian ang mayroon si Fuwan? Ipaliwanag ang sagot.
UNAWAIN: Sa iyong palagay, bakit nais tumulong at mag-aral ni Fuwan? (Why does he want to help in the field and study as well?)
REPLEKSYON: Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Fuwan, anong katangian ang dapat mong
taglayin para magtagumpay sa buhay? Bakit mo ito nasabi? (2 marka)
IDEYA: Ano ang mahalagang aral na natutunan mo sa kwento ni Fuwan sa bahagi
ng kuwentong ito? Paano mo ito isasabuhay?