Search Header Logo

filipino l2

Authored by ARNEL PAPAYA

Education

University

Used 1+ times

filipino l2
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

41 questions

Show all answers

1.

FILL IN THE BLANK QUESTION

15 mins • 1 pt

Ang wika ay pangunahin at pinakadetalyadong anyo ng simbolong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tubog na nalilikha ng mga aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at simestrikal na istruktura.

2.

FILL IN THE BLANK QUESTION

15 mins • 1 pt

Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang pampanitikan. Malikhain ang tunguhin nito kung kaya karaniwan ng mapapansin ito sa mga gawang masining o estetiko. Sa pasulat o pasalita man, nagagamit ito sa mga tula, awit, kuwento at iba pang nangangailangan ng talinghaga.

3.

FILL IN THE BLANK QUESTION

15 mins • 1 pt

Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito pinananatili ang mga relasyong panlipunan. Sa mga magkakamag-anak, nariyan ang mga paanyaya at pasasalamat. Sa mga pangkat panlipunan, nariyan ang mga salitang pangkabataan, wika ng mga bakla, at mga propesyunal na jargon.

4.

FILL IN THE BLANK QUESTION

15 mins • 1 pt

Tulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangan maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos, at impormasyong hatid ng mundo. Dahil dito, mas higit na pormal ang gamit na ito ng wika lalo pa at gamit ito sa pagtuturo, mga talumpati, pakitang-kuro, pagbabalita o sa simpleng pag-uulat.

5.

FILL IN THE BLANK QUESTION

15 mins • 1 pt

Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibiduwal ang kanyang nais gawin. Pasalita man o pasulat, magagamit ang wika upang mautos, makiusap, humingi, magmungkahi, at magpahayag ng sariling kagustuhan.

6.

FILL IN THE BLANK QUESTION

15 mins • 1 pt

Madalas na ginagamit ito ng mga taong may nasasakupan o mga taong may taglay na kapangyarihang magpakilos ng kanyang katawan. Kontrolado ng gumagamit ng wika ang sitwasyon kung kaya niyang pakilusin ang sinuman matapos niyang magamit ng ganap ang wika. Sa pasalita, kapansin-pansin ito sa mga talumpati o debateng ang layunin ay maghimok tulad sa isang halalan. Sa pasulat, mapapansin ito sa mga memorandum, patakaran, resolusyon at iba pa.

7.

FILL IN THE BLANK QUESTION

15 mins • 1 pt

Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademik at/o propesyunal. Upang kanyang mabatid, kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento, magtanong at sumagot, magbigay-kahulugan, makipagtalo at pumuna.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?