Isang araw, sina Ben at Ana ay naglakad patungo sa ilog malapit sa kanilang baryo. Namangha sila sa ganda ng kalikasan—malinaw ang tubig at sariwa ang hangin. Ngunit habang naglalakad sila, napansin nilang maraming basura ang nakakalat sa paligid ng ilog. Nalungkot sila sa kanilang nakita.
“Dapat nating linisin ito,” sabi ni Ben.
“Oo, tama ka,” tugon ni Ana. “Kailangan nating alagaan ang ating kalikasan.”
Kinabukasan, nagdala sila ng mga supot at gloves at nagsimulang maglinis ng paligid ng ilog. Inipon nila ang mga plastik, bote, at iba pang kalat na naiwan ng mga tao. Tinulungan din sila ng iba pang mga bata sa baryo, at naging masaya ang kanilang paglilinis dahil nagtutulungan silang lahat.
Pagkalipas ng ilang oras, malinis na ulit ang ilog at ang kapaligiran. “Ang ganda na ulit ng lugar na ito!”, sabi ni Ana.
“Kapag nagmalasakit tayo sa kalikasan, ibabalik din nito sa atin ang kagandahan,” dagdag ni Ben.
Mula noon, nagtakda sila ng lingguhang paglilinis sa kanilang baryo upang masigurong mananatiling malinis at maayos ang kalikasan.
Base sa kuwento, aling pangyayari ang nagpapahayag ng suliranin?