
IKATLONG PAGSUSULIT SA IKALAWANG MARKAHAN FILIPINO 10
Authored by Camil Ortiz
History
10th Grade
Used 1+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
15 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
1. Bakit mahalagang maging bukas ang isipan pagdating sa pag-aaral tungkol sa isang bagong kultura?
A) Upang mapatunayan na mas mahusay ang sariling kultura
B) Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at magkaroon ng mas magandang karanasan
C) Upang magaya ang mga kultura ng ibang bansa
D) Upang pagtawanan ang kultura
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
2. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kulturang Espanyol at Pilipino?
A) Paghahambing ng wika
B) Paghahambing ng mga pagkain
C) Paghahambing ng tradisyon at kaugalian
D) Paghahambing ng sikat na landmark
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
3. Base sa akda, masasabi nating malaki ang naibigay na impluwensiya ng bansang Espanya sa Pilipinas buhat ng kanilang tatlong daan at tatlumpu't tatlong taong pananakop. Sa mga sumusunod na impluwensiya ng mga mananakop na Espanyol, alin sa mga ito ang may pinakamalalim na epekto sa mga nasakop na Pilipino?
A) Relihiyon o Pananampalataya
B) Wika
C) Kasuotan
D) Pagkain
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
4. Sa paglalakbay ni Rebecca sa Espanya, napansin niyang ang wikang Ingles ay nauunawaan ng ilan subalit ang pagsasalita nito ay hindi gaanong laganap. Sa iyong palagay,, bakit mas maalam ang mga Pilipino sa wikang Ingles kaysa sa wikang Kastila gayong mas matagal ang pananakop ng mga Kastila?
A) Dahil ayaw ng mga Kastila na ituro sa mga Pilipino ang kanilang wika sapagkat ayaw nilang maintindihan ng mga Pilipino ang kanilang mga sinasabi noon tulad na lamang ng pang-aalipusta at pang-aalipin.
B) Dahil ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa kanilang pananakop ay ang pagpapalaganap ng kristiyanismo (God), pagkuha ng likas na yaman (Gold), at makamit ng Espanya ang titulo ng may pinakamalakas na bansa sa buong mundo (Glory) at hindi ang pagpapalaganap ng wikang Kastila sa Pilipinas.
C) Dahil ang pangunahing layunin ng mga Amerikano sa kanilang pananakop ay ang pagtatayo ng mga base militar, pagpapasigla ng kalakalan, at pagpapaunlad ng edukasyon, at ang Ingles ang itinuturing na unibersal o pangmalawakang wika.
D) Lahat ng nabanggit
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
5. Ano ang mensahe na ipinapahiwatig ng akda tungkol sa pag-unawa sa kultura ng isang dayuhang bansa?
A) Ang pag-unawa sa kultura ng iba ay maaaring maging dulot sa pagkawalang bahala natin sa ating sariling pagkakakilanlan.
B) Ang pag-unawa sa kultura ng iba ay para malaman natin ang pagkakaiba ng kultura nila sa kultura natin.
C) Ang pag-unawa sa kultura ng iba ay nagbibigay ng daan sa paglawak ng ating isipan at mas lalalim ang pagpapahalaga natin sa ating sariling kultura.
D) Ang pag-unawa sa kultura ng iba ay mas nararapat nating gawin at tangkilikin.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
6. Bakit mahalagang obserbahan ang bansang kinatatayuan kahit hindi mo ito sariling bansa?
A) Upang makilala pa ang bansa higit sa nakikita sa mga larawan at internet.
B) Upang mas bigyang halaga ang sariling kultura at tradisyon.
C) Upang bigyan ng pagpapahalaga ang sariling pagkakakilanlan nito.
D) Upang makita na ang sariling bansa ay hindi progresibo.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
7. Ano ang posibleng nagbago sa kanyang pananaw, lalo na sa pagkakaiba ng kultura sa Espanya sa kultura ng kanyang pinanggalingan habang siya'y nagbabakasyon dito?
A) Mas naging bukas ang kanyang isipan batay sa pagkakaiba at pagkakaparehas ng kultura sa Espanya at sa Pilipinas. Natutunan niya rin kung paano pahalagahan ang kultura ng iba.
B) Hindi niya binigyang pansin ang kultura ng Espanya at nanatili siyang nakatuon sa kanyang sariling kultura.
C) Naging malalim ang kanyang pag-unawa sa Espanya at ang pagkakaiba ng kultura nila sa kultura ng kanyang bansa. Ngunit, mas binigyang pansin niya pa rin ang Espanya.
D) Ang pananaw niya'y hindi nagbago dahil mas pinili niyang hindi unawain ang pagkakaiba ng Espanya at Pilipinas.
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Microsoft
or continue with
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?