
Mga Katutubong Sayaw
Authored by Earl Hilario
World Languages
7th Grade
Used 4+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
7 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ito ay isang katutubong sayaw na nagmula sa Leyte. Tumutukoy ito sa isang linggong pag-aayos ng lupa para sa pagtatanim ng bukid at iba pang gawain sa bukid, kasama na rito ang pagpapatayo ng bahay.
TIKLOS
BANGA
PANDANGGO SA ILAW
TINIKLING
SINGKIL
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Tanyag ito sa kahilagaang bahagi ng bansa. Ito ay sayaw na nagpapakita ng pagdadala ng kababaihan ng mga patong-patong na banga na simbolo ng lakas ng kanilang pangangatawan. Umiigib sila ng tubig na ang sisidlan ay gawa sa luad.
TIKLOS
BANGA
PANDANGGO SA ILAW
TINIKLING
SINGKIL
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sinasabing nagmula ito sa Mindoro. Pinakamahirap na sayaw ang ganitong uri. Makulay ito at hindi pangkaraniwan dahil ang babaeng mananayaw ay may tatlong lampara o tinghoy: isa sa ulo at dalawa sa likod ng bawat kamay. Ang partikular na pandanggong ito ay nangangailangan ng kasanayan sa pagbabalanse. Nailalarawan din ito sa pamamagitan ng masisiglang mga hakbang at palakpakan. Ang mananayaw na babae ay tinatawag na pandanggera.
TIKLOS
BANGA
PANDANGGO SA ILAW
TINIKLING
SINGKIL
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sa mga sanga o bitag-ugat ang sayaw na ito sa Leyte. Hango ang pangalang _____ sa tikling, isang uri ng ibon na may mahahabang paa at leeg, matulis ang tuka, at malalambot ang balahibo. Ang sayaw ay tulad sa galaw ng ibon, kung saan sila ay lumulusong sa gitna ng mga damo at tumatakbo-takbo o lumulundag-lundag sa mga bitag sa palayan. Tinutularan ng mga mananayaw ng _____ ang tikling sa yumi at bilis nito sa pamamagitan ng mahuhusay na pagdaan sa dalawang mahabang piraso ng kawayan. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura.
TIKLOS
BANGA
PANDANGGO SA ILAW
TINIKLING
SINGKIL
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ito ay sikat na sayaw mula sa pangkat ng mga Maranao na ginaganap sa mga pagdiriwang, kasiyahan, at iba pang kapistahan. Babaeng mananayaw ang sentro ng sayaw na ito. Ito ay isang maharlikang sayaw ng Muslim o maharlika. Nakabihis ng eleganteng damit ang mananayaw, sukat na sukat ang mga hakbang upang hindi maipit sa kawayan. Nagsisimula ang sayaw sa mabagal na tempo at pabilis na nang pabilis ang indak habang may hawak na panyo o pamaypay. Kulintang at agung ang mga instrumentong ginagamit sa sayaw na _____.
TIKLOS
BANGA
PANDANGGO SA ILAW
TINIKLING
SINGKIL
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan ay tinatawag na tagpo sa _____.
DULA
CAÑAO
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ay isang pagdiriwang o kapistahan. Nasasaklaw nito ang lahat ng uri ng pagdarakila, pagbibigay-papuri, pasasalamat, paghiling, pagsilang sa bagong buhay, at pag-aalay sa kinikilalang diyos ng kanilang tribo. Ang mga tradisyonal na Igorot sa lalawigan ng Benguet sa Cordillera ay nagsasagawa ng _____ para sa masaganang ani. Isa sa mga gawain nila rito ang pag-aalay ng hayop bilang pasasalamat. Ito ay tinatawag na iya-ey. Isinasagawa rin ito sa araw ng pag-iisang dibdib, pagdadalamhati sa sumakabilang-buhay na kaanak, at para sa matiwasay na paglalakbay.
DULA
CAÑAO
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?