Basahin ang teksto. Pagkatapos, ibigay ang hinihinging tala mula sa binasa.
Ang Masustansiyang Kalabasa
ni: Suzette P. Calsa
Ang kalabasa ay isang uri ng gulay na kilalang-kilala sa ating bansa. Para sa ating mga Pilipino, ang kalabasa ay hitik na hitik sa bitamina at sustansiya. Kadalasan sinasahog ito sa ulam tulad ng pinakbet, ginataang gulay, monggong gisado at iba pa. Maaari tayong gumawa ng keyk, sopas at juice gamit ang kalabasa. Palaging sinasabi ng ating mga magulang na kumain ng kalabasa dahil nagpapalinaw ito ng ating mga mata. Mayaman kasi ito sa bitamina A. Ang bitamina A ay tumutulong sa kalusugan ng mata at balat. Nagtataglay rin ito ng bitamina C at bitamina E.
1. Gulay na kilala sa bansa?