Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng buhay at lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. May mga pagkakataon na ang isang mag-aaral ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral sa ibang lugar o bansa sa pamamagitan ng scholarship programs. Dito ay higit na nalilinang ang mga angking talento ng isang mag-aaral sapagkat naibibigay ang tama at dekalidad na edukasyon sa kanya.
Ano ang ipinakikitang dahilan ng migrasyon sa talata?